Home / Romance / Becoming The CEO's Contract Lover / CHAPTER THREE: THE CONTRACT

Share

CHAPTER THREE: THE CONTRACT

Author: Lovina Alice
last update Huling Na-update: 2025-08-18 17:29:37

 Nakaramdam ako nang matinding kaba nang ako ay iniwanan na ni Sir Roman. Grabe rin kasi kung makatitig si Sir Kyle sa akin. Pakiramdam ko ay kakainin niya ako nang buhay kung ako ay magpapadaig sa takot na nararamdaman ko sa kaniya.

 “How willing are you to work with me?” tanong ni Sir Kyle sa akin. “Magagawa mo ba lahat ng gusto kong ipagawa sa iyo kung sakali?”

 Tumango ako kaagad upang maipakita sa kaniya na desidido ako. Bago ko pa man magawang ibuka ang aking bibig ay naramdaman ko na lang na bigla niya akong hinapit upang bigyan ng isang halik sa labi.

 Hindi isang simple ang halik na iyon sapagkat mainit iyon, mapusok. Sinubukan ko pang ipinid ang aking labi ngunit napasinghap ako nang mas pinalalim niya ang halik na ibinigay niya sa akin. 

 “I can tell that you already have an experience in kissing,” nakangising sambit ni Sir Kyle sa akin. “What about s3x?”

 Namula na lang ako sa sinabi ni Sir Kyle, “Sir -”

 “Do not mind my question,” sabi agad ni Sir Kyle sa akin. “Anyway, I still need to your resume. Ang sabi kasi ni Roman ay impressive iyon.”

 Bago pa man ako makapagbigay ng kopya ng aking resume ay nakita ko na hawak na niya ang resume na ibinigay ko kay Sir Roman kanina. Hindi ko alam kung paano iyon napunta sa kaniyang mga kamay. Ni hindi ko man lang iyon nakitang iniabot sa kaniya ni Sir Roman kanina.

 “You really have an impressive resume,” sabi ni Sir Kyle sa akin. “I won't even be surprised if you get rejected from smaller companies. I mean, hindi nila kayang tapatan ng tamang sahod ang kakayahan mo bilang isang fashion designer. But I have a question in mind, why settle for a small compensation bilang mananahi sa isang hindi kilalang boutique?”

 “Hindi ko rin po alam kung bakit nag-settle ako sa mababang sahod kahit na alam ko ang aking expertise sa fashion designing,” sagot ko sa kaniya. “Ang alam ko lang ay masaya ako noon sa trabaho ko.”

 “But it does not mean na kaya kang sahuran nang malaki ng boss mo dahil lang sa dedication na mayroon ka,” sabi ni Sir Kyle sa akin. “Anyway, it also proves na kaya mong gawin ang bawat iuutos ko sa iyo.”

“So?”

“Be my lover.”

Hindi ko alam kung napanganga na ba ako sa sinabi ni Sir Kyle, “Pardon?”

“I want to hire you as my contract lover. You are my secretary by day and lover at night,” sabi ni Sir Kyle na para bang normal lang sa kaniya ang kaniyang sinasabi sa akin. “Ang sabi mo naman sa akin ay hindi ka tatanggi as long as may katapat iyong presyo, hindi ba?”

 “Wala akong sinasabi na ganoong bagay,” tanggi ko sa sinabi ni Sir Kyle.

 “Wala ka ngang sinabi na ganoong bagay, but dealing with me right now proves my point na kaya mo ngang gawin ang bawat ipapagawa ko sa iyo,” sagot ni Sir Kyle. “Iyong nakita mong babae kanina, applicant din iyon na sinubukan akong paamuin, but she didn’t satisfy me with a hot kiss. So, I already terminated the contract with her.”

 Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Hindi ko nga binanggit na kaya kong gawin ang mga bagay na gusto niyang gawin, but I nodded nang tinanong niya ako. I cannot back out immediately lalo na kung ang sinasabi niya ay malaki ang magiging sahod ko sa kaniya.

 “I can give you the contract immediately, all I need is your consent. Wala na rin namang mawawala sa iyo kung sakali, unless you have a lover na puwede kong masagasaan.”

 Nanuyo na lang ang aking lalamunan sa sinabi ni Sir Kyle. Muling sumagi sa aking isipan ang ginawang pagtataksil nina Jake at Ate Andrea sa akin, ang pag-abandona sa akin ng sarili kong mga magulang at ang pagkawala ng iniingatan kong trabaho. There is no way in hell na hahayaan ko na lang silang magpakasaya sa ginawa nila sa akin.

 “It seems like may naapakan ako sa pagkatao mo,” nakangising sambit ni Sir Kyle sa akin. “I like that reaction. Mahirap ba ang gusto kong ipagawa sa iyo?”

