Share

Chapter Four

"Ven, let's go." Yakag ni Angel sa kaibigan dahil mukhang wala itong balak na lumabas sa kwarto niya. 

May mga bagong dating na guest ng resort at ininvite sila na sumali sa party nila ngayon. Nakilala ni Angel ang isa sa mga ito na si Dreu. Galing ibang bansa daw ang kaibigan nila kaya sila nagpunta rito ngayon dahil malapit lang ang rest house ni Dreu sa lugar na ito.

Venixe rolled on the other side of the bed. Tinakpan niya rin ang sarili ng comforter dahil ayaw niyang makisama sa mga ito. She wants to stay on her room and just watched movies instead. 

"Angel, no! Ayaw ko. I'd rather watch movies here than to be with them. Ni hindi nga natin sila kilala tapos makikipag-inuman ka sa kanila?" Saad niya nang hilain siya patayo ni Angel. 

Umupo siya sa edge ng kama. Nakapaka-sexy ng suot ni Angel na dress na hapit na hapit sa katawan na kulay burgundy. Makapal ang make- up at ready na talaga makipagparty.

"Ang KJ mo, Ven! Hindi ka naman nagpunta rito para maging KJ, 'di ba?"

She rolled her eyes at bumalik sa pagkakahiga. Ayaw niya talagang lumabas. "Leave me alone, please?" She pleaded. 

She heard Angel sigh in annoyance. "Bahala ka nga! Mga gwapo pa naman ang mga bisita."

Bahagya niyang tinanggal ang comforter sa mukha at sinilip ang kaibigan. "Asan ba ang boyfriend mo? Kung makipaginuman ka sa kanila, akala mo single ka." Saway niya sa kaibigan. Ilang araw ng 'di pumunpunta rito ang boyfriend niya. May LQ 'ata.

"Yes! Single and ready to mingle. So, get up there, and let's have some party!" Matinis ang boses na saad ni Angel  sa kanya. Sumayaw-sayaw pa ito sa excitement. Napangiwi siya sa ginawa nito.

'Nababaliw na siya.'  Sa isip-isip ni Venixe. Malayo talaga ang Angel sa pangalan niya.

Mayroon kasing bar sa kabilang side ng resort ni Angel. 'Yong mahihilig talaga sa bar at party. Sa kabilang side talaga 'yon para hindi makaistorbo sa mga guest ng resort na gusto lang ay tahimik at magrelax. Dito nga siya nakacheck in. Sa kabilang side ang madalas may party. Pero hindi naman rinig dito dahil medyo may kalayuan. Malaki kasi ang resort na ito ni Angel. Nabili na niya ang kabilang resort kaya inextend niya ang resort niya. Ang Paradiso Resort.

She heavily sigh. Ayaw niyang iwan naman na mag-isa ang kaibigan. Nauna nang bumalik ng Maynila si Miguel dahil may aasikasuhin ito sa restaurant. Halos dalawang linggo pa lang siya rito pero tuloy-tuloy pa rin ang pagtratraining niya. Sumunod sa kanya si Cloud, ang tumutulong sa kanya sa training niya. May itinalaga talaga sa kanila ang elder nila para tulungan sila sa training nila para maging isang magaling na hired killer. Isang dating agent si Cloud, kasamahan ng kanyang Uncle Cyb. Pero matagal na itong umalis sa agency nila dahil may sarili rin itong plano at pakay. Tanging si Cloud lang ang nakakaalam. Masyado itong malihim sa personal na buhay pero magkasundo sila sa iilang bagay. Parehas rin ang motibo nila na pabagsakin ang Balzier. 

Tumayo si Venixe at pumunta sa banyo. Wala siyang choice kundi ang pakisamahan ang kaibigan at bantayan. Narinig pa niyang pagpalakpak nito sa tuwa dahil sasama siya rito.

"Wohhoo! Finally! 'Di mo talaga ako matitiis, Ven." Saad nito na sinundan siya sa banyo.

"The fuck, Angel! Get out!" Utos niya rito dahil maghuhubad na sana siya nang basta na lang itong pumasok sa loob ng banyo. Parang wala lang sa kanya ang ginagawa.

"Opps! I'm sorry. 'Di ko naman sinasadya, Ven." Hinging paumanhin nito pero hindi naman umaalis sa kinatatayuan.

She crossed her arms in front of Angel. Nakataas din ang isang kilay niya. "Then, what are you still doing here?" Iritado niyang tanong. "Kung hindi ka lalabas, hindi na ako sasama." Saad niya sabay hakbang palabas ng banyo ngunit mabilis siya nitong napigilan sa braso at ngumisi.

"Ikaw naman, ' di ka na mabiro... Napaisip lang kasi ako."

Sinimangutan niya ito." Nang ano?"

"Hmmm... Kung sino 'yong nahand-job mo?  Malaki ba? Anong feeling na nakakita ka na at nakahawak ng cock ng lalaki?" Natutuwang tanong nito sa kanya.

Ang bastos talaga ng bunganga ni Angel. Nahihiya siyang ikwento dahil hindi naman niya iyon nagustuhan. It's part of her job. "It's a private matter. Get out, please. Maliligo na ako. Kahit kailan, Angel." Naiiling niyang saad. Suko siya sa kapilyahan  ng kaibigan.

