Third Person POV
Akala ni Zhaine ay tapos na ang laban, ngunit isang estudyante pa ang naglakas-loob na kumuha ng kahoy upang ihampas sa kanya. Kahit nakatalikod siya, agad niya itong naramdaman at nasalo. Mabilis siyang lumingon at tiningnan ng malalim ang estudyanteng may hawak ng pamalo. Sa isang titig lang mula sa kanyang Lion eye, napaupo ito sa takot.
Sa kanyang matalim na mga mata pa lang, talagang magdadalawang-isip ka nang lumapit.
Nang magsitakbuhan na ang mga estudyanteng umatake sa kanya, inihagis niya pabalik ang pamalo sa isa sa mga ito—ngunit mas pinili nitong tumakbo sa takot.
Pagkaalis nila, bigla namang nawalan ng malay si Xian. Dito na muling bumalik si Jhai sa pagiging Zhaine. Maingat niyang nilinis ang mga pasa at sugat nito habang hinihintay na magising.
“Ms. Tuazon?!” gulat na tanong ni Xian nang magising.
“Bakit di mo kasama mga barkada mo?” tanong ni Zhaine.
“Nagkataon lang. Mga duwag kasi 'yung mga 'yon. Tyempuhan na ako lang ang naiwan,” sagot ni Xian.
Nang maayos na ang pakiramdam nito, agad na siyang nagpaalam.
“Okay, I will go home na ha. Late na rin. Umuwi ka na din.”Habang papalayo si Zhaine, napatitig si Xian sa kanya.
“Pero... hindi siguro siya 'yon. Ang weird niya kaya. Ibang babae naman 'yung nakita ko kanina...” bulong niya sa sarili, palaisipan pa rin ang babaeng nagligtas sa kanya.
Pag-uwi ni Zhaine, sinalubong siya ng apat na kasama.
“Boss, mukhang pagod ka?” tanong ni Senko.
Inabot niya ang kanyang bag kay Whang at tinimplahan naman siya agad ng kape.
“Boss, kape ka muna.”
“Salamat, Whang. Alam n'yo ba? Para akong pumasok sa kindergarten. Ang gulo-gulo ng mga estudyante! Yung tipong gusto mong batukan isa-isa,” reklamo niya habang nauupo.
“Naku boss, ganyan din ako dati nung si Papa mo ang pumalit bilang pinuno ng Lion Warriors,” ani Senko.
“Pero unti-unti kong narealize na mali ang mga ginagawa ko. Kaya ipakita n’yo lang po sa mga estudyante kung sino kayo. Hulihin n’yo ang loob nila—ganyan ang ginawa ng Papa mo, kaya kami ganito.”“Salamat... Na-miss ko tuloy si Papa. Sigurado matutuwa siya, natupad ko na ang pangarap niya para sa akin,” maluha-luha niyang tugon.
“Siguradong-sigurado ‘yan, Boss. Papahinga na po muna kami.”
“Sige. Salamat, Senko.”
Nagpahinga si Zhaine. Habang tinitingnan niya ang litrato ng kanyang mga magulang, nanumbalik ang kanyang pangako.
“Papa, gagawin ko ang lahat para matupad ang pangarap mo. Susundin ko ang mga turo mo. Gagabayan ko ang mga estudyante ko tulad ng paggabay mo kina Senko noon. Pangako, hindi ko hahayaan na mapasakamay ng kaaway ang simula mong adhikain.”
Kinabukasan, habang naghahanda siyang maligo, naghicab siya ng mahaba.
“Haaaaay…”
Naghihintay na sa mesa ang apat niyang kasama.
“Boss, may ibibigay po pala kami sa inyo,” ani Renko.
“Talaga?” excited na tanong ni Zhaine.
“Para po may pamalit ka,” dagdag ni Luan habang iniabot ang isang gift box.
“Salamat ha,” masayang sagot niya habang binubuksan ito.
Pagkakita niya sa laman—isang pares ng tracksuit—napangiti siya.
“Wow! Ang ganda nito. Salamat talaga!”
