Share

The Past Comes Home

Author: La Vendetta
last update publish date: 2026-09-20 12:20:40

CHAPTER 3

Mula sa floor-to-ceiling windows ng opisina, tanaw ni Ellaine ang halos buong lungsod.

Matataas na gusali, abalang kalsada, at mga sasakyang tila maliliit na ilaw mula sa kanyang kinatatayuan.

Sa kabilang bahagi ng lungsod ay isang construction site—isa sa mga proyektong kasalukuyang pinamamahalaan ng kanyang kumpanya.

Sa loob ng sampung taon, unti-unti niyang napalawak ang negosyong ipinasa sa kanya ng kanyang ama. Mula sa residential properties at luxury homes hanggang sa mga high-end subdivisions at commercial developments, mas lumaki pa ang kumpanyang minsang ipinagkatiwala lamang sa kanya.

Hindi naging madali ang mga unang taon.

Kailangan niyang patunayan na kaya niyang pamahalaan ang negosyo nang wala ang gabay ng kanyang ama, habang sabay na inaalagaan ang anak at binubuo muli ang sarili niyang buhay.

Ngayon, hindi na lamang siya kilala bilang anak ng isang mayamang negosyante.

Siya na mismo ang bumuo ng sariling pangalan.

Sa ibabaw ng kanyang desk ay nakalatag ang ilang architectural plans. Mga bahay na hindi pa naitatayo ngunit balang araw ay magiging tahanan ng ibang pamilya.

Bahagya siyang napangiti.

Nakagawa siya ng napakaraming bahay para sa ibang tao.

Ngunit sa sarili niyang buhay, may isang bagay na matagal na niyang sinusubukang buuin.

Isang tahimik na katok ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

“Ma’am Ellaine?”

“Come in.”

Pumasok si Maribel, ang kanyang personal assistant, dala ang isang folder at tablet.

“Ma’am, may naghahanap po sa inyo. Isang client po.”

Napalingon si Ellaine.

“Walk-in po siya kanina. May scheduled consultation sana with one of our property specialists, pero gusto raw po niyang makausap mismo ang owner.”

“Gusto raw po niyang makasiguro na makakausap niya ang taong may final say sa property.”

Napatingin si Ellaine sa folder na hawak nito.

“What’s his name?”

“Jacob Salazar. Filipino, currently based in Singapore. Engineer po siya.”

Binuksan ni Maribel ang folder.

“May major construction project daw po siyang hahawakan dito sa Manila at inaasahan niyang ilang taon siyang mananatili rito.”

“Is he looking for a temporary residence?”

Umiling si Maribel.

“He wants to buy a house.”

Sandaling natahimik si Ellaine.

Marami sa kanilang clients ang bumibili ng property bilang investment. Pero kung tama ang impormasyon ni Maribel, mukhang gagamitin mismo ni Jacob ang bahay.

May ilang appointments pa siya para sa araw na iyon, ngunit wala namang dahilan para hindi niya harapin ang isang seryosong potential buyer.

“Where is he?”

Makalipas ang ilang minuto, bumukas ang p***o ng conference room.

Agad na tumayo ang lalaking naghihintay sa loob.

“Good afternoon.”

Nagkatinginan sila nang ilang segundo.

“Ms. Ellaine?”

“Yes.”

Nakipagkamay si Ellaine.

“Jacob Salazar.”

Tinanggap ni Ellaine ang handshake.

“Nice to meet you.”

“Likewise.”

Umupo silang dalawa sa magkabilang panig ng conference table.

Binuksan ni Ellaine ang folder.

“I was told you're looking for a property.”

“Yes. A house.”

“Not a condominium?”

“I considered it at first,” sagot ni Jacob. “But considering the nature of my work, I think a house would be more practical.”

“And you're being assigned here?”

“I'll be leading part of a major construction project in Manila. It's expected to take several years.”

Tumango si Ellaine.

“I initially planned to rent for the first few months,” pagpapatuloy ni Jacob. “But after looking at the numbers, I realized that if I'm going to stay here long enough, buying would make more sense.”

