Hindi ko alam kung paano ako nakabalik nang maayos sa bahay. Ang alam ko lang ay halo-halo na ang nararamdaman ko nang sandaling iyon. I was betrayed by my own family dahil pinalabas ni Ate na ako ang mang-aagaw sa aming dalawa. Oo, inaamin ko na malaki ang utang na loob ko sa kaniya dahil minsan na niyang iniligtas ang aking buhay mula sa tiyak na kamatayan. Pero sobra-sobra na ang bayad na ibinigay ko sa kaniya! Ako na ang nagmukhang makasarili sa aming dalawa!
Tumulo na lang ang aking luha nang nakita ko ang sulat na iniwan sa akin ni Jake.
Jean Antoinette,
Alam kong masakit para sa iyo na tanggapin ang katotohanang ipinagpalit kita kay Andrea, but you have to accept it. Hindi na patas para sa kaniya kung hindi kita hihiwalayan kahit na siya pa ang mahal ko. Patawad, pero wala na akong magagawa pa. Hindi ko kayang mahalin ang isang tulad mo na sarili na lang ang iniintindi at hindi ang aking mga pangangailangan.
Hindi ko na nagawa pang basahin ang kabuuan ng sulat na iyon. Nilukot ko iyon at padabog na itinapon ko sa basurahan.
“Ako pa talaga ang naging makasarili ngayon! Nakakaasar! Ang kapal ng mukha niya para ipahiya ako sa sarili kong pamamahay!
I was pacing back and forth nang narinig ko ang pagtunog ng aking phone. Hindi ko na tiningnan kung sino ang nasa caller ID nang sandaling iyon at sa halip ay sinagot ko iyon sa pag-aakalang si Jake ang tumatawag sa akin.
“You’re fired!” iyon ang ibinungad sa akin ng aking kausap.
“Boss, hindi po totoo ang sinasabi ninyo, hindi ba? Binibiro ninyo lang po ako.”
“How I wish na nagbibiro lang ako, kaso hindi. Ipinahiya mo ako sa ating customer!” galit na sambit ni Boss sa akin. “I will only give you until tomorrow para kunin ang mga gamit mo!”
“Boss -”
Bago ko magawang ipaliwanag ang aking side ay pinagpatayan na ako ni Boss ng cellphone. I am at lost right now dahil sa isang araw lang ay nawala na ang lahat sa akin: si Jake, ang mga magulang ko at ang mga pinaghirapan ko.
“Lord, ano ang kasalanan ko sa Iyo at pinahihirapan Mo ako nang ganito?” tanong ko sa Kaniya habang umiiyak. “Hindi Mo man lang ako binigyan ng isang bagay na puwede kong panghawakan eh! Bakit ako pa ang pinili Mong parusahan?”
Alam kong mas lalong walang mangyayari sa akin kung magmumukmok lang ako sa isang gilid. Kailangan kong ibangon ang aking sarili mula sa kahihiyan dahil walang ibang tutulong sa akin. Inumpisahan ko kaagad ang aking araw sa paghahanap ng trabaho. Kahit na anong trabaho ay papasukin ko na, as long as wala akong tinatapakang tao.
“I am sorry, pero wala na kasi kaming bakante ngayon.”
“You are overqualified para sa posisyong ito.”
“Maliit na kumpanya lang kami at hindi namin kaya ang iyong expected salary.”
“Tatawagan na lang kita sa mga susunod na araw.”
Nanlulumo ako sa nagaganap sa aking buhay. Apat na rejections ang natanggap ko sa unang araw pa lang ng aking paghahanap ng trabaho. Ipinamukha nila sa akin na hindi nila ako kailangan. Alam kong wala sa akin ang problema, pero desperado na ako. Kaunti na ang hawak kong pera at mauubos ko pa iyon kaagad kung hindi ako makakapasok kaagad sa bagong trabaho.
Gusto ko nang sumuko after ng aking fifth rejection nang may lumapit sa akin na isang lalaki. Binigyan niya ako ng business card.
“My boss is looking for a new secretary,” sabi ng lalaki sa akin. “And from the looks of it ay alam kong kaya mo ang mga ipagagawa niya. Willing ka bang pumasok sa company namin kung sakali?”
Tumango ako kaagad kahit na hindi ko alam kung ano ang magiging trabaho ko. I do not have any other choice. I need to survive para makapaghiganti ako sa mga taong nanloko at nang-iwan sa akin. Hindi ako makakapayag na ako lang ang magdurusa sa ginawa nila. Dala ng aking matinding pag-iisip ay hindi ko napansin na nauna na pala siya sa paglalakad at ako ay naiwanan na niya.
