Share

What Really Happened

Author: La Vendetta
last update publish date: 2026-09-20 12:20:45

CHAPTER 4

Makalipas ang ilang oras, tapos na si Ellaine sa pag-aayos ng sarili.

Kakapaligo lamang niya. Nakasuot na siya ng maluwag na damit pambahay habang nakaupo sa harap ng salamin. May tuwalya pa sa kanyang ulo habang dahan-dahan niyang pinupunasan ang basang buhok.

Tahimik ang buong kwarto.

Tanging mahinang ugong ng air conditioner ang maririnig.

Hindi niya namamalayan, matagal na pala siyang nakatitig sa sarili niyang repleksyon.

Tinitigan niya ang kanyang mukha.

Ang kanyang mga mata.

Ang kanyang mga labi.

Pamilyar pa rin ang mukha niyang iyon, ngunit tila may mga pagbabagong dala ang nakalipas na sampung taon.

At sa pagtingin niya sa sarili, unti-unting may mga larawang nabuo sa kanyang isipan.

Si Miguel.

Bago pa sila naging mag-asawa.

Noong nagsisimula pa lamang ang relasyon nila.

Mga simpleng pagkikita. Mga tawanan. Mga gabing ayaw pa nilang umuwi dahil gusto pa nilang magkasama.

Mga panahong pareho nilang pinaniwalaan na wala nang makapaghihiwalay sa kanila.

Hanggang sa isang araw, humarap sa kanya si Miguel.

May kaba sa mukha.

May singsing sa kamay.

At isang tanong na tuluyang nagpabago sa buhay niya.

“Will you marry me?”

Hindi na kailangang mag-isip nang matagal ni Ellaine.

Tumango siya.

At sa mga sumunod na araw, tila wala nang ibang mahalaga kundi ang kanilang pagmamahalan.

Ang araw ng kanilang kasal.

Ang mga ngiti.

Ang mga yakap.

Ang mga pangakong binitiwan nila sa isa’t isa.

For better or for worse.

At sa simula, tila totoo ang lahat ng iyon.

Masaya sila.

Magkasama nilang binuo ang kanilang tahanan hanggang dumating ang araw na nalaman nilang may panibagong buhay na nabubuo sa loob ni Ellaine.

Buntis siya.

Ang una nilang anak.

Hindi nila maitago ang kanilang saya.

At nang isilang si Lexi, tila naging kumpleto ang kanilang mundo.

Silang tatlo.

Isang pamilya.

Magkasama nilang inalagaan ang kanilang anak at hinarap ang bawat araw.

May mga gabing pagod sila ngunit masaya.

May mga umagang sabay silang gumigising.

At naniwala si Ellaine na ganito na ang magiging buhay niya.

Simple.

Masaya.

Kasama ang lalaking mahal niya at ang kanilang anak.

Ngunit biglang nagbago ang mga larawan sa kanyang isipan.

Ang masayang mukha ni Miguel ay napalitan ng isang magulong eksena.

Mga sigawan.

Mga iyakan.

Takot.

Isang gabi.

Ang gabing tuluyang nagbago sa kanilang buhay.

Nakita niya si Miguel.

At si Ryan.

Pareho silang nag-aagawan sa isang baril.

Nagkakagulo.

Nagpupumiglas.

At habang nakatingin si Ellaine mula sa sofa, hindi niya magawang gumalaw.

Hindi niya magawang sumigaw.

Hanggang sa—

BANG!

Biglang napapikit si Ellaine.

Nawala ang lahat ng larawan sa kanyang isipan.

Napahawak siya sa gilid ng upuan habang mabilis na humihinga.

Ilang segundo siyang nanatiling nakapikit bago unti-unting nagmulat.

Muli niyang nakita ang sarili niya sa salamin.

Tahimik.

Maputla.

Napatingin siya sa maliit na lalagyan ng gamot na nakapatong sa mesa.

Iyon ang gamot na ibinigay sa kanya ni Aivy ilang araw na ang nakalipas. Sinabi nitong makatutulong iyon para mabawasan ang kanyang pagkabalisa at mga bangungot.