“Especially if you don't want to deal with moving every time a lease ends.”

Jacob smiled.

“That’s exactly what I was thinking.”

Kinuha ni Ellaine ang ilang property profiles at inilatag ang mga iyon sa mesa.

“We have several house-and-lot properties available. Some are completed, while others are still under development.”

“I'd prefer something that's already finished.”

Isa-isa niyang ipinakita ang mga property profiles.

Tahimik na pinagmasdan ni Jacob ang mga litrato habang ipinapaliwanag ni Ellaine ang bawat property.

Nang makarating sila sa isang four-bedroom house sa isa sa kanilang bagong developments, mas matagal na tumigil ang tingin ni Jacob.

“Tell me about this one.”

“It’s fully furnished. Four bedrooms, private garage, security system, and the community is relatively quiet.”

“May schools, hospitals, restaurants, and commercial establishments nearby. It's also one of the developments I personally reviewed before we opened it to clients.”

Napatingin si Jacob sa kanya.

“You seem to know the property very well.”

“I should.”

Bahagya siyang ngumiti.

“I review most of our major properties before they're offered to clients.”

Sandaling pinagmasdan ni Jacob ang brochure bago muling tumingin sa kanya.

“You're not just trying to sell it.”

Natigilan si Ellaine.

“What do you mean?”

“You actually know what you're talking about.”

Hindi niya napigilang mapangiti.

“That’s usually what clients expect from the owner.”

“Fair point.”

Muli nilang binalikan ang property profile.

“I'd like to see it.”

“Of course.”

“Today, if possible.”

Tiningnan ni Ellaine ang oras sa kanyang relo.

“I'd like to, but I have another appointment this afternoon.”

Jacob nodded.

“I understand.”

“Would tomorrow work for you?”

“Tomorrow is fine.”

“Then we'll schedule the viewing tomorrow.”

“Sounds good.”

Tumayo si Jacob at inayos ang mga dokumentong dala niya.

Tumayo rin si Ellaine at iniabot ang kamay.

“See you tomorrow, Mr. Salazar.”

Nagkamay sila.

Sa loob ng ilang segundo, nagkatinginan sila.

Walang matagal na titigan.

Walang kakaibang sandali.

Isang simpleng pagkikita lamang ng dalawang taong hindi pa alam kung gaano kalaki ang magiging bahagi ng isa’t isa sa kanilang buhay.

Lumabas si Jacob ng conference room.

Nanatili si Ellaine sa loob nang ilang sandali bago muling tiningnan ang folder sa mesa.

Kinuha niya iyon at isinama sa iba pang documents.

Muli niyang tiningnan ang oras.

Marami pa siyang kailangang tapusin bago matapos ang araw.

Pagsapit ng gabi, tuluyan nang nakauwi si Ellaine.

Pagkaparada niya ng sasakyan sa garahe, bitbit niya ang kanyang handbag at ilang dokumento habang papasok sa bahay.

“Good evening po, Ma’am.”

Sinalubong siya ni Delia, ang matagal nang kasambahay ng pamilya.

“Delia. Dumating na ba si Lexi?”

“Nasa kwarto po niya.”

Tumango si Ellaine at iniabot kay Delia ang ilan sa mga dala niya.

Hindi na siya nagtagal sa sala.

Umakyat siya at nagtungo sa kwarto ng anak.

Kumatok siya.

“Lexi?”

Walang sumagot.

Muli siyang kumatok bago dahan-dahang binuksan ang p***o.

Nakita niya si Lexi na nakaupo sa kama, nakasandal sa dingding habang nakapikit at nakikinig ng musika gamit ang headphones.

“Lexi.”

Walang reaksyon.

Lumapit si Ellaine at maingat na inalis ang headphones sa tainga ng anak.

Dumilat si Lexi at saglit silang nagkatinginan.

Ngumiti si Ellaine.

Ngunit nanatiling blangko ang mukha ng kanyang anak.

Hindi ito nagsalita. Kinuha lamang nito muli ang headphones at isinuot.

Bahagyang nawala ang ngiti ni Ellaine.

