LOGIN“Ilabas ang Family Disciplinary Rod!”
Napakarahas magparusa ng Pamilyang Luiz pagdating sa pagdidisiplina. Itatali ka sa tabla hanggang sa hindi ka makalakad ng ilang araw, at ang mas malala pa rito, babaliin nila ang iyong mga darili. Agad namang tinawagan ni Sapphire ang kanyang asawang si Ethan. “Ano na naman kailangan mo? Hindi ba’t wala na tayo?” mabilis at malamig na sagot ni Ethan sa kabilang linya. “Nais kang kausapin ni Lola,” sabi ni Sapphire. “Ayoko!” Agad na ibinaba ni Ethan ang telepono matapos magsalita. Hindi inaasahan ni Sapphire na ganoon kabilis siyang tatanggihan ng lalaki. Ibinaba niya ang telepono at bumalig sa kanyang lola upang sabihing hindi makakarating si Ethan sa kanilang bahay. “Dahil nakitang nagiging tensyonado ang sitwasyon, mabilis na sumingit si Kian. “Ma, ika walong pung kaarawan mo ngayon. Unahin muna natin ang iyong handaan at please, huwag mo na isipin ang walang hiyang yun, okay?” Ngunit sadyang napakatigas ng ulo ni Madam Gloria. “Basta’t pinalaki at binuhay ko pamilyang ito—tao man o aso—kapag may sinabi akong pumunta rito, dapat siyang pumunta!” Galit na tumingin si Madam Gloria kay Rheagan. “Rheagan, pumunta ka roon at kaladkarin mo siya sa harapan ko. Maliwanag ba?” “Opo,” Mabilis na pinatunog ni Rheagan ang kanyang mga darili. Madalas niya abusuhin si Ethan, at ito ang tamang pagkakataon para magpasikat at manuntok. Pagkaalis nito, bumalik si Madam Gloria sa kanyang upuang gawa sa Mahogany. Hinaplos niya ang kanyang poodleng si Saoirse upang magpakalma ng loob. Pagkatapos ay nagwika siya, “Pinaaga ko ang pagpapatawag sa inyo ngayon dahil may isang mahalagang bagay akong dapat sabihin.” Umayos ng upo sina Avionna, Sinead, at iba pa upang makinig sa utos ng matanda. “Kahapon lang, may biglaang itinalagang bagong Chairman sa Espanto Group. Walang nakakaalam kung sino siya, kung ano ang pangalan niya, at kung saan siya nanggaling” panimula ni Madam Gloria. “At alam ninyo na ang Alvarez Real Estate Group ay matagal nang nakikipag ugnayan sa kanila. Kamakailan lang, nakikipagnegosasyon tayo para sa isang financing deal na nagkakahalaga ng 70 milyong dolyar. Hindi ng magandang relasyon sa bagong Chairman ang pinakamahalagang bagay para sa atin ngayon” Ang Alvarez Real Estate Group ang pangunahing ari arian ng pamilyang Luiz sa Salvacion Subdivision kung saan nakatira si Sapphire ay binuo rin ng kanilang pamilya. Subalit, nagkaroon ng matinding problema sa pondo ng kumpanya nitong mga nakaraang araw, kaya’t lubos nilang kailangan ng 70 milyong dolyar na pamumunuhan mula sa Espanto Group. Mula sa narinig na mga salita ni Madam Gloria, nalaman ng lahat na kung sino man ang unang makakakuha ng loob ng bagong Chairman at makakapagsalba sa pondo ay makakatanggap ng malaking parangal—maaring promosyon sa kumpanya o kaya naman ay direktang pamamahala sa mga ari arian at pamana ng pamilya. “Ma, hayaan mong ipaubaya mo sa akin ang bagay na ito. Gagawin ko ang lahat para mapalapit sa bagong presidente ng Espanto Group!” taas noong saad ni Avionna. Ngumisi naman si Sinead sa kanya. “At bakit naman ipapasa sa iyo, Avionna? Tandaan mo, ako ang laging may hawak ng financing, kaya kami na ni Rheagan ang bahala rito.” Nang makitang pareho silang determinadong tumulong. Ngumiti si Madam Gloria. “Nagayong Ika 80 na kaarawan ko, ang mga darating