Share

Chapter 4: Mark

“I’LL lock her up in her room. Ang baba ng teresa, bantayan nyo nang maigi. Siguradong kung tatakas ulit siya, doon siya dadaan.”

Mabilis na tumalima ang mga tao ng ama ko sa inutos ni Kane. Hawak-hawak niya ako sa braso habang sobrang talim naman ng tingin ko sa kanya.

Para bang kilala na siya ng mga tao ni Daddy kung makipag-usap siya sa kanila. At ang nakakamangha, sumunod ang mga ‘yon sa kanya!

Matapos makipag-usap sa mga bodyguard ay hinila na niya ako patungo sa pangalawang palapag ng bahay.

“Saan ang daan papunta sa kwarto mo?” tanong niya at bumaling sa akin.

Asar akong suminghal. “Alam mong sa teresa ako dadaan kung sakaling tatakas ako, pero ang kwarto ko ay hindi mo alam?”

Napabuntong hininga siya. “Ang labas lang ng bahay nyo ang kabisado ko, hindi ang pasikot-sikot sa loob.”

“Fvck you,” tanging nasabi ko. Sa huli ay wala akong nagawa kundi ituro sa kanya ang daan patungo sa kwarto ko. Mas gugustuhin ko ang makulong sa loob nito kaysa ang tumagal na kasama siya.

Nang makapasok sa loob ng kwarto ay pabalya kong binawi sa kanya ang braso ko. Marahas akong bumuntong hininga at naupo sa gilid ng kama ko.

“Puwede mo na ba akong pakawalan?” iritado kong tanong. Nakipagtitigan siya sa akin.

Nag-igting ang panga ko nang maramdaman na naman ang galit sa kanya dahil sa nangyari kanina. Hindi ko alam kung saan ba ako nagagalit. Sa ideyang natigil ang ginagawa namin kanina, o sa katotohanang nililo niya lang ako!

Ngayon ko naiintindihan ang mga nangyari kanina. Malinaw na sa akin ang lahat. Malamang, bago niya ako lapitan nang nasa bar kami ay kilala na niya ako. At ang kinaiinis ko, pinaglaruan niya ako! He fvcking tricked me!

“Sisiguraduhin kong magbabayad ka sa ginawa mo sa akin ngayong gabi,” nagbabanta kong sabi nang hindi na mapigilan ang sarili. Gusto kong sumabog sa matinding galit sa kanya. “I will tell my dad about what you did to me earlier! At sigurado, ngayon din ay tatanggalin ka niya!”

Marahas siyang bumuntong hininga sa harapan ko. “I know about that. Because the moment I kissed you back, I’m ready to accept the consequences of it.”

“You fvcking tricked me.”

Hindi siya umimik. Napailing na lang siya at may dinukot sa bulsa ng pantalon niya. Lumapit siya sa akin nang dala na ang susi ng posas. Sa wakas ay kinalagan na niya ako.

Napahawak ako sa palapulsuhan at marahan itong minasahe. Hindi naman masikip ang pagkakaposas niya sa akin, pero masakit pa rin ‘yon. Parang nangalay din ang mga braso ko dahil kanina pa ‘yon nasa likuran ko.

“Lalabas na ako. Bukas na lang tayo mag-usap pagdating ng ama mo.”

Tumalikod na siya sa akin. Ginamit ko ang pagkakataon na ‘yon. Mabilis akong tumayo mula sa kinauupuan at malakas siyang sinipa sa gitnang bahagi ng mga hita niya.

“You jerk!” I hissed.

Agad siyang namilipit sa sakit. Nahihirapan siyang humarap sa akin habang hawak-hawak na ang pagkalalaki niya. Halos matumba siya sa kinatatayuan dahil sa sakit ng ginawa ko sa kanya.

“Shit! Why did you do that to me?”

Nakangiwi ang mukha niya nang makipagtitigan sa akin. Suminghal ako at ngumisi.

Kung tutuusin ay kulang pa ‘yon sa ginawa niya sa akin ngayong gabi. Mas nag-init ang ulo ko nang maalala na naman ang mga nangyari sa aming dalawa kanina sa likod ng kotse niya.

I hate myself! I hate myself for being attractive to him earlier! Bakit ba kasi inuna ko ang kalandian ko?