“Let's have dinner together.”

Makalipas ang ilang segundo, tumayo si Lexi.

Hindi ito tumingin sa kanya.

Dumiretso lamang ito sa pintuan at lumabas ng kwarto.

“Lexi…”

Hindi na ito lumingon.

Naiwan si Ellaine sa loob.

Hindi na siya sumunod.

Sa halip, tahimik siyang lumabas ng kwarto at isinara ang p***o sa likuran niya.

Pagdating sa hallway, naroon si Delia, tila hinihintay siya.

“Ma’am Ellaine.”

Napatingin siya sa hawak nitong puting sobre.

“May dumating po para sa inyo kanina. Nakalimutan ko pong iabot.”

Iniabot ni Delia ang sobre.

Agad napansin ni Ellaine ang nakasulat sa harapan.

PAROLE OFFICE.

Bahagyang nagbago ang kanyang ekspresyon.

Hindi agad siya nakapagsalita.

Unti-unti niyang ibinaba ang tingin sa hawak na sobre.

Ilang segundo siyang nanatiling tahimik.

Sa likod niya, mahina pa ring naririnig ang musikang nagmumula sa kwarto ni Lexi.

Wala nang ibang sinabi si Ellaine kay Delia.

Tumalikod siya at pumasok sa sarili niyang kwarto.

Isinara niya ang p***o bago binuksan ang sobre.

Muli niyang binasa ang dokumentong nasa loob.

NOTICE OF PAROLE RELEASE.

Napapikit si Ellaine.

For ten years, she had convinced herself that Miguel was finally a part of her past.

But now—

that past was coming home.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Behind Closed Doors   A Stranger With a Secret

    CHAPTER 5Maingay ang loob ng kulungan nang gabing iyon.May mga preso na abala sa kani-kanilang ginagawa. May naglilinis ng paligid, may nag-uusap sa isang sulok, habang ang iba naman ay tahimik na nakaupo at naghihintay na matapos ang oras.Nasa isang bahagi ng common area si Miguel nang marinig niya ang kanyang pangalan.“Miguel.”Napalingon siya.Nakatayo roon ang isang warden.“May dalaw ka.”Bahagyang kumunot ang noo ni Miguel.Sandali siyang natigilan.Wala siyang inaasahang bibisita sa kanya.Sa loob ng halos sampung taon, kakaunti lamang ang mga taong dumadalaw sa kanya. Natutunan na niyang huwag umasa sa mga bagay na maaaring bigla lamang mawala.Tumayo siya at sumunod sa warden patungo sa visitation room.Habang papalapit siya, hindi niya maipaliwanag kung bakit biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso.Pagbukas ng pinto—may isang babaeng nakaupo sa kabilang panig ng mesa.Nakatagilid ang katawan nito at nakatalikod sa kanya.Ngunit kahit hindi pa niya nakikita ang mukha

  • Behind Closed Doors   What Really Happened

    CHAPTER 4Makalipas ang ilang oras, tapos na si Ellaine sa pag-aayos ng sarili.Kakapaligo lamang niya. Nakasuot na siya ng maluwag na damit pambahay habang nakaupo sa harap ng salamin. May tuwalya pa sa kanyang ulo habang dahan-dahan niyang pinupunasan ang basang buhok.Tahimik ang buong kwarto.Tanging mahinang ugong ng air conditioner ang maririnig.Hindi niya namamalayan, matagal na pala siyang nakatitig sa sarili niyang repleksyon.Tinitigan niya ang kanyang mukha.Ang kanyang mga mata.Ang kanyang mga labi.Pamilyar pa rin ang mukha niyang iyon, ngunit tila may mga pagbabagong dala ang nakalipas na sampung taon.At sa pagtingin niya sa sarili, unti-unting may mga larawang nabuo sa kanyang isipan.Si Miguel.Bago pa sila naging mag-asawa.Noong nagsisimula pa lamang ang relasyon nila.Mga simpleng pagkikita. Mga tawanan. Mga gabing ayaw pa nilang umuwi dahil gusto pa nilang magkasama.Mga panahong pareho nilang pinaniwalaan na wala nang makapaghihiwalay sa kanila.Hanggang sa isa

