LOGINWala ka na rin naman magagawa talaga. Alangan naman maging kayo pa rin ni James kahit na nakita mo na sila ng Mommy mo...
Leah“So… you’re telling me na hanggang dito na lang tayo?” tanong ko pa rin, kahit pakiramdam ko alam ko na ang sagot. Gusto ko lang marinig mula mismo sa kanya. Gusto kong maramdaman kung gaano niya kayang panindigan ang mga salitang binibitawan niya.“Leah, I’m selfish.”Diretso. Walang paligoy.Hindi ako kumibo. Hindi ko rin siya tinapunan ng kahit anong reaksyon. Gusto ko siyang magsalita. Gusto kong ilabas niya lahat, kahit masakit, kahit durugin pa nito ang kung anong meron kami ngayon.“I fvcking want all of you to myself,” dugtong niya, mababa ang boses, puno ng frustration. “Pero I don’t think kaya kong ibigay sayo yung security na nararapat para sa’yo.”Parang may humigpit sa dibdib ko.“Gusto mo na maramdaman ko na secured ako?” tanong ko, dahan-dahan, sinusukat ang bawat salita.Tumango siya. Isang tango na parang mabigat sa kanya.“At hindi mo kayang ibigay ang bagay na ’yon?” pinilit kong linawin.Huminga siya ng malalim, saka ipinikit ang mga mata na parang pagod na pa
Leah “Sweetheart…” Paulit-ulit na banggit ni Rafael ang tawag na iyon habang kakasara ko lang ng pintuan ng penthouse. Tahimik ang buong lugar, walang ibang tunog kundi ang mahina niyang paghinga at ang yabag ng mga paa namin papunta sa silid niya. At syempre ang boses niya. “Bakit hindi ka sumasagot?” dagdag pa niya, may bahid ng tampo sa tinig. Gusto kong matawa sa itsura niya. Nakasimangot siya, parang batang pinagkaitan ng laruan. Hindi talaga bagay sa kanya. Ang laki-laki niyang tao—matangkad, malapad ang balikat, mukhang kayang magpatumba ng kahit sino tapos ganito siya kaarte kapag lasing. “Answer me, Sweetheart…” giit pa niya. Sa wakas, nailapag ko rin siya sa kama. Bahagya siyang bumagsak sa kutson pero agad ding umangat ang katawan niya, parang ayaw pa ring bitawan ang presensya ko. “Kanina pa ako sumasagot,” sabi ko, bahagyang hinihingal. “Ikaw itong paulit-ulit ng tawag pero wala ka namang sinasabi.” Huminga ako ng malalim habang inaayos siya. Marahan kong nilapat
LeahNatapos kaming mag-bonding ni Erik na may halong tawanan at pilit na pagiging okay. Pero pagdating ng gabi, nung tuluyan na akong naiwan mag-isa sa apartment, saka lang bumagsak ang lahat.Nakahiga ako sa kama, patay ang ilaw, nakatitig sa kisame na para bang may sagot na ibibigay iyon sa gulong isip ko. Hindi ko man lang namalayang matagal na pala akong hindi kumukurap.Si Rafael.Paulit-ulit siyang bumabalik sa isip ko. Ang boses niya, ang titig, ang paraan ng paghawak niya na parang ako lang ang mundo niya kahit alam naming pareho na kasinungalingan iyon.Bigla ko siyang na-miss.Hindi ‘yung simpleng miss lang. ‘Yung miss na masakit, ‘yung tipong alam mong mali pero gusto mo pa rin. Kahit may kasamang bigat, kahit may kasamang katotohanang masakit lunukin.Napailing ako, sabay biglang upo. Inis kong sinabunutan ang buhok ko, parang gusto kong bunutin ang bawat alaala niya mula sa utak ko.“Damn it, Leah…” bulong ko sa sarili.Tumayo ako at naglakad papunta sa closet. Hindi na a
Rafael“Drink!!” sigaw ko habang itinaas ang baso ng alak, halos tumalsik na ang laman nito sa lakas ng galaw ko.Kita ko sa mukha ng dalawa kong kaibigan ang pagpipigil nila na matawa. Yung tipong gustong-gusto na nilang bumunghalit pero ayaw lang akong asarin pa sa lagay kong ‘to. Pareho silang nakatingin sa akin na parang nanonood ng palabas na alam nilang matatapos sa drama.Wala na akong pakialam.Inisang lagok ko ang laman ng baso, ramdam ko ang init na dumaloy mula lalamunan pababa sa sikmura ko. Mabilis ko itong nilapag sa center table, halos may kalabog. Hindi pa man ako nakakabawi ng hininga, maagap nang kumilos si Ernest, kinuha niya ang bote at muling pinuno ang baso ko na parang alam niyang hindi pa tapos ang gabi para sa akin.Pero hindi ko muna dinampot.Sa halip, sumandal ako sa upuan at ipinikit ang mga mata ko, hinayaang lamunin ako ng ingay sa paligid. Ang musika, ang halakhakan, ang tunog ng baso. Unti-unti, naglaho ang lahat.Sa kadiliman ng isip ko, isang mukha l
RafaelSino ang may-ari ng boses ng lalaking narinig ko?Bakit parang… pamilyar?Parang may kung anong humaplos sa batok ko—hindi lambing, kundi babala. Humigpit ang kapit ko sa cellphone, halos manginig ang mga daliri ko habang nakatitig sa screen na para bang sasagot iyon sa mga tanong na naglalaro sa isip ko.Isang linggo na.Isang buong linggo ng kakaibang kilos ni Leah.Tahimik siya. Mailap. Parang laging may iniisip na hindi niya kayang banggitin. At sa bawat pagkakataong gusto ko siyang lapitan, yung hawakan siya, yakapin, angkinin—pinipigilan ko ang sarili ko. Kasi baka may pinagdadaanan siya. Baka may problema. Ayokong maging makasarili, ayokong puro kamunduhan lang ang nasa isip ko habang siya pala ay unti-unting nalulunod sa kung anong problema na hindi ko alam.Pero ngayon?Ngayon, may maririnig akong boses ng isang lalaki sa kabilang linya?Putang—Parang may pumiga sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay may nakadagan sa baga ko, parang bawat paghinga ay kailangan ng pahintulot. A
LeahNapatingin ako sa pintuan nang makarinig ako ng katok. Isang beses. Tapos isa pa. Mabagal pero sigurado.Napabuntong-hininga ako. Kahit tinatamad at parang mas gusto ko na lang magmukmok maghapon, pinilit ko pa ring tumayo. Mas masahol sigurong manatili akong nakahandusay sa sofa bed, nakatitig sa kisame, habang paulit-ulit na umiikot sa utak ko ang mga bagay na ayokong isipin.Lumapit ako sa pintuan at sumilip sa peephole bago tuluyang magbukas.“Ay, ikaw pala,” sabi ko nang makita ko siya. “Erik. Don’t tell me wala kang magawa?” nakangiti kong tanong habang binubuksan ko ang pinto, kahit halatang pilit lang ang ngiting ’yon.“Ano ka ba,” sagot niya agad, parang sanay na sanay sa tono ko. “Kapag ganitong walang pasok, alam mo naman na nagmumukmok lang ako sa unit ko. Since ako ang landlord mo, and surprise, sa iisang kumpanya pala tayo nagtatrabaho, bakit hindi na rin natin gampanan ang pagiging marites na magkakapitbahay?”Napailing ako bago tuluyang matawa. Kahit papaano, magaa