Suminghap ako ng hangin at inalis na ang atensiyon sa kanya. Baka makapatay lang ako ngayon kung patuloy ko siyang titingnan. Siguradong aatakihin sa puso ang ama ko kung sakaling mangyari ‘yon.

Nagdadabog ako nang maglakad patungo sa banyo. Binalibag ko ang pinto nang isara ito.

Nang nasa loob na ay mabilis kong hinubad ang lahat ng damit. Ramdam ko ang paglalagkit ng katawan ko, lalo na ang gitnang bahagi ng mga hita ko.

Para kumalma, dinala ko ang sarili sa ilalim ng shower. Hindi ko na naisipang timplahan pa ang tubig at hinayaan na lang ang pagiging malamig nito kahit madaling araw na.

Napapikit ako nang tuluyang dumaloy sa balat ko ang malamig na tubig, pero agad din akong napadilat nang makita sa isipan ang mga ginawa namin ni Kane sa likod ng kotse niya kanina. Para bang minumulto ako ng mga alaalang ‘yon!

Sunod-sunod ang naging pagtaas at pagbaba ng dibdib ko. Nagsisimula na namang magbaga ang ulo ko.

Hindi ko matanggap ang nangyari kanina, na naisahan ako ng isang kagaya niya. Kasalanan ko ito! Nagpalinlang ako sa pagiging gwapo niya. Nadala ako ng mga matatamis niyang halik!

Napabuntong hininga na lang ako nang matantong wala na akong magagawa. Sinabi ko na kanina sa sarili na pagsisisihan ko rin ang desisyon kong ‘yon, at nagkatotoo nga!

Sumandal ako sa tiles na pader ng banyo at napayuko. Natigilan ako at nagkadikit ang mga kilay nang may mapansin sa dibdib ko. May pulang marka roon!

“Fvck! Fvck! Fvck!” sunod-sunod kong mura. Si Kane ang may kagagawan nito!

Ang kapal ng mukha niyang mag-iwan ng marka sa dibdib ko. Bukod sa binitin niya ako… niloko niya ako! Ipinosas niya pa ako!

Ang lokong ‘yon. Nakipaglaro muna sa akin bago nagpakilala. Kaya umabot pa kami sa ganoong tagpo. Sisiguraduhin kong tatanggalin siya agad ng ama ko sa trabaho dahil sa ginawa niya sa akin!

Pero kung matatanggal agad siya bilang bodyguard ko, paano ako makakaganti sa kanya? Matapos ng ginawa niya sa akin, talagang gaganti ako at hindi titigil hangga’t hindi nagagawa ‘yon. Malaki ang atraso niya sa akin, kaya siguradong maniningil ako sa kanya. Triple pa sa ginawa niya!

Sa naisip ay may mala-demonyong ngisi ang sumilay sa labi ko.

Hindi… masyadong madali para sa kanya kung matatanggal lang siya sa trabaho. Kailangan kong gumanti sa kanya at pahirapan siya, at magagawa ko lang ‘yon kung mananatili siya sa paligid ko.

Dahil sa napagdesisyunan ay ipinagpatuloy ko na ang pagligo. Todo ang pagkiskis ko sa balat at ilang beses na nagsabon. Gusto kong mawala ang amoy niya sa balat ko.

Pero sa huli, natanto kong mawala man ang amoy niya, ngunit ang pakiramdam ng bawat haplos niya sa akin ay nananatili sa isipan ko. Na tila ba nararamdaman pa rin ‘yon ng katawan ko hanggang ngayon. At higit sa lahat… parang hinahanap-hanap ko pa rin ‘yon.

I still want to feel his hands on my body… and his lips in between my thighs. Damn. I think I’m in trouble now.

“YOU still escaped last night, huh.”

Nakabusangot ang mukha ko habang kaharap ang ama. Kasalukuyan kaming nasa loob ng opisina niya ngayon.

Pagkauwi na pagkauwi niya pa lang sa bahay ay agad na niya akong ipinatawag sa opisina niya para makausap tungkol sa nangyari kagabi. Hindi na ako magtataka kung nakarating sa kanya ang ginawa kong pagtakas. Ang hindi lang ako sigurado kung pati ba ang mainit na tagpo sa pagitan namin ni Kane ay nakarating ba sa kanya o hindi. Pero dahil hindi pa siya sumasabog sa galit, mukhang hindi niya pa alam ang tungkol sa bagay na ‘yon.

