Share

CHAPTER SIX

“OH, MY God!” tili ni Jane at wala sa oras na napayakap nang mahigpit kay Matt nang eksaktong mapagbuksan siya nito ng pintuan ng condo. Holiday iyon kaya’t pareho silang walang pasok sa kanya-kanyang trabaho.

“Hey, mukhang masaya ka yata.” Natatawang gumanti ito ng yakap sa kanya.

“Thank you, best. You just don’t know how happy I am right now.” Kumalas siya at nakangiting tinitigan ito.

“Why? Is there anything we need to celebrate?”

“A lot, best! A lot!” bulalas niyang namimilog ang mga mata sa sobrang tuwa. “Pinasaya mo ako sa pagbibigay mo ng cell phone number ko kay Jester!” palatak niya.

“Iyon lang pala. Wala `yon. Ginawa ko lang `yon dahil alam ko namang `yon ang gusto mo.” Waring nawalan ito ng gana subalit hindi niya pinansin. Sadyang napakasaya lang niya para punahin pa ito at tanungin.

“Dahil doon, ililibre kita. Treat ko kahit saan mo gustong kumain at magpunta,” saad niyang hinila si Matt palabas.

“Teka! Teka! Magbibihis muna ako,” anito nang bahagya na silang makalabas ng pinto.

Napahinto siya at lumingon sa kaibigang binata. Dahan-dahang bumaba ang paningin niya sa mala-Adonis nitong katawan na natatabunan lamang ng white boxer shirt at black boxer shorts. Hindi niya napansin ang suot nito kanina dahil na rin sa sobrang excitement niya.

“Oh, goddamn!” bulalas niyang wala sa sariling napasinghap. Nanlalaki ang mga matang binitiwan niya ito at awtomatikong napatutop sa sariling bibig nang humimlay ang paningin niya sa “kaumbukan” nito. There she was, standing in front of a man carrying that “big blast package” covered beneath his boxer shorts.

Sunod-sunod ang ginawa niyang paglunok habang titig na titig pa rin “doon.”

“Sight-seeing, huh! Sabagay, free of charge naman `yan,” nakakalokong pahayag nito na napahalukipkip.

Pabigla siyang tumalikod. “M-magbihis ka na. Napaka-unethical mo. Dapat nagpalit ka muna ng damit o `di kaya’y nagpantalon bago man lang humarap sa bisita mo!” namumula ang pisnging sermon niya.

Matt chuckled. “Gagawin ko sana `yon. Kaso kung makapag-doorbell ka naman, parang wala nang bukas. So I managed to open the door. Akala ko kasi, importante ang sadya mo, `yon pala’y nonsense.”

“Oo na. Tama na ang diskusiyon. Magbihis ka na r’on. Hihintayin na lang kita sa sala.”

“Hindi mo ba ako pagmamasdang magpalit ng damit?” May himig ng kapilyuhan ang tinig nito.

Mas lalo siyang nagkulay-kamatis sa sinabi nito. “Kung sapakin kaya kita, Matthew! Ayoko ng mga ganyang biro.”

Napahagalpak ito ng tawa. “You may change your physical attributes but you can never change your innocent behaviour, Mary Jane,” wika nito sa papalayong tinig. Mayamaya pa’y sumigaw ito. “Maupo ka na sa sala! Hindi mo na makikita ang katawan kong pinagpapantasyahan mo!” Saka ito napahalakhak.

Siya nama’y napapikit at napabuga ng hangin nang marinig ang sigaw nitong iyon buhat sa kuwarto. Dali-dali siyang pumasok sa loob at hindi mapakaling umupo sa sofa ng sala ng binata.

____________

“HE CALLED me up yesterday evening. Medyo napahaba ang usapan namin. He told me lots of things about his life, and I did, as well. Grabe talaga, best, I never thought na nakakaaliw pala siyang kausap. I’d never seen nor encountered that kind of Jester before. Sabagay, hindi pa kasi niya ako napapansin dati—” Napatigil sa pagkukuwento si Jane nang mapansing tila hindi nakikinig si Matt. Panay lang ang subo nito ng kanin at pagpapak ng roasted chicken habang nasa isang food spot sila ng kinaroroonang mall. “Hey! Nakikinig ka ba, Matthew?” kunot-noo niyang tanong.

“Oo, nakikinig ako. Sige, `kuwento ka lang,” tugon nito sa pagitan ng pagnguya.

Sumimangot siya. “Nakakawalang ganang magkuwento kung wala namang reaksyon ang kausap mo. Ni ‘ha,’ ni ‘ho’ ay wala akong narinig buhat sa `yo.”

