LOGINBAGO PA MAN naging Mrs. Kensington si Kaelin Daisy Castellon, mayroon na siyang pangalan sa mundo ng negosyo.
Sa edad na dalawampu’t anim, siya ang Executive Director ng Castellon Biotech Laboratories, isa sa pinakamalaking pharmaceutical at medical research companies sa bansa.
Matalino siya at masipag. Kilala siya sa industriya bilang isang babaeng kayang makipagsabayan kahit sa mga beteranong negosyante.
Ngunit tatlong taon ang nakalipas, isinuko niya ang karerang pinakamamahal niya alang-alang kay Harrison Vincent Kensington, ang lalaking minahal niya nang higit pa sa sarili niya.
Si Harrison ay isang CEO ng Kensington Global holdings, isang multinational corporation na may negosyo na real estate, finance, technology, at international investments. Isa si Harrison sa mga bilyonaryong negosyante sa bansa. Makapangyarihan, matalino, at halos lahat ay perpekto na rito.
Maliban sa isang bagay, hindi siya nito kayang mahalin.
Naalala pa niya kung paano siya nito pinakiusapang umatras na lamang sa kanilang kasal upang hindi na iyon matuloy.
“Kaelin, alam kong pareho lang tayo ng dahilan kung bakit pumayag kang makipagkita sa’kin ngayon, para pag-usapan ang nalalapit nating kasal,” panimula ng binata.
Nakatanggap siya ng mensahe mula rito noong nakaraang araw. Nagtatanong ito kung puwede silang magkita upang pag-usapan ang kasal nila.
Kahit may mahalaga siyang meeting kinabukasan, agad siyang pumayag. Inakala niyang pareho silang nasasabik sa nalalapit nilang pag-iisang dibdib.
Ngunit nang magkaharap na sila, ang pananabik na bumalot sa kanyang puso ay unti-unting napalitan ng lungkot at matinding panghihinayang.
“Una sa lahat, wala naman tayong relasyon. Pangalawa, hindi rin tayo personal na magkakilala. Nagkakilala lang tayo dahil sa mga magulang natin, kaya alam kong pareho nating hindi nakikita ang isa’t isa bilang mapapangasawa. Nakipagkita ako sa’yo para pag-usapan at bumuo tayo ng isang plano,” pormal na sambit ng binata.
Kinabahan siya sa mga sinabi nito. Sa pormal pa lang nitong pananalita ay tila nahuhulaan na niya ang ibig nitong sabihin.
“P-Plano? A-Anong plano?” kandautal niyang tanong, dahil parang hindi niya kayang tanggapin ang magiging kasagutan nito.
“Kailangan nating magkaisa sa pag-atras sa kasal. Sa ganoong paraan, mas malaki ang tsansa nating magtagumpay at wala nang magagawa ang mga magulang natin para pilitin tayo. Isa pa, may sapat na dahilan ako dahil matagal na akong may girlfriend. Ikaw naman, bahala ka na kung ano ang puwede mong idahilan,” sagot nito.
Napakagat siya sa ibabang labi dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot sa binata.
Matagal na niya itong pangarap. Matagal na niyang pinangarap na balang araw ay maging asawa niya ito. Ngayon na mismo ang pagkakataong maaaring matupad ang matagal na niyang minimithi, kaya hindi siya puwedeng pumayag sa gusto nito.
Kailangan niyang makaisip ng paraan upang hindi matuloy ang planong binabalak nito nang hindi nito napapansing taliwas siya sa gusto nito.
“S-Sige. Mag-iisip ako ng magandang dahilan para mapapayag din ang mga magulang ko. Tatawagan na lang kita kapag nakaisip na ako. Sa ngayon kasi, hindi pa ako makapag-isip ng maayos. Busy rin ako sa kompanya,” pilit ang ngiting sagot niya.
Nakahinga siya ng maluwag nang makita niyang agad itong sumang-ayon.
