Masuk
Tirik ang araw at pawis na pawis ang likod ni Ethan habang tinatahak niya ang kahabaan ng kalsada gamit ang kanyang lumang motorsiklo. Bilang isang delivery rider ito rin ang kanyang pang araw araw na realidad makalipas ang tatlong taon. Huninto na siya sa tapat ng pinto sa loob ng marangyang hotel at marahang kumatok bitbit ang chicken pot na niorder ng customer.
“Sir, narito na po ang order ninyo,” magalang na saad niya. Agad na bumukas ang pinto. Subalit sa isang iglap, nanlaki ang mga mata ni Ethan at tila napako siya sa kanyang kinatatayuan. Tulala niyang tinitigan ang lalaki at babaeng nasa loob. Hindi niya kilala ang lalaking nagbukas ng pinto—ngunit ang babaeng kasama nito sa loob ng kwarto ay walang iba kundi ang sarili niyang asawa, si Sapphire Luiz. Nalaglag ang bitbit niyang pagkain at gumulong ang nilalaman nito sa sahig. Sa sandaling iyon, pumasok din sa isip niya ang isang pagtataka. Ang Salvation Hotel ay isang sikat na five-star hotel; bihira, o halos hinding-hindi nag-oorder ng labas na takeout ang mga bisita rito. At kung mag-order man, hanggang lobby lang pinapayagan ihatid ang pagkain. Paano siya nakalagpas? Nang makitang natapon ang pagkain sa sahig, uminit ang ulo ng lalaki. Dahil sa ingay, napalingon na rin si Sapphire mula sa loob ng kwarto at nakasuot ito ng bathrobe at basa ang buhok neto. “Ethan?! Bakit ka nandito?” gulat na bulalas ng kanyang asawa. Pinagmasdan ng lalaki si Ethan mula ulo hanggang paa na may halong pandidiri. Katamtaman ang tindig nito, may hitsura naman, ngunit ang suot na dilaw na uniporme ng delivery company ang naglantad ng estado nito sa buhay. “Sapphire, delivery man pala ang asawa mo? Kung alam ko lang, sana ay nag-room service na lang ako rito at hindi na nagpa-deliver sa labas,” nakangising saad ng lalaki. Walang bakas ng takot o hiya ang lalaki dahil alam niyang si Ethan ay ang walang kwentang son-in-law na nakikitira lamang sa pamilya Luiz—isang lalaking walang ambag, walang pera, at walang posisyon. “Sapphire, ano ito?!” galit na confrontsyon ni Ethan, habang nakatitig nang mariin sa kanyang asawa. “Sa loob ng tatlong taon nating kasal, tatlong beses sa isang araw akong naghahanda ng pagkain para sa iyo at sa pamilya mo! Kung hindi man sapat ang pagsisikap ko, alam ng Diyos na naging tapat at mabuti ako sa iyo!” Sumikip ang dibdib ni Ethan sa matinding sakit. “Sa loob ng tatlong taon, kahit dulo ng daliri mo ay hindi mo ipinahawak sa akin! Akala ko ay isa kang babaeng may prinsipyo... pero ngayon, bakit mo ito ginagawa sa akin?!” “Anong ginagawa ko? Ethan, wala kang karapatang magsalita ng kung ano-ano!” asik ni Sapphire, pilit na itinatago ang pagkahiya sa pamamagitan ng galit. “Sinasabi ko sa iyo, hindi mo ba siya kilala? Si Clarence ito, ang anak ng may-ari ng Espanto Family na isang sikat na investment company!” Para kay Sapphire, ang isang delivery boy na katulad ni Ethan ang simbolo ng kawalan ng kakayahang umasenso sa mundo. Isang mababang trabaho lang ito para sa kanya. Ngunit sa mata ni Ethan, ito ay isang marangal na trabahong sumisimbolo sa kanyang sakripisyo at determinasyon para mabuhay. “Hoy, ikaw!” sabat ni Clarence habang nakaturo kay Ethan. “Nasira ang chicken pot ko! Pwede kitang ireklamo sa kumpanya mo. Pero dahil asawa mo si Sapphire, palalagpasin