Share

Chapter Two

It's 3'o clock in the morning but my phone keep on ringing. Nakapikit pa ang isang mata ko nang kinuha ko ang phone kong nag-riring para tingnan kung sino ang tumatawag. Sanay akong gumising ng kahit anong oras kapag may tumatawag sa akin sa Balzi. Pero kapag itong personal phone ko ang gamit ko ay tamad na tamad akong sagutin lalo na at alam kong bakasyon ko. Naka silent ang isa kong phone.

It's Angel, my best friend who's calling me this early. Binalik ko ulit ang phone ko sa bedside table. Halos kakatulog ko lang nang 1'o clock, dalawang oras pa lang ako nakakatulog pero persistent itong si Angel. Ang kulit niya. Hindi ba 'to natulog kagabi?

I grabbed my phone while my eyes are still close. I am still sleepy and I hate her for calling me this hour. I told her yesterday that I am going to her beach resort somewhere in Quezon Province. I need a vacation. But I didn't expect she will call me this early.

"Urgh.  . .What?!" I answered her in annoyance voice.

"Wow! Ikaw pa ang galit?" Inis din niyang sagot sa kabilang linya.

"Tsk . . . Do you even realize what time  right now Angel? Pa'nong hindi ako maiinis?"

"Gising na ako dahil sabi mo susunduin kita."

"Angel 3'o clock pa lang nang madaling araw! Seryoso ka?" Doon na ako napamulat nang tuluyan ng mata.

"Excited akong sunduin ka. At isa pa Venexia, ang layo ng Maynila sa Quezon hello?!"

I heaved a sigh. Napahilot din ako ng ulo ko. Kahit kailan talaga itong si Angel. Early bird kung early bird pero mas matindi talaga 'to.

"Sana man lang tumawag ka na kapag nasa SLEX ka na or malapit na sa bahay ko," reklamo ko sa kanya.

"Ah basta! Be ready. I'll arrive in Manila 8 or 9'o clock. Aalis na tayo agad dahil si Kuya ang magda-drive sa 'tin pabalik ng Quezon."

I rolled my eyes."Pauwi na pala si Kuya Miguelito, sa kanya na lang pala kaya ako sasabay para hindi ka na bumiyahe papunta rito." I suggested.

"Oh no! You'll just ruin my schedule. May dadaanan pa tayo actually before we go back here in Quezon," excited ang kanyang boses.

I pout my lips. I get it now. Mukhang dadaanan namin ang bahay nang kanyang ultimate crush na si Louis, ang kaibigan ni Kuya Miguel.

"Kaya pala gustong-gusto mo akong sunduin may iba ka pa palang agenda. Sige na, I'll go back to sleep. Bye! " I press the end button before she can answer me.

I know hahaba pa ang usapan namin kapag hinayaan ko siyang sumagot. Mageexplain iyon nang pagkadami-daming rason kung bakit niya ako susunduin. Todo deny iyon na hindi ang crush niya ang dahilan.

I know her too well. We've been friends since we were grade school. Magkasing edad lamang kami. I am already twenty eight years old. She was there when my parents died. Her family is my family too. But her parents moved in San Franciso five years ago. Siya na lang ang naiwan sa Quezon dahil gusto niya talaga ang buhay probinsiya. May beach resort silang pag-aari at iyon ang pinagkaka-abalahang i-manage niya sa ngayon.

Her older brother is Kuya Miguel. He is already 30 years old but still single. Wala pa siyang balak maghanap ng girlfriend dahil masyado itong pihikan sa babae. After his last girlfriend na si Christine ay hindi na ito muling nagka-girlfriend.

Iniisip nga namin ni Angel ay hinihintay pa nitong bumalik ang ex niya. He has a restaurant here in Manila. Dalawa lang silang magkapatid at magkalayo pa. Pero plano nang sumunod ni Kuya Miguel sa parents nila sa San Francisco itong taon. Itong si Angel lang ang ayaw umalis nang bansa.

I'm actually planning to buy Kuya Miguel's restaurant. But I am still thinking dahil marami akong trabaho. Focus din ako sa pagte-training ko. Hindi ako pwedeng huminto sa training lalo na at delikado ang trabaho ko sa Balzi.