mamaya para bumati sa akin ay ang mga kilalang personalidad mula sa iba’t ibang sektor dito sa Salvacion. Habang inaasikaso ninyo rin ang mga balita tungkol sa bagong Chairman ng Espanto Group. Kung sino man sa inyo ang unang makakatuklas sa pagkakakilanan niya, sa kanya ko ipagkakatiwala ang proyektong ito.” “Opo, Ma!” sabay nilang sagot. Umalis na si Rheagan sa villa. Habang pinapaandar ang kanyang Maserati sa sementadong daan na kakalinis pa lang, humithit siya ng sigarilyo at tinawagan si Ethan. “Oh, anong kailangan mo?” tanong ni Ethan. Nang marinig ang boses nito, tumawa nang may pang aasar si Rheagan. “Ethan, sinabi na sa amin ni Sapphire ang lahat. Hindi ko akalaing may lakas ka pa rin pala ng loob.” Medyo nagulat si Ethan sa narinig. “Ha?! Sinabi na ni Sapphire ang lahat?” “Sinabi niya! Iyak pa nga siya nang iyak, may kasama pang uhog at luha. Sinabihan ko nga siya na kasalanan din naman niya. Bakit ba kasi nagpapakasanto at nagmamalinis pa siya? Sa bagay, maganda naman siya, pero hindi naman hamak ang katawan niya kumpara sa Ashanti ko. Pero bakit hindi ka na lang niya pagbigyan kahit isang gabi lang?” bastos na sabi ni Rheagan. Inakala ni Ethan na umiiyak si Sapphire dahil sa konsensya nito, kaya nagbuntong hininga siya sabay sabi. “Hayaan mo na, tapos na ang nangyari.” “Biglang nagtanong si Rheagan, “Nasaan ka? Mag usap tayo ng harapan.” “Nagdedeliver ako ng pagkain dito sa Marquez Community.” “Sige, pupunta ako riyan. Hintayin mo ako.” Tinapakan ni Rheagan ang silinyador at sa loob ng ilang minuto ay nakarating na siya sa gate ng Marquez Community, sakto sa paglabas ni Ethan sakay ng kanyang motorsiklo. “Hindi bumaba ng kotse si Rheagan; ibinaba lamang niya ang bintana nito. “Sakay!” Inisip ni Ethan na ipinatawag lang siya ng matanda upang mag usap para sa kapakanan ng apo nito. “Kahit mag usap pa kami ng matandang yun, desidido na akong makipag divorce kay Sapphire!” Naguguluhang tumingin si Rheagan sa kanya. “Anong pinagsasabi mo riyan? Gusto ka kausapin ng lola ko? Ang Family Disciplinary Rod ang nag aantay sa iyo roon!” “Family Disciplinary Rod? Bakit? At bakit ako paparusahan ng matandang yun?” Galit na nanlaki ang mga mata ni Rheagan. “Bakit kamo? May babae ka sa labas, tapos may gana ka pang magtanong kung bakit? Oo, dahil matutuwa akong makitang nagkakaganyan si Sapphire ngayon! Kahit baligtarin mo ang mundo, galing pa rin siya sa Pamilyang Luiz! At dahil nagawa mo kaming pagtaksilan, dapat ka lang parusahan!” Natigilan si Ethan. “Sandali lang! Ako? May babae sa labas? Sinabi sa inyo ni Sapphire? Sinungaling!” Hindi kailanman inakala ni Ethan na matapos siyang pagtaksilan ni Sapphire, ito pa ang may kapal ng mukha na baligtarin ang katotohanan at balangkasin ang kwento laban sa kanya. “Napakawalang hiyang babae! May hangganan din dapat ang pang aapi!”Ang calling card na ito na gawa sa Swiss metal at may dilaw na mga letra sa itim na background na nilagyan pa ng mga dyamante at may isang set ito na ay may gumamit ng mahigit na 30 carats ng diyamante.Sa madaling salita, ang isang calling card katumbas ng 10,000 dollars o higit pa!At imposibleng ang isang calling card lang ang ipagawa, Dahil espesyal ang mga ito sa Walker Group ang buong set neto at tanging kay Ethan lang ang isang set na iyon. Sapat na para makabili ng bahay sa isang third tier na lungsod.Agad na kinuha ni Director Chan ang calling card at halos napatulala nang makita ang kumikislap na dyamante rito.At nakasulat ang pangalan niya sa Calling card.Muli niyang sinuri ang kontrata at nakasaad doon ang mga shares ng dating presidente at opisyal na nailipat sa kanya.“Director, posible na peke ang mga ito?” takang tanong ng kasama niya pulis.“Ang mga kontrata at calling card ay maaring pekein. Hindi na bago iyon sa atin bilang mga pulis” sabi ni Director Chan.“Maki