ko ito basta’t lumuhod ka at humingi ng tawad sa akin. Pagkatapos, bibigyan kita ng five-star rating. Deal?” Isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa mukha ni Clarence. Sa halip na humingi ng tawad, nagtagis ang mga bagang ni Ethan at itinaas ang kanyang kanang kamao upang turuan ng leksyon ang mayabang na lalaki. Ngunit bago pa man ito tumama, mabilis siyang hinila at pinigilan ni Sapphire. “Tumigil ka na, Ethan! Sa tingin mo ba ang isang kagaya mo ay may karapatang mag-iskandalo sa loob ng isang five-star hotel? Lumayas ka rito ngayon din! Kung hindi, tatawag ako ng security para ipakaladkad ka palabas!” Tinitigan siya ni Ethan ng ilang sandali, bago dahan-dahang ibinaba ang kanyang kamao. Malamig at seryoso ang kanyang mga mata. “Alam mo, Sapphire... umaasa ako na darating ang araw na hindi mo ito pagsisihan.” Tumalikod na si Ethan at naglakad palayo. Sinundan siya ng tingin ni Sapphire at sumigaw nang galit. “Talaga? Pagsisihan ko? Oo! Matagal ko nang pinagsisisihan na nagkaroon ako ng walang kwentang asawang katulad mo!” Ang malambing na boses ni Sapphire, na dati ay tila musika sa pandinig ni Ethan, ay umalingawngaw sa koridor ng hotel. Ngunit sa pagkakataong ito, bawat salita ay parang may lason na bumaon sa kanyang puso. Paglabas ng hotel, sumakay si Ethan sa kanyang motorsiklo. Habang sinusuot ang helmet, biglang sumumpong ang pag-vibrate at pagtunog ng kanyang telepono. “Hello, delivery po,” sagot ni Ethan gamit ang kanyang nakasanayan at propesyonal na boses. Ngunit isang baritono at matandang tinig ang narinig niya sa kabilang linya. “Third Young Master. Ang tatlong taon mong pagtitiis bilang isang nakikitirang son-in-law ng Pamilya Luiz ay opisyal nang natapos ngayong araw. Ang susunod mo namang misyon ay ang pamamahala sa negosyo. Binili na ng iyong Ama ang buong Espanto Group, at inaayos na ang lahat para ikaw ang maupong bagong Chairman ng kumpanya.” “Naintindihan ko,” malamig at walang emosyong sagot ni Ethan. Mula sa pagiging isang simpleng delivery man tungo sa pagiging Chairman ng isa sa pinakamalaking kumpanya—nanatiling kalmado si Ethan at walang bakas ng pagkagulat. Tapos na ang panahon ng kanyang pagtatago. “Third Young Master Ethan, nais din sanang malaman ng iyong Ama kung kumusta ang pagsasama ninyo ni Miss Sapphire? Nais mo ba siyang isama at gawing bahagi ng pamilya natin, o hindi na?” “Hindi,” maikli ngunit matigas na sagot ni Ethan. “Wala siyang karapatang matanggap ang lahat ng ito.” Matapos ang maikling sagot, ibinaba na ni Ethan ang telepono. Pinihit niya ang silinyador ng kanyang motor at mabilis na humarurot palayo, iniwan ang nakaraan, patungo sa kanyang tunay na imperyo.Sa nakalipas na tatlong taon bilang mag asawa nagtapos ang lahat, ngunit ngayon na naging presidente na si Ethan halatang halata ang kanyang kasabikan.Sa kanyang pananabik ay hindi ang pagiging presidente, mula pagkabata ay lumaki na siya sa isang mayamang pamilya—Kaya matagala na siyang nagsawa sa pakiramdam ng pagiging makapangyarihan na tao.Ang nagpapasabik na lang sa kanya ay wala iba kundi si Ms Shin Quinto, ang vice president ng Walker Group at ang babaeng kinahuhumalingan ng halos lahat ng mamayamang lalaki sa Salvacion.Pagdating sa lobby ng gusali, hinarangan siya ng access control.Ang Salvacion na malapit sa Metro Manila, ang first tier city sa buong Pilipinas, at nangunguna rin ito sa paggamit ng makabagong teknolohiya. Ang fingerprint at facial recognition ay ginagamit na bilang access control sa unang palapag.Gayunpaman, unang araw pa lamang ni Ethan sa trabaho kaya wala pa siyang nakarehistrong fingerprint o facial data.Kaya nilabas niya ang access card na binigay n
