LOGIN“Tingnan mo nga naman, ang Pamilyang sumira sa buhay ko”
Alam na ni Ethan ng patibong ito ng pamilya Luiz sa kanya. Diretsong lumakad si Basque palapit sa kanya. “Hubarin mo ang lahat ng damit at sumbrero mo! Ngayon din!” gait na utos niya. “At bakit ko huhubarin?At isa pa anong ibig mong sabihin ha?” Sa pagkakataong iyon, lumapit si Rheagan na may pasa pa sa mukha. “Anong ibig sabihin? Kilala mo ba kung sino siya? Siya lang naman ang boss mo! Si Basque! Ang pangkalahatang ahente ng kompanyang pinagtatrabahuhan mo!” “Hindi ka naniniwala? Pwes ipapatawag ko kay Manager Carl na kumuha sayo!” malamig na banat ni Boss Basque sa kanya. Hindi nagtagal ay tumawag nga si Manager Carl sa kanya. “Ethan, paano mo nagawang bastusin si Mr Bas? Isiniwalat ka niya sa trabaho” Ngumisi lang si Ethan dahil hindi niya akaling ganito matatapos ang karera niya bilang isang delivery rider. Dahil sa totoo lang,nagustuhan niya ang paghahatid ng pagkain—nakatagpo siya ng iba’t ibang uri ng tao at nahasa nito ang kanyang pasensya at pag uugali. Nais niya sa nang tapusin ang yugto ng ito ng kanyang buhay sa magandang paraan, ngunit nasira ng hayop na si Basque. Muli sumigaw si Basque kay Ethan. “Hubarin mo na ang uniporme mo bilis! Siniwala ka na sa kumpanya ko!” Dali dali naman hinubad ang damit, sumbrero at saka sinoli ang susi ng motorsiklo ng kumpanya. Dahil natanggal na ito sa trabaho at wala na siyamg karapatang gamitin ang mga ito. “Sige” bakas ang malamig na eksptesyon sa mukha ni Ethan habang hinuhubad ang kanyang dilaw na uniporme sa harapan ng pamilya Luiz at ng boss niya si Basque. “Mukhang siyang aso!” tawang tawa na saad ni Rheagan hanggang sa mapahiling ang kanyang ulo sa likod. “Walang kwentang basura! Ang lakas ng loob mo kanina ha? Sa tigin mo hanggang saan ang katapangan mo ha? Sige nga, magtapang tapangan ka ulit ngayon, tignan natin kung hanggang kailan ka magiging matapang!” galit na sabat ni Sinead sa kanya. Dahil empleyado pa rin si Ethan ni Basque hanggang sa segundong ito, kailangan niyang sumunod. Pagkahubad ng uniporme, inilapag niya ito sa motorsiklo at nagtanong. “Boss Bas, nabalitaan kong mapapaso na ang kontrata mo bilang ahente ngayong taon ha? Kawawa ka naman kung ganun” Natigilan ito ng sandali. “At ano naman ang pakialam mo ha? Paano mo nalaman ang tungkol dun ha?” Ngumiti ito sa kanya. “Hindi mo na kailangang pumumta sa kapital para mag renew ng kontrata, ni hindi mo na nga hawak ang pagiging ahente pagkatapos neto” May kaunting alaala si Ethan sa tunay na may ari ng Tiango takeaway. Nitong mga nakaraang taon, pilit nitong kinukuha ang loob ng pamilya De Valle, ngunit palagi silang tinatanggihan ng lolo ni Ethan na si Don Maximus. Isang salita ni Ethan siguradong mabubura si Basque sa buong Salvacion. Umaasa lang si Basque sa pagiging ahente para kumita ng milyun milyon, kaya naman nangitngit ito sa galit. “At sino ka ba sa inaakala mo ha? Sabihin mo sa aking hindi na ako pwedeng maging ahente? Alam mo ba kung gaano katatag ang pinagsamahan namin ng boss ng Tiango? Noong walang naniniwala sa negosyong ito, naglabas ako ng sarili kong pera para isalba siya! At isa sa pagkakataong ito na maglalabas ako ng limang milyon!” “Kahit maglabas ka pa ng limang o higit pa na pera, wala na, tapos ka na. Kung hindi ka naniniwala. Subukan mo” “Ikaw—Hayop ka!” Bigla nagsalit si Madam Gloria kay Ethan. “Ikaw, Ethan na basura ka! Huwag