“Ano pa ang hinihintay mo riyan? Naghihintay na ang bago mong boss.”
Napasunod ako sa aking kausap nang wala sa oras. Hindi ko na puwedeng pakawalan pa ang opportunity na dumating sa akin.
“GET OUT!”
Iyon ang aking narinig nang tumapat kami sa isa sa mga office na naroroon. Bago ko maibuka ang aking bibig ay nakita ko isang babae na umiiyak habang palabas sa nasabing opisina.
“Alam kong gusto mong magtanong, but I suggest na huwag mo nang alamin pa kung ano ang nangyari. My Boss is already waiting for you.”
Napalunok na lang ako nang wala sa oras lalo na nang tumapak ako sa loob. Bigla akong nanlamig lalo na nang nakita ko ang lalaking sa tingin ko ay magiging boss ko simula sa araw na ito.
“Sir Kyle, I already brought someone na sa tingin ko ay papasa sa iyong standard,” sambit ng lalaking aking nakausap. “Nasa iyo na ang desisyon kung tatanggapin mo ba siya o hindi.”
“Did I tell you to lower my standards, Roman?” tanong niya sa aking kausap habang pinapasadahan ako ng tingin. “I am looking for someone who can work under pressure. At sa tingin ko ay hindi siya pasado sa aking qualifications.”
“Sir Kyle, I understand your sentiment and I saw her impressive resume kaya sa tingin ko ay papasa siya sa iyo,” sagot ni Sir Roman.
Napalunok na lang akong muli nang tinitigan na ako ng lalaking tinatawag na Sir Kyle. He scans me again using his steel grey eyes na para bang sinusukat niya kung ano ang kaya kong gawin. Kung hindi lang ako desperado sa mga oras na ito ay sigurado akong nakipaglaban na ako sa kaniya ng titigan. Buti na lang at hindi ako nasindak nang dahan-dahan siyang lumapit siya sa akin.
“Roman, lumabas ka muna. I need to test her kung kakayanin ba niya ang mga trabahong ibibigay k
o sa kaniya,” sabi ni Sir Kyle habang nakatitig sa akin.
Tuloy ang aking buhay kahit magkaaway kaming muli ni Sir Kyle. May fashion show akong dapat asikasuhin kaya kailangan kong mag-focus sa aking trabaho. Puwede ko namang isantabi ang away naming dalawa para magmukha kaming propesyonal sa paningin ng ibang tao. Sana lang ay ganoon din ang kaniyang gawin dahil ayaw kong mapagpistahan kami ng ibang mga tao. "The designs are nice and the fabrics match the vibe that I want to see in the fashion show," sabi sa akin ni Sir Kyle in a professional tone. "Finally, you knew my standards.""Well, hindi ko iyan magagawa kung wala ang iyong guidance," sagot ko sa kaniya. "And I am willing to learn again once may makita kang mali sa mga ginagawa ko.""Actually, may mali kang nagawa kagabi," saad ni Sir Kyle sabay tingin sa akin nang masama. "Hindi ka umuwi sa bahay."Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan, "Sir, we can talk about it later. Huwag ngayong nasa trabaho tayo.""Well, maganda sana ang ideya mo kung hindi mo ako iniiwasan kapag may
Kahit na tinanggihan ni Sir Kyle ang kahilingan ni Ma'am Jessica ay hindi iyon nangangahulugan na tapos na ang usapin. In fact, nang sumunod na araw ay ipinatawag ni Sir Alexander si Sir Kyle para pag-usapan ulit ang kanilang engagement. "Ang kulit! Alam na niyang ikaw ang girlfriend ko and yet, ipipilit pa rin niya ang kaniyang gusto. Parang tanga lang!" inis na sambit ni Sir Kyle. "Huwag ka namang ganiyan. Ama mo pa rin si Sir Alexander,* saway ko sa kaniya. Hindi ko inaasahan na isang irap ang aking makukuha mula kay Sir Kyle. Alam kong frustrated siya sa sitwasyon, pero hindi naman puwedeng ganoon ang attitude na ipapakita niya kay Sir Alexander. "Makasarili si Jessica, wala siyang pakialam kung may maapakan man siyang iba," sabi ni Sir Kyle sa akin. "Kailangan mo rin sigurong intindihin ang kalagayan niya," sabi ko kay Sir Kyle. "Halata ko namang magulo na rin ang kaniyang isipan." "Kahit na! It does not even give her the right para gawin iyon sa akin, na para bang h