Magkasama kahapon nagcheck in sa iisang kwarto sina Sapphire at Clarence dahil sa wakas ay permanente na wala na sila ni Ethan. Nang aksidente silang naabutan ni Ethan.Gusto sana pumasok ni Ethan pera saktan si Clarence, pero sinabi ni Sapphire ma ang mga paa neto ay hindi karapat dapat sa isang Five star hotel.Ngunit ngayon, hindi lang basta nakatayo si Ethan kundi nakatira na ito bilang guest. Hindi lang yan, nanunuluyan siya sa isang presidential suite na binigay sa kanya ni Don Maximus na lolo niya.Kahit parehong nasa iisang gusali ang presyo ng kwarto sa hotel ay mas mahal nang ilang beses kumpara sa ibang hotel.Nakatayo ito sa harapan ni Sapphire at bigla niyang naalala ang isang linyang sa sikat na pelikula noon na— “Nakatayo ako sa harapan mo, at pinagmasdan ka ng maigi. Ngunit, mukha ba akong tulad ng dati?” “Sige, ayaw mo akong papasukuhin ba.” matapos tanggihan, nagngingitngit sa galit si Sapphire.“Gusto ko lang naman sanang pagbigyan sa pangalawang pagkakataon na umuw
Inutusan ni Ethan ang isang Delivery boy na magdala ng regalo, ngunit hindi alam ng lahat na ang butler niya si Fernando yun.May lakas ng loob ang pamilya De Valle na ipagkatiwala ang mga bagay na nagkakahalaga ng 10 milyon sa isang delivery person.“Mrs. Walker, ang Jade bracelet na ito ay bigay ni President De Valle para sa kaarawan mo” Sa birthday party, lahat ng mga bisita ay nagulat sa regalong ito.“Ang bracelet na yan! Ang pinakamahal sa lahat ng mga regalo ngayon!”“Madam Gloria, napakagalante naman ni Mr De Valle, nais ko siya makaharap ng personal” Lumapit ang lahat ng tao at nagtanong kay Madam Gloria.Sa katunayan, nalilito na rin ang matandang Walker ngayon na hindi lubos maisip kung sino ba talaga si President De Valle? “Nagtataka ako dahil lahat ng pamilyang may pakikipagkaibigan sa pamilya Luiz ay narito ngayon, ngunit ni isa sa De Valle Family ay wala?” Nagkatinginan ang mga miyembro ng Pamilya Luiz.Tinignan ni Ashanti ang bracelet na nagkakahalaga ng sampung mi
Matapos itong marinig ng pamilya Luiz, napatayo silang lahat.“Ethan, ano ka ba! Napakawalang kwenta mo naman, Bodyguard na nga inaalok sayo tapos aayaw ka pa? Alam mo naman na wala kang pagkakataon na makahanap ng maayos na trabaho dito sa Salvacion noh” Malakas na tumawa si Sapphire.Bagama’t naawa si Ashanti kay Ethan, mayabang pa rin nitong itinaas ang kanyang ulo at lihim na sinabi sa kanyang puso.“Kasalanan mo ang lahat ng ito! Dapat mong tiisin ang lahat ng ginagawa ko sayo!” Gayumpaman, nanatiling kalmado si Ethan at tinanong si Shin.“Ms Shin, ang sinabi mo ba ngayon ay kinakatawan ka lang ba nang personal o ng Walker Group?” “Syempre, kinakatawan nito ng kumpanya” sabi niya.Nagpatuloy sa pagtanong si Ethan.“Ikaw ang Vice President ng Walker Group, hindi ang Presidente. Ano ang karapatan mong katawanin ang posisyon ng Walker Group?” Napahiya si Shin sa pagtatanong ni Ethan.Bagama’t kinikilala ng lahat ang kakayahan ni Shin hindi nga ang pinakamataas ang kanyang posisy