ka magyabang jan! Una, nagtaksil ka at binalulura mo ang apo ko! Pangalawa, sinaktan mo ang apo ko si Rheagan! Mula sa araw na ito, ipinapatupad ko sayo ang batas ng pamilya sa harap ng lahat ng bisita! May lakas ka ba ng loob na pumasok?” Ngumisi muli ito. “At Bakit naman hindi? Tanda?” Tinignan ni Ethan ang pasukan ng Salvacion Hotel..Bukod sa makapangyarihang ang pamilya Luiz, marami ring impluwensyal na bisita ang dumalo sa handaan. Batid ni Ethan na ang mga bisitang ito ay ang mga tanyag na personalidad sa Salvacion—mga politika, mga bussinessman, at mga artista na may kapangyarihang hindi kayang isipin ng mga karaniwang tao. Sa kabila ng mga dambulahang pangalang ito, walang bahid ng takot si Ethan kahit isang mababaw na sapa ay hindi makukulong ang isang tunay na dragon. Hindi siya papayag na apihin lang ng mga hamak na hipon sa lungsod ng Salvacion. May paninindigan ang bawat hakbang ni Ethan at habang sumusunod sa pamilya Luiz patungo sa bulwagan ng hotel. Dahil kaarawan ni Madam Gloria, nirentahan nila ang buong hotel kaya walang ibang tao roon maliban sa mga tauhan—maging mga waiter ay mabilis na umalis nang pumasok si Ethan. Nakaupo si Madam Gloria sa magarang upuan sa gitna ng bulwagan. Bagamat may katangkaran lamang na limang piye, umaapaw pa rin ang kaniyang awtoridad. “Lumuhod ka!” Tumingin lang si Ethan sa paligid. “At bakit ako luluhod sayo? tanda?” Sinalubong siya ng boses ni Madam Gloria. “Sa tatlong taon na ang nakalipas nang mapangasawa mo si Sapphire sa pamilya Luiz. Personal mong ipinangako na kapag gumawa ka ng anumnang bagay na makakasira sa pamilya, maluwag mong tatanggapin ang parusa. Itatanong ko sayo, may bisa pa ba ang pangako mo noon?” Tinuwid ni Ethan ang kanyang tindig. “Ang anumang binitawam kong salita, ay may paninindigan!” “Mahusay! Ilabas ang dragon Ruler ng pamilyang Luiz!” Sa utos ni Madam Gloria, agad na iniabot ni Kian ang nakahandang bakal na ruler. Ang mabigat na Dragon Ruler na ito na pamana pa ng mga ninuno nila. Noong una ay ginamit lang ito bilang panukat, ngunit kalaunan ay naging kagamitan na sa pagpaparusa sa pamilya. Kapag tinamaan ka nito sa mukha, titiisin mo ang sakit nang hindi bababa sa tatlong araw. Hawak ni Madam Gloria ang dragon ruler. “Mabuti at umaamin ka. Sige, sampalin siya ng dalawampung beses!” “Masusunod po” si Kian na matagal nang gustong ipaghiganti ang kanyang kapatid ang unang humakbang pasulong. Ngunit biglang hinablot ni Rheagan ang Dragon Ruler. “Inay, bilang biyenan. Ako na ang dapat magdidisplina sa kanya!” Bago pa man makakilos si Rheagan, inagaw ito ni Sinead. “Ako naman ang laging sumasampal sa kanya, ako na lang!” Nag aagawan pa ang ilan kung sino ang unang magpaparusa kay Ethan. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang pagbuka ng bibig ng sarili niyang asawa na si Sapphire. “Asawa ko siya! At ako ang magpaparusa sa kanya!” Ang kanyang makinis at maputing kamay—ang kamay na hindian lang nahawakan ni Ethan sa loob ng tatlong taon ng kanilang kasal—ang siyang humawak sa mabigat na Dragon ruler.Tumingin si Director Chua si Sapphire at Clarence at agad niyang nahulaan na may espesyal na ugnayan ang dalawa kahit hindi na siya magtanong sa kanila.“Madam Sapphire, wala kaming karapatan na arestuhin si Sir Ethan De Valle hangga’t wala pang malinaw at matibay na ebidensya tungkol sa naganap na nakawan” magagalang na sabi niya.