“Para po talaga sa inyo 'yan, Boss. Basta sa ikasasaya n’yo,” nakangiting tugon ni Senko.
Matapos iyon, nagpaalam na siya upang pumasok sa trabaho. Sina Senko at Whang naman ay nagtungo sa kanilang tindahan.
Habang papasok, matiyaga niyang hinintay ang lalaking nakita niya kahapon sa jeep. At hindi nga siya nabigo—kasabay niya itong naglakad.
“Di ba ikaw ‘yung kahapon? Naiwan mo ‘yung panyo mo sa jeep,” ani ng lalaki.
“Salamat! Ako nga pala si Zhaine Tuazon,” sagot niyang may kilig.
“Ako naman si Luke, isang private police inspector,” sabay talikod nito.
“Isa palang parak ito?!” gulat niyang bulong sa sarili.
“Hmm? May sinasabi ka, Ms. Tuazon?” tanong ni Luke.
“H-huh? Wala naman. Oh siya, dito na ako.”
“Teacher ka pala?” tanong ni Luke, tila di makapaniwala.
“Hehe, oo. High school teacher. Salamat sa pagsabay sa akin ha. Pasok na ako.”
8:00 AM. Pagpasok ni Zhaine sa kanyang klase, bumungad agad sa kanya ang mga poster na nakadikit sa blackboard—mukha niya, naka-bra at panty lang.
“Sino ang gumawa nito? Hmm, maganda na sana… kaso may kulang,” sabi niya habang pinupunit ang mga poster.
Tahimik ang buong klase, inaasahan na magagalit siya.
“Alam n’yo, ang isang tunay na photographer, dapat tinitingnan ang lahat ng anggulo. Kulang pa eh. Mamaya ko na sasabihin. Start na tayo ng klase.”
Biglang lumapit si Joric, lider ng section 12-D.
“Kamusta pare? May bago tayong teacher. Ang weird niya, pero siya ang adviser natin,” pakilala niya.
“Wala akong pakialam! Narinig n’yo na ba ang nangyari kay Xian kahapon?” sabat ni Kenn, galit ang boses habang papasok ng classroom.
“Pinagtulungan ako ng kabilang school. Sila ang may kagagawan nito!” galit na sumbong ni Xian.
“Hindi kami papayag na di natin sila mabawian!” ani Jerry, pangalawa sa liderato ng grupo.
Naalarma si Zhaine sa sinabi ni Jerry.
“Guys, kumalma muna kayo. Hindi madadaan sa init ng ulo ang lahat,” sabat niya.
“Manahimik ka, babae ka lang! Di ako papayag na may mananakit sa kaibigan ko!” sigaw ni Kenn.
“Bakit? Sa tingin mo ba, kapag gumanti ka, titigil na sila? O mas lalong lalala?”
Bumalik siya sa harap ng klase at tumingin sa lahat.
“Ang alitan, hindi laging dapat idaan sa dahas. Mas makakabuti kung idaan sa maayos na usapan. Naiintindihan ba ako?”
“Bahala ka sa gusto mo. Pero hindi mo kami mapapasunod,” mariing sagot ni Kenn.
Pagkatapos ng klase, gumawa ng plano ang buong 12-D upang gumanti sa kabilang school. Habang si Zhaine naman ay kasalukuyang nakikipag-usap sa isang co-teacher.
“Ms. Tuazon!” tawag ni Ms. Santos na agad lumapit sa kanya. “Narinig ko ang plano ng mga estudyante mo… susugurin daw nila ang kabilang school!”
“Anong?!” gulat na sagot niya, at agad siyang nagtungo sa classroom.
“Fermin! Galvez! Alfonso! Nasaan sina Lopez, Singson, at Xian?!”
“Di namin alam, Miss. Basta sabi nila babalikan daw nila 'yung nambugbog kay Xian,” mahinang sagot ni Fermin.
“At hinayaan n’yo lang?!” galit na sagot ni Zhaine.
“Inaawat namin pero ayaw nilang papigil,” paliwanag ni Alfonso.