Nakuha ng ama ko ang atensiyon ko nang pumilantik ang dila niya. Bakas ang pagiging dismayado sa kanyang mukha.

“Hindi ka talaga marunong makinig. Bago ako umalis kahapon ay pinagbilinan kitang huwag tatakas, pero ginawa mo pa rin. Wala ka na talaga pinapakinggan, Leticia.”

Humalukipkip lang ako sa sinabi niya. Sa totoo lang ay hindi ako apektado ng mga salita niya.

“Ano? Nakilala mo na ang bagong bodyguard mo kagabi?” biglang tanong niya. Bumakas ang iritasyon sa pagmumukha ko at mabigat na tumango.

“How is he? Is he good?”

May ibang pumasok sa isipan ko nang marinig ang tanong niyang ‘yon. Puno ako ng sarkasmong ngumiti at tumango.

“He’s good, Daddy.” But not with his work.

Bahagyang naningkit ang mga mata ng ama ko habang pinagmamasdan ako. Agad akong sumeryoso para hindi niya mabasa ang totoong emosyon ko.

“Gerald!” malakas na sabi ng ama ko, tinatawag ang kanang kamay niya. Siya ang head bodyguard niya.

Tumunog ang pinto ng opisina ni Daddy. Sumilip doon si Gerald.

“Yes, Governor Traviesco?”

“Pakitawag si Kane. Gusto kong pormal siyang ipakilala kay Leticia.”

Agad na tumalima ang bodyguard ng ama ko sa inutos niya. Sumara ang pinto dahilan para sa akin na naman mapunta ang atensiyon ng ama.

Sumimangot ang mukha ko nang maisip na makakaharap ko ang nakakairitang mukha ni Kane. Ayaw ko man siyang makita dahil sa nangyari, wala akong magagawa. Ayaw kong magtaka ang ama ko sa ikikilos ko, lalong-lalo na’t ayaw kong malaman niya ang naganap sa pagitan namin ng kinuha niyang bagong bodyguard ko.

“This time, sigurado na akong hindi tanga ang bagong bodyguard mo,” biglang sabi ni Daddy. May pagmamayabang sa boses niya.

Palihim akong umiling. Hindi nga tanga, gago naman!

‘Di nagtagal ay nakarinig ako ng katok mula sa labas ng opisina ni Daddy. Napaayos ako ng upo sa bangko at mariin na napalunok. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Siguro ay dahil sa galit para sa lalaking nasa labas pa ng silid na ito.

Nang magbukas na ang pinto ay bumaling ako roon. Umikot ang mga mata ko nang tumambad sa paningin ko si Kane. Sumaludo pa ito sa ama ko bago naglakad palapit sa direksiyon namin.

“Governor Traviesco, ipinatawag mo raw ako.”

Tumango si Daddy. “Gusto sana kitang makausap at para maipakilala na kita sa anak ko.”

Nakita ko ang bahagyang pagkakasalubong ng kilay ni Kane. Mukhang hindi ‘yon ang inaasahan niyang sasabihin ng ama ko.

May pagtataka pa rin kay Kane nang maupo na sa bangkong nasa harapan ko. Napasinghal ako dahilan para mapatitig siya sa akin.

“Kane, this is my only daughter, Leticia Traviesco. Siya ang taong babantayan mo habang nagtatrabaho ka rito sa akin,” pagpapakilala sa akin ni Daddy kay Kane. Nasa tono ng boses niya ang pagiging maawtoridad at pormal niya.

“Uh, Governor Traviesco…” Sumulyap sa akin si Kane bago naguguluhan na pinukol ng tingin si Daddy. “Hindi pa ba ako tanggal sa trabaho?”

Nahaluan ng pagkagulo ang tingin ng ama ko kay Kane. Hindi ko naman mapigilan ang mahinang matawa.

Gustong-gusto kong kausapin ang ama para tanggalin na agad siya sa trabaho niya, pero mas emportante sa akin ang makaganti kay Kane sa nangyari. Kaya hindi ko na lang ‘yon ihihiling sa ama. I have to keep him.

“Bakit ka naman matatanggal sa trabaho?” gulong-gulong tanong ni Daddy kay Kane. Nawalan naman siya ng imik at bumaling sa akin.