“At kung talagang gusto lang ninyo na ipahuli, kailangan ninyong magpakita ng ebidensya gaya ng CCTV footage o larawan katibayan na may ginawang pagnanakaw sa relo ng pamilya ninyo” Nagpatuloy ito sa pagsasalita.“At isa pa, tigilan ninyo ang pagtawag sa dati mong asawa na isang mahirap o walang silbi. Masakit para sa mag asawa na magsalita ang ganoon alam ko na nirerespeto ko po kayo pero sana huwag masyado personal” Malamig na suminghal si Sapphire.“Wala naman akong sinabing mali—Noon pa man ay wala na siyang mararating kaya iniwan ko siya!” Ngumisi naman ito.“Ikaw ang nakipag divorce kay Sir De Valle, hindi ba?” Gulat na tanong ng pulis sa tabi.“Oo
Ang calling card na ito na gawa sa Swiss metal at may dilaw na mga letra sa itim na background na nilagyan pa ng mga dyamante at may isang set ito na ay may gumamit ng mahigit na 30 carats ng diyamante.Sa madaling salita, ang isang calling card katumbas ng 10,000 dollars o higit pa!At imposibleng ang isang calling card lang ang ipagawa, Dahil espesyal ang mga ito sa Walker Group ang buong set neto at tanging kay Ethan lang ang isang set na iyon. Sapat na para makabili ng bahay sa isang third tier na lungsod.Agad na kinuha ni Director Chan ang calling card at halos napatulala nang makita ang kumikislap na dyamante rito.At nakasulat ang pangalan niya sa Calling card.Muli niyang sinuri ang kontrata at nakasaad doon ang mga shares ng dating presidente at opisyal na nailipat sa kanya.“Director, posible na peke ang mga ito?” takang tanong ng kasama niya pulis.“Ang mga kontrata at calling card ay maaring pekein. Hindi na bago iyon sa atin bilang mga pulis” sabi ni Director Chan.“Maki
Magkasama kahapon nagcheck in sa iisang kwarto sina Sapphire at Clarence dahil sa wakas ay permanente na wala na sila ni Ethan. Nang aksidente silang naabutan ni Ethan.Gusto sana pumasok ni Ethan pera saktan si Clarence, pero sinabi ni Sapphire ma ang mga paa neto ay hindi karapat dapat sa isang Five star hotel.Ngunit ngayon, hindi lang basta nakatayo si Ethan kundi nakatira na ito bilang guest. Hindi lang yan, nanunuluyan siya sa isang presidential suite na binigay sa kanya ni Don Maximus na lolo niya.Kahit parehong nasa iisang gusali ang presyo ng kwarto sa hotel ay mas mahal nang ilang beses kumpara sa ibang hotel.Nakatayo ito sa harapan ni Sapphire at bigla niyang naalala ang isang linyang sa sikat na pelikula noon na— “Nakatayo ako sa harapan mo, at pinagmasdan ka ng maigi. Ngunit, mukha ba akong tulad ng dati?” “Sige, ayaw mo akong papasukuhin ba.” matapos tanggihan, nagngingitngit sa galit si Sapphire.“Gusto ko lang naman sanang pagbigyan sa pangalawang pagkakataon na umuw
Inutusan ni Ethan ang isang Delivery boy na magdala ng regalo, ngunit hindi alam ng lahat na ang butler niya si Fernando yun.May lakas ng loob ang pamilya De Valle na ipagkatiwala ang mga bagay na nagkakahalaga ng 10 milyon sa isang delivery person.“Mrs. Walker, ang Jade bracelet na ito ay bigay ni President De Valle para sa kaarawan mo” Sa birthday party, lahat ng mga bisita ay nagulat sa regalong ito.“Ang bracelet na yan! Ang pinakamahal sa lahat ng mga regalo ngayon!”“Madam Gloria, napakagalante naman ni Mr De Valle, nais ko siya makaharap ng personal” Lumapit ang lahat ng tao at nagtanong kay Madam Gloria.Sa katunayan, nalilito na rin ang matandang Walker ngayon na hindi lubos maisip kung sino ba talaga si President De Valle? “Nagtataka ako dahil lahat ng pamilyang may pakikipagkaibigan sa pamilya Luiz ay narito ngayon, ngunit ni isa sa De Valle Family ay wala?” Nagkatinginan ang mga miyembro ng Pamilya Luiz.Tinignan ni Ashanti ang bracelet na nagkakahalaga ng sampung mi
