Share

Chapter 3: One Night Stand

NANG makarating sa parking lot ng bar ay agad niyang pinatunog ang sasakyan niya dahilan para mapatingin ako sa itim na jeep wrangler. It’s his car.

Binuksan niya ang pinto sa likod. May kinalikot siya at iniligpit ang upuang naroroon. Ngayon, mas malaki na ang espasyo sa likod kumpara kanina. Inalalayan niya ako sa pagsakay roon bago isinara ang pinto.

Biglang nawala ang pagiging matapang at pilya ko nang nakaupo na kami sa likod ng sasakyan niya, sa mismong sahig. Kahit madilim sa loob ay naaaninag pa rin namin ang isa’t isa dala na rin siguro ng kaunting ilaw na nanggagaling sa labas. Kaya alam kong ang mga mata niya ay nakatutok sa akin. Hindi ko kinakaya ang paraan ng tingin niya. He’s like a beast who’s ready to devour his prey.

“Are you nervous?” pagbubukas niya ng usapan sa pagitan namin.

Mabilis akong umiling, nagmamatapang sa harapan niya. Pakiramdam ko kasi ay hinahamon niya ako. Nakikita ko ang kislap nito sa mga mata niya.

“Is this your first time?”

“To have a one night stand with someone I just met? Yes. But if having sex, no. I already have an experience.”

Maliit na bumilog ang bibig niya. “Oh.”

Naningkit ang mga mata ko sa naging reaksiyon niya. “What? You don’t want me now because I’m no longer a virgin?”

Nagkasalubong ang kilay niya sa sinabi ko. Humalukipkip naman ako sa harapan niya.

“Kayong mga lalaki, kapag kayo ang may experience ay ayos lang. Mas mabuti pa nga dahil magaling daw sa kama. Pero kapag kaming mga babae ang nagkaroon na ng experience, nakapa-big deal. Gusto nyong manatili kaming birhen hanggang sa ikasal, pero hindi nyo kayang gawin ‘yon sa sarili nyo.”

Itinaas niya ang dalawang kamay na tila sumusuko. “I don’t have any problem if you already have an experience. There’s nothing wrong with that. Isa pa, nasa tamang edad ka na.”

“That’s good. Because virginity doesn’t define a woman’s worth. Hindi porket nawala na namin ‘yon ay hindi namin pinapahalagahan ang sarili. We know our worth, at hindi ‘yon mababawasan kahit hindi na kami birhen.”

Dala siguro ng pagiging lasing ay masyado na akong nagiging madaldal. Nawawalan na ako ng preno sa bibig.

Nahaluan ng pagkamangha ang mukha niya. “Akala ko mukhang spoiled brat ka lang at immature, but I guess I was wrong. You’re actually interesting, Leticia.”

Unti-unti akong naging kalmado sa presensiya niya sa harapan ko dahil sa naging pag-uusap namin, lalo na nang malamang wala siyang problema sa inamin ko. That’s so sexy of him.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang muling maramdaman ang matinding emosyon na naramdaman ko kanina sa kanya sa loob ng bar habang hinahalikan siya. ‘Yong pakiramdam na sobrang init… at tanging siya lang ang makakapawi nito.

“So… are we just going to talk here all night?” I asked him.

Natigilan siya sa kinauupuan. Nawalan ng imik.

Napangisi ako nang makitang tila siya naman ang nagdadalawang-isip ngayon. Umalis ako sa kinauupuan at lumipat sa kandungan niya na halatang ikinagulat niya.

Ipinatong ko ang mga braso sa balikat niya at pinakatitigan ang mukha niya. Tila hindi niya alam ang gagawin. He's panicking!

“Sigurado kang may experience ka na?” nanunukso kong tanong. He acts like it’s his first time.

Bumakas ang hiya sa mukha niya at mabilis na bumalik sa pagiging seryoso. Mahina na lang akong natawa. Tila ayaw niyang mapahiya sa harapan ko.

