Share

CHAPTER TWELVE

KANINA pa napapansin ni Jane ang walang humpay na pagtungga ni Matt ng alak. Hindi naman niya ito masaway dahil may kasama at kaharutan itong sopistikadang babae. Marahil isa na naman iyon sa flings ng binata.

Napabuntong-hininga siya. She felt a tremendous pain knowing na maraming babae sa buhay ng kanyang matalik na kaibigan.

“Gusto mo pa ng cake, Jane?” narinig niyang masuyong tanong ng katabi niyang si Jester.

“Hindi na. Tama na ito,” sagot niyang nginitian ang lalaki. Nang muli siyang mapasulyap sa kinaroroonan ni Matt ay huling-huli pa niya ang matalim na tinging ipinukol nito sa kanila.

Iniiwas na lamang niya ang tingin dito at pasimpleng sumimsim ng sherry sa kopita. Hindi niya mawari kung bakit ganoon ang ekspresyon ng mukha ng kaibigan. Hindi niya tuloy maiwasang mag-isip kung nagseselos ba ito? Pero bakit? Iyon ang katanungang tumimo sa kanyang isipan.

Lihim din siyang nagpasalamat sapagkat walang nahahalata si Jester sa paraan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status