  • Behind Closed Doors   The Past Comes Home

    CHAPTER 3Mula sa floor-to-ceiling windows ng opisina, tanaw ni Ellaine ang halos buong lungsod.Matataas na gusali, abalang kalsada, at mga sasakyang tila maliliit na ilaw mula sa kanyang kinatatayuan.Sa kabilang bahagi ng lungsod ay isang construction site—isa sa mga proyektong kasalukuyang pinamamahalaan ng kanyang kumpanya.Sa loob ng sampung taon, unti-unti niyang napalawak ang negosyong ipinasa sa kanya ng kanyang ama. Mula sa residential properties at luxury homes hanggang sa mga high-end subdivisions at commercial developments, mas lumaki pa ang kumpanyang minsang ipinagkatiwala lamang sa kanya.Hindi naging madali ang mga unang taon.Kailangan niyang patunayan na kaya niyang pamahalaan ang negosyo nang wala ang gabay ng kanyang ama, habang sabay na inaalagaan ang anak at binubuo muli ang sarili niyang buhay.Ngayon, hindi na lamang siya kilala bilang anak ng isang mayamang negosyante.Siya na mismo ang bumuo ng sariling pangalan.Sa ibabaw ng kanyang desk ay nakalatag ang il

  • Behind Closed Doors   The Dead Don't Stay Buried

    CHAPTER 2Makalipas ang ilang minuto, huminto ang sasakyan ni Ellaine sa tapat ng isang malawak at tahimik na sementeryo.Pinatay niya ang makina, ngunit hindi agad bumaba.Ilang sandali siyang nanatiling nakaupo, nakatingin sa mga puntod na tanaw mula sa kanyang windshield.Sa labas, banayad ang hangin.Walang malakas na ulan. Walang kulog. Walang sigawan.Tahimik ang paligid.Hindi tulad ng gabing paulit-ulit niyang napapanaginipan.Dahan-dahan siyang bumaba ng sasakyan.May hawak siyang isang simpleng bulaklak. Mahigpit niya itong kinapitan habang naglalakad sa pagitan ng mga puntod.Hindi siya nagmamadali.Para bang bawat hakbang ay kailangan niyang pag-isipan.Hanggang sa tuluyan niyang makita ang puntod na matagal na niyang iniiwasan.RYAN FUENTESNapatigil si Ellaine.Ilang segundo siyang nakatayo sa harap nito nang walang sinasabi.Pagkatapos, dahan-dahan siyang lumuhod at inilapag ang bulaklak sa ibabaw ng puntod.Tumayo siya.Nanatili lamang doon.Pumikit siya at huminga nan

  • Behind Closed Doors   The Night that Never Ends

    CHAPTER 1Ten Years AgoNapakalakas ng ulan nang gabing iyon.Halos hindi na makita ang labas mula sa mga bintana ng bahay. Walang tigil ang pagbuhos ng tubig mula sa langit, humahampas sa bubong at salamin na para bang pilit nitong tinatabunan ang anumang nangyayari sa loob.Pero mas magulo sa loob ng bahay.Dalawang lalaki ang nag-aagawan.At sa pagitan nila—isang baril.“BITAW!”Isang lalaki ang sumigaw habang pilit na inaagaw ang baril mula sa kamay ng isa. Nagbanggaan ang kanilang mga katawan, dahilan para umuga ang isang mesa at bumagsak ang isang upuan.May basag na salamin na kumalat sa sahig.At ilang hakbang lamang mula sa kanila, nakaluhod si Ellaine.Nanginginig ang buong katawan niya. Ramdam niya ang lamig ng sahig sa ilalim ng kanyang mga tuhod, ngunit mas malakas ang kaba na kumakapit sa kanyang dibdib.Namumuo ang luha sa kanyang mga mata habang pilit niyang inuunawa kung paano nauwi sa ganito ang lahat.“Miguel!”Napatingin siya sa kanyang asawa.Pero hindi siya nito

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status