Pagka tigil ng sasakyan ng Ginang. Malula-lula si Celestina sa gara ng Mansyon nito. Hindi siya makapaniwalang dito na siya titira. "Hija, Welcome to our home." anang ng Ginang at hinawakan ang kaniyang kamay para hindi siya kabahan. "Okay ka lang ba?" muling tanong nito sa kaniya habang niyayakag siya papasok ng malawak na lupain nito.
"O..Opo, medyo naninibago lang po ako sa nakikita ko." sagot ko, habang pinapasadahan ng tingin ang malawak nilang bakuran. Ganitong ganito ang pamumuhay namin noon kong hindi lang sana namatay ang mga magulang ko. Hindi ko na naman maiwasang mangilid ang luha ko kapag naaalala ko sila. Napansin naman ng Ginang ang pag luha ko. "Hija, basta kapag may kailangan ka magsabi ka lang at hwag mahiya." ani ng Ginang ng maka pasok na sila sa loob ng Mansyon. Binalingan nito ang katulong at pinakilala ako."Siya nga pala, Rina, this is Celestina. Paki turo sa kaniya ang master bedroom. For the meantime doon muna siya tutuloy. Naiintindihan mo ba, Rina?" tanong ng Ginang sa katulong. Kaagad naman tumango ito tanda na naintindihan niya ang sinabi nito. Tinapunan siya ng tingin ni Rina at niyakag patungong elevator.Pagpasok niya sa loob ng sinasabing magiging kwarto niya napapatulala na naman siya ng maalala ang dating room niya, ganitong ganito kasi 'yon kalawak at pwede nga maglaro ang ilang bata sa lawak nito. Nagpaalam na ang katulong sa kaniya ng bumukas ang pintuan. Pumasok ang Ginang at kinamusta ang kalagayan niya. "Kumusta, hija, okay na ba sayo 'tong room mo?" tanong niya sabay tapik sa balikat nito."Oho! Malaki na nga po ito, kasyang kasya pa ilang tao." natatawang biro nito. Hahahaha!! Maging ang Ginang ay napatawa na rin sa sinabi niya. "Siya nga pala may pupuntahan tayo bukas." ani ng Ginang."Po, saan po?""Basta. Ang gawin mo muna ngayon ay magpahinga ka para bukas ready ka na." ani ng Ginang na hindi pa rin niya alam ang pangalan nito. Patayo na sana ito ng hawakan niya ang kamay ng Ginang. "Maraming Salamat po ma'am sa lahat ng tulong. Siya nga po pala, kong hindi niyo po mamasain sana gusto kong malaman ang pangalan niyo po.""Call me Mommy Helen." mabilis na sagot ng Ginang. Bigla naman napaluha ito sa sinabi ng Ginang, naging emosyonal na naman siya ng marinig ang salitang Mommy. Huhuhu! Iyak niya na ikinagulat ng Ginang. "Bakit, hija, what's wrong? Are you feeling pain? Tell me, so that I can call our family doctor." usisa ng Ginang na biglang nagtaka sa pag iyak niya."Naku! Hwag na po. Okay lang po ako. M...Mommy Helen." naiilang na wika niya. Napangiti naman ang Ginang ng marinig ang sinabi niya. Niyakap siya nito ng mahigpit at ilang minuto ring kumalas. "Oh! Siya, tama na ang ating drama at matulog ka na." bilin nito bago tumayo at naglakad palabas ng pintuan.Naiwan namang tulala at hindi pa rin siya makapaniwala sa lahat ng nangyari sa loob ng ilang oras lamang. Nahiga siya malambot at malaking kama habang yakap ang unan na kasing laki pa niya yata. Ngayong araw makakatulog siya ng matiwasay at walang iniisip na panganib para sa kanilang mag-ina.KINABUKASANNagising siya sa sikat ng araw na tumatama sa kaniyang mukha. "Rise and shine." ani niya. Bumangon na siya at inayos ang kaniyang higaan. Nang kumatok ang Mommy Helen nito. Pinag buksan naman niya agad ito ng pintuan. At pinapasok sa loob. "Pasok po kayo, Mommy Helen. Ano pong sadya nyo?" tanong niya na nagpupunas pa ng mukha at baka may muta pa siya at nakakahiyang makita pa nito."Ahmm! Gusto ko sanang ayain ka sa Mall para makapamili tayo ng gamit mo. Nakakahiya naman kasing ipagamit sayo ang mga nasuot ko na at hindi rin naman angkop sa edad mo ang mga 'yon." anang ng Ginang. Umiling iling siya tanda nang parang hindi siya sang-ayon sa gusto nito."Hwag na po nakakahiya na talaga. Kahit luma lang po na damit okay na ako." sagot niya kaso mapilit ito hanggang sa pumayag na rin siya at baka magtampo pa ito. Tuwang tuwa ang Ginang sa narinig. "Sige na mag ayos ka na. Heto ang suotin mo muna, damit ko yan noong dalaga pa lang ako. Ipapasuot ko sana kapag nagka anak ako ng babae. Kaso lalaki naman ang naging anak ko." malungkot na wika nito. Hinaplos ko ang mukha nito at sinabi na; "Okay lang po 'yon. Pero, nasaan po siya at bakit hindi niyo kasama?" tanong niya, dahil bigla siyang na curious sa anak ng Mommy Helen niya."Sa states nagpapalamig. Medyo pasaway kasi ang anak kong 'yon. Hayaan muna siya pag okay ka na bumaba ka na ha. At aalis na tayo para hindi tayo abutin pa ng traffic." saad nito.