“Ayaw din nila na sumama kami. Ayaw nilang madamay kami at masangkot. Kasi pag nangyari ‘yon, kick-out kami,” dagdag ni Galvez.
“Kahit pa! Dapat pinigilan n’yo pa rin! Di n’yo ba alam kung gaano karami ang kabilang grupo? Tatlo lang sila!”
Agad siyang tumakbo palabas upang pigilan ang mas malaking gulo.
Third Person POV Nabigla si Zhaine sa pagtawag ni Roby sa kaniya. " Bakit ka napatawag, Roby?" Humahangos niyang ibinalita kay Zhaine ang nagaganap na rambol. " Zhaine, magmadali ka. May nagaganap na rambol dito. All-boys high laban sa kabilang school. Mukang mga estudyante mo mga ito." " Ano?! sige papunta na ako." Nagmadaling magbihis si Zhaine. Papalabas na siya, nakita n'yang naka abang na sa kaniya si Simeon sa labas ng kaniyang bahay. " Zhaine, salo."– tawag nito't sabay hagis ng helmet sa kan'ya. Inabangan na agad si Simeon si Zhaine dahil ito ang unang natawagan nina Roby at Axl. Sina Roby at Axl ang unang nakaalam ng rambol dahil nagkayayaan ang dalawa na kumain ng momi sa madalas nilang kinakainan at pinagtatambayan. Nakita nila ang nagaganap na away ng mga estudyante kaya minabuti nilang tawagan kung sino ang mga malapit lalong-lalo na si Zhaine. Kasi mukang mga estudyante niya ang mga ginugulpi ng kapwa estudyante din. Dumating naman ng agaran sina S
Ang panibagong Section 12-D. Lumipas ang ilang buwan, muling nag-umpisa klase. Pagkagising ni Zhaine, bumungad agad ang chat ni Kenn. " Mahal, good morning." " Good morning too," –reply nito na may kasamang heart na emoji. " Start na ng bagong 12-D students mo, ah. Balumbunan mo agad ng isa." " Loko ka! Ikaw kaya ang balumbunan ko pag-uwi mo." Sabay reply ng emoji na peace si Kenn. " Ikaw naman nagbibiro lang. Mahal, sige na, mag-ayos ka na. Matutulog na muna ako. Pagod sa klase. Ang hirap pala nito." " Kaya mo yan, Mahal," cheer ni Zhaine sa kan'yang boyfriend. " Salamat. I always loving you." " Ganoon din ako, Mahal." Pagkatapos nilang mag-usap ni Kenn, bumangon na si Zhaine upang mag-ayos ng kaniyang sarili, bago pumasok sa kaniyang trabaho. First day of class ng mga bagong trouble makers na mga estudyanta ni Zhaine . Panibago batch ng section 12-D na proprotektahan niya't gagabayan hanggang ang mga ito ay makagraduate. Pagpasok niya'y kaniyang nadatnang sob
Third Person POV Nahuli si Luke, dinala s'ya sa mental hospital. Nang dahil sa nalulong na rin ito sa pinagbabawal na gamot. Unti-unti gumaling s'ya. Subalit lalong sumiklap ang kan'yang galit kay Jhai. " Magpakasaya kayong dalawa, Jhai. Gaganti ako. Oras lang na makalabas ako dito, sinisugurado kong hindi lang ang samahan na pinamumunuan mo ang mawawasak maging ikaw. Sisirain ko buhay mo, pati ng lalaking pinakamamahal mo,"– galit na galit nitong sabi habang nakatingin sa picture Nina Jhai at Kenn na nakatikom ang mga kamay. Nalaman din n'ya na nakaligtas ito. " Boss, nagpapagaling na ang mata ng Lion warriors,"– balita ng isang alliance n'ya. " May sa pusa ka talaga, Jhai. Hintayin mo ang pagbabalik ko. Magsasama kayo ng Kenn na iyan sa kabilang buhay." Muling bumaling si Luke sa kaniyang kausap. " Ipagpatuloy mo lang ang pagmamat'yag sa kanila. Sirain mo ang Lion Warriors. Pabagsakin mo ang samahan. Pag' laya ko dito, saka ko ibaba ang plano sa Anak ni Lion." " Mas
