ログインTirik ang araw at pawis na pawis ang likod ni Ethan habang tinatahak niya ang kahabaan ng kalsada gamit ang kanyang lumang motorsiklo. Bilang isang delivery rider ito rin ang kanyang pang araw araw na realidad makalipas ang tatlong taon. Huninto na siya sa tapat ng pinto sa loob ng marangyang hotel at marahang kumatok bitbit ang chicken pot na niorder ng customer.
“Sir, narito na po ang order ninyo,” magalang na saad niya. Agad na bumukas ang pinto. Subalit sa isang iglap, nanlaki ang mga mata ni Ethan at tila napako siya sa kanyang kinatatayuan. Tulala niyang tinitigan ang lalaki at babaeng nasa loob. Hindi niya kilala ang lalaking nagbukas ng pinto—ngunit ang babaeng kasama nito sa loob ng kwarto ay walang iba kundi ang sarili niyang asawa, si Sapphire Luiz. Nalaglag ang bitbit niyang pagkain at gumulong ang nilalaman nito sa sahig. Sa sandaling iyon, pumasok din sa isip niya ang isang pagtataka. Ang Salvation Hotel ay isang sikat na five-star hotel; bihira, o halos hinding-hindi nag-oorder ng labas na takeout ang mga bisita rito. At kung mag-order man, hanggang lobby lang pinapayagan ihatid ang pagkain. Paano siya nakalagpas? Nang makitang natapon ang pagkain sa sahig, uminit ang ulo ng lalaki. Dahil sa ingay, napalingon na rin si Sapphire mula sa loob ng kwarto at nakasuot ito ng bathrobe at basa ang buhok neto. “Ethan?! Bakit ka nandito?” gulat na bulalas ng kanyang asawa. Pinagmasdan ng lalaki si Ethan mula ulo hanggang paa na may halong pandidiri. Katamtaman ang tindig nito, may hitsura naman, ngunit ang suot na dilaw na uniporme ng delivery company ang naglantad ng estado nito sa buhay. “Sapphire, delivery man pala ang asawa mo? Kung alam ko lang, sana ay nag-room service na lang ako rito at hindi na nagpa-deliver sa labas,” nakangising saad ng lalaki. Walang bakas ng takot o hiya ang lalaki dahil alam niyang si Ethan ay ang walang kwentang son-in-law na nakikitira lamang sa pamilya Luiz—isang lalaking walang ambag, walang pera, at walang posisyon. “Sapphire, ano ito?!” galit na confrontsyon ni Ethan, habang nakatitig nang mariin sa kanyang asawa. “Sa loob ng tatlong taon nating kasal, tatlong beses sa isang araw akong naghahanda ng pagkain para sa iyo at sa pamilya mo! Kung hindi man sapat ang pagsisikap ko, alam ng Diyos na naging tapat at mabuti ako sa iyo!” Sumikip ang dibdib ni Ethan sa matinding sakit. “Sa loob ng tatlong taon, kahit dulo ng daliri mo ay hindi mo ipinahawak sa akin! Akala ko ay isa kang babaeng may prinsipyo... pero ngayon, bakit mo ito ginagawa sa akin?!” “Anong ginagawa ko? Ethan, wala kang karapatang magsalita ng kung ano-ano!” asik ni Sapphire, pilit na itinatago ang pagkahiya sa pamamagitan ng galit. “Sinasabi ko sa iyo, hindi mo ba siya kilala? Si Clarence ito, ang anak ng may-ari ng Espanto Family na isang sikat na investment company!” Para kay Sapphire, ang isang delivery boy na katulad ni Ethan ang simbolo ng kawalan ng kakayahang umasenso sa mundo. Isang mababang trabaho lang ito para sa kanya. Ngunit sa mata ni Ethan, ito ay isang marangal na trabahong sumisimbolo sa kanyang sakripisyo at determinasyon para mabuhay. “Hoy, ikaw!” sabat ni Clarence habang nakaturo kay Ethan. “Nasira ang chicken pot ko! Pwede kitang ireklamo sa kumpanya mo. Pero dahil asawa mo si Sapphire, palalagpasin ko ito basta’t lumuhod ka at humingi ng tawad sa akin. Pagkatapos, bibigyan kita ng five-star rating. Deal?” Isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa mukha ni Clarence. Sa halip na humingi ng tawad, nagtagis ang mga bagang ni Ethan at itinaas ang kanyang kanang kamao upang turuan ng leksyon ang mayabang na lalaki. Ngunit bago pa man ito tumama, mabilis siyang hinila at pinigilan ni Sapphire. “Tumigil ka na, Ethan! Sa tingin mo ba ang isang kagaya mo ay may karapatang mag-iskandalo sa loob ng isang five-star hotel? Lumayas ka rito ngayon din! Kung hindi, tatawag ako ng security para ipakaladkad ka palabas!” Tinitigan siya ni Ethan ng ilang sandali, bago dahan-dahang ibinaba