Mag-log inTumingin si Director Chua si Sapphire at Clarence at agad niyang nahulaan na may espesyal na ugnayan ang dalawa kahit hindi na siya magtanong sa kanila.“Madam Sapphire, wala kaming karapatan na arestuhin si Sir Ethan De Valle hangga’t wala pang malinaw at matibay na ebidensya tungkol sa naganap na nakawan” magagalang na sabi niya.“At kung talagang gusto lang ninyo na ipahuli, kailangan ninyong magpakita ng ebidensya gaya ng CCTV footage o larawan katibayan na may ginawang pagnanakaw sa relo ng pamilya ninyo” Nagpatuloy ito sa pagsasalita.“At isa pa, tigilan ninyo ang pagtawag sa dati mong asawa na isang mahirap o walang silbi. Masakit para sa mag asawa na magsalita ang ganoon alam ko na nirerespeto ko po kayo pero sana huwag masyado personal” Malamig na suminghal si Sapphire.“Wala naman akong sinabing mali—Noon pa man ay wala na siyang mararating kaya iniwan ko siya!” Ngumisi naman ito.“Ikaw ang nakipag divorce kay Sir De Valle, hindi ba?” Gulat na tanong ng pulis sa tabi.“Oo
Ang calling card na ito na gawa sa Swiss metal at may dilaw na mga letra sa itim na background na nilagyan pa ng mga dyamante at may isang set ito na ay may gumamit ng mahigit na 30 carats ng diyamante.Sa madaling salita, ang isang calling card katumbas ng 10,000 dollars o higit pa!At imposibleng ang isang calling card lang ang ipagawa, Dahil espesyal ang mga ito sa Walker Group ang buong set neto at tanging kay Ethan lang ang isang set na iyon. Sapat na para makabili ng bahay sa isang third tier na lungsod.Agad na kinuha ni Director Chan ang calling card at halos napatulala nang makita ang kumikislap na dyamante rito.At nakasulat ang pangalan niya sa Calling card.Muli niyang sinuri ang kontrata at nakasaad doon ang mga shares ng dating presidente at opisyal na nailipat sa kanya.“Director, posible na peke ang mga ito?” takang tanong ng kasama niya pulis.“Ang mga kontrata at calling card ay maaring pekein. Hindi na bago iyon sa atin bilang mga pulis” sabi ni Director Chan.“Maki
Magkasama kahapon nagcheck in sa iisang kwarto sina Sapphire at Clarence dahil sa wakas ay permanente na wala na sila ni Ethan. Nang aksidente silang naabutan ni Ethan.Gusto sana pumasok ni Ethan pera saktan si Clarence, pero sinabi ni Sapphire ma ang mga paa neto ay hindi karapat dapat sa isang Five star hotel.Ngunit ngayon, hindi lang basta nakatayo si Ethan kundi nakatira na ito bilang guest. Hindi lang yan, nanunuluyan siya sa isang presidential suite na binigay sa kanya ni Don Maximus na lolo niya.Kahit parehong nasa iisang gusali ang presyo ng kwarto sa hotel ay mas mahal nang ilang beses kumpara sa ibang hotel.Nakatayo ito sa harapan ni Sapphire at bigla niyang naalala ang isang linyang sa sikat na pelikula noon na— “Nakatayo ako sa harapan mo, at pinagmasdan ka ng maigi. Ngunit, mukha ba akong tulad ng dati?” “Sige, ayaw mo akong papasukuhin ba.” matapos tanggihan, nagngingitngit sa galit si Sapphire.“Gusto ko lang naman sanang pagbigyan sa pangalawang pagkakataon na umuw
Inutusan ni Ethan ang isang Delivery boy na magdala ng regalo, ngunit hindi alam ng lahat na ang butler niya si Fernando yun.May lakas ng loob ang pamilya De Valle na ipagkatiwala ang mga bagay na nagkakahalaga ng 10 milyon sa isang delivery person.“Mrs. Walker, ang Jade bracelet na ito ay bigay ni President De Valle para sa kaarawan mo” Sa birthday party, lahat ng mga bisita ay nagulat sa regalong ito.“Ang bracelet na yan! Ang pinakamahal sa lahat ng mga regalo ngayon!”“Madam Gloria, napakagalante naman ni Mr De Valle, nais ko siya makaharap ng personal” Lumapit ang lahat ng tao at nagtanong kay Madam Gloria.Sa katunayan, nalilito na rin ang matandang Walker ngayon na hindi lubos maisip kung sino ba talaga si President De Valle? “Nagtataka ako dahil lahat ng pamilyang may pakikipagkaibigan sa pamilya Luiz ay narito ngayon, ngunit ni isa sa De Valle Family ay wala?” Nagkatinginan ang mga miyembro ng Pamilya Luiz.Tinignan ni Ashanti ang bracelet na nagkakahalaga ng sampung mi