“Okay, then! Kahit anong oras, puwede mo akong tawagan,” ani nito. Hindi maitago ang kasiyahan sa boses nito. “Sana ay magtagumpay tayo!”
Kasabay ng sinabi nito ay tumayo ito at iniabot sa kanya ang isang kamay.
Dahan-dahan din siyang tumayo. Bahagya pang nanginig ang kamay niya nang tanggapin iyon, dahil hindi niya inaasahang makikipagkamay ito sa kanya.
Sa kauna-unahang pagkakataon, naramdaman niya ang init na nagmumula sa malaking palad ng binata na bumalot sa kanyang maliit at malambot na kamay. Isang simpleng pakikipagkamay lamang iyon, ngunit sapat na upang magdulot ng munting kilig sa kanyang dibdib.
“S-Sana nga,” pilit na nakangiting tugon niya.
Hindi niya noon alam na iyon na rin ang una at huling pagkakataong makakatanggap siya ng tunay na ngiti ng binata.
Lumipas ang mga araw hanggang sa muli silang nagkaharap, kasama ang kani-kanilang mga magulang, upang pag-usapan at itakda ang eksaktong petsa ng kanilang kasal.
Punong-puno ng pananabik ang kanyang puso habang papasok siya sa kanilang bahay. Excited siyang muling makita ang binata, hindi alintana ang hindi niya pagsunod sa kanilang napag-usapan noong huli sila nitong magkita.
Ngunit nang magtagpo ang kanilang mga mata, tila nagyelo ang kanyang buong katawan. Halos magliyab sa galit ang mga mata nito habang matalim na nakatitig sa kanya, dahilan upang manginig siya sa takot.
“Oh, narito na pala ang anak namin! Naku, pasensiya na kayo. Napakasipag kasi nitong si Kaelin, kahit ilang beses naming pinagmamadaling umuwi, nahuli pa rin siya,” paumanhin ng kanyang inang si Carmela sa mga magulang ng binata.
Napayuko siya sa hiya nang mapansin niyang sa kanya nakatuon ang tingin ng lahat.
“Ah, tito, tita…Puwede ko bang makausap si Kaelin nang pribado? Sandali lang po,” biglang sabi ni Harrison.
“Oo naman, hijo. Sige lang,” pagsang-ayon ng kanyang amang si Konrad.
“Kaelin, let’s go outside. Doon tayo mag-usap,” baling sa kanya ng binata, na may nakapaskil na ubod-tamis na ngiti sa mga labi.
Ngunit batid niyang sa likod ng ngiting iyon ay may kaakibat na matinding panganib.
Walang imik siyang sumunod nang mauna na itong maglakad palabas ng bahay.
Napapitlag siya sa takot nang bigla siyang hinatak ni Harrison sa braso. Napangiwi siya sa sakit dahil sa higpit ng pagkakahawak nito.
“Manloloko ka, Kaelin. Pinaasa mo ako. Oras-oras, araw-araw akong naghihintay sa tawag mo, pero ikaw mismo ang hindi tumupad sa sinabi mo!” mariing sabi nito, halatang pigil na pigil ang galit habang nagdidilim ang mukha nito sa panggigigil.
“Harrison, hindi ko naman alam kung ano ang mangyayari kapag hindi natin sinunod ang gusto ng mga magulang natin, kaya hindi kaagad ako nakapagdesisyon!” depensiya niya, wala nang mahanap na ibang dahilan.
Akala niya ay hindi ito magagalit nang ganoon kalala kapag hindi niya tinupad ang kanilang napagkasunduan.
“Kung tumupad ka lang sana sa sinabi mo, nakagawa na sana tayo ng plano habang hindi pa nila napag-uusapan ang kasal. Marami pa sana tayong panahon para kumbinsihin sila, wala sana tayong probema ngayon. Pero dahil huli na ang lahat, hindi na natin kaya pang magbigay ng sapat na dahilan. Wala nang oras! Kaya humanda ka, gagawin kong miserable ang buhay mo oras na maikasal tayo! Iyan ang tatandaan mo, Kaelin!” mariing sambit nito, sabay tulak sa kanya bago siya binitiwan.
