MasukGo, Rafael. Sabihin mo na.
LeahHindi ko alam kung anong sasabihin.Hindi ko alam kung nararapat pa ako sa ganitong bigat na binibigay niya. Pero marinig ko lang ‘yon… para bang may kumalas na lock sa puso ko.At bago pa ako makapagsalita, bumulong siya muli.“She called.”Napakabilis kong kumunot ang noo.She?Sino?“My son's mother.”Biglang lumamig ang sikmura ko.Hindi dahil sa selos—kundi dahil sa tono niya. May galit. May pangamba. May inis na halatang pinipigilan lang niya.May ideya na ako kung sino ang tumawag. Pero ang marinig mismo sa bibig niya ay parang nakakainis pa rin. Hindi sa ayaw kong magkaroon ng communication ang ina ng anak niya sa kanya, pero parang ganon na nga.Hindi ba ako pwedeng magselos?“At ano’ng gusto niya?” tanong ko, mahina pero hindi mapigilang tensyonado.Humigpit ang braso niya sa baywang ko.Para bang pinipigilan niya ang sarili na sumabog.“She wants money…” huminga siya ng malalim, “…and she’s threatening me.”Nanlaki ang mata ko.Hindi ako makapaniwala.“What?” halos map
LeahHindi ko namalayan na ilang segundo na pala akong hindi humihinga habang pinagmamasdan ko siya. Parang ang bigat ng hangin sa pagitan namin. Nakatayo si Rafael sa may floor-to-ceiling glass wall ng hotel room namin, hawak ang phone na para bang puputok iyon sa higpit ng pagkakakuyom niya. Halos umusok ang ilong niya sa galit na pilit niyang tinatago.Pero kahit anong pilit niyang hinaan ang boses niya, kahit anong paglayo niya, ramdam ko—may mali. May bigat. May taong umaabuso sa pasensya niya. At kapag si Rafael ang umabot sa puntong halos kumulo ang dugo niya, ibig sabihin ay hindi iyon simpleng sitwasyon.Pinipilit kong umupo nang normal, pero hindi mapakali ang mga kamay ko. Nakalapat ang palad ko sa tuhod matapos kong ilapag ang tablet sa aking tabi at iniangat ko iyon para hindi niya mapansin na nanginginig ako. I hate this feeling. Yung parang may nakaambang bagyo at hindi mo alam kung saan tatama.At lalo lang akong kabado nang marinig ko ang tono niya.Hindi ko man narin
Rafael“Ano na ang mangyayari sa akin?” tanong ng babae sa kabilang linya.Mahina, nanginginig, pero may halong drama. ’Yung tono na sanay nang ginagamit para magpaawa.Hindi ako natitinag.“Ano ang gusto mong mangyari sa’yo?” balik-tanong ko, malamig at walang emosyon. Walang kahit kapirasong concern sa boses ko—at naramdaman kong hindi niya ’yon nagustuhan.“Ina pa rin ako ni James,” diin niya, halos desperado. “Hindi mo maiaalis ’yon. Hindi mo ako pwedeng tanggalan ng karapatan sa kanya.”“HINDI kita tinatanggalan ng karapatan,” sagot ko, mababa pero matigas. “Ang sinasabi ko, may sarili nang buhay ang anak ko. Hindi mo na siya pwedeng diktahan. Hindi mo na siya pwedeng kontrolin. At lalo na—huwag kang manghimasok pa. Let him be happy with the person he loves.”Narinig kong napasinghap siya, parang hindi makapaniwala na hindi gumagana ang usual niyang strategy.“Ang support na para sa akin, paano—”“There would be no support for you, Priscilla,” putol ko agad. Walang pasintabi. “You
Rafael“Bakit parang gulat na gulat ka?” mahina kong tanong, pero puno ng inis. Tipong boses na kontrolado pero may panggigigil sa ilalim. “Nakalimutan mo na ba talaga kung ano ang estado mo?”Dahan-dahan lang ang tono ko, halos pabulong, dahil ayaw kong marinig iyon ni Leah. Hindi dahil may tinatago ako, hindi dahil nahihiya ako. Kung gugustuhin ko, kaya kong ikwento kay Leah ang buong kasaysayan namin ni Priscilla. Kaya kong ikwento lahat ng dumi, lahat ng dahilan, lahat ng kasakiman. At sigurado ako, hindi niya ipagkakait kay James ang karapatan niya bilang anak ko.Pero si Priscilla… ibang usapan siya.“Rafael, ina ako ng anak mo at—”“As long as you know,” putol ko, mas matalim na. “At sana rin ay hindi mo nakakalimutan kung paano ka naging ina. Kung bakit ka nabuntis. Kung ano ang trabaho mo noon.”Naramdaman kong sumikip ang dibdib ko sa galit, hindi dahil gusto kong sumigaw, kundi dahil gusto kong hindi sumabog. Dahil kung bibitawan ko ang kontrol ko, baka masabi ko ang mga bag
RafaelNaningkit ang mga mata ko nang makita ko ang pangalan sa screen ng cellphone ko.Sa totoo lang, ayaw kong kausap ang babaeng ’to. Kahit kailan. Kung hindi lang siya ang ina ni James, matagal ko na siyang binlock—walang pagdadalawang-isip, walang konsensya. Pero dahil sa sitwasyon namin, napipilitan akong magpigil, kahit na bawat pag-ring ng pangalan niya ay parang may kumukurot sa sentido ko.“What’s wrong, may problema ba?” tanong ni Leah.Bakas sa mukha niya ang pag-aalala—’yong klase ng tingin na halatang ramdam niyang may mali, pero ayaw niyang ipilit kung hindi ko pa handang sabihin. Napatingin ako sa kanya at pilit na ngumiti, kahit ramdam kong pilit lang ’yon at hindi umaabot sa mga mata ko.“Nothing to worry about,” sagot ko, mas kalmado ang tono kaysa sa nararamdaman ko.Alanganin siyang tumango, parang nagdadalawang-isip kung maniniwala ba siya o hindi. Malamang ay napansin niya ang biglang pagbabago ng ekspresyon ko kanina—kung paano ako nanigas nang makita ko ang pan
RafaelMaaga pa. Snack pa lang ang nakain namin, pero pakiramdam ko parang inabot na kami ng dis-oras ng gabi sa bigat ng mga pinag-usapan namin. May mga usapan talagang kayang pabagalin ang oras. Yung tipong kahit hindi pa hatinggabi, ramdam mo na ang pagod ng emosyon mo.Nakita kong ngumiti si Leah. Hindi pilit, hindi awkward kundi yung ngiting may pagka-kalmado, na para bang may naintindihan siyang mahalaga. At doon pa lang, kahit papaano, nakahinga na ako. Panatag akong naiintindihan niya ang kalagayan ko… kahit hindi madali.Nakakainis lang isipin na ako ang mas matanda, mas maraming pinagdaanan, pero siya pa ang kailangang umunawa sa akin. Anong klaseng lalaki ako para ipaubaya sa mas bata sa akin ang ganitong bigat ng sitwasyon?“Hey, okay ka lang?” tanong niya.Napapitlag ako, parang biglang hinatak pabalik sa reyalidad.“Yeah… of course. Bakit mo natanong?” pilit kong sagot, kahit alam kong halata ang pagkalunod ko sa isip.“Para kasing natahimik ka na dyan,” sabi niya, may ng