Matapos itong marinig ng pamilya Luiz, napatayo silang lahat.“Ethan, ano ka ba! Napakawalang kwenta mo naman, Bodyguard na nga inaalok sayo tapos aayaw ka pa? Alam mo naman na wala kang pagkakataon na makahanap ng maayos na trabaho dito sa Salvacion noh” Malakas na tumawa si Sapphire.Bagama’t naawa si Ashanti kay Ethan, mayabang pa rin nitong itinaas ang kanyang ulo at lihim na sinabi sa kanyang puso.“Kasalanan mo ang lahat ng ito! Dapat mong tiisin ang lahat ng ginagawa ko sayo!” Gayumpaman, nanatiling kalmado si Ethan at tinanong si Shin.“Ms Shin, ang sinabi mo ba ngayon ay kinakatawan ka lang ba nang personal o ng Walker Group?” “Syempre, kinakatawan nito ng kumpanya” sabi niya.Nagpatuloy sa pagtanong si Ethan.“Ikaw ang Vice President ng Walker Group, hindi ang Presidente. Ano ang karapatan mong katawanin ang posisyon ng Walker Group?” Napahiya si Shin sa pagtatanong ni Ethan.Bagama’t kinikilala ng lahat ang kakayahan ni Shin hindi nga ang pinakamataas ang kanyang posisy
Halos mahimatay sina Rheagan, Basque at iba pa. Ang daming lighters dito, hindi mo ba alam kung paano manghiram ng isa?Walang apoy?Talagang tinanggihan niya si Shin—ang nangungunang Diyosa—sa harap ng maraming tao.Natigilan din si Shin at ibinalik sa lalagyan ang sigarilyong nasa labi niya.Pagkatapos ay tumayo siya mula sa kanyang upuan at lumapit kay Ethan.Matangkad si Shin at naka high heels, kaya halos kasing tangkad na niya si Ethan.Tinignan niya ito ng mabuti mula ulo hanggang paa at napansing medyo gwapo ito. Kaya nakaramdam siya ng kaunting tuwa.“Pangalan?” tanong niya.“Anong pangalan?”“Pangalan mo” “May problema ba ang tenga mo? Hindi ba’t sinabi lang ni Rheagan ang pangalan ko, ako si Ethan De Valle” “Bastos ng bibig mo! Hindi ka ba marunong rumespeto kay Ms. Shin?” galit na sigaw ni Basque kay Ethan.Kusa namang ikinaway ni Shin ang kanyang kamay at sinabi.“Ethan De Valle, alang alang sa pagkakaroon mo ng kaparehong apelyido ng bagong presidente ng Walker Group,
Habang nakikinig sa nostalgic na tugtugin si Ethan, binalikan niya ang matamis na aalala nila ni Sapphire Luiz. Sa mundong puno ng misteryoso at naglalakihang pamilya tulad ng mga Walker, Espanto, at Ramos. Hindi nila alam na ang pinakamakapangyarihan at pinaka misteryosong pamilya sa buong mundo a
Tirik ang araw at pawis na pawis ang likod ni Ethan habang tinatahak niya ang kahabaan ng kalsada gamit ang kanyang lumang motorsiklo. Bilang isang delivery rider ito rin ang kanyang pang araw araw na realidad makalipas ang tatlong taon. Huninto na siya sa tapat ng pinto sa loob ng marangyang hotel
“Tingnan mo nga naman, ang Pamilyang sumira sa buhay ko” Alam na ni Ethan ng patibong ito ng pamilya Luiz sa kanya. Diretsong lumakad si Basque palapit sa kanya.“Hubarin mo ang lahat ng damit at sumbrero mo! Ngayon din!” gait na utos niya. “At bakit ko huhubarin?At isa pa anong ibig mong sabihin
“Buset ka talaga kahit kailan Sapphire! Lalo na sa pamilya mo! Buti at buhay pa ako, kundi hindi ko na maisasagawa ang plano kong paghihiganti sa inyo” galit na bulong ni Ethan habang nakababad sa Bathtub na halos kasukat lang din niya. Ilang sandali pa, tumunog ang kanyang telepono. Si Don Maximu