 Nilunok ko na ang aking pride, “Hindi mahirap ang gusto mong ipagawa sa akin. Wala kang tatapakang tao dahil malaya ako.”

 Isang ngisi na lang ang ibinigay niya sa akin, “Well then, meet me sa hotel na malapit lang dito mamayang gabi. I already have your phone number kaya hintayin mo na lang ang aking text mamaya. You are already hired! Congratulations!”

 Tinitigan ko na lang ang kontratang ibinigay sa akin ni Sir Kyle. Hindi ko alam kung tama ba ang desisyong ginawa ko dahil alam ko sa aking na may kapalit ang kontratang ito.

 “Come on, pinili mo ang ganitong uri ng trabaho kaya kailangan mo na itong panindigan. Hindi ka mabubuhay kung hindi ka gagawa ng paraan,” kastigo ko sa aking sarili nang nararamdaman ko na ang kagustuhan kong mag-backout sa aking pinirmahang kontrata.

 Dumating ang oras na sinabi sa akin ni Sir Kyle at isang text nga ang aking natanggap mula sa kaniya.

 “Meet me at the Villa Serene. Dress nicely and ask the receptionist about my reservation tonight. Alam na nila kung saang room ka dadalhin. Be sure that you are clean enough to increase my libido.”

 Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan, “May trabaho nga ako. Sa manyak naman ako napunta.”

 Napailing ako nang naisip ko ang consequences ng aking pagiging broken. Hindi ko na magagawa pang ingatan ang aking pagkababae kung sakaling pupunta ako roon. All of my reservations will fly out of the window once na nakipagtalik ako sa sarili kong boss. Nairita na lang ako nang may isa pa siyang text na ibinigay sa akin.

 “Wear something that is sexy if you want the job. I

can cancel your contract once I find you unattractive.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTEEN: NORMAL DAY

    Kahit na sabihin pang kasal na kaming dalawa ni Kyle ay hindi iyon nangangahulugan na diretso na iyon sa honeymoon namin. Iba ang plano namin at nagpakasal lang kami kaagad para maging legitimate ang status ng aming pangalawang anak kapag siya ay ipinanganak ko na. Wala rin namang nakakaalam na ikinasal na kami kaya minabuti na lang naming ituloy ang aming mga trabaho habang pinaghahandaan ang tunay naming kasal."Sigurado ka ba na hindi ka stressed ngayon?" tanong ni Heaven sa akin nang siya ay tumawag para ako ay kumustahin. "Biglaan ang pagpapakasal ninyo ah."Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan nang sandaling iyon. Bukod sa mga nakasama namin sa civil wedding ay sina Roman at Heaven lang ang nakakaalam ng tunay na sitwasyon. Wala nga lang sila sa kasal dahil sumunod lang din kami sa schedule na ibinigay ng judge sa amin."Natahimik ka na riyan," sabi sa akin ni Heaven. "Siguro ay stressed kang tunay ngayon dahil sa bilis ng mga pangyayari.""Well, I have to admit na nab

  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER ONE HUNDRED TWELVE: RUSHED WEDDING PLANNING

    Tulad ng inaasahan ni Kyle, masayang tinanggap ni Dad ang balita tungkol sa aking pagbubuntis. Iyon nga lang, kahit masaya siya ay hindi niya naiwasan na hindi mag-alala lalo na at hindi pa rin kami kasal nang ako ay mabuntis na naman ni Kyle sa pangalawang pagkakataon. "Ano na ang balak ninyong gawin ngayong buntis na ulit ang aking manugang?" tanong ni Dad kay Kyle. "Dad, engaged naman na kami ni Jean Antoinette," sagot ni Kyle. "Baka magpakasal na lang po kami kapag nakapanganak na siya." Isang iling ang ibinigay ni Dad sa aming dalawa, "That won't do. Dalawang beses nang nagbubuntis si Jean Antoinette at hindi pa rin kayo kasal." "But Dad, mas mainam kung -" "Mas mainam kung magpakasal na kayong dalawa bago manganak si Jean Antoinette para hindi na kayo mahirapan sa apelyido ng pangalawa ninyong anak," sabi ni Dad sa amin. "Look at Chiara's case, gamit niya ang apelyido ni Jean Antoinette at matatagalan pa bago niya magamit ang apelyido natin legally." Isang tango na