Ngumiti ako ng mapang-asar sa kanya, pero sa ngiting ‘yon ay naroroon din ang inis. Talagang nag-iinit ako sa tuwing nakikita siya. I mean, ang ulo ko!

“Nevermind…” tanging nasabi ni Kane at nagbalik na ng tingin sa ama ko.

“Leticia, this is Kane Cueves. He is Greco’s son. Ang mismong anak na niya ang ipinadala niya sa atin para magbantay sa ‘yo. Kaya sana naman ay magtino ka na at mahiya sa pinaggagawa mo.”

Nagkibit-balikat lang ako, tila may halo pang pang-aasar.

Napabuntong hininga na lang si Daddy at napailing pa sa inakto ko. Inalis na niya ang atensiyon sa akin.

“Mamaya, papasamahan kita kay Gerald para ilibot sa paligid ng bahay. Kung may ibang kailangan ka pa, huwag kang mahihiyang magsabi, Kane. Nangako ako sa ama mong aalagaan kita habang nandito ka sa puder ko.”

Maliit na ngumiti si Kame. “Salamat, Governor Traviesco.”

“Isa lang sana ang ipapakiusap ko sa ‘yo.”

Kumunot ang noo niya. “What is it?”

Sumulyap sa akin ang ama ko dahilan para pagkunootan ko siya ng noo. “Itong si Leticia, matigas ang ulo niya. Sobra-sobra. Siguradong mahihirapan ka sa trabaho mo. Pero sana ay huwag mo siyang sukuan. Naniniwala ako kay Greco na sa pagkakataong ito ay hindi na ako mapapahiya sa ipinadala niyang bodyguard sa akin.”

“Yes, Governor Traviesco. I’ll do my best to protect your daughter.”

Nahaluan ng pangmamata ang tingin ko kay Kane. He will do his best to protect me? Patawa ba siya! Sa aming dalawa, siya ang mas higit na nangangailangan ng proteksiyon mula sa akin. Dahil siguradong papahirapan ko siya hanggang sa huling araw niya sa trabaho. Hinding-hindi ko siya patatahimikin!

Matapos na mag-usap ang ama ko at si Kane ay inutusan na rin niya itong ihatid ako sa kwarto ko. Habang naglalakad kaming dalawa ni Kane ay hindi ko mapigilan ang mapangisi sa tuwing mapapatingin sa gawi niya.

“Mukhang nabigla kang hindi ka pa tanggal sa trabaho mo,” pagsisimula ko ng usapan sa pagitan namin. Napatingin siya sa akin pero kalaunan ay umiwas ng tingin at napailing. Tila ayaw akong patulan.

“Oh, you don’t look happy.” Ngumisi ako. “Don’t worry, mag-e-enjoy ka rito sa bahay.”

He heaved a sigh. “Anong plano mo sa akin?”

Pinagkunootan ko siya ng noo. “What do you mean?”

“Pagkatapos ng nangyari kagabi, nakakapagtaka lang at hindi mo ako pinatanggal sa ama mo. Kaya sigurado ako, may ibang bagay ang nandyan sa isipan mo.”

Mas lumawak ang ngiti ko sa labi sa narinig. He’s not stupid, huh.

“Let’s just say, papasiyahin ko lang ang mga araw mo habang nagtatrabaho ka rito.”

Tumigil na kami sa paglalakad nang nasa tapat na ng pintuan ng kwarto ko. Pareho kaming nagsukatan ng tingin.

Seryoso ang mukha niya ngunit mababakas ang pagkagulo sa mga mata niya habang pinagmamasdan ako. Ako naman, nakangisi lang sa kanya. Talagang nang-aasar lang.

Humakbang ako palapit sa kanya na ikinasalubong ng mga kilay niya. Titig na titig siya sa akin nang sobrang lapit ko na sa kanya. Itinapat ko ang bibig sa tainga niya.

“Welcome to hell, Kane.”

Bahagya kong itinagilid ang mukha para makipagtitigan sa kanya. Nang bumaba ang tingin ko sa labi niya ay umayos na ako ng tayo sa harapan niya. Mariin akong lumunok at mabilis nang pumasok sa loob ng kwarto ko.

I have to focus on my goal. Papahirapan ko siya! Gagantihan ko siya sa pagpapaikot niya sa akin nang gabing ‘yon.

So don’t be tempted, Leticia! Kahit gaano pa siya kagwapo!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status