TATLONG buwan na ang nakakalipas buhat nang tinanggap ko ang kontrata kay Sir Kyle. Nakasaad sa kontratang iyon na dalawa ang aking trabaho: ang pagiging secretary at lover niya. Sa simula ay kabado ako dahil mahigpit ang bilin niya sa akin na hindi ako puwedeng malaman ng kahit sino kung ano ang aming relasyon. Hindi rin ako puwedeng magbuntis kaya sinisiguro namin na may proteksyon kami sa lahat ng oras. Alam din niya kung kailan mas malaki ang posibilidad na ako ay magbuntis.
“Maghanda ka mamaya, pagkatapos ng aking dinner meeting ay sa hotel na tayo tutuloy,” sabi ni Sir Kyle sa akin habang inaayos ko ang mga dokumentong kailangan niya.
Tatango na sana ako nang naalala ko na mayroon siyang ibang schedule para sa oras na iyon. Tiningnan ko kung ano ang nasa aking planner upang alalahanin kung ano ang nasa kaniyang schedule.
“What? Hindi mo ba naintindihan ang aking sinabi?” sunod-sunod na tanong ni Sir Kyle sa akin.
Isang iling ang aking isinagot, “Sir Kyle, hindi tayo puwedeng magkita ngayon dahil makikipagkita ka kay Ma’am Jessica. May scheduled interview kayo sa press.”
“Cancel it,” utos ni Sir Kyle sa isang malamig na tinig.
“Sir, hindi ko po puwedeng gawin ang inyong sinasabi. Makakahalata si Ma’am Jessica kung hindi ka magpapakita mamaya.”
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Sir Kyle. Alam kong may sasabihin siya sa akin ngunit hindi iyon natuloy dahil narinig namin ang isang boses na pamilyar sa kaniya. Dumating nang walang pasabi ang kaniyang fiancee na si Ma’am Jessica.
“Ano ang ginagawa mo rito? Ang akala ko ay mamayang gabi pa tayo magkikita,” sabi ni Sir Kyle na halata kong pinipilit na gawing kaswal ang boses.
Nginitian muna ako ni Ma’am Jessica bago hinarap si Sir Kyle, “Kilala kita at alam kong ipapa-cancel mo ulit sa iyong secretary ang iyong schedule para mamayang gabi. Nagpunta ako rito para paalalahanan ka na kailangan mong magpanggap ngayong gabi.”
“Bakit magpapanggap pa ako mamayang gabi kung alam nating pareho na sa isang kasal ang naghihintay sa ating dalawa?” tanong ni Sir Kyle kay Ma’am Jessica.
“Dahil wala tayong ibang mapagpipilian?” patanong na sagot ni Ma’am Jessica bago pa man siya humarap sa akin. “Tell me the truth, gusto bang ipa-cancel ng iyong boss ang schedule niya para mamayang gabi?”
Ibubuka ko ang aking bibig nang biglang nagsalita si Sir Kyle.
“Leave Jean Antoinette alone,” sabi niya sa isang iritableng tinig. “Hindi mo na siya kailangang tanungin pa.”
Nangunot ang aking noo nang napansin ko ang pagsilay ng isang ngisi sa labi ni Ma’am Jessica, “Wala akong ginagawang masama sa kaniya. Tatanungin ko lang siya kung may iba kang schedule tonight.”
Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan, “Kinumpirma na sa akin ni Sir Kyle na mayroon kayong schedule ngayong gabi at gusto niyang siguraduhin na magiging maayos ang inyong interview para mamaya.”
Napatango si Ma’am Jessica, satisfied siya sa aking sagot, “Mabuti kung ganoon. Well, hindi ko na kayo guguluhin pa at alam kong busy rin kayo ngayong araw.”
Ramdam ko ang masamang tinging ibinibigay sa akin ngayon ni Sir Kyle pagkaalis ni Ma’am Jessica. Halata kong naasar siya sa nangyari dahil pinagdiinan ko sa kaniya na mas mahalaga ang lakad nilang dalawa ni Ma’am Jessica kaysa sa palihim naming pagkikita sa hotel na madalas naming puntahan.
“Sinusubukan mo ba ang aking pasensiya, Jean Antoinette?” tanong ni Sir Kyle sa akin.
“Ginagawa ko lang po ang aking trabaho, Sir,” sagot ko sa isang pabulong na tinig. “Hindi mo rin gugustuhing maisiwalat sa publiko ang ating relasyon. Iniingatan ko lang ang iyong reputasyon.”
“Fine, you win. Hindi tayo magkikita ngayong gabi,” saad ni Sir Kyle sa akin. “Siguraduhin mo lang na matatapos mo ang design na ipinapagawa ko sa iyo.”
Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan, “Naiintindihan ko, Sir Kyle.”
“Another thing, siguraduhin mo rin na libre ang aking schedule bukas ng gabi,” utos ni Sir Kyle. “I do not need your sorry excuses tomorrow.”
Kung hindi ko boss si Sir Kyle ay siguradong nairapan ko na siya kanina. Pinigilan ko ang aking sarili at isang ngiti ang aking isinagot.
“Wala kang maririnig na excuse sa akin bukas,” paniniguro ko sa kaniya.
Kinagabihan, nakita ko sa tv ang interview nina Sir Kyle at Ma’am Jessica. Napailing ako lalo na at alam kong nagpapanggap silang dalawa sa harap ng camera. Sa unang tingin ay mapagkakamalan kong in love sila sa isa’t isa dahil sa sweetness na ipinapakita nila.
Habang busy ako sa panonood ng kanilang interview ay nag-ring ang aking phone. Nangunot ang aking noo nang nakita ko ang pangalan ni Sir Kyle.
“Finally!” sambit ni Sir Kyle nang sinagot ko ang kaniyang tawag.
“Sir, bakit napatawag kayo?” tanong ko sa kaniya. “Ang akala ko ay hindi mo ako tatawagan after office hours.”
“Magkita tayo sa hotel. You only have ten minutes to prepare,” sabi niya bago ibinaba ang phone.
Tuloy ang aking buhay kahit magkaaway kaming muli ni Sir Kyle. May fashion show akong dapat asikasuhin kaya kailangan kong mag-focus sa aking trabaho. Puwede ko namang isantabi ang away naming dalawa para magmukha kaming propesyonal sa paningin ng ibang tao. Sana lang ay ganoon din ang kaniyang gawin dahil ayaw kong mapagpistahan kami ng ibang mga tao. "The designs are nice and the fabrics match the vibe that I want to see in the fashion show," sabi sa akin ni Sir Kyle in a professional tone. "Finally, you knew my standards.""Well, hindi ko iyan magagawa kung wala ang iyong guidance," sagot ko sa kaniya. "And I am willing to learn again once may makita kang mali sa mga ginagawa ko.""Actually, may mali kang nagawa kagabi," saad ni Sir Kyle sabay tingin sa akin nang masama. "Hindi ka umuwi sa bahay."Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan, "Sir, we can talk about it later. Huwag ngayong nasa trabaho tayo.""Well, maganda sana ang ideya mo kung hindi mo ako iniiwasan kapag may
Kahit na tinanggihan ni Sir Kyle ang kahilingan ni Ma'am Jessica ay hindi iyon nangangahulugan na tapos na ang usapin. In fact, nang sumunod na araw ay ipinatawag ni Sir Alexander si Sir Kyle para pag-usapan ulit ang kanilang engagement. "Ang kulit! Alam na niyang ikaw ang girlfriend ko and yet, ipipilit pa rin niya ang kaniyang gusto. Parang tanga lang!" inis na sambit ni Sir Kyle. "Huwag ka namang ganiyan. Ama mo pa rin si Sir Alexander,* saway ko sa kaniya. Hindi ko inaasahan na isang irap ang aking makukuha mula kay Sir Kyle. Alam kong frustrated siya sa sitwasyon, pero hindi naman puwedeng ganoon ang attitude na ipapakita niya kay Sir Alexander. "Makasarili si Jessica, wala siyang pakialam kung may maapakan man siyang iba," sabi ni Sir Kyle sa akin. "Kailangan mo rin sigurong intindihin ang kalagayan niya," sabi ko kay Sir Kyle. "Halata ko namang magulo na rin ang kaniyang isipan." "Kahit na! It does not even give her the right para gawin iyon sa akin, na para bang h
Ang akala namin pareho ni Sir Kyle ay matatapos na ang usapin tungkol sa kanilang engagement ni Ma'am Jessica. Kahit naging mainit iyon sa media ay namatay rin ang isyu lalo na at parehong nanahimik ang dalawang kampo. Hindi namin inaasahan na bigla na lang magpapakita si Ma'am Jessica sa mismong bahay niya."I am really sorry kung ginambala ko kayo ngayong gabi," sabi ni Ma'am Jessica sa amin. "Jean Antoinette, puwede ko bang makausap si Kyle kahit saglit nang kaming dalawa lang?"Akmang tatayo na ako mula sa aking kinauupuan upang sundin ang simpleng kahilingan ni Ma'am Jessica nang pinigilan ako ni Sir Kyle. Isang confused look na lang ang aking ibinigay sa kaniya nang sandaling iyon."Kung may sasabihin ka man sa akin ay mas makabubuti kung kasama ko si Jean Antoinette para hindi siya malalaman sa kung ano ang kailangan mo sa akin," sabi ni Sir Kyle kay Ma'am Jessica.Isang malalim na hininga na lang ang pinakawalan ni Ma'am Jessica, "But I need to discuss this with you in private
Hindi nagsisinungaling sa akin si Sir Kyle nang pumasok kami sa loob ng movie house. Literal na kaming dalawa lang ang nasa loob at wala kaming ibang kasama. Ni hindi na rin kami pumunta pa sa bilihan ng popcorn dahil may nakahanda na rin mismo sa loob. Kulang na lang ay kandila at masasabi kong candle lit dinner na iyon sa loob ng sinehan."Alam kong busy ka masyado sa trabaho kaya ito ang naisip kong paraan para makapag-date tayo," sabi ni Sir Kyle sa akin. "Occupied ka pa rin kapag weekends kaya kung sakaling aayain kita sa mga araw na iyon ay alam kong tatanggihan mo lang ako."Speechless ako nang sandaling iyon. Hindi ko mahanap sa aking utak ang gusto kong sabihin sa kaniya. Nagulat na lang ako nang bigla niyang hinawakan ang aking kamay."Shall we go to our seat now para mapanood ko ang movie na sa tingin ko ay magugustuhan mo," sabi niya sa akin bago pa man niya ako inalalayan papunta sa upuan.Hindi ko alam kung ano ang aking aasahan sa movie na napili niya nang sandaling iyo
Tulad nang sinabi sa akin ni Sir Kyle, iniwan na niya sa akin ang creative part ng runway. Binigyan niya ako ng kontrol sa paggawa ng design hanggang sa pagpili ng tela na gagamitin para sa mga nasabing damit. Ang kailangan ko lang isipin lagi ay ang masiguro na pasok sa standard niya ang aking ginagawa."Hindi ka na raw lumalabas kaya pinadalhan ka na ni Sir Kyle ng pagkain," sabi ni Sir Roman habang inilalapag sa aking mesa ang pagkain. "He's concerned with your health lalo na at ang naging priority mo na yata ay ang project na ibinigay niya sa iyo."Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan, "Masisisi mo ba ako kung iyong project ang mas priority ko ngayon? I mean, ako ang in-charge sa buong project mismo. Kailangan kong masiguro na okay ang lahat."Tiningnan ni Sir Roman ang kapaligiran nang oraz na iyon, "I bet, Sir Kyle will be proud of your work dahil nakikita niya ang effort na ibinibigay mo sa kaniya.""Sana nga, maging proud siya sa aking gawa," sagot ko in a hopeful to
Kahit na sabihin pang kumalat na sa opisina ang tungkol sa relasyon namin ni Sir Kyle, siniguro niya na hindi iyon makakaapekto sa kaniyang trabaho bilang CEO. He is disciplined enough na hindi niya palalampasin ang mga pagkukulang ko sa trabaho."This design is too plain and boring para maging bahagi ng fashion show," sabi ni Sir Kyle sa akin nang binisita niya ang aking portfolio."But it has bright and vibrant colors tulad ng sinabi mo sa akin," sagot ko sa kaniya. "Ang assignment na ibinigay mo sa akin ay retro vibes dapat ang makikita sa design.""But it does not even embody the vibe," sabi ni Sir Kyle sa akin. "Ang ginawa mo lang ay maglagay ng vibrant colors and that's it."Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan. Sa totoo lang ay nagpipigil lang ako ng inis dahil alam kong tama naman ang aking ginawa. "Give me your pencil," sabi sa akin ni Sir Kyle in a cold tone. "I'll show you kung ano ang kulang sa gawa mo."Ayaw ko nang makipag-deal pa sa kaniyang tantrums kaya ibi