My best friend doesn't know I joined Balzi. And they didn't even know that Balzi exist. Ako lang ang nakakaalam sa ginawa kong pagsali sa organisasyon na iyon kaya maingat na maingat ako sa bagay na iyon. She doesn't even know that Uncle Cyb trained me before to protect myself. They think I am just a normal girl who lost her family.

Kahit inaantok pa ako ay napilitan na rin akong bumangon. My body used to wake up at 4 in the morning. Kahit anong oras pa ako natutulog ay maaga pa rin akong nagigising. Well thanks to Angel, mas napa-aga pa sa 4am ang gising ko.

Magluluto muna ako ng breakfast ko bago ako maliligo. May kasambahay naman ako na kasama rito sa bahay at driver. I have a normal life when I stay here in my house at Makati.

Paminsan-minsan ay tumitira rin ako sa townhouse ko sa Cavite para magpalamig lalo na kapag kakatapos ko lang sa assignment ko sa Balzi. Pero madalas ay dito ako naglalagi lalo na at malapit ito sa coffee shop ko sa Makati.

Bago ako bumaba ay sumilip muna ako saglit sa terrace ng kwarto ko. Ang sarap nang lamig ng hangin na humahalik sa balat kong lantad dahil sa suot kong pantulog. I embraced myself. Malungkot akong tumingala sa langit. Palagi ko itong ginagawa bago matulog at pagkagising ko. Dito ko kinakausap ang mga magulang ko. I miss them so much. My eyes started to water again by my tears remembering my parents. I bit my lips to control myself not to cry.

Halos ganitong oras noon nangyari ang 'di ko malilimutang trahedya na nagpabago nang buhay ko. My life back then was perfect. I have a complete and loving parents on my side but he took it away from. Balsier took it away from me. Siya ang dahilan kung bakit isa na akong ulila ngayon. Siya ang dahilan kung bakit namatay ang parents ko. Sisiguraduhin kong pagbabayaran niya 'yon. Mariin akong napapikit. I clenched my fist.

Mabilis kong pinahid ang luha kong pumatak at bumalik na sa loob  ng aking kwarto. Nagsuot na rin ako ng roba upang bumaba.

Hindi na ako nag-abala pa na gisingin sina Doris para ipaghanda ako. Sanay ako sa gawaing bahay. Sanay akong mag-isa. Hindi rin ako magpapahatid dahil sadyang gusto ko lang ilabas ng Quezon si Angel kahit sandali. Hindi na kasi bumibisita rito sa Maynila unless New Year or Christmas or Birthday lang namin. And now malalaman kong may iba pa siyang agenda sa pagpunta niya rito.

"Ay Venixe, gising ka na pala. Ang aga niyo naman pong nagising." I smiled. Ang aga rin nagising ni Dorris. Hindi na ako nagulat sa biglaang pagsalita niya sa likuran ko. Naramdaman ko na agad na may tao.

I smiled at her."No. It's fine. Maaga kasi akong tinawagan ni Angel, you know mas excited pa sa 'kin."

Ngumiti rin si Dorris."Hay naku,  namimiss ko na nga rin po si Angel. Ang tagal kasi niyang bumisita rito." Lumapit siya sa akin at kinuha ang sandok na hawak ko. "Ako na Venixe magtutuloy magluto," agaw niya sa 'king ginagawa.

Hinayaan ko na lamang siya. Napa-upo ako sa kitchen stool bar at sinusundan na lamang siya nang tingin.

"Kumusta na nga pala si Nanay Mercy Dorris?" Tanong ko sa kanya. Bahagya niya akong sinulyapan bago muling itinuon ang tingin sa kanyang niluluto."Maayos naman Venixe, namimiss ka nga raw."

Si Nanay Mercy ang yaya ko simula pagkabata. Anak niya si Dorris. Matagal namang patay na si Manong Deo, ang asawa ni Nanay Mercy. Matanda na si Nanay kaya pinahinto ko na siyang magtrabaho sa akin. Nasa 40 years old na siguro itong si Dorris at nasa 70 na si Nanay. Ayaw lang niya talagang magpatawag na Ate, basta Dorris lang daw. Wala rin siyang pamilya dahil dito na siya tumanda sa pag-aalaga sa akin.

One thing I envy Dorris is having Nanay Mercy by her side. Kung sana kasama ko pa rin sina Mommy at Daddy. . .

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status