Tumingin si Director Chua si Sapphire at Clarence at agad niyang nahulaan na may espesyal na ugnayan ang dalawa kahit hindi na siya magtanong sa kanila.“Madam Sapphire, wala kaming karapatan na arestuhin si Sir Ethan De Valle hangga’t wala pang malinaw at matibay na ebidensya tungkol sa naganap na nakawan” magagalang na sabi niya.“At kung talagang gusto lang ninyo na ipahuli, kailangan ninyong magpakita ng ebidensya gaya ng CCTV footage o larawan katibayan na may ginawang pagnanakaw sa relo ng pamilya ninyo” Nagpatuloy ito sa pagsasalita.“At isa pa, tigilan ninyo ang pagtawag sa dati mong asawa na isang mahirap o walang silbi. Masakit para sa mag asawa na magsalita ang ganoon alam ko na nirerespeto ko po kayo pero sana huwag masyado personal” Malamig na suminghal si Sapphire.“Wala naman akong sinabing mali—Noon pa man ay wala na siyang mararating kaya iniwan ko siya!” Ngumisi naman ito.“Ikaw ang nakipag divorce kay Sir De Valle, hindi ba?” Gulat na tanong ng pulis sa tabi.“Oo
Ang calling card na ito na gawa sa Swiss metal at may dilaw na mga letra sa itim na background na nilagyan pa ng mga dyamante at may isang set ito na ay may gumamit ng mahigit na 30 carats ng diyamante.Sa madaling salita, ang isang calling card katumbas ng 10,000 dollars o higit pa!At imposibleng ang isang calling card lang ang ipagawa, Dahil espesyal ang mga ito sa Walker Group ang buong set neto at tanging kay Ethan lang ang isang set na iyon. Sapat na para makabili ng bahay sa isang third tier na lungsod.Agad na kinuha ni Director Chan ang calling card at halos napatulala nang makita ang kumikislap na dyamante rito.At nakasulat ang pangalan niya sa Calling card.Muli niyang sinuri ang kontrata at nakasaad doon ang mga shares ng dating presidente at opisyal na nailipat sa kanya.“Director, posible na peke ang mga ito?” takang tanong ng kasama niya pulis.“Ang mga kontrata at calling card ay maaring pekein. Hindi na bago iyon sa atin bilang mga pulis” sabi ni Director Chan.“Maki
Magkasama kahapon nagcheck in sa iisang kwarto sina Sapphire at Clarence dahil sa wakas ay permanente na wala na sila ni Ethan. Nang aksidente silang naabutan ni Ethan.Gusto sana pumasok ni Ethan pera saktan si Clarence, pero sinabi ni Sapphire ma ang mga paa neto ay hindi karapat dapat sa isang Five star hotel.Ngunit ngayon, hindi lang basta nakatayo si Ethan kundi nakatira na ito bilang guest. Hindi lang yan, nanunuluyan siya sa isang presidential suite na binigay sa kanya ni Don Maximus na lolo niya.Kahit parehong nasa iisang gusali ang presyo ng kwarto sa hotel ay mas mahal nang ilang beses kumpara sa ibang hotel.Nakatayo ito sa harapan ni Sapphire at bigla niyang naalala ang isang linyang sa sikat na pelikula noon na— “Nakatayo ako sa harapan mo, at pinagmasdan ka ng maigi. Ngunit, mukha ba akong tulad ng dati?” “Sige, ayaw mo akong papasukuhin ba.” matapos tanggihan, nagngingitngit sa galit si Sapphire.“Gusto ko lang naman sanang pagbigyan sa pangalawang pagkakataon na umuw
