LOGINAng sakit naman niyan, Leah.
Leah“Rafael!” bulalas ko, may kasamang tawa nang bigla niya akong buhatin na parang wala lang akong bigat. Napahawak ako sa balikat niya dahil sa gulat, pero hindi ko mapigilan ang kiliti sa tiyan ko habang naglalakad siya papunta sa dining area na parang proud pa sa ginagawa niya.Maingat niya akong iniupo sa upuan bago siya pumwesto sa tabi ko, parang natural lang na ganon talaga ang setup. Ako sa gitna ng atensyon niya.“Gutom na rin ako, sweetheart,” sabi niya, kasabay ng pag-abot sa mga serving spoon at pagsisimulang maglagay ng pagkain sa plato ko.Wala sa tono niya ang reklamo. Walang bakas ng pagkainip. Para bang normal lang sa kanya na ako muna ang unahin, kahit pa ako ang kakagising lang.Hindi ko mapigilan ang sarili kong pagmasdan siya.Suot niya pa rin ang navy blue na long-sleeve polo, nakatupi ang manggas hanggang siko. Sa bawat galaw ng braso niya sa pagkuha ng pagkain, sa pag-abot ng plato ay kitang-kita ang mga ugat na tila naglalakad sa balat niya. Hindi siya kaila
LeahL.A.Mahaba ang biyahe, nakakapagod kung tutuusin pero wala akong reklamo. Sa halip, pakiramdam ko ay relaxed ako sa buong oras ng byahe. Nasa business class naman kami ni Rafael, at mula pa kanina ay hindi siya tumitigil sa pag-aasikaso sa akin. Tanong nang tanong kung okay lang ba ako, kung gusto ko bang uminom, kumain, o mag-adjust ng upuan.Kahit nga sa pag-ihi, parang gusto pa niyang sumama. Napailing na lang ako sa isip ko, ibang klase talaga ang lalaking ‘to. Overprotective, pero sa paraang nakakaaliw at nakakapagpa-smile.Pagdating namin sa hotel, ramdam agad ang katahimikan at lamig ng lugar. Diretso kaming pumasok sa kwarto—maluwag, elegante, at may malaking sofa sa maluwag na living area na parang humihikayat na humiga ka na lang at kalimutan ang mundo.Kakaupo lang namin sa habang sofa nang mabilis kong ilapat ang likod ko sa sandalan. Napabuntong-hininga ako, parang doon ko lang talaga naramdaman ang pagod.“Sweetheart, you can take a rest,” sabi ni Rafael, malambot a
Leah Masaya ako. Yung klase ng saya na tahimik lang pero ramdam hanggang dibdib. Masaya ako dahil ramdam kong tanggap ako ng taong mahal ko, hindi lang bilang babae sa tabi niya, kundi bilang parte ng buhay niya. Masaya rin ako dahil sa kabila ng lahat ng nangyari bago naging opisyal ang relasyon namin ni Rafael, heto siya, walang pag-aalinlangan at agad akong ipinakilala sa kanyang ama. Walang palusot. Walang wait lang muna. Walang soon. Isang simpleng katotohanan lang: kasama niya ako, at gusto niyang malaman ng mundo, lalo na ng pamilya niya. Doon ko napagtanto na seryoso siya sa akin. Sabagay, sa edad ba naman niyang ‘yon, ano pa ba ang hinihintay niya? He can literally have all the women he wants. Hindi niya kailangang magpaliwanag, hindi niya kailangang magpakitang-tao, at lalong hindi niya kailangang gumawa ng ganitong hakbang kung hindi niya talaga gusto. Kaya alam kong totoo ‘to. Alam kong hindi lang ako isang panandaliang chapter sa buhay niya, kundi isang desisyon. Big
LeahNakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Rafael. Akala ko talaga ay magdadalawang-isip siya o kaya ay tatanggi outright, dahil alam kong hindi siya sanay na may isinasama o ipinapakilala. Pero habang nakatingin ako sa kanya, kita ko sa mga mata niya ang sincerity. Yung klase ng tingin na hindi kayang dayain.“Hindi muna tayo aalis,” kalmadong sabi ni Rafael.Napakunot ang noo ko. Tapos na kami kumain, ubos na rin ang dessert, at nakatabi na ang resibo sa mesa. “May inorder ka pa bang iba? We already had our dessert,” sabi ko, bahagyang nagtataka.“We’re waiting for someone.”May kung anong bumigat sa dibdib ko sa sinabi niya, pero hindi na ako nagtanong pa. May kakaiba sa tono niya—seryoso, pero hindi kinakabahan. Kaya nanahimik na lang ako at hinayaan siyang hawakan ang kamay ko sa ibabaw ng mesa, parang sinasabi sa akin na trust me.Ilang saglit pa ang lumipas nang may boses na biglang nagsalita sa likuran ko."Am I late?"“Emilio!” Napabulalas ako sabay tayo, halos matumba ang upu
Rafael “Thank you, Raf,” sabi niya, halos pabulong pero ramdam ko ang bigat ng bawat salita. “Gusto kitang ipakilala kay Mommy hindi dahil sa kung anupaman.” Saglit siyang huminto, parang inaayos ang sarili bago magpatuloy. “Although hindi na kagaya ng dati ang relasyon namin… ina ko pa rin siya. At gusto kong tuluyan nang makalaya sa sakit na dulot nila ng ex ko. You deserve to know about my family, ayaw kong maglihim sayo kahit na ang pinakamadilim naming nakaraan." May kung anong kumurot sa dibdib ko. “I understand, Sweetheart,” tugon ko, mas mahinahon kaysa sa inaasahan ko sa sarili ko. “I admit,” dagdag ko, hindi na itinatago ang katotohanan, “nag-aalala ako. Natatakot ako na baka kahit konti nandoon pa rin yung feelings mo para sa ex mo.” Hindi siya umiwas ng tingin. Hindi rin siya nag-react agad. “Pero alam ko rin,” ipinagpatuloy ko, “na kailangan mong mag-move on. At hindi mangyayari ’yon unless you accept everything… and set them free.” Saglit siyang tumitig sa akin, at
Rafael “Raf?” mahina niyang tawag. Ramdam kong napansin niya ang katahimikan ko. Yung sandaling hindi ako agad nakasagot, yung titig kong parang biglang lumalim. “If you’re not comfortable—” Huminga ako nang malalim bago pa niya matapos ang sasabihin. Pinutol ko ang sarili kong pag-iisip bago pa ito tuluyang magulo. Ayokong maramdaman niyang nagdadalawang-isip ako dahil sa kanya. Ayokong isipin niyang may pag-aalinlangan ako sa pagiging bahagi ng mundo niya, sa pagtanggap ng buong pagkatao niya, kasama ang nakaraan niya. “Okay lang,” sabi ko sa wakas. Maingat, pero tapat. Kahit ramdam ko pa rin ang bahagyang pagkipot ng dibdib ko, yung pakiramdam na parang may humawak saglit sa puso ko bago ito binitawan. “I mean… your mom is your mom. Of course I want to meet her.” Kitang-kita ko ang pag-relax ng balikat niya, parang nabawasan ang bigat na matagal niyang pasan. Pero alam kong hindi pa iyon ang tanong na talagang bumabagabag sa kanya. Hindi pa iyon ang parte na kinatatakutan niya.