Mabuti na lang at hindi na ito nagpumilit dahil wala talagang balak na magkwento si Venixe sa kaibigan. Nagkibit balikat itong lumabas ng banyo.

SI ANGEL ang pumili ng kanyang suot na dress. Sanay naman siya sa sexy na pananamit dahil nagagamit niya ito sa mga misyon niya. Wala kasi siyang kahirap-hirap na gawin ang misyon niya lalo na kapag lalaki dahil mabilis magpa-uto sa kanya. Konting haplos lang sa braso ay sumasama na sa kanya o lumalapit.

Maingay ang paligid dahil sa music. Iilan lang naman ang tao. Pagkadating doon ay basta na lamang siya iniwan ni Angel at lumapit sa binata at nakipagbeso. Naiwan siyang mag-isa.

Naiinis na umupo sa bar area si Venixe dahil sa ginawa ng kaibigan. Nakakita lang ng gwapo, basta na lang siya iniwan. Tama nga talaga sana ang ginawa niya na hindi sumama. Bakit ba kasi siya nagpadala kay Angel, sanay na sanay nga naman pala ito na mag-isa. Kumuha siya ng ladies drinks at mabilis na ininom iyon. Naisipan niyang bumalik na lang mayamaya sa room niya, tutal okay naman si Angel na iwanan pala rito.

"Hi. " Isang baritonong boses ang biglang nagsalita sa gilid niya. Libang na libang siyang tinatanaw ang kaibigan habang nakikipagsayaw ito.

Nilingon niya ang lalaki. She swallowed when their eyes met. Kakaiba ang naramdaman niya sa pagkakatitigan nila ng binata. He's damn gorgeous. Ibang-iba sa mga nakikila niyang lalaki. May kakaiba sa kanya, hindi niya lang matanto kung ano.

"You're drooling." Pang-aasar nito sa kanya. Biglang nagpantig ang tainga niya sa sinabi ng binata sa kanya.

Imbes na sagutin ang pagbati nito ay inirapan niya ito. Mukhang tulad din pala ito sa ibang lalaki na nagpapansin at hindi marunong magseryoso. 

Lumipat ito sa kabilang side niya kung saan siya nakatingin. Ngumiti ito sa kanya nang pagkalapad-lapad, showing his perfect white teeth. Hindi na naman niya napigilan ang sarili na mapatitig sa binatang kaharap. May kakapalan ang kilay nito. His eyes are expressive at mahahaba ang pilik mata. Meztizo ang feature ng kabuuan ng lalaki. Malaki ang pangangatawan. Nasa 5"11 siguro ang taas nito. Nakasuot ito ng black V-neck shirt at shorts. Hapit sa katawan nito ang suot dahil may kalakihan ang kanyang katawan. Halatang babad ito at alaga ng gym. He looked like a model. May stubbles siya na maliliit sa panga, ang kulay ng buhok niya ay magpabrown. Maputi siya at malinis tingnan.

"I'm sorry but I'm not interested, sa iba ka na lang makipagusap." Diretsahan saad ni Venixe sa lalaki na ikinalakas nito ng pagtawa.

Nagtatakang napatitig siya sa binati kung bakit bigla itong humalakhak sa sinabi niya. 

"You're cute... By the way, I'm Alexander. Alexander Montereal. And you are?" Pagpapakilala nito sa kanya sabay lahad ng palad nito.

Sinundan niya lang ang ginawa ng binata na inilahad ang palad sa harap niya. Ayaw niyang maging bastos, pero wala siyang balak na makipagkilala kung kani-kanino lalo na at mas mabuti para sa kanya na maliit lang circle of friends niya dahil na rin sa trabaho niya.

"Are you mute or deaf? Can't you hear me?" Sumenyas pa ito kung naririnig siya. Napakamot ng ulo si Venixe sa ginawa ng binata. 

'May pagkamakulit pala ito.' Sa isip niya.

"Narinig mo naman na nagsalita ako kanina 'di ba? Bakit tatanungin mo pa ako kung bingi o pipi ako?"

"Chill... I just want to make friends with you, that's it." Sumenyas ito sa bar tender ng maiinom. Isang whiskey on the rocks ang binigay sa kanya. Tinaas pa nito ang baso at nakipagcheers sa kanya.

"Excuse me." Tumayo si Venixe at nagpaalam na kay Alexander. 

Pinigilan siya nito sa kamay. Napapasong binawi niya agad ang kamay mula sa pagkakahawak ni Alexander sa kanya dahil parang may kuryente siyang naramdaman sa pagkakadikit ng palad nilang dalawa. Bahagya ring nagtaka at nagulat ang binata sa nangyari.

'Naramdaman niya rin kaya 'yon?' Sa isip niya

"Inaantok na ako. Nice meeting you, Alexander." Saad niya bago tuluyang umalis sa harap ng binata at dali-daling bumalik sa kanyang silid.

Si Alexander naman ay napapangiti na sinundan nang tingin ang dalagang nagmamadaling umalis. Noong nakaraang araw pa niya ito nakita, pero mukhang tahimik at suplada kaya hindi niya magawang lapitan dahil ilang beses na siyang nagtangkang lumapit pero masyadong mailap ang dalaga sa kanya. Mas lalo siyang nagkakainteres na makilala ang dalaga.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status