Inutusan ni Ethan ang isang Delivery boy na magdala ng regalo, ngunit hindi alam ng lahat na ang butler niya si Fernando yun.May lakas ng loob ang pamilya De Valle na ipagkatiwala ang mga bagay na nagkakahalaga ng 10 milyon sa isang delivery person.“Mrs. Walker, ang Jade bracelet na ito ay bigay ni President De Valle para sa kaarawan mo” Sa birthday party, lahat ng mga bisita ay nagulat sa regalong ito.“Ang bracelet na yan! Ang pinakamahal sa lahat ng mga regalo ngayon!”“Madam Gloria, napakagalante naman ni Mr De Valle, nais ko siya makaharap ng personal” Lumapit ang lahat ng tao at nagtanong kay Madam Gloria.Sa katunayan, nalilito na rin ang matandang Walker ngayon na hindi lubos maisip kung sino ba talaga si President De Valle? “Nagtataka ako dahil lahat ng pamilyang may pakikipagkaibigan sa pamilya Luiz ay narito ngayon, ngunit ni isa sa De Valle Family ay wala?” Nagkatinginan ang mga miyembro ng Pamilya Luiz.Tinignan ni Ashanti ang bracelet na nagkakahalaga ng sampung mi
Matapos itong marinig ng pamilya Luiz, napatayo silang lahat.“Ethan, ano ka ba! Napakawalang kwenta mo naman, Bodyguard na nga inaalok sayo tapos aayaw ka pa? Alam mo naman na wala kang pagkakataon na makahanap ng maayos na trabaho dito sa Salvacion noh” Malakas na tumawa si Sapphire.Bagama’t naawa si Ashanti kay Ethan, mayabang pa rin nitong itinaas ang kanyang ulo at lihim na sinabi sa kanyang puso.“Kasalanan mo ang lahat ng ito! Dapat mong tiisin ang lahat ng ginagawa ko sayo!” Gayumpaman, nanatiling kalmado si Ethan at tinanong si Shin.“Ms Shin, ang sinabi mo ba ngayon ay kinakatawan ka lang ba nang personal o ng Walker Group?” “Syempre, kinakatawan nito ng kumpanya” sabi niya.Nagpatuloy sa pagtanong si Ethan.“Ikaw ang Vice President ng Walker Group, hindi ang Presidente. Ano ang karapatan mong katawanin ang posisyon ng Walker Group?” Napahiya si Shin sa pagtatanong ni Ethan.Bagama’t kinikilala ng lahat ang kakayahan ni Shin hindi nga ang pinakamataas ang kanyang posisy
“Ilabas ang Family Disciplinary Rod!” Napakarahas magparusa ng Pamilyang Luiz pagdating sa pagdidisiplina. Itatali ka sa tabla hanggang sa hindi ka makalakad ng ilang araw, at ang mas malala pa rito, babaliin nila ang iyong mga darili.Agad namang tinawagan ni Sapphire ang kanyang asawang si Ethan
Kinaumagahan sa sikat na Salvacion Villa District, idinaraos ang ika-80 kaarawan ng matandang matriarca na si Madam Gloria Luiz-Walker. Bagama’t sa pinakamagandang hotel sa lungsod gaganapin ang marangyang salu salo para sa mga bisita, iniutos ng matanda na mag ipon muna ang pamilya sa kanyang mans
Habang nakikinig sa nostalgic na tugtugin si Ethan, binalikan niya ang matamis na aalala nila ni Sapphire Luiz. Sa mundong puno ng misteryoso at naglalakihang pamilya tulad ng mga Walker, Espanto, at Ramos. Hindi nila alam na ang pinakamakapangyarihan at pinaka misteryosong pamilya sa buong mundo a
Tirik ang araw at pawis na pawis ang likod ni Ethan habang tinatahak niya ang kahabaan ng kalsada gamit ang kanyang lumang motorsiklo. Bilang isang delivery rider ito rin ang kanyang pang araw araw na realidad makalipas ang tatlong taon. Huninto na siya sa tapat ng pinto sa loob ng marangyang hotel







