LOGINTulad ng inaasahan ni Kyle, masayang tinanggap ni Dad ang balita tungkol sa aking pagbubuntis. Iyon nga lang, kahit masaya siya ay hindi niya naiwasan na hindi mag-alala lalo na at hindi pa rin kami kasal nang ako ay mabuntis na naman ni Kyle sa pangalawang pagkakataon. "Ano na ang balak ninyong gawin ngayong buntis na ulit ang aking manugang?" tanong ni Dad kay Kyle. "Dad, engaged naman na kami ni Jean Antoinette," sagot ni Kyle. "Baka magpakasal na lang po kami kapag nakapanganak na siya." Isang iling ang ibinigay ni Dad sa aming dalawa, "That won't do. Dalawang beses nang nagbubuntis si Jean Antoinette at hindi pa rin kayo kasal." "But Dad, mas mainam kung -" "Mas mainam kung magpakasal na kayong dalawa bago manganak si Jean Antoinette para hindi na kayo mahirapan sa apelyido ng pangalawa ninyong anak," sabi ni Dad sa amin. "Look at Chiara's case, gamit niya ang apelyido ni Jean Antoinette at matatagalan pa bago niya magamit ang apelyido natin legally." Isang tango na
Hindi maitago ni Kyle ang kaniyang tuwa nang nalaman niyang ako ay buntis sa aming pangalawa. Thankfully, sinabi sa amin ng doktor na hindi magiging maselan ang aking pagbubuntis dahil matibay ang kapit ng bata sa aking sinapupunan. Ibang-iba iyon sa una kong pagbubuntis kay Chiara. "Magrereseta pa rin ako ng vitamins na kailangan mong inumin para sa iyong pagbubuntis," sabi ng doktor sa akin. "Tandaan, kahit na okay ang pagbubuntis mo, kailangan mo pa ring umiwas sa stress. Hindi iyon makakatulong sa pagbubuntis mo." Isang tango ang aking pinakawalan. Nagulat ako nang biglang hinawakan ni Kyle ang aking kamay. "I assure you na iingatan ko ang aking asawa," sabi ni Kyle sa aming doktor. Napangiti ako. Hindi ko inakala na mabilis tatanggapin ni Kyle ang aking kalagayan ngayong buntis na ako sa pangalawa naming anak. "Alam mong wala ako noong ipinagbuntis mo si Chiara kaya ngayong buntis ka na ulit ay sisiguraduhin ko na hindi na ako mawawala pa sa iyong tabi," sabi ni Kyle sa
Mabilis na lumipas ang panahon nang hindi ko namamalayan. Naging busy kami pareho ni Kyle sa aming mga trabaho lalo na at mas naging hectic na iyon dahil kasabay noon ay ang pagsasaayos namin sa aming kasal. Iyon nga lang, hindi sa lahat ng oras ay kakayanin ng katawan namin ang pagod kaya mas maaga kaming nakakatulog sa gabi. "Nakausap ko na ang suppliers ng bulaklak," sabi sa akin ni Kyle. "Ipinahanap ko na ang mga paborito mong bulaklak." Akmang sasagutin ko na ang sinabi ni Kyle nang may naamoy akong kakaiba mula sa kaniya na hindi nagustuhan ng aking ilong. Bago pa man ako makapagtakip ng ilong ay naramdaman ko na ang pagbaligtad ng aking sikmura. "Ano ang nangyayari sa iyo?" tanong kaagad ni Kyle sa akin nang nakita niyang ako ay naduduwal sa lababo. Hinawi pa niya ang aking buhok upang masiguro na hindi iyon nakaharang sa aking mukha. Isang iling ang aking pinakawalan. Literal na hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari sa akin nang sandaling iyon. Ang alam ko lang ay gust
Malapit na akong ikasal kay Kyle at nais naming maging perfect ang lahat para sa aming kasal. Nang nasiguro naming available ang venue na gusto namin ay nagsadya na kaagad kami sa lugar para magbigay ng full payment. Mahirap na, baka masulutan pa rin kami ng ibang couples kung sulat lang ang gagawin naming reservation. "We assure you na walang makakakuha ng venue na ito sa araw na nais ninyo," sabi ng receptionist na kausap namin na siyang tumanggap ng aming bayad. "Pero ipapaalala lang namin sa inyo na kung sakaling magkaroon ng pagbabago at last minute ay hindi na namin puwedeng i-refund pa ang bayad ninyo." "Walang problema," sagot ni Kyle. "Hindi ko rin naman pakakawalan ang bride ko hangga't hindi kami ikinakasal." Namula ako sa sinabi ni Kyle, lalo na nang nakita ko ang kinikilig na reaksyon ng aming kausap. "Miss, swerte ka na sa boyfriend mo kaya huwag mo na siyang pakakawalan pa," sabi agad ng receptionist sa akin. "Marami ang nag-aabang sa isang tulad niya, lalo na k
Hindi ko masabi kung alin ang mas malala: ang mapuyat dahil kay Kyle o ang manakit ang aking katawan dahil din sa kaniya. All I know is hindi kami tumigil hangga't hindi ako sumusurrender sa kaniya. Thankfully, attentive si Kyle sa akin kaya nang natapos kami ay siya rin ang naglinis at nagbihis sa akin. "Good morning," sabi ni Kyle sa akin habang may bitbit siyang tray ng pagkain. "Do you want some breakfast in bed o baka ako ang gusto mo?" Natawa na lang ako sa tanong ni Kyle, "As much as I want you ay mas pipiliin ko ang pagkain ngayon. Kailangan ko talaga ng pahinga dahil pinagod mo ako kagabi." "Well, don't blame me na napagod ka dahil alam nating pareho na nag-enjoy ka rin sa ginawa natin," sagot ni Kyle. "You know, puwede naman nating gawin iyon lagi kapag sigurado na nating tulog na si Chiara." Namula ako sa sinabi ni Kyle. Kung wala siyang dinalang pagkain nang sandaling iyon ay sigurado na akong nagawa ko siyang hampasin kaagad sa matipuno niyang dibdib. Isang mahina
Buhat nang nag-propose sa akin si Kyle ay mas naging active si Dad sa panghihiram kay Chiara sa amin, lalo na kapag weekends. Ginagawa niya iyon dahil ang katwiran niya ay kailangan namin ng katahimikan kapag pinag-uusapan namin ang aming wedding details. Sa unang tingin ay reasonable iyon, but I have to admit na iba ang pakiramdam ko sa ginagawa ni Dad. Ramdam ko na nanghihingi na siya ng pangalawang apo sa amin ni Kyle. "Huwag mo na lang intindihin si Dad kung hindi ka komportable," sabi sa akin ni Kyle nang muling hiramin ni Dad si Chiara. "You know, we can fetch Chiara tonight kung gusto mo." Isang iling ang aking isinagot, "Hindi problema sa akin kung gusto ni Dad na sa kaniya muna si Chiara, afterall, ngayon lang naman niya nakakasama ang bata. Ayaw ko lang ng pressure na baka kaya niya ito ginagawa ay dahil gusto niya ng panibagong apo." Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Kyle, "Ang akala ko ay kung ano na ang problema natin. Anyway, I missed you so much." Nangunot