Huminto ito sa pagsubo at lumagok ng iced tea. “Pasensiya na, Jane. Nagugutom kasi ako kaya’t hindi ako makasabay sa pagkukuwento mo. But don’t worry, I’m listening,” parang wala lang na saad nito, saka ipinagpatuloy ang pagsubo.

Hindi na lamang siya umimik. Nawalan na siya ng gana sa pagkukuwento kaya’t tumutok na lang din siya sa kinakain.

“Matthew? Oh, my gosh! It’s you! It’s really you!” narinig nila ang maarteng bulalas ng isang babae.

Awtomatiko silang napatunghay sa taong may-ari ng maarteng boses na iyon. Bahagya siyang napakunot-noo. The sophisticated woman standing beside their table looked familiar. Hindi nga lang niya matandaan kung saan niya ito nakita.

“Laarni?” paninigurong tanong ni Matt.

Sosyal na tumawa ang babae. “Yes, dear. This is me, at wala nang iba.”

Biglang inilapag ng binata ang hawak na kutsara at kubyertos. Tumayo ito at nakalimutan ang kinakain. “Sit. Have a sit, Arnz.” Hindi magkandatutong inayos nito ang upuan para sa babae.

“No, thanks,” tanggi ng huli. “Papaalis na rin kasi ako, Matthew. I have an appointment with Terval Advertising Agency kung saan ako nagmomodelo. Alam mo na, kahit holiday ay talagang in-demand ang beauty ko,” proud at full of confidence nitong wika na abot hanggang tainga ang ngiti kay Matt. Nawala lang iyon nang bumaling sa kanya. Tumaas ang isang kilay nito nang magtama ang mga mata nila.

'Ano kaya ang problema nito? Bakit parang galit `to sa akin?' piping tanong ng isip niya habang sinasalubong ang titig nitong mapang-uyam.

“By the way, Arnz. This is Jane, my best friend, remember her? Jane, si Laarni,” mayamaya’y pagpapakilala ni Matt. Napansin marahil nito ang hindi kaaya-ayang titig sa kanya ng babae.

“Hi,” malamig niyang bati. Kung hindi siya nito gusto ay mas lalo naman siya. Ayaw niya sa mga antipatika na katulad nito.

Hindi tumugon si Laarni. Mas lalo lang siya nitong tinaasan ng kilay, saka parang wala lang na nakangiti nang bumaling kay Matt. May kinuha ito sa golden pouch na dala at iniabot sa binata ang munting papel. “Matthew, baby, here’s my calling card. Tawagan mo ako at nang makapag-usap tayo,” makahulugan nitong wika na pinapungay pa ang mga mata.

“Sure, Arnz.” Todo-ngiti si Matt. Bahagya siya nitong sinulyapan na kasalukuyan nang nakakunot-noo habang nakatitig sa mga ito.

Mas lalong naningkit ang mga mata niya nang biglang halikan ng babae ang kanyang kaibigan. Isa iyong mariing halik sa mga labi na agad namang tinugon ni Matt. Hindi iyon ang unang pagkakataong nakita niya ang ganoong eksena sa pagitan ng binata at ng mga babae nito. Subalit ngayon lamang siya nainis. Naisip na lamang niyang marahil ay dahil sa harap-harapang pagpapakita ng disgusto sa kanya ni Laarni at sa komosyong namamagitan sa kanila kaya’t hindi niya ito gusto para sa kaibigan niya.

Mayamaya pa’y umalis na ang babae. At bago ito lumisan ay muli siya nitong tinaasan ng kilay.

Umupo si Matt sa silyang kaharap niya. “Hey, hindi mo ba siya nakilala?” narinig niyang tanong nito.

“Hindi. At wala akong balak na kilalanin siya,” matabang niyang tugon.

May naglarong imbing ngiti sa mga labi ng binata. “Laarni was my blockmate in college. Siya `yong girlfriend ko noon na ipinakilala ko sa `yo,” anito.

Napakunot-noo siya para alalahanin sa isip kung sino ba talaga si Laarni. Marami na kasing naipakilala sa kanya ang binata kaya’t nahihirapan na siyang mapagsino ang mga naging babae nito. Mayamaya pa’y naalala na niya. Si Laarni ang official girlfriend noon ni Matt. Isa itong campus queen sa Saint Bernard University kung saan nag-aral ang dalawa. Ipinakilala ito ni Matt sa kanya subalit isang beses lang niya itong nakita at hindi na nasundan pa.

“Gaya pa rin nang dati ang treatment ninyo. Mukhang hindi niyo gusto ang isa’t isa,” natatawang dugtong ng binata.