Ang araw ng kanilang pagtatapos... Kagaya ng dati'y nagtuturuan muli sina Senko at Whang sa pag-gising kay Zhaine. " Kuya, ikaw na." " Whang, ikaw na dali. Tignan mo anong oras na." Dumating si Kenn. Narinig niyang nagtuturuan ang dalawa kaya't umakyat siya. " Boss Kenn, nandyaan ka na pala." " Di pa rin ba s'ya gising? Sige ako na bahala." " Salamat po, Boss." Pumasok sa loob ng kuwarto ni Zhaine si Kenn. Nakatalukbong pa ito ng kumot sa mukha–nagkunwaring natutulog pa. " Mahal," tawag nito't naupo sa tabi niya. Dahan-dahang tinaggal ni Kenn ang kumot nito sa mukha. " Mahal, bangon na." sabay halik nito sa kaniyang labi. Naramdaman ito ni Zhaine. " Mahal, good morning," Nakangiting sabi nito kay Kenn. " Mag- ayos ka na, ah. Hihintayin kita sa baba. Bilisan mo lang, baka Malate tayo." " Opo." malamig niyang sagot Pagkalipas ng ilang saglit, siya ay bumaba na ang kaniyang suot ay ang kaniyang tracksuits. " Bakit 'yan ang sinuot mo? tanong nito. "
Ang simula ng pagbuo ng 12-D Gang. Dahil sa hindi pa maaari na ipasama Ang buong section 12-D sa Lion Warrior. Nakaisip si Simeon na buuin ang 12-D Gang, alam na ni Kenn iyon. " Guy's. Alam n'yo ang gusto ko na mangyari sa inyo ay maging mga professional kayo balang-araw." " Zhaine, promise namin sa'yo na magiging professional na kami. Kahit mag-excist na ang 12- D gang." Sagot ni Kenn.. " Sino naman ng magiging pinuno n'yo? Huwag n'yong sabihing?" " Yes na yes," sagot ni Simeon.Nakangising tinanong ni Kenn si Zhaine. " Sino ba ang school adviser ng section 12-D?" " Ako." " Tumpak. Dahil ikaw ang nag-iisang teacher ng section 12-D. Ikaw ang magiging pinuno namin." Aangal pa sana s'ya." Mahal, sandali." " I second the motion,"–malakas na sabi ni Simeon sa lahat. Wala na s'yang magawa ng mga oras na iyon. Nabuo na ang 12-D gang. Wala ng iwanan kahit sila ay grumaduate– tahakin ang kani-kanilang mga pangarap sa buhay. Kinabukasan, bago matapos ang kanila
Umupo sina Kenn at Zhaine sa buhanginan kung saan pinapanood nila na naglalaro ng volleyball ang section 12-D. " Malapit na ang graduation n'yo. Talaga bang kukuha ka ng law?" tanong ni Zhaine. " Oo, Mahal. Dahil gusto kong matupad ang pangarap ko na kasama ka. Kaya hintayin mo ko, ah. Ikaw ba magpapatuloy ka ba sa pagiging teacher? " " Oo, Mahal. Sinabihan na ko ng papa mo. Sa next school year ay regular teacher na ko na adviser ng section 12-D." " Talaga, Mahal." " Oo, dahil ako daw talaga ang nararapat maging school adviser ng mga pasaway na estudyante. Ano kaya ang mga ugali ng magiging bago kong estudyante?" " Malamang 'yun. Katulad din namin. Nakakahiya man aminin. Alam kong nakukuha mo din ang loob nila kagaya namin." " Sana. Akala ko ba papasyal tayo." Tumayo si Kenn at inalalayan n'ya ang kaniyang girlfriend. " Tara. Mga pare, mamasyal lang kami." Nag thumbs-up lang ang mga ito.. Namasyal sila't nagtungo sa bilihin ng pagkain, nakakita sila ng mga tuho