Kumuha siya ng isang tableta at ininom iyon kasabay ng isang basong tubig.

Huminga siya nang malalim.

Sa pagkakataong iyon, hindi na niya nakita ang dating si Ellaine na minsang naniwala na magiging masaya sila habang-buhay.

Ang nakita niya ay ang babaeng naiwan matapos mawala ang lahat.

Sa labas ng kanyang silid, tahimik na nagpapatuloy ang gabi.

Ngunit para kay Ellaine, may isang bagay nang nagbago.

Ang nakaraan na sampung taon niyang pilit isinara ay muli nang kumakatok sa kanyang buhay.

At sa pagkakataong ito—

hindi na niya alam kung kaya pa niya itong takasan.

Tahimik ang gabi sa loob ng kulungan.

Nakahiga si Miguel sa kanyang kama, nakatitig sa kisame habang mahina niyang naririnig ang kalansing ng mga bakal sa kabilang bahagi ng selda.

Hindi siya makatulog.

Sa kabila ng mga taon na lumipas, may isang gabing paulit-ulit pa ring bumabalik sa kanyang isipan.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata.

At muli siyang dinala ng kanyang alaala pabalik sa sampung taon na ang nakalipas.

Sampung Taon ang Nakalipas

Masakit.

Iyon ang unang bagay na naramdaman ni Miguel nang bigla siyang magising.

Parang dinadaganan ang kanyang ulo sa tindi ng sakit.

Napapikit siya at napahawak sa kanyang sentido.

“Argh…”

Nahihilo siya.

Sandali siyang nanatiling nakaupo sa gilid ng kama habang pilit na kinakalma ang sarili.

Huminga siya nang malalim.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Unti-unti siyang tumayo.

Mabigat ang kanyang katawan, ngunit nagawa niyang maglakad.

Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatulog.

Hindi rin niya alam kung bakit ganoon kasakit ang kanyang ulo.

Ngunit paglabas pa lamang niya ng kwarto—

narinig niya ang mga boses.

Napatingin siya sa sala.

Nandoon sina Ellaine at Ryan.

Magkaharap silang dalawa.

Nagtatalo.

Hindi niya malinaw na naririnig ang pinag-uusapan nila, ngunit sapat na ang tono ng kanilang mga boses para biglang magdilim ang kanyang paningin.

“Anong ginagawa mo rito?”

Hindi niya alam kung kanino niya iyon sinabi.

Hindi rin niya alam kung bakit bigla siyang sumugod.

Isang iglap lamang—

lumapit siya kay Ryan at buong lakas na sinuntok ito.

BAM!

Napaatras si Ryan.

Ngunit hindi ito nagpatinag.

Gumanti ito.

At sa isang segundo, tuluyan nang nagkagulo ang lahat.

Mga suntok.

Sigawan.

Pagtutulakan.

Ang boses ni Ellaine na pilit silang pinaghihiwalay.

“Tumigil kayo!”

Ngunit parang wala nang naririnig si Miguel.

Parang may galit sa loob niya na hindi niya maipaliwanag.

Hanggang sa—

madilim.

Malamig na tubig ang unang naramdaman niya.

Malakas ang ulan.

Binuksan ni Miguel ang kanyang mga mata.

Nakahandusay siya sa damuhan sa labas ng bahay.

Huminga siya nang malalim habang pilit bumabangon.

Masakit pa rin ang kanyang ulo.

Napahawak siya rito.

At nang alisin niya ang kanyang kamay—

pula.

Dugo.

Napatitig siya sa kanyang palad.

“Dugo…?”

Unti-unti siyang napatingin sa kanyang harapan.

At doon niya nakita si Ellaine.

Nakaupo sa basang lupa.

Umiiyak.

Nanginginig.

At nasa kandungan niya si Ryan.

Hindi gumagalaw.

Wala nang buhay.

Napatigil si Miguel.

Parang biglang nawala ang lahat ng tunog sa paligid.

Wala na siyang narinig kundi ang sariling paghinga.

Hanggang sa napansin niya ang isang bagay.

Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang tingin sa kabilang kamay.

Isang baril.