ang kanyang kamao. Malamig at seryoso ang kanyang mga mata. “Alam mo, Sapphire... umaasa ako na darating ang araw na hindi mo ito pagsisihan.” Tumalikod na si Ethan at naglakad palayo. Sinundan siya ng tingin ni Sapphire at sumigaw nang galit. “Talaga? Pagsisihan ko? Oo! Matagal ko nang pinagsisisihan na nagkaroon ako ng walang kwentang asawang katulad mo!” Ang malambing na boses ni Sapphire, na dati ay tila musika sa pandinig ni Ethan, ay umalingawngaw sa koridor ng hotel. Ngunit sa pagkakataong ito, bawat salita ay parang may lason na bumaon sa kanyang puso. Paglabas ng hotel, sumakay si Ethan sa kanyang motorsiklo. Habang sinusuot ang helmet, biglang sumumpong ang pag-vibrate at pagtunog ng kanyang telepono. “Hello, delivery po,” sagot ni Ethan gamit ang kanyang nakasanayan at propesyonal na boses. Ngunit isang baritono at matandang tinig ang narinig niya sa kabilang linya. “Third Young Master. Ang tatlong taon mong pagtitiis bilang isang nakikitirang son-in-law ng Pamilya Luiz ay opisyal nang natapos ngayong araw. Ang susunod mo namang misyon ay ang pamamahala sa negosyo. Binili na ng iyong Ama ang buong Espanto Group, at inaayos na ang lahat para ikaw ang maupong bagong Chairman ng kumpanya.” “Naintindihan ko,” malamig at walang emosyong sagot ni Ethan. Mula sa pagiging isang simpleng delivery man tungo sa pagiging Chairman ng isa sa pinakamalaking kumpanya—nanatiling kalmado si Ethan at walang bakas ng pagkagulat. Tapos na ang panahon ng kanyang pagtatago. “Third Young Master Ethan, nais din sanang malaman ng iyong Ama kung kumusta ang pagsasama ninyo ni Miss Sapphire? Nais mo ba siyang isama at gawing bahagi ng pamilya natin, o hindi na?” “Hindi,” maikli ngunit matigas na sagot ni Ethan. “Wala siyang karapatang matanggap ang lahat ng ito.” Matapos ang maikling sagot, ibinaba na ni Ethan ang telepono. Pinihit niya ang silinyador ng kanyang motor at mabilis na humarurot palayo, iniwan ang nakaraan, patungo sa kanyang tunay na imperyo.“Buset ka talaga kahit kailan Sapphire! Lalo na sa pamilya mo! Buti at buhay pa ako, kundi hindi ko na maisasagawa ang plano kong paghihiganti sa inyo” galit na bulong ni Ethan habang nakababad sa Bathtub na halos kasukat lang din niya. Ilang sandali pa, tumunog ang kanyang telepono. Si Don Maximus ang tumatawag kaya agad niya itong sinagot.“Ethan, naiinip na ako. Hanggang kailan ka ba magtatago sa publiko, ha?” bungad ng matanda.Ngumisi lang si Ethan sa sinabi ng matanda at dahang dahan umahon sa bathtub. “Lolo, bigyan mo pa ako ng kahit ilan buwan, okay? Saka ako magpapakita sa publiko” “Aasahan ko yan” Kasalukuyang nagaganap ang birthday party ni Mandam Gloria at hiyang hiyang nagsalita si Rheagan kay Madam Gloria. “Ina, ang mga propesyonal na maton na kinuha ko—pinilayan ni Ethan!” “Ano?!” Nagulat ang lahat. Sino ang mag aakalang ang walang sibling manugang na iyon ay marurong pala sa Marital arts? “Wala na ba talagang makakapagpino sa hayop na yon?!” glait na hinampas ni
Tirik ang araw at pawis na pawis ang likod ni Ethan habang tinatahak niya ang kahabaan ng kalsada gamit ang kanyang lumang motorsiklo. Bilang isang delivery rider ito rin ang kanyang pang araw araw na realidad makalipas ang tatlong taon. Huninto na siya sa tapat ng pinto sa loob ng marangyang hotel at marahang kumatok bitbit ang chicken pot na niorder ng customer. “Sir, narito na po ang order ninyo,” magalang na saad niya.Agad na bumukas ang pinto. Subalit sa isang iglap, nanlaki ang mga mata ni Ethan at tila napako siya sa kanyang kinatatayuan. Tulala niyang tinitigan ang lalaki at babaeng nasa loob. Hindi niya kilala ang lalaking nagbukas ng pinto—ngunit ang babaeng kasama nito sa loob ng kwarto ay walang iba kundi ang sarili niyang asawa, si Sapphire Luiz. Nalaglag ang bitbit niyang pagkain at gumulong ang nilalaman nito sa sahig. Sa sandaling iyon, pumasok din sa isip niya ang isang pagtataka. Ang Salvation Hotel ay isang sikat na five-star hotel; bihira, o halos hinding-hindi
