Share

Chapter 2: Escape

MY guess was right. Mas humigpit nga ang pagbabantay nila sa akin dito sa bahay. Kaunting galaw ko lang, alerto sila at tila handa nang hulihin ako. Pero nang lumipas na ang ilang araw, doon ko na napansin ang pagluwag ng pagbabantay sa akin. Mahigpit pa rin kung tutuusin, pero kayang-kaya ko nang takasan.

“I won’t be home tonight. Kaya please lang, huwag matigas ang ulo mo. Don’t try to escape, Leticia. Dadalhin ko pa naman ang ibang bodyguard natin.”

Tinatamad akong tumango kay Daddy. We’re having lunch together now. Minsan lang ito mangyari. Suntok sa buwan. Madalas kasi ay abala siya sa mga responsibilidad niya bilang gobernador ng lugar namin.

“Baka sa susunod na araw pa ang dating ng bago mong bodyguard. Ang sabi ni Greco, ipapadala na niya raw ang pinakamagaling niyang bodyguard. Sa pagkakataong ito ay hindi na siya mapapahiya sa akin.”

Palihim akong ngumisi at nakuryoso sa nalaman. Tito Greco, his old friend, owns the Cueves Protection. It’s an agency specialized in security work. Minsan nang kumuha ang ama ko ng bodyguard sa kanila. Lahat naman ng mga ‘yon ay palpak at tatanga-tanga. Natatakasan ko pa rin.

Matapos na magtanghalian ay bumalik na ako sa kwarto ko. Muli nang ikinukulong dito.

“Anong oras ang alis ni Daddy?” tanong ko sa bodyguard nang akmang lalabas na siya ng kwarto ko nang maihatid na ako sa loob nito.

Natigilan siya at hindi agad nakapagsalita. Mukhang hindi alam kung sasagutin ba ang tanong ko o hindi.

Bumuntong hininga ako at humalukipkip. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

“Mamayang hapon po…” napipilitan niyang tugon nang tarayan ko na siya.

Tumango ako. Nagpaalam na siya at tuluyan nang lumabas ng kwarto ko.

Nang maiwang mag-isa ay napangisi ako. Ito na ang hinihintay kong pagkakataon. Wala ang ama ko, dadalhin niya rin ang iba niyang tao. Mapapadali ang pagtakas ko!

Sa naisip na ideya ay dali-dali kong kinuha ang phone ko at nagpadala ng mensahe kay Carla para ipaalam sa kanyang tatakas ako mamayang gabi. Nagpapasundo ako sa labas ng village namin.

Nang sumapit ang hapon, dumaan ang ama ko sa kwarto ko para ipaalam na aalis na siya. Todo pa ang bilin niya sa akin ng kung ano-ano. Para hindi siya maghinala ay nagpanggap akong masama ang pakiramdam.

“Aalis na ako. Magpahinga ka lang diyan para gumaling ka agad.”

Iyon ang huling narinig ko mula kay Daddy bago ko narinig ang pagsara ng pinto ng kwarto. Pinakiramdaman ko ang paligid. Nang marinig ang papalayong yabag ng ama ko at ng mga tao niya ay bumangon na ako mula sa kama. Inalis ko ang pagkakatalukbong ng kumot sa akin.

Nakangisi ako nang tingnan ang pintuan ng kwarto ko. Sa tingin niya ba ay talagang makikinig ako sa kanyang huwag tumakas habang wala siya sa bahay? No way!

Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama at dumeretso sa banyo para maligo. Kailangan ko nang maghanda. Pagsapit ng dilim ay tatakas na ako.

Naghanda na ako at hinintay na lang ang paglipas ng oras. Nang sumapit ang alas siyete ng gabi, doon na ako gumalaw.

Ipinagbuhol-buhol ko ang mga comforter ko at itinali sa kama ko. Ang dulo nito ay dinala ko sa teresa ng kwarto at inilaglag sa unang palapag ng bahay. Kahit nasa pangalawang palapag ang kwarto ko ay madali lang sa akin ang tumakas. Sanay na sanay na ako sa pagbaba gamit lang ang mga comforter na ito.

“Damn, that was so easy,” natutuwa kong sabi nang tuluyang makababa sa unang palapag ng bahay. Nasa hardin na ako ngayon.