“Antipatika kasi siya.” Hindi niya naitago ang inis sa boses.

“Hindi naman, ah. Masyado nga siyang accommodating at approachable,” pagtatanggol nito.

Umasim ang mukha niya. “Sa `yo ay accommodating siya dahil isa `yon sa mga patay na patay sa `yo,” matabang niyang wika at ipinagpatuloy na ang pagkain.

Marahang tumawa si Matt. Itinukod nito ang braso sa mesa at tinitigan siya. “What do you think, Jane, puwede na siguro siya para seryosohin, `di ba?”

Wala sa oras na nabilaukan siya sa narinig buhat dito kaya naman mabilis niyang kinuha ang baso ng pineapple juice at deretsong tinungga iyon.

“Ano sa tingin mo, Jane?” ulit nitong tanong nang matapos na siyang uminom.

“Ewan ko sa `yo,” aniyang halos umusok ang ilong sa inis, saka tumutok na naman siya sa kinakain.

“Napag-isip-isip ko lang na panahon na sigurong may seryosuhin ako. I’m not getting any younger. I’m turning twenty-eight by the end of the year. Maybe it’s time for me to look for a wife-material. At si Laarni, puwede naman siya sa tingin ko. Maganda siya, sexy, at may trabaho kaya’t pasado siya sa panlasa ko,” litanya nito at humalukipkip na sumandal sa upuan.

Hindi siya kumibo. Nanatiling nakatungo lang siya at halos nilalaro na lamang ang spaghetti na kinakain. May isang bahagi ng pagkatao niya na gustong magprotesta sa sinabi nito. Hindi dahil sa ayaw niya kay Laarni, kundi dahil animo’y lihim na kumukontra ang tuliro at ligaw niyang puso’t damdamin.

“Jane?”

“B-bahala ka. Buhay mo `yan. Wala akong karapatang pakialaman ka kung sinuman ang gusto mong mapangasawa. Kahit ayoko sa kanya para sa `yo, pero kung siya naman ang tipo mo, wala akong magagawa r’on," mapait niyang pahayag.

“May problema ba, Jane?” Umusog ito palapit sa mesang nakapagitan sa kanila at bahagyang itinaas nito ang baba niya.

“W-wala,” mahina niyang tugon na hindi ito tinitingnan. Nakatutok lang ang mga mata niya sa pagkaing nasa ibabaw ng mesa.

“Look at me. I know, may problema—”

“M-mas mainam nga sigurong ipagpatuloy mo ang plano mong `yan,” sabi niyang tinanggal ang kamay nito sa baba niya. “Malay natin, kung magkaroon na ng katuparan ang mga pantasya ko kay Jester, we could have a double wedding together.” Pilit siyang ngumiti at ipinagpatuloy ang pagkain.

Dahil nakatungo siya ay hindi niya nasilayan ang pagdilim ng mukha ni Matt sa sinabi niyang iyon. Habang siya nama’y talagang naguguluhan sa nadarama ng damdamin niya ngayon.

___________

“SALAMAT, Jest,” sabi ni Jane nang maihatid siya ni Jester sa Mother Therese Laboratory School.

“Mamayang hapon, susunduin kita,” wika nito sa simpatikong pagkakangiti na tinanguan naman niya, saka nito ipinaharurot paalis ang sasakyan.

Maingat siyang naglakad papasok sa loob ng school ground. Nginitian pa niya ang naka-duty na guard nang batiin siya nito. Mahigit tatlong linggo na ring ginagawa ni Jester ang paghatid-sundo sa kanya magmula nang makuha nito ang mobile number niya buhat kay Matt. Paminsan-minsan din ay lumalabas sila ng lalaki para mag-date sa kung saan niya ibigin.

“See! Napansin ka na niya. `Di ba, effective `yong suggestion ko, Mary Jane?” maarteng bulalas ni Johanna. Pabigla na lamang itong sumulpot sa likuran niya.

“Nanggugulat ka naman. Para kang kabote na bigla na lang sumusulpot,” aniya, saka kaswal na ngumiti rito. “Oo nga, eh. Kaya ikaw ang tinanong ko noon dahil ikaw ang eksperto sa mga gan’ong bagay. Eksperto ka sa pagpapapansin. KSP ka kasi,” biro niyang napahagikhik.

Tumawa ito. “Lukaret! `Nga pala, nanliligaw na ba siya sa `yo?” pakiusyoso nito.