Nanlaki ang kanyang mga mata.

Hindi siya agad nakagalaw.

Hindi niya maintindihan kung paano iyon napunta sa kanyang kamay.

Wala siyang maalalang malinaw.

Tanging ang sakit ng kanyang ulo.

Ang gulo.

Ang mga sigawan.

At pagkatapos—

ang dilim.

Napatingin siya kay Ellaine.

Sa mga mata nitong puno ng takot.

At sa unang pagkakataon, isang tanong ang nabuo sa isip niya.

“Ano ang ginawa ko?”

Kasalukuyan

Biglang dumilat si Miguel.

Nakahiga pa rin siya sa parehong kama.

Ngunit wala na ang ulan.

Wala na si Ryan.

Wala na si Ellaine sa kanyang harapan.

Tanging malamig na pader at mga bakal na rehas ang kanyang nakikita.

Napaupo siya at dahan-dahang napahawak sa kanyang ulo.

Sampung taon na.

Ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin niya alam kung ano talaga ang nangyari nang gabing iyon.

Alam niyang nagalit siya.

Alam niyang nakipag-away siya kay Ryan.

Ngunit ang mga sumunod na sandali ay nananatiling malabo sa kanyang alaala.

At sa huli—

siya ang nagising na may hawak na baril.

Napayuko si Miguel.

“Bakit…?”

Mahina ang kanyang tinig.

“Bakit ko nagawa iyon?”

Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata.

Ngunit kahit anong pilit niyang gawin, isang bagay ang hindi niya kayang takasan.

Ang mukha ni Ryan.

At ang mga matang puno ng takot ni Ellaine.

Sa loob ng sampung taon, iyon ang gabing hindi niya kailanman tuluyang nakalimutan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Behind Closed Doors   A Stranger With a Secret

    CHAPTER 5Maingay ang loob ng kulungan nang gabing iyon.May mga preso na abala sa kani-kanilang ginagawa. May naglilinis ng paligid, may nag-uusap sa isang sulok, habang ang iba naman ay tahimik na nakaupo at naghihintay na matapos ang oras.Nasa isang bahagi ng common area si Miguel nang marinig niya ang kanyang pangalan.“Miguel.”Napalingon siya.Nakatayo roon ang isang warden.“May dalaw ka.”Bahagyang kumunot ang noo ni Miguel.Sandali siyang natigilan.Wala siyang inaasahang bibisita sa kanya.Sa loob ng halos sampung taon, kakaunti lamang ang mga taong dumadalaw sa kanya. Natutunan na niyang huwag umasa sa mga bagay na maaaring bigla lamang mawala.Tumayo siya at sumunod sa warden patungo sa visitation room.Habang papalapit siya, hindi niya maipaliwanag kung bakit biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso.Pagbukas ng pinto—may isang babaeng nakaupo sa kabilang panig ng mesa.Nakatagilid ang katawan nito at nakatalikod sa kanya.Ngunit kahit hindi pa niya nakikita ang mukha

  • Behind Closed Doors   What Really Happened

    CHAPTER 4Makalipas ang ilang oras, tapos na si Ellaine sa pag-aayos ng sarili.Kakapaligo lamang niya. Nakasuot na siya ng maluwag na damit pambahay habang nakaupo sa harap ng salamin. May tuwalya pa sa kanyang ulo habang dahan-dahan niyang pinupunasan ang basang buhok.Tahimik ang buong kwarto.Tanging mahinang ugong ng air conditioner ang maririnig.Hindi niya namamalayan, matagal na pala siyang nakatitig sa sarili niyang repleksyon.Tinitigan niya ang kanyang mukha.Ang kanyang mga mata.Ang kanyang mga labi.Pamilyar pa rin ang mukha niyang iyon, ngunit tila may mga pagbabagong dala ang nakalipas na sampung taon.At sa pagtingin niya sa sarili, unti-unting may mga larawang nabuo sa kanyang isipan.Si Miguel.Bago pa sila naging mag-asawa.Noong nagsisimula pa lamang ang relasyon nila.Mga simpleng pagkikita. Mga tawanan. Mga gabing ayaw pa nilang umuwi dahil gusto pa nilang magkasama.Mga panahong pareho nilang pinaniwalaan na wala nang makapaghihiwalay sa kanila.Hanggang sa isa