--Lulan na sila ng sasakyan patungong Mall. Pagkarating nila roon. Nagulat siya ng batiin ng staff ang Mommy Helen niya at pati na rin ang iba pa. Nagtataka man, pero naglakas loob na rin siyang mag tanong dito. "M..Mommy-- bubuka pa lang sana ang bibig niya ng sabihin nito na; "Marahil siguro nagtataka ka sa kakaibang treatment nila sa atin. Tayo kasi ang may-ari ng Mall na 'to. This is DV Mall, short for Dela Vega Mall. Isa lang ito sa Mall na pagmamay-ari natin." paliwanag ng kaniyang Mommy Helen. Napamangha siya lalo sa yaman ng kumupkop sa kaniya."Tara?" yakag nito sabay hawak ng kaniyang kamay at naglakad sila papasok ng women sections. Pinapili siya nito ng mga gusto niya at nang makapili siya dinagdagdan pa ito ng kaniyang Mommy Helen hanggang sa mapuno ang push cart at nakulangan pa ito at nag request ng dalawa pang cart. Nag ikot-ikot kami sa loob ng shop bago napagod si Mommy Helen at ako.Ganyan palagi na ang naging monthly routines namin shopping galore kasama si Mommy Helen. Busy kasi si Daddy sa mga business matters niya. At nagpapasalamat ako na tinanggap ako nito sa bahay nila at buhay. Wala na nga akong hihingiin pa kundi mahintay ang pagdating ng aking unico hijo. Yes lalaki ang magiging anak ko. Kakagaling lang namin ni Mommy Helen sa ob-gyne ko bago kami dumaan ng Mall. Nakakatuwa going 8 Months na ang baby boy ko na si Drake. At isang kembot na lang manganganak na ako.Habang nasa Mall kami ni Mommy Helen at namimili na naman ng damit ng apo niya. Inaawat ko na nga siya, sapagkat halos mapuno na ang tatlong cabinet sa baby room. Meron na ngang sariling room ang baby Drake ko kahit wala pa siya sa mundong ito. Napa upo ako sa may benches ng mangatog ang tuhod ko at bigla akong napahiyaw sa sakit. Kasalukuyang kausap ni Mommy Helen ang staff ng Mall at may ibinibilin ito dito ng sumigaw ako ng malakas. "Waaaaaah! Mommy Helennnnn!" napalingon ito sa direksyon ko at nagmamadaling lumapit."What's wrong hija? What do you feel right now?" tanong nito na bakas sa kaniyang mukha ang labis na pag-aalala sa akin."Mommy, I think, Drake wants to come out." mahinang wika ko. At sapat na para rito na tumawag ng security guard para buhatin ako. "Guard! Guard, help." malakas na sigaw ni Mommy Helen kaya lumapit ang guard at binuhat ako palabas ng Mall. Sinakay niya ako sa kotse at mabilis namang sumakay sa tabi ko si Mommy Helen habang hawak ang kamay ko. "Gardo, magmadali ka, manganganak na ako senyorita mo." utos nito sa family driver.Kaagad namang tumalima ito at at pina harurot ang sasakyan.Makalipas ng isang oras buhat ng ipasok siya sa delivery room. At nakailang ire siya bago lumabas ang aniyang anak. Tinuruan pa siya ng doctor, dahil bata pa nga at hindi pa alam ang tamang pag-ire. Mabuti na lang rin mabait ang mga doctor na nagpa anak sa kaniya. Maya maya lang rinig na niya ang iyak ng kaniyang anak. Napaluha siya ng mga oras na 'yon. Luha ng sobrang kaligayahan. "Uha! Uhaw!" iyak ng kaniyang anak nang ilapag ito ng doctor sa ibabaw ng tyan niya. "A...Anak!" nauutal niyang sambit."Normal delivery. Time 6:30 PM the baby is out." naririnig niyang wika ng doctor na nagpa anak sa kaniya. Maya maya lang nanlabo ang paningin niya at nawalan ng malay. Pinatulog pala siya ng doctor at tatahiin na ang hiniwa sa kaniyang pagkakaba* kanina, dahil maliit ang sipit sipitan niya at 'di kayang lumabas ang ulo ng kaniyang anak.Two hours Later..Nagising siya na nasa tabi niya na ang Mommy Helen at karga nito ang kaniyang anak. "Ang gwapo ng anak mo, hija. Para siyang kamukha talaga ng Daddy mo." ani ni Mommy Helen. Hindi nga kataka taka na apo namin siya." dagdag pa nito. Hindi ko alam bakit nasabi ng Mommy Helen 'yon. Basta ang tanging alam ko lang masaya ako na nailuwal ko ng ligtas ang ang anak kong si Drake Dela Vega. Hindi kasi pumayag ang Mommy Helen na hindi isunod ang surname nila ni Dad sa anak ko lalo na't on-going na rin ang pag adoption file case nito para maging legit daughter na nga niya ako sa batas. Hindi ko lubos maisip na mangyayari sa buhay ko ang ganitong kagandang blessings. Nagpapasalamat ako na nakilala ko si Mommy Helen. Siya ang nagpuno na kulang sa buhay ