MasukMAAGA akong nagising nang sumunod na araw. Naalala ko ang sinabi ni Sir Kyle na kailangang maaga ako sa office.
“Nandito ka na pala, good morning,” sabi ni Sir Roman na pinasadahan kaagad ng tingin ang aking kabuuan sabay iling.
Nangunot na lang ang aking noo, “Good morning po. May mali po ba sa suot?” tanong ko nang napansin kong dismayado siya sa kaniyang nakikita.
“Hind magugustuhan ni Sir Kyle ang suot mo kapag nakita ka niy,” sagot ni Sir Roman. “Mapili siya sa suot ng kaniyang mga secretary.”
Napatingin na lang ako sa aking suot. Disente ang dress na napili kong isuot bilang kaniyang secretary. Wala akong nakikitang problema sa aking hitsura.
“Hindi matutuwa si Sir Kyle kapag nakita niya ang iyong suot,” sabi ni Sir Roman sa akin. “Manatili ka lang diyan at may kukunin akong ipinabili niya sa akin.”
Namatay sa aking lalamunan ang protestang nais kong sabihin nang biglang tumalikod si Sir Roman sa akin. Walang mali sa aking suot, akma iyon sa aking trabaho kay Sir Kyle.
“Kunin mo na ito at magbihis ka,” sabi ni Sir Roman sabay abot sa akin ng isang shopping bag na naglalaman ng damit na ipinabili raw ni Sir Kyle sa kaniya.
“Sir, baka hindi kasya sa akin iyan,” saad ko. “Ayos ang aking suot. Hindi ko na kailangang magpalit pa.”
“Kung gusto mong manatili sa trabaho, susundin mo ang kaniyang gusto,” sagot ni Sir Roman sa isang seryosong tinig. “Maraming babae ang nakaabang sa iyong posisyon kaya kailangan mong patunayan kay Sir Kyle na ikaw ang karapat-dapat sa trabaho na iyan.”
Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan. Hindi na ako binigyan ni Sir Roman ng pagkakataon na makapagprotesta pa sa kaniyang sinabi. Kinuha ko ang bag na ibinigay niya sa akin.
“May CR sa loob ng office mo, magbihis ka na roon,” sabi ni Sir Ramon sa akin. “Bilisan mo hangga’t hindi pa dumadating si Sir Kyle.”
Pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin nang naisuot ko ang red dress na pinabili ni Sir Kyle para sa akin. Hapit na hapit iyon sa aking katawan kaya kitang-kita ang bawat kurba na gusto ko sanang itago. Naiilang ako sa aking suot dahil ang pakiramdam ko ay huhubaran ako ng aking boss kung sakaling makikita niya ako.
“Hindi ako nagkamali sa pinili kong damit para sa iyo, good morning,” nakangiting sambit ni Sir Kyle sa akin nang pumasok na siya sa office.
“Good morning din po, Sir,” tanging naisagot ko sa kaniya.
“Siguro ay nasabi na sa iyo ni Roman ang mga gawain mo bilang aking secretary,” sabi ni Sir Kyle na tinanguan ko. “Nasa fashion industry tayo kaya kailangan mong ipakita sa akin ang kakayahan mo bilang isang designer. Hindi kita kinuha para maging palamuti lang sa aking opisina.”
“Naiintindihan ko po ang iyong gusto, Sir Kyle,” sagot ko.
“Impress me with your own design,” utos ni Sir Kyle. “Make me a design that is fashionable and wearable at all times.”
Nakuha ko kaagad ang nais ipagawa sa akin ni Sir Kyle kaya nang nakabalik ako sa aking desk ay inumpisahan ko kaagad ang kaniyang utos. Naghanap ako ng puwede kong kuhanan ng inspirasyon. Ipakikita ko sa aking boss na karapat-dapat ako sa posisyong aking nakuha.
Nang natapos ako ay ipinakita ko na iyon kay Sir Kyle. Ang akala ko ay magugustuhan niya ang aking ginawa. Hindi ko inaasahan ang ginawa niya sa aking design. Itinapon niya iyon sa basurahan.
“Iyon na ba ang fashion na puwede mong ipagmalaki sa akin?” tanong sa akin ni Sir Kyle.
“Sir …”
“Nagawa mo nga ang aking sinabi, pero hindi iyon pasok sa aking inaasahan mula sa iyo,” sambit ni Sir Kyle sa akin. “Masyadong matamlay ang design na ibinigay mo sa akin. Ni hindi ka man lang naglagay ng details na puwedeng magpatingkad sa gawa mo.”
“Sir, siniguro ko po na ang design ay puwede for everyday wear,” sabi ko sa kaniya.
“Masyadong generic ang ibinigay mo, ulitin mo ang iyong gawa,” utos agad ni Sir sa akin. Ni hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon upang magpaliwanag.
Isang marahas na hangin ang aking ibinuga nang tinalikuran ko si Sir Kyle. Uubusin niya ang aking pasensiya nang wala sa oras.
Umaga pa lang, pero ang pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako. Ilang rejections ang aking naranasan kaagad sa kaniya sa loob ng dalawang oras.
“Ulitin mo ulit, masyadong masakit sa mata ang iyong ginawang design,” sabi ni Sir Kyle nang nakita niya ang aking ginawa. “Hindi pasok sa everyday theme na ibinigay ko sa iyo.”
“Sir, hindi ko makuha kung ano ang iyong gusto,” protesta ko sa kaniya. “Ginawa ko na ang lahat, pero puro rejections ang nakukuha ko sa iyo.”
“Kung ngayon pa lang ay nagrereklamo ka na, maaari ka nang umalis sa iyong trabaho,” sagot ni Sir Kyle. “I hired you because you have an impressive resume. Ipakita mo iyon sa akin sa pamamagitan ng iyong design.”
Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan, “Challenge accepted, Sir.”
“Good. Utilize the time I am giving you because if you fail again, hindi ako magdadalawang-isip na tanggalin ka sa iyong trabaho,” pagbabanta ni Sir Kyle sa akin.
Kinagat ko ang ibabang bahagi ng aking labi upang mapigilan ang inis na namumuo sa aking dibdib. Hindi ko puwedeng patulan ang kakaiba niyang ugali.
“Pagpasensiyahan mo na ang iyong boss,” sabi ko na lang sa aking sarili. “Sadyang siraulo siya na hindi natin maintindihan. Gawin mo na lang ang lahat
para masiguro na hindi ka pa matatanggal sa trabaho ngayong araw.”
Mugto man ang aking mata sa magdamag na pag-iyak ay hindi ko iyon ipinahalata kay Chiara. Masyadong inosente ang aking anak para masaktan sa mga desisyong ginawa ko noon. Iyon nga lang, kahit na anong tago ang aking gawin ay napansin pa rin niya ang aking mata."Is Mommy sad today?" tanong niya sa akin in straight English.Hindi ako sumagot at sa halip ay niyakap ko si Chiara. Sa ngayon ay magagamit ko ang kaniyang pag-E-English para magpanggap na hindi ko naintindihan ang kaniyang sinasabi. Hindi na niya kailangang malaman pa kung ano ang nararamdaman ko."Mommy, you didn't answer my question," sabi ni Chiara in a whiny tone."Sorry na, hindi naintindihan ni Mommy ang tanong mo," nakangiting sagot ko. "Tara na, pupunta na tayo sa school."Palabas na kami ng bahay nang nakita ko ang kotse ni Kyle sa tapat. Hindi ko na lang sana iyon papansinin sa pag-aakalang nagkataong nandoon lang ang kaniyang kotse."Sumakay na kayong dalawa, ihahatid ko na kayo sa destinasyon ninyo," sabi ni Kyle
"Bakit hindi ka nagsabi sa akin noon na may anak na tayong dalawa?" tanong ni Kyle sa isang frustrated na tinig. "Ganoon na lang ba kababa ang tiwala mo sa akin?" "Tulad nang nasabi ko na, ako ang nagpasiyang lumayo dahil hindi tayo puwede," sabi ko sa kaniya. "Iba ang babaeng nakalaan para sa iyo at hindi ako iyon." "Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi kami ikinasal ni Jessica?" tanong muli ni Kyle sa akin. "Walang kasal na naganap dahil nalaman naming nagpapanggap lang si Uncle noon!" "Pero gulo pa rin ang dala natin sa isa't isa," saad ko sa kaniya. "Nakita at naramdaman mo na iyon noon." "Pero hindi iyon sapat para iwan mo na lang ako noon," giit ni Kyle. "Ni hindi mo man lang inalam kung ano ang gagawin ko para protektahan kung ano ang mayroon tayo." "Para saan pa? Hindi ako bulag, Kyle," depensa ko. "Kahit ano ang gawin ko ay hindi ako tatanggapin ng ama mo." "But still --" "Nakita mo kung ano ang kayang gawin ng ama ni Ma'am Jessica matupad lang ang kaniyang