Hinatak ko pababa ang suot na dress dahil bahagyang umangat ito nang bumaba ako kanina. Isinuot ko na rin ang heels. Nang ayos na, nagmamadali na akong umalis sa hardin. Dumaan ako sa likod ng bahay kung saan walang tao o mga bantay.

Nilakad ko ang hanggang sa labas ng village namin. Napangiti ako nang makita sa harapan nito ang pamilyar na kotse ni Carla, naghihintay na sa akin.

“Hey,” bati niya sa akin nang tuluyan na akong makarating sa kotse niya. Dumeretso na ako sa loob nito.

Malapad ang ngiti ko sa labi nang bumaling sa kanya. “Let’s go!”

Mahina siyang natawa at agad nang binuhay ang makina ng kotse. Tumingin pa siya sa akin at ngumisi bago tuluyang umusad na.

Nang makarating sa bar na madalas naming pagtambayan ay hindi na ako nagsayang pa ng oras at agad na nagsaya. Nagtungo pa ako sa dance floor para magsayaw roon. Ilang araw ko rin ito hindi nagawa. Kaya ngayong gabi, susulitin ko ang bawat oras ng pagiging malaya ko.

I was enjoying the loud music when I noticed something. Tumigil ako sa pagsasayaw at sinabayan ang titig sa akin ng isang lalaking nakaupo sa bar counter. Katapat lang ng dance floor ang bar counter kaya naman ay kitang-kita ako mula sa puwesto niya. I bit my lips as I examined him.

Deep-set of eyes. Pointed nose. Sharp and defined jawline. And his hair is longer than a man’s normal hair. At kahit nakaupo ay halata sa kanya ang pagiging matangkad niyang lalaki. Idagdag pa ang magandang hubog ng katawan niya. Kitang-kita ko ang malapad niyang dibdib. Maganda ang tindig.

Hindi nailang o nahiya ang lalaki kahit nakita nang nahuli ko siyang pinagmamasdan ako mula sa inuupuan niya. Sa halip, umangat ang sulok ng labi niya at mas nakipagtitigan sa akin.

I crossed my arms in front of my chest and smirked at him. Tila naging senyales ‘yon sa kanya para tuluyan nang tumayo sa inuupuan at lumapit sa akin.

“Hey, Miss Beautiful,” aniya nang nasa harapan ko na.

Naging mapaglaro ang ngiti ko sa labi. “Hey.”

“Are you alone?”

Umiling ako. “I’m with my friend.”

“But I don’t see anyone with you.”

Palihim akong napabuntong hininga. Malamang ay abala na si Carla sa ibang bagay. At ang ibig sabihin ko sa 'ibang bagay' na 'yon ay boys!

“If you don’t mind, I’ll accompany you,” he offered.

Hindi agad ako umimik at pinagmasdan nang mabuti ang lalaking nasa harapan ko. Natanto kong mas gwapo siya sa malapitan.

Nakakamangha ang pagiging matulis ng ilong niya. Parang napakaperpekto ng hugis. Ang kilay naman niya ay may kakapalan din na bumabagay naman sa kanya. At ang labi niya… iyon siguro ang pinakaperpektong parte ng mukha niya.

“Sure,” tugon ko kasabay ng paglapad ng ngiti.

Nagka-ayaan kami sa dance floor. May ilang sa amin nang sumayaw, ngunit unti-unti ay nawawala ‘yon. Kasabay nito ay ang pagkawala ng distansiya sa pagitan naming dalawa.

Nakahawak na siya ngayon sa baywang ko habang patuloy kami sa pagsasayaw. Minsan ay hindi niya inaalis ang tingin sa akin at pinagmamasdan lang ako. Sa tuwing nagtatama ang mga mata namin ay napapangisi ako.

I don’t usually flirt with someone. Aaminin kong mapili ako sa lalaki. Pero ang lalaking kasayaw ko ngayon ay pasadong-pasado sa mga tipo ko.

Habang nagsasayaw ay patuloy rin kami sa pag-iinom na dalawa. At dala siguro ng alak, unti-unti na akong nagiging wild. Tila nawawalan na ako ng kontrol sa sarili at tumatapang.

Tumalikod ako sa kanya ngunit nanatiling nakakapit sa katawan niya. Ang braso naman niya ay nakapulupot sa baywang ko. Masarap ‘yon sa pakiramdam dahil matigas ang bisig niya. I could even feel his muscles.

I swayed my hips. Humigpit ang hawak niya sa baywang ko na tila ba pinapatigil ako.