Inilapit ko na ang mukha sa kanya. Naging malagkit ang tingin ko. Ewan ko ba, pero parang ang lakas ng tama ko sa kanya. I was captivated by him the moment I saw him at the bar counter earlier.

Naging seryoso ang mukha ko nang bumaba ang tingin sa labi niya. Napalunok ako. Naalala ko kung gaano ito katamis kanina. I want to taste it again!

Ipinikit ko ang mga mata at ako na mismo ang unang umangkin sa labi niya. Napahawak siya sa baywang ko sa ginawa ko.

Marahan lang ang bawat galaw ng labi ko, tinutukso siya. ‘Di nagtagal ay mukhang napigtas na ang pasensiya niya. Hinawakan niya ang batok ko para idiin sa kanya. Ngayon ay siya na ang kumokontrol sa aming dalawa.

May mahihinang halinghing na ang kumakawala sa akin sa bawat pagkagat niya sa labi ko. Mukhang tuluyan nang nawala ang pagdadalawang-isip sa kanya kanina. Ngayon, inaangkin na niya ang labi ko sa paraang tila ba pagmamay-ari niya ito. Masyadong marahas… malalim… at nakakabaliw!

Awtomatikong tumingala ako nang bumaba ang labi niya sa leeg ko. He licked my neck down to my shoulder blade. At nang hindi makuntento, nagtanim na siya roon ng mga halik. Napasabunot ako sa buhok niya.

“Kane…”

Tinigilan niya ang ginagawa sa leeg ko at ipinagpantay ang mukha namin. Namumungay na ang mga mata niya nang magtama ang tingin naming dalawa.

“You’re really provoking me.”

Umangat lang ang sulok ng labi ko sa narinig. Hindi ko alam na magiging gano’n ang epekto sa kanya ng pagbanggit ko sa pangalan niya.

Nabigla ako nang muli niyang atakihin ang labi ko. Yumakap ang lamig sa akin nang maramdamang bumaba ang neckline ng dress ko. Tube lang ‘yon kaya madali niyang naibaba nang walang kahirap-hirap. And I have nothing beneath it!

Nahigit ko ang hininga nang magtungo roon ang labi niya. Napakapit ako nang mahigpit sa kanya nang ito na ang pagtuunan niya ng atensiyon. Even his hand is on my chest now, palming my breast.

Mas lalo akong nawala sa sarili nang maramdaman ang isa niya pang kamay, gumagapang na sa pagitan ng mga hita ko. A long moan escaped from my lips when I felt his fingers ‘there’.

I just realized how expert he is when it comes to this. He knows exactly how to make a woman lose her mind. That’s what he’s doing to me now.

Hinawakan ko ang ulo niya at inangat ito dahilan para matigil siya sa ginagawa sa dibdib ko. Mabigat ang hininga kong nakipagtitigan sa kanya.

“Kane…” Halos hindi ko na matagpuan ang sariling boses. Nanghihina ako!

“Yes, Leticia?” Malalim ang kanyang boses at nakakatindig ng balahibo.

Napalunok ako sa ideyang naiisip. “Your lips… I want it here.”

Hinawakan ko ang kamay niyang nasa pagitan pa rin ng mga hita ko na ngayon ay abala sa ginagawa roon. Napalunok siya nang maintindihan ang ibig kong sabihin.

Tila mas nagbaga ang apoy sa mga mata niya. Isang madiin na halik sa labi ang iginawad niya sa akin bago iginiya pahiga.

Inangat niya ang dress ko pa-akyat sa tiyan ko at mabilis na tinanggal ang natitirang tela na harang doon. Hinawakan niya ang balakang ko at bahagya itong inangat, inalalapit sa kanya ang ibabang bahagi ng katawan ko. Naging malalim ang titigan namin sa isa’t isa bago siya yumuko. And that’s when I completely lost my mind.

Todo ang paghahabol ko ng hininga nang magpantay na muli ang mukha namin. Hindi na ako makagalaw. Labis na nanghihina at nanginginig ang katawan ko sa ginawa niya. It was mindblowing!