Ang akala namin pareho ni Sir Kyle ay matatapos na ang usapin tungkol sa kanilang engagement ni Ma'am Jessica. Kahit naging mainit iyon sa media ay namatay rin ang isyu lalo na at parehong nanahimik ang dalawang kampo. Hindi namin inaasahan na bigla na lang magpapakita si Ma'am Jessica sa mismong bahay niya."I am really sorry kung ginambala ko kayo ngayong gabi," sabi ni Ma'am Jessica sa amin. "Jean Antoinette, puwede ko bang makausap si Kyle kahit saglit nang kaming dalawa lang?"Akmang tatayo na ako mula sa aking kinauupuan upang sundin ang simpleng kahilingan ni Ma'am Jessica nang pinigilan ako ni Sir Kyle. Isang confused look na lang ang aking ibinigay sa kaniya nang sandaling iyon."Kung may sasabihin ka man sa akin ay mas makabubuti kung kasama ko si Jean Antoinette para hindi siya malalaman sa kung ano ang kailangan mo sa akin," sabi ni Sir Kyle kay Ma'am Jessica.Isang malalim na hininga na lang ang pinakawalan ni Ma'am Jessica, "But I need to discuss this with you in private
Hindi nagsisinungaling sa akin si Sir Kyle nang pumasok kami sa loob ng movie house. Literal na kaming dalawa lang ang nasa loob at wala kaming ibang kasama. Ni hindi na rin kami pumunta pa sa bilihan ng popcorn dahil may nakahanda na rin mismo sa loob. Kulang na lang ay kandila at masasabi kong candle lit dinner na iyon sa loob ng sinehan."Alam kong busy ka masyado sa trabaho kaya ito ang naisip kong paraan para makapag-date tayo," sabi ni Sir Kyle sa akin. "Occupied ka pa rin kapag weekends kaya kung sakaling aayain kita sa mga araw na iyon ay alam kong tatanggihan mo lang ako."Speechless ako nang sandaling iyon. Hindi ko mahanap sa aking utak ang gusto kong sabihin sa kaniya. Nagulat na lang ako nang bigla niyang hinawakan ang aking kamay."Shall we go to our seat now para mapanood ko ang movie na sa tingin ko ay magugustuhan mo," sabi niya sa akin bago pa man niya ako inalalayan papunta sa upuan.Hindi ko alam kung ano ang aking aasahan sa movie na napili niya nang sandaling iyo
Tulad nang sinabi sa akin ni Sir Kyle, iniwan na niya sa akin ang creative part ng runway. Binigyan niya ako ng kontrol sa paggawa ng design hanggang sa pagpili ng tela na gagamitin para sa mga nasabing damit. Ang kailangan ko lang isipin lagi ay ang masiguro na pasok sa standard niya ang aking ginagawa."Hindi ka na raw lumalabas kaya pinadalhan ka na ni Sir Kyle ng pagkain," sabi ni Sir Roman habang inilalapag sa aking mesa ang pagkain. "He's concerned with your health lalo na at ang naging priority mo na yata ay ang project na ibinigay niya sa iyo."Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan, "Masisisi mo ba ako kung iyong project ang mas priority ko ngayon? I mean, ako ang in-charge sa buong project mismo. Kailangan kong masiguro na okay ang lahat."Tiningnan ni Sir Roman ang kapaligiran nang oraz na iyon, "I bet, Sir Kyle will be proud of your work dahil nakikita niya ang effort na ibinibigay mo sa kaniya.""Sana nga, maging proud siya sa aking gawa," sagot ko in a hopeful to
Kahit na sabihin pang kumalat na sa opisina ang tungkol sa relasyon namin ni Sir Kyle, siniguro niya na hindi iyon makakaapekto sa kaniyang trabaho bilang CEO. He is disciplined enough na hindi niya palalampasin ang mga pagkukulang ko sa trabaho."This design is too plain and boring para maging bahagi ng fashion show," sabi ni Sir Kyle sa akin nang binisita niya ang aking portfolio."But it has bright and vibrant colors tulad ng sinabi mo sa akin," sagot ko sa kaniya. "Ang assignment na ibinigay mo sa akin ay retro vibes dapat ang makikita sa design.""But it does not even embody the vibe," sabi ni Sir Kyle sa akin. "Ang ginawa mo lang ay maglagay ng vibrant colors and that's it."Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan. Sa totoo lang ay nagpipigil lang ako ng inis dahil alam kong tama naman ang aking ginawa. "Give me your pencil," sabi sa akin ni Sir Kyle in a cold tone. "I'll show you kung ano ang kulang sa gawa mo."Ayaw ko nang makipag-deal pa sa kaniyang tantrums kaya ibi