Habang nakikinig sa nostalgic na tugtugin si Ethan, binalikan niya ang matamis na aalala nila ni Sapphire Luiz. Sa mundong puno ng misteryoso at naglalakihang pamilya tulad ng mga Walker, Espanto, at Ramos. Hindi nila alam na ang pinakamakapangyarihan at pinaka misteryosong pamilya sa buong mundo ay ang pamilya ni Ethan.Ang kabuuan ng ari arian ng pamilya niya ay lagpas pa sa daang bilyong dolyar, ngunit napakababa lang ang kanilang profile at sadyang hindi papasok sa kahit anong listahan ng pinakamayamang sa buong mundo. Bukod dito, kakaiba rin ang paraan nila sa pagpapalaki ng negosyo at mana. Si Don Maximus De Valle ang strikto niyang lolo ay tinuran si Ethan ng martial arts sa edad na lima at kasabay nito ang kanyang pag aaral ng piano at violin at sa Edad naman na labing walo natapos niya ang apat na kursong sa negosyo sa isang elite university sa Amerika.Para subukin at patatagin ang kalooban ng kanyang apo, isinaayos ni Don Maximus ang kasal nila Ethan at Sapphire at sa tatl
Kinaumagahan sa sikat na Salvacion Villa District, idinaraos ang ika-80 kaarawan ng matandang matriarca na si Madam Gloria Luiz-Walker. Bagama’t sa pinakamagandang hotel sa lungsod gaganapin ang marangyang salu salo para sa mga bisita, iniutos ng matanda na mag ipon muna ang pamilya sa kanyang mansyon. Agad na lumapit si Sapphire upang batiin ang kanyang lola. “Happy Birthday, Lola ko! Nawa’y humana pa ang iyong buhay nang higit sa dalawangdaang taon.” Si Madam Gloria at ang yumao niyang asawa na si Don Cassius Luiz ay may dalawang anak na lalaki: Sina Rheagan Walker at Kian Walker. Si Ashanti Walker naman na asawa ng isa sa magkakapatid ay may anak na lalaking si Sinead Walker at ang anak na babaeng si Avionna Walker, na halos kasing edad lang ni Sapphire.Sa kasalukuyan, ang kayamanan ng Pamilya Luiz na nagkakahalaga ng mahigit isang bilyon, pati na ang kapangyarihang magpasya sa kumpanya, ay halos hawak na lahat ni Madam Gloria. Kaya naman, ginagawa nina Rheagan at Kian ang lahat
“Ilabas ang Family Disciplinary Rod!” Napakarahas magparusa ng Pamilyang Luiz pagdating sa pagdidisiplina. Itatali ka sa tabla hanggang sa hindi ka makalakad ng ilang araw, at ang mas malala pa rito, babaliin nila ang iyong mga darili.Agad namang tinawagan ni Sapphire ang kanyang asawang si Ethan.“Ano na naman kailangan mo? Hindi ba’t wala na tayo?” mabilis at malamig na sagot ni Ethan sa kabilang linya.“Nais kang kausapin ni Lola,” sabi ni Sapphire.“Ayoko!” Agad na ibinaba ni Ethan ang telepono matapos magsalita.Hindi inaasahan ni Sapphire na ganoon kabilis siyang tatanggihan ng lalaki. Ibinaba niya ang telepono at bumalig sa kanyang lola upang sabihing hindi makakarating si Ethan sa kanilang bahay.“Dahil nakitang nagiging tensyonado ang sitwasyon, mabilis na sumingit si Kian. “Ma, ika walong pung kaarawan mo ngayon. Unahin muna natin ang iyong handaan at please, huwag mo na isipin ang walang hiyang yun, okay?” Ngunit sadyang napakatigas ng ulo ni Madam Gloria.“Basta’t pinal
“Nagmamatigas ka pa, Sumakah ka na sa kotse dali! Pumunta ka muna sa hotel para batiin mo ang mga bisita ni Lola” naiinip na sinabi ni Rheagan kay Ethan. “Pagkatapos ng birthday party ngayong araw, tanggapin mo ang parusa mo nang maayos at makinig ka sa desisyon ni Lola tungkol sa Divorce.” Nanlilisik ang mga mata ni Ethan sa galit. “Sabi ko, hindi ako sasama!” Nagalit ng husto si Rheagan. “Walang kang kwenta! Tingin ko nangangati na naman yang balat mo para mabugbog, noh?”Kasabay nito ang pagbukas ni Rheagan ng pinto ng kotse, bumaba ito at biglang sinipa si Ethan na nakasakay sa kanyang motorsiklo. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay mabilis na pinihit ni Ethan ang motor niya at umatras ito, kaya swabe niyanf naiwasam sa sipa si Rheagan.“Buset ka Ethan! Magbabayad ka sa akin at sa pamilya Luiz!” galit na sigaw ni Rheagan habang palayo si Ethan sa daan.Playboy lang naman si Rheagan Walker. Palipat lipat ng kasintahan at halos araw araw iba iba ang kanyang kinakama“Walang kwenta