  • Behind Closed Doors   The Past Comes Home

    CHAPTER 3Mula sa floor-to-ceiling windows ng opisina, tanaw ni Ellaine ang halos buong lungsod.Matataas na gusali, abalang kalsada, at mga sasakyang tila maliliit na ilaw mula sa kanyang kinatatayuan.Sa kabilang bahagi ng lungsod ay isang construction site—isa sa mga proyektong kasalukuyang pinamamahalaan ng kanyang kumpanya.Sa loob ng sampung taon, unti-unti niyang napalawak ang negosyong ipinasa sa kanya ng kanyang ama. Mula sa residential properties at luxury homes hanggang sa mga high-end subdivisions at commercial developments, mas lumaki pa ang kumpanyang minsang ipinagkatiwala lamang sa kanya.Hindi naging madali ang mga unang taon.Kailangan niyang patunayan na kaya niyang pamahalaan ang negosyo nang wala ang gabay ng kanyang ama, habang sabay na inaalagaan ang anak at binubuo muli ang sarili niyang buhay.Ngayon, hindi na lamang siya kilala bilang anak ng isang mayamang negosyante.Siya na mismo ang bumuo ng sariling pangalan.Sa ibabaw ng kanyang desk ay nakalatag ang il

  • Behind Closed Doors   The Dead Don't Stay Buried

    CHAPTER 2Makalipas ang ilang minuto, huminto ang sasakyan ni Ellaine sa tapat ng isang malawak at tahimik na sementeryo.Pinatay niya ang makina, ngunit hindi agad bumaba.Ilang sandali siyang nanatiling nakaupo, nakatingin sa mga puntod na tanaw mula sa kanyang windshield.Sa labas, banayad ang hangin.Walang malakas na ulan. Walang kulog. Walang sigawan.Tahimik ang paligid.Hindi tulad ng gabing paulit-ulit niyang napapanaginipan.Dahan-dahan siyang bumaba ng sasakyan.May hawak siyang isang simpleng bulaklak. Mahigpit niya itong kinapitan habang naglalakad sa pagitan ng mga puntod.Hindi siya nagmamadali.Para bang bawat hakbang ay kailangan niyang pag-isipan.Hanggang sa tuluyan niyang makita ang puntod na matagal na niyang iniiwasan.RYAN FUENTESNapatigil si Ellaine.Ilang segundo siyang nakatayo sa harap nito nang walang sinasabi.Pagkatapos, dahan-dahan siyang lumuhod at inilapag ang bulaklak sa ibabaw ng puntod.Tumayo siya.Nanatili lamang doon.Pumikit siya at huminga nan

  • Behind Closed Doors   The Night that Never Ends

    CHAPTER 1Ten Years AgoNapakalakas ng ulan nang gabing iyon.Halos hindi na makita ang labas mula sa mga bintana ng bahay. Walang tigil ang pagbuhos ng tubig mula sa langit, humahampas sa bubong at salamin na para bang pilit nitong tinatabunan ang anumang nangyayari sa loob.Pero mas magulo sa loob ng bahay.Dalawang lalaki ang nag-aagawan.At sa pagitan nila—isang baril.“BITAW!”Isang lalaki ang sumigaw habang pilit na inaagaw ang baril mula sa kamay ng isa. Nagbanggaan ang kanilang mga katawan, dahilan para umuga ang isang mesa at bumagsak ang isang upuan.May basag na salamin na kumalat sa sahig.At ilang hakbang lamang mula sa kanila, nakaluhod si Ellaine.Nanginginig ang buong katawan niya. Ramdam niya ang lamig ng sahig sa ilalim ng kanyang mga tuhod, ngunit mas malakas ang kaba na kumakapit sa kanyang dibdib.Namumuo ang luha sa kanyang mga mata habang pilit niyang inuunawa kung paano nauwi sa ganito ang lahat.“Miguel!”Napatingin siya sa kanyang asawa.Pero hindi siya nito

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status