Kaya naman napasalampak siya sa lupang kinatatayuan, habang ito ay malalaki ang hakbang na tinungo ang pintuan ng bahay.
“A-ATE KAELIN, okay lang ba talaga sa ‘yo na rito muna ako katulad nang sinabi ni dad kanina?” nag-aalangang tanong sa kanya ni Hailey habang naghuhugas siya ng mga plato.Umuwi na sina Henry at Cora ilang oras lang matapos ang kanilang umagahan, kaya nasimulan na niya ang paghuhugas ng mga pinagkainan.“Hindi naman sa ‘kin itong bahay na ito, sa kuya mo. Kaya kung may dapat kang tanungin, siya iyon, hindi ako,” sagot niya nang hindi man lang ito tinitingnan.“Pero mag-asawa kayo, kaya sa ‘yo na rin itong bahay—”“Sa papel lang kami mag-asawa, hindi sa personal,” pambabara niya rito.Hindi agad ito nakahuma.Ano kaya ang pakiramdam nito ngayong ibinabato niya rito ang mga sinasabi nito sa kanya noon?“A-Ate…g-gusto kong humingi ng tawad sa ‘yo—”“Matagal na kitang napatawad, kayo ng kapatid mo. Pero ang sakit na idinulot ng mga ginawa at sinabi ninyo sa ‘kin noon ay nananatili pa rin sa puso’t isip ko.”“K-Kung ganoon, bakit tinanggap mo ulit si kuya?” garalgal ang boses na tanong nit
EKSAKTONG alas otso nga nang dumating ang pamilya ni Harrison.Pagkaligo niya kanina ay agad siyang nagbihis dahil gusto niyang hintayin sa labas ng bahay ang pagdating ng mga ito.Hindi naman siya nagtagal sa paghihintay dahil ilang minuto lang siyang naroroon sa labas nang huminto sa harapan niya ang sinasakyan ng mga ito.“Good morning, anak!” nakangiting bati sa kanya ni Cora pagkababang-pagkababa nito ng sasakyan.Hinalikan siya nito sa pisngi, samantalang nakipagbeso naman siya kay Henry.“Magandang umaga, hija…” bati sa kanya ni Henry.Huling lumabas ng sasakyan si Hailey.Pero napakunot siya ng noo dahil sa one-week na magiging bakasyon nito roon ay bakit yata tila napakarami naman nitong dalang gamit?Tatlong malalaking maleta lang naman ang dala nito na inilalabas ng driver mula sa compartment ng sasakyan.“H-Hi, a-ate K-Kaelin…” kandautal nitong bati sa kanya, ni hindi makatingin ng diretso.Simpleng pagtango lang ang naging sagot niya rito.“Naku, tamang-tama ang dating ni
DAHIL SA GINAWA ni Harrison ay nakaramdam siya ng sobrang hiya, kaya naman walang paalam na iniwan niya ito sa loob ng guest room.Bahala na itong maghakot ng kanyang mga gamit mag-isa.Nagluto na lang siya ng almusal para sa kanila at sa paparating na pamilya nito.Habang nagluluto ay sumasagi pa rin sa isip niya ang ginawa ni Harrison sa kanya kani-kanina lang.Hindi niya maikakaila na nagustuhan niya ang ginawa nito sa kanya.Ang matigas nitong kamay na humaplos sa kanyang pisngi, at ang malaki nitong braso na yumapos sa kanyang baywang.At ang pinakatumatak sa kanyang isipan ay ang ginawa nitong paghalik sa kanyang leeg.Bulta-bultaheng kuryente ang nilikha niyon sa katawan niya.Ganoon pala ang pakiramdam kapag hinahalikan at hinahawakan ng taong mahal naman talaga niya sa umpisa pa lang.Pinaghalong kaba, kilig at excitement ang nararamdaman niya ng mga sandaling magkalapit ang kanilang mga katawan.Lalo pang nagwala ang kanyang puso nang maamoy niya ang mabango nitong hininga.