“Hey…”

Tumaas ang balahibo ko sa batok nang bumulong siya sa tainga ko.

“Yes?”

“We forgot to introduce ourselves.”

Napaharap ako sa kanya sa narinig. Ipinulupot ko ang mga braso sa batok niya.

Nawala na ‘yon sa isipan ko. Hindi naman kasi emportante sa akin ang pangalan niya. I just want to have some fun with him. Pagkatapos ng gabing ito, wala na akong paki pa sa kanya.

“I’m Kane.”

Napatango-tango ako sa naging pagpapakilala niya. “I’m Leticia.”

Bumaba ang tingin ko nang ilahad niya ang kanyang kamay. Natawa ako na ikinakunot ng noo niya.

“I don’t do shakehands.” Matapos na sambitin ang mga katagang 'yon ay tumingkayad ako at dinampian siya ng halik sa kanyang labi. Ramdam ko ang paninigas niya sa ginawa ko.

Marahan kong kinagat ang pang-ibabang labi niya bago tuluyang lumayo. Puno ako ng pilyang ngumiti sa kanya. “It’s nice to meet you, Kane.”

Lumalim ang tingin niya sa akin. Kahit ang paggalaw ng adam’s apple niya ay hindi nakatakas sa paningin ko. Halatang naapektuhan siya ng ginawa ko.

“Shit…” mahinang usal niya bago kinabig ang batok ko. Sinalubong ng labi niya ang labi ko.

Humigpit ang pagkakakapit ko sa batok niya habang tinutugon na ang halik niya. He’s good. I like how he kisses me. Malalim ‘yon at halatang eksperto siya sa bawat paggalaw niya, pati na rin ng dila niya.

Wala na kaming paki sa paligid kung may makakakita man sa amin na naghahalikan sa gitna mismo dance floor. Sa mga ganitong lugar ay tila normal na ang ganitong tanawin para sa iba.

Nang maramdamang kinakapos na ako ng hininga ay hinawakan ko siya sa dibdib at marahan na itinulak. Pareho kaming naghahabol ng hangin nang tuluyang maghiwalay.

Mabigat pa rin ang hininga niya nang bumaba ang mukha niya sa akin. Magaan niyang dinampian ng halik ang labi ko bago deretsong tiningnan sa mga mata sa mapang-akit na paraan.

“Do you want to go somewhere else?”

Napalunok ako at hindi agad nakatugon. Malinaw kong naintindihan ang naging imbitasyon niya. He wants us to continue this outside. Kung saan walang tao. Kung saan walang ibang makakakita sa amin. At hindi ako tanga para hindi malaman na higit pa sa halikan ang gagawin namin sa oras na umalis kami rito sa loob ng bar.

Lumunok ako at pilit na ibinabalik ang sarili sa katinuan. Damn. Hindi ako nakikipag-one night stand! Aaminin kong nakikipaglandian ako sa mga lalaking nakikilala sa bar, ang iba ay gaya niya na umaabot sa halikan. Pero hanggang doon lang ‘yon. Hindi na humihigit pa!

“So…?” untag niya sa akin at dumiin ang hawak sa baywang ko. Tila inaakit ako.

Bahagyang umawang ang bibig ko. Hindi ko malaman ang itutugon sa kanya kahit na sa mga oras na ito ay dapat tinatanggihan ko na siya. May kakaiba sa lalaking ito dahilan para magdalawang-isip ako. I feel like it's hard to say no to him!

God, Leticia!

Deretso siyang nakipagtitigan sa mga mata ko dahilan para mas lalo akong mawala sa katinuan. Parang hinahatak ako sa ibang dimensiyon ng mga mata niya. Nakakaliyo.

“Sure…” mahina kong sabi. Kahit ako ay hindi makapaniwala sa naging tugon sa kanya. Siguradong pagsisisihan ko ito bukas!

Napangisi siya at hinawakan ako sa palapulsuhan. Napalunok na lang ako nang simulan na niya akong hatakin palabas ng bar.

Habang naglalakad ay sinusubukan ko pang kumbinsihin ang sarili na magbago ng isip. May pagkakataon pa akong umatras, pero tila walang parte sa akin ang gustong gawin ‘yon. Buong puso akong nagpapahila sa lalaking ito kahit alam ko ang mangyayari sa akin sa mga kamay niya. And that thought excites me more!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status