  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER ONE HUNDRED ELEVEN: CONFIRMED PREGNANCY

    Hindi maitago ni Kyle ang kaniyang tuwa nang nalaman niyang ako ay buntis sa aming pangalawa. Thankfully, sinabi sa amin ng doktor na hindi magiging maselan ang aking pagbubuntis dahil matibay ang kapit ng bata sa aking sinapupunan. Ibang-iba iyon sa una kong pagbubuntis kay Chiara. "Magrereseta pa rin ako ng vitamins na kailangan mong inumin para sa iyong pagbubuntis," sabi ng doktor sa akin. "Tandaan, kahit na okay ang pagbubuntis mo, kailangan mo pa ring umiwas sa stress. Hindi iyon makakatulong sa pagbubuntis mo." Isang tango ang aking pinakawalan. Nagulat ako nang biglang hinawakan ni Kyle ang aking kamay. "I assure you na iingatan ko ang aking asawa," sabi ni Kyle sa aming doktor. Napangiti ako. Hindi ko inakala na mabilis tatanggapin ni Kyle ang aking kalagayan ngayong buntis na ako sa pangalawa naming anak. "Alam mong wala ako noong ipinagbuntis mo si Chiara kaya ngayong buntis ka na ulit ay sisiguraduhin ko na hindi na ako mawawala pa sa iyong tabi," sabi ni Kyle sa

  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER ONE HUNDRED TEN: ANOTHER PREGNANCY?

    Mabilis na lumipas ang panahon nang hindi ko namamalayan. Naging busy kami pareho ni Kyle sa aming mga trabaho lalo na at mas naging hectic na iyon dahil kasabay noon ay ang pagsasaayos namin sa aming kasal. Iyon nga lang, hindi sa lahat ng oras ay kakayanin ng katawan namin ang pagod kaya mas maaga kaming nakakatulog sa gabi. "Nakausap ko na ang suppliers ng bulaklak," sabi sa akin ni Kyle. "Ipinahanap ko na ang mga paborito mong bulaklak." Akmang sasagutin ko na ang sinabi ni Kyle nang may naamoy akong kakaiba mula sa kaniya na hindi nagustuhan ng aking ilong. Bago pa man ako makapagtakip ng ilong ay naramdaman ko na ang pagbaligtad ng aking sikmura. "Ano ang nangyayari sa iyo?" tanong kaagad ni Kyle sa akin nang nakita niyang ako ay naduduwal sa lababo. Hinawi pa niya ang aking buhok upang masiguro na hindi iyon nakaharang sa aking mukha. Isang iling ang aking pinakawalan. Literal na hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari sa akin nang sandaling iyon. Ang alam ko lang ay gust

  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER ONE HUNDRED NINE: PERFECTION

    Malapit na akong ikasal kay Kyle at nais naming maging perfect ang lahat para sa aming kasal. Nang nasiguro naming available ang venue na gusto namin ay nagsadya na kaagad kami sa lugar para magbigay ng full payment. Mahirap na, baka masulutan pa rin kami ng ibang couples kung sulat lang ang gagawin naming reservation. "We assure you na walang makakakuha ng venue na ito sa araw na nais ninyo," sabi ng receptionist na kausap namin na siyang tumanggap ng aming bayad. "Pero ipapaalala lang namin sa inyo na kung sakaling magkaroon ng pagbabago at last minute ay hindi na namin puwedeng i-refund pa ang bayad ninyo." "Walang problema," sagot ni Kyle. "Hindi ko rin naman pakakawalan ang bride ko hangga't hindi kami ikinakasal." Namula ako sa sinabi ni Kyle, lalo na nang nakita ko ang kinikilig na reaksyon ng aming kausap. "Miss, swerte ka na sa boyfriend mo kaya huwag mo na siyang pakakawalan pa," sabi agad ng receptionist sa akin. "Marami ang nag-aabang sa isang tulad niya, lalo na k

  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER ONE HUNDRED EIGHT: AFTERMATH

    Hindi ko masabi kung alin ang mas malala: ang mapuyat dahil kay Kyle o ang manakit ang aking katawan dahil din sa kaniya. All I know is hindi kami tumigil hangga't hindi ako sumusurrender sa kaniya. Thankfully, attentive si Kyle sa akin kaya nang natapos kami ay siya rin ang naglinis at nagbihis sa akin. "Good morning," sabi ni Kyle sa akin habang may bitbit siyang tray ng pagkain. "Do you want some breakfast in bed o baka ako ang gusto mo?" Natawa na lang ako sa tanong ni Kyle, "As much as I want you ay mas pipiliin ko ang pagkain ngayon. Kailangan ko talaga ng pahinga dahil pinagod mo ako kagabi." "Well, don't blame me na napagod ka dahil alam nating pareho na nag-enjoy ka rin sa ginawa natin," sagot ni Kyle. "You know, puwede naman nating gawin iyon lagi kapag sigurado na nating tulog na si Chiara." Namula ako sa sinabi ni Kyle. Kung wala siyang dinalang pagkain nang sandaling iyon ay sigurado na akong nagawa ko siyang hampasin kaagad sa matipuno niyang dibdib. Isang mahina

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status