NGISING ASO si Harrison habang nakasunod sa badtrip na asawa.Sa wakas, natupad na rin ang pangarap niyang makasama ito sa iisang silid.Salamat sa matalino at madiskarte niyang kapatid, dahil kung hindi dahil sa tulong nito ay hindi ito ngayon mangyayari.“Bilisan mo na riyan dahil marami tayong hahakutin! Baka ma-late ka pa sa trabaho, kasalanan ko pa!” mataray na sambit ng kanyang asawa.“Hindi ako ngayon papasok. Dito lang ako ngayong araw.”“Okay. Bahala ka sa buhay mo. Choice mo ‘yan, eh.”Naninibago talaga siya sa ugali nito.Dahil kilala niya itong mahinhin, mabait, mapagpasensiya, at nananahimik lang sa isang tabi kahit na ano pang masasakit na salita ang sabihin niya rito.Sa halip na makipagsagutan ito sa kanya rati sa tuwing inaaway niya ito, ay idinaraan na lang nito sa pag-iyak.Nung gabing makita niya ito sa birthday party, ni wala man lang siyang nakita kahit katiting na reaksyon sa maganda nitong mukha.Nakatingin lang ito sa kanya ng walang ekspresyon, na kung dati n
NAALIMPUNGATAN si Kaelin sa walang tigil na pagtunog ng kanyang cellphone.Kaya naman kinakapa-kapa niya ito sa ibabaw ng bedside table dahil hindi pa niya kayang imulat ang mga mata.“Hello?” paos niyang sagot sa kung sinumang pangahas na tumatawag sa kabilang linya.“Hija, Kaelin. Ang daddy Henry mo ito!”“Hi, daddy Henry. Napatawag po kayo?” malamyang sagot niya, pagkatapos ay humikab pa siya habang nananatiling nakapikit pa rin ang mga mata.“Anak, pupunta kami riyan ng mommy Cora mo at si Hailey. Bibisitahin namin kayo ni Harrison ngayong umaga.”Para siyang binuhusan ng napakalamig na tubig dahil sa sinabi nito.Naimulat niyang bigla ang mga mata.Ang pagkaantok na kanina’y bumabalot sa kanyang katawan ay bigla na lang na tumakas.Hindi sila puwedeng abutan nito na magkahiwalay ang tinutulugan nilang kwarto ni Harrison, dahil panigurado, ay mag-iisip na naman ito ng hindi maganda.Naikuyom tuloy niya ang kanyang kamao.Kailangan pala nilang magpanggap ngayong umaga ni Harrison.
HINDI MAPAKALI si Harrison sa kanyang silid.Halos hindi siya dapuan ng antok dahil sa isiping naroroon lang sa guest room ang kanyang asawa.Kahit ano na ang ginawa niya para lang makaramdam ng antok. Tumalon-talon, tumakbo ng paroo’t parito, at naka-one hundred na siyang push-ups, pero wala pa rin.Nanatiling gising na gising ang kanyang diwa.Bakit ba kasi ayaw ni Kaelin na makasama siya sa iisang kwarto?Dahil doon ay bigla siyang napaisip.Kailangan niyang gumawa ng paraan para makumbinsi niya itong sa kwarto niya manuluyan.Alas nueve y media pa lang naman ng gabi. Siguro’y puwede pa niyang tawagan si Lucas para hingian ng payo.“Yes?” sagot ni Lucas sa kabilang linya matapos niyang i-dial ang numero nito.“Hindi ka pa naman matutulog, right?”“Hindi pa naman, why?”“May gusto sana akong itanong sa ‘yo…”“About what?”“Ayaw kasi ni Kaelin na tumuloy rito sa kwarto ko.”Alam na rin naman nito na bumalik na si Kaelin at magkasama na ulit sila sa bahay.“And???”“Now, here’s my qu