Halos mahimatay sina Rheagan, Basque at iba pa. Ang daming lighters dito, hindi mo ba alam kung paano manghiram ng isa?Walang apoy?Talagang tinanggihan niya si Shin—ang nangungunang Diyosa—sa harap ng maraming tao.Natigilan din si Shin at ibinalik sa lalagyan ang sigarilyong nasa labi niya.Pagkatapos ay tumayo siya mula sa kanyang upuan at lumapit kay Ethan.Matangkad si Shin at naka high heels, kaya halos kasing tangkad na niya si Ethan.Tinignan niya ito ng mabuti mula ulo hanggang paa at napansing medyo gwapo ito. Kaya nakaramdam siya ng kaunting tuwa.“Pangalan?” tanong niya.“Anong pangalan?”“Pangalan mo” “May problema ba ang tenga mo? Hindi ba’t sinabi lang ni Rheagan ang pangalan ko, ako si Ethan De Valle” “Bastos ng bibig mo! Hindi ka ba marunong rumespeto kay Ms. Shin?” galit na sigaw ni Basque kay Ethan.Kusa namang ikinaway ni Shin ang kanyang kamay at sinabi.“Ethan De Valle, alang alang sa pagkakaroon mo ng kaparehong apelyido ng bagong presidente ng Walker Group,
Sa pag iisip tungkol kay Ethan, na madaling nagapi ang mga propesyonal na maton na ipinadala ni Rheagan. Nagsimula nang mabahala ang pamilya Luiz sa aspetong ito.“Mga kasama, si Ethan ang walang puso at basurang ito! Ay may alam sa Kung Fu at may pambihirang galing, sa tingin ko may pinuntahan siya na isang mayaman na tao upang mag apply bilang personal na bodyguard. Sinong makakaharang sa landas niya?” sabi ni Rheagan.Nanahimik ang paligid. Masyadong maraming mayaman sa Salvacion at walang sinuman ang naglakas loob na sabihing kilala nilang lahat o may impluwensya sila sa harap ng mga ito.Sa sandaling iyon, isang babaeng kanina pa tahimik sa kanyang upuan, ang biglang nagpakawala ng isang mapang akit na tawa.Lumingon ang lahat sa pinagmulan ng tunog at nakita ang isang babaeng nakasuot ng pulang CEO suit habang naka de kwatro—napakalakas ng karisma. Nasa edad na 30, ngunit umaapaw ang ganda at alindog bilang isang mature na babae.Maputi ang kanyang balat, mapang akit ang kanyan
Kinaumagahan sa sikat na Salvacion Villa District, idinaraos ang ika-80 kaarawan ng matandang matriarca na si Madam Gloria Luiz-Walker. Bagama’t sa pinakamagandang hotel sa lungsod gaganapin ang marangyang salu salo para sa mga bisita, iniutos ng matanda na mag ipon muna ang pamilya sa kanyang mans
Tirik ang araw at pawis na pawis ang likod ni Ethan habang tinatahak niya ang kahabaan ng kalsada gamit ang kanyang lumang motorsiklo. Bilang isang delivery rider ito rin ang kanyang pang araw araw na realidad makalipas ang tatlong taon. Huninto na siya sa tapat ng pinto sa loob ng marangyang hotel
“Tingnan mo nga naman, ang Pamilyang sumira sa buhay ko” Alam na ni Ethan ng patibong ito ng pamilya Luiz sa kanya. Diretsong lumakad si Basque palapit sa kanya.“Hubarin mo ang lahat ng damit at sumbrero mo! Ngayon din!” gait na utos niya. “At bakit ko huhubarin?At isa pa anong ibig mong sabihin
“Buset ka talaga kahit kailan Sapphire! Lalo na sa pamilya mo! Buti at buhay pa ako, kundi hindi ko na maisasagawa ang plano kong paghihiganti sa inyo” galit na bulong ni Ethan habang nakababad sa Bathtub na halos kasukat lang din niya. Ilang sandali pa, tumunog ang kanyang telepono. Si Don Maximu