Nagkibit-balikat siya. “I don’t know. Maybe yes, maybe no,” sagot niyang marahang tumawa. Sakto namang nakapasok na sila sa teacher’s office. Silang dalawa pa lamang ang naroon sapagkat sadyang napakaaga pa.

“Gosh! Hindi mo alam? Ano ba naman, sister!” bulalas nitong itinirik ang mga mata.

“Wala naman kasi siyang sinasabi. Hatid-sundo niya ako, sometimes we go on dating pero hanggang doon lang. Wala pa akong narinig na words of courtship mula sa kanya,” aniyang inilapag sa desk ang kanyang bag at ilang aklat na dala, saka umupo sa silya.

“Sabagay. Masanay ka na sa ganyan, sister, dahil para sa lalaking katulad niya na liberated ang mga tipo ay walang puro-formal talk diyan,” sabi nitong nasa sariling mesa na rin nito.

“What do you mean?”

“He sees you as his intimate partner, but he never sees you as his woman to be owned. In short, fling!” Johanna puts emphasis on the last word. Kinuha nito ang makeup kit at nagsimulang lagyan ng kolorete ang mukha.

“Ah, okay. I got your point,” kaswal niyang saad habang hinahanap sa bag ang susi ng kanyang drawer.

Huminto si Johanna sa paglalagay ng blush-on at tinitigan siya. “Iyon lang? Wala ba akong maririnig na any violent reaction? O `di kaya’y panlulumo mula sa `yo?”

Ngumiti siya rito. “Hindi lang muna ako magpapaapekto sa konklusiyon mong `yan. Ang mahalaga ngayon ay nakuha ko na ang atensiyon ng lalaking ultimate crush ko noon pa,” aniyang kinuha sa drawer ang test manuals na kakailanganin para sa araw na iyon.

“Nagbago yata ang ihip ng hangin, huh!” komento nitong ipinagpatuloy ang pagme-makeup. “By the way, hindi ko na nakikita ang Fafah Matthew ko. Hindi na siya nagagawi rito sa school.”

Bahagya siyang natigilan. Totoo ang sinabi nito. Madalang na kasi silang magkita ng binata magmula nang araw na na-encounter nila si Laarni. “Abala kasi `yon sa babaeng seseryosuhin na raw niya,” maasim ang mukhang sagot niya.

“Sinong babae?”

“Hindi mo kilala,” nakaismid na tugon niya. Sigurado siyang dahil kay Laarni kung bakit hindi na nagpapakita sa kanya ang “magaling” niyang kaibigan. Inis na ibinagsak niya ang manuals sa table. Hindi niya namalayang napalakas pala iyon.

“Oh, bakit nagdadabog ka? Hindi rin maipinta `yang mukha mong maganda.” May naglarong nanunuksong ngiti sa mga labi ni Johanna.

“Dahil ayoko sa babaeng `yon. Mas gugustuhin ko pang ikaw ang magustuhan ng kaibigan ko kaysa sa antipatikang `yon!” gigil niyang pahayag. Pabalang na nilamukos niya ang scratch paper na nasa mesa at marahas na itinapon iyon sa basurahang nasa gilid niya. Iyon ang napagbuntunan niya ng inis.

“Ows, talaga? Mas gusto mo pa ako para kay Fafah Matt?” pilya nitong tanong.

“Oo.” Saka niya napansin ang kakaibang titig nito sa kanya. “Bakit ganyan ka kung makatitig?”

Nagkibit-balikat ito. “Wala lang. May naisip lang ako.”

“Ano `yon?” curious niyang tanong.

Inilapag nito ang makeup kit. “Baka kasi ayaw mo roon sa babae kasi gusto mo ang sarili mo para sa matalik mong kaibigan,” wika nitong napahagikhik.

“That’s absurd, Joh.” She rolled her eyes as if disgusted. As much as possible, ayaw niyang mahalata nito na naapektuhan siya sa sinabi nito. Hindi pa rin niya maintindihan ang sarili niya magpahanggang-ngayon.

Tumayo ang kaibigan. “I’ll be going to the comfort room, Jane,” maarteng paalam nito, saka naglakad.

Tumango na lamang siya habang sinusundan ito nang tanaw.

Bigla itong huminto sa bungad ng pinto. “I just noticed, sister. Mukhang full of emotions pa ang reaksyon mo nang pag-usapan natin ang matalik mong kaibigang si Matt kaysa sa ultimate crush mong si Jester,” puna nitong bumungisngis. “I can smell something fishy,” dagdag nito, saka humahalakhak at tuluyan nang lumabas.

Naiwan naman siyang natitigilan. Bumuntong-hininga na lamang siya para pawiin ang pagkatuliro na nararamdaman.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status