May ngisi si Kane sa labi nang pagmasdan akong ganoon, naghahabol ng hininga at lupaypay. He knew how much I liked what he did to me.

“Shit… my dad will kill me if he knows about this,” bulalas ko nang maisip ang ama. Siguradong uusok ang ilong niya kapag nalaman ang kapilyahan ko ngayong gabi.

Kumunot ang noo ko nang tila biglang nagbago ang emosyon ni Kane sa mukha. Naging seryoso siya bigla.

Nang makakuha na ng sapat na hininga, kumapit ako sa batok niya at hinalikan siya para ipagpatuloy ang sinimulan namin. Nagtaka ako nang hindi niya ako tugunin.

“What’s the problem?” tanong ko nang tigilan na ang labi niya, nagtataka na.

Blangko ang mukha niyang pinukol ako ng tingin. “Turn around… and bend.”

Tumindi ang kabog sa dibdib ko sa narinig. I licked my lips.

Inalalayan niya ako sa pagdapa. Ang dalawang kamay ko naman ay inilagay niya sa likuran ko at hinawakan ito. Napalunok ako dahil sa ginawa niya.

Is he a sadist? Or is this his kink? Damn. Mababaliw na yata ako. Just thinking about it excites me!

Pumikit ako at hinintay ang gagawin niya. May parte sa akin ang kinakabahan.

Habang nakapikit pa rin ay may narinig akong tumunog na metal. Maybe he’s taking off his belt now. Pero unti-unti akong natauhan nang may maramdaman na malamig na bagay sa palapulsuhan ko. Napadilat ako nang may matanto. He handcuffed me!

“What the hell is this?” bulalas ko at sinilip siya sa likuran ko, gulantang sa nangyayari.

Hinawakan niya ako sa baywang at tinulungang makabangon mula sa pagkakasubsob sa sahig. Isinandal niya ako sa pader ng kotse niya.

Umawang ang bibig ko nang matantong talagang nakaposas ako.

May pagtataka akong pinukol ng tingin si Kane sa harapan ko. Nakaluhod pa rin siya sa sahig.

“What is this, Kane?” tanong ko sa kanya, ngunit sa pagkakataong ito ay may iritasyon na sa boses ko.

Bumuntong hininga siya. “I’m sorry, Leticia.”

Lumapit siya sa akin. Sinubukan ko siyang pigilan ngunit ginamit niya ang mga hita niya para hindi ko maigalaw ang binti, dinadaganan ito.

Inangat niya ang neckline ng dress ko dahilan para maitago na ang lantad kong dibdib. Pagkatapos ay nagpalinga-linga siya sa paligid.

“I found it,” mahinang aniya at may dinampot sa gilid. “You should wear this again.”

Palihim akong napamura sa hiya. It was my panty!

Wala akong nagawa nang isuot niya ‘yon sa akin.

“Are you kidnapping me?” tanong ko nang unti-unting maintindihan ang nangyayari. Pinosas niya ako sa ibang rason! Hindi dahil kink niya 'to!

“Answer me! Who the hell are you? Who sent you here?” Tumataas na ang boses ko dahil sa namumuong galit sa kanya.

Umayos siya ng upo sa harapan ko, nag-indian seat para magkaharap kami nang maayos.

Matapang kong sinalubong ang mga mata niya. Ibang apoy na ngayon ang mababakas sa mga mata ko habang pinagmamasdan siya. Apoy na ng galit!

“I’m Kane Cueves, and I’m not here to kidnap you.”

Sa sinabi niya ay isa lang ang kumuha ng atensiyon ko.

“Cueves?” hindi ko makapaniwalang bulalas sa sinabi niyang pangalan. May isang bagay agad ang pumasok sa isipan ko dahil pamilyar ito sa akin.

He nodded his head. “I’m Greco Cueves’ son… and I’m your new bodyguard.”

My jaw dropped in shock.

What the hell is happening?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status