Matapos itong marinig ng pamilya Luiz, napatayo silang lahat.“Ethan, ano ka ba! Napakawalang kwenta mo naman, Bodyguard na nga inaalok sayo tapos aayaw ka pa? Alam mo naman na wala kang pagkakataon na makahanap ng maayos na trabaho dito sa Salvacion noh” Malakas na tumawa si Sapphire.Bagama’t naawa si Ashanti kay Ethan, mayabang pa rin nitong itinaas ang kanyang ulo at lihim na sinabi sa kanyang puso.“Kasalanan mo ang lahat ng ito! Dapat mong tiisin ang lahat ng ginagawa ko sayo!” Gayumpaman, nanatiling kalmado si Ethan at tinanong si Shin.“Ms Shin, ang sinabi mo ba ngayon ay kinakatawan ka lang ba nang personal o ng Walker Group?” “Syempre, kinakatawan nito ng kumpanya” sabi niya.Nagpatuloy sa pagtanong si Ethan.“Ikaw ang Vice President ng Walker Group, hindi ang Presidente. Ano ang karapatan mong katawanin ang posisyon ng Walker Group?” Napahiya si Shin sa pagtatanong ni Ethan.Bagama’t kinikilala ng lahat ang kakayahan ni Shin hindi nga ang pinakamataas ang kanyang posisy
Halos mahimatay sina Rheagan, Basque at iba pa. Ang daming lighters dito, hindi mo ba alam kung paano manghiram ng isa?Walang apoy?Talagang tinanggihan niya si Shin—ang nangungunang Diyosa—sa harap ng maraming tao.Natigilan din si Shin at ibinalik sa lalagyan ang sigarilyong nasa labi niya.Pagkatapos ay tumayo siya mula sa kanyang upuan at lumapit kay Ethan.Matangkad si Shin at naka high heels, kaya halos kasing tangkad na niya si Ethan.Tinignan niya ito ng mabuti mula ulo hanggang paa at napansing medyo gwapo ito. Kaya nakaramdam siya ng kaunting tuwa.“Pangalan?” tanong niya.“Anong pangalan?”“Pangalan mo” “May problema ba ang tenga mo? Hindi ba’t sinabi lang ni Rheagan ang pangalan ko, ako si Ethan De Valle” “Bastos ng bibig mo! Hindi ka ba marunong rumespeto kay Ms. Shin?” galit na sigaw ni Basque kay Ethan.Kusa namang ikinaway ni Shin ang kanyang kamay at sinabi.“Ethan De Valle, alang alang sa pagkakaroon mo ng kaparehong apelyido ng bagong presidente ng Walker Group,
“Buset ka talaga kahit kailan Sapphire! Lalo na sa pamilya mo! Buti at buhay pa ako, kundi hindi ko na maisasagawa ang plano kong paghihiganti sa inyo” galit na bulong ni Ethan habang nakababad sa Bathtub na halos kasukat lang din niya. Ilang sandali pa, tumunog ang kanyang telepono. Si Don Maximu
“Nagmamatigas ka pa, Sumakah ka na sa kotse dali! Pumunta ka muna sa hotel para batiin mo ang mga bisita ni Lola” naiinip na sinabi ni Rheagan kay Ethan. “Pagkatapos ng birthday party ngayong araw, tanggapin mo ang parusa mo nang maayos at makinig ka sa desisyon ni Lola tungkol sa Divorce.” Nanlil
“Ilabas ang Family Disciplinary Rod!” Napakarahas magparusa ng Pamilyang Luiz pagdating sa pagdidisiplina. Itatali ka sa tabla hanggang sa hindi ka makalakad ng ilang araw, at ang mas malala pa rito, babaliin nila ang iyong mga darili.Agad namang tinawagan ni Sapphire ang kanyang asawang si Ethan
Kinaumagahan sa sikat na Salvacion Villa District, idinaraos ang ika-80 kaarawan ng matandang matriarca na si Madam Gloria Luiz-Walker. Bagama’t sa pinakamagandang hotel sa lungsod gaganapin ang marangyang salu salo para sa mga bisita, iniutos ng matanda na mag ipon muna ang pamilya sa kanyang mans