Ang akala ko ay magagawa kong ilihim sa mahabang panahon ang ugnayan nina Kyle at Chiara. Nangyayari ang mga bagay ayon sa gusto ko. Kahit magkapitbahay kami ni Kyle ay wala siyang kaalam-alam sa existence ng bata lalo na at maaga rin naman siyang umaalis para asikasuhin ang kaniyang negosyo. Minsan nga ay lumilipas ang isang buong linggo na hindi siya umuuwi sa kaniyang bahay. "Miss mo na ang mokong?" tanong ni Heaven nang nakita niyang nakatanaw ako sa bahay niya. Isang marahas na iling ang aking isinagot, "Imposible! Tinitingnan ko lang ang labas dahil gusto kong masigurong wala siya ngayong nasa labas si Chiara." "Iyon ba talaga ang dahilan?" tanong ni Heaven sa akin. "Baka naman --""Wala akong ibang dahilan para hanapin siya," sabi ko kay Heaven sa isang seryosong tinig."Sigurado ka ba? Baka --"Pinigilan ko kaagad sa pagsasalita si Heaven nang may napansin ako sa labas. Naglalaro sa labas noon si Chiara at maski siya ay napatigil sa kaniyang ginagawa nang napansin niya an
"Seryoso, sa harapan mo pa sila mag-aaway kung sakaling hindi mo sila pinalabas?" tanong ni Heaven sa akin nang sabihin ko sa kaniya kung ano ang nangyari. Napahilot ako sa aking sentido nang naalala ko kung ano ang nangyari sa loob ng aking opisina. Hindi ko inakala na magugulo ang aking buhay dahil lang sa dalawang lalaki na biglang sumulpot ng walang pasabi. "Alam ko na, baka nagpanggap silang mga customer kaya pinapasok sila sa boutique," sabi ni Heaven sa akin. "Wala rin ako kanina dahil may kailangan akong asikasuhin kaya parang mga dagang nagdiwang ang dalawang iyon, lalo na ang ex-boyfriend mo."Napatango ako sa sinabi ni Heaven. Naalala kong day off nga pala niya ngayon kaya wala akong personal assistant nang sandaling iyon. Kung sakaling nasa boutique siya ay sigurado akong magagawa niyang harangan ang dalawang lalaki, lalo na at nasa kaniya ang aking schedule para sa personal appointments. Masasabi ko na lang ding matalino sina Kyle at Matthias lalo na at nakapasok sila s
Ilang araw na rin ang nakalilipas buhat nang natapos ang Runway Project. I can say na successful ang event na iyon lalo na at pinag-usapan din iyon ng ilang araw. Halos lahat ay pinupuri ang Janzen Creations sa kanilang nagawa lalo na at mga kilalang fashion designers din ang kanilang inimbitahan. Hindi ko nga lang inaasahan na sa mga susunod na araw ay isang bisita ang aking tinanggap sa aking opisina. Hindi lang siya isang simpleng bisita dahil si Mr. Janzen iyon na siyang organizer mismo ng event. "Hindi ko inaasahan ang pagpunta mo rito. What can I do for you?" tanong ko kaagad kay Mr. Janzen, wondering kung anong suhol ang ibinigay nito kay Heaven para makapagpagawa ito kaagad ng appointment sa aking kaibigan. Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Mr. Janzen bago pa man siya nagsalita, "Hindi mo kailangang maging pormal masyado sa akin lalo na at ang nais ko lang naman ay makipagkaibigan sa iyo." Nangunot ang aking noo sa narinig. Friendship means a new proposal for me
Kung hindi ako inakusahan ni Sir Kyle na iniiwasan ko siya ay hindi ako papayag na magkasama kaming pupunta sa Runway Project. Kilala ng mga tao si Sir Kyle at sigurado akong alam din nila ang tungkol sa kasal nito kay Ma’am Jessica. Kung totoo man ang sinasabi ni Sir Kyle na hindi nga natuloy ang kanilang kasal at makita ng mga tao na magkasama kami ay hindi imposibleng isipin nilang ako ang dahilan ng kanilang hiwalayan. Nagtago ako sa Baguio, I admit that. Pero hindi ko iyon ginawa dahil itinago ako ni Sir Kyle. Ako ang kusang lumayo para mapakasalan siya ni Ma’am Jessica.“Ang lalim ng iniisip mo ah,” bati sa akin ni Sir Kyle habang magkatabi kami sa backseat ng kotse. “Ako na naman ba ang laman niyan?”Isang masamang tingin kaagad ang ibinigay ko sa kaniya, “Huwag kang masyadong feeling. Hindi lang ako komportable sa mga ganitong okasyon.”Pinagmasdan lang ako ni Sir Kyle bago pa man siya nagsalita, “You are beautiful, Jean Antoinette. “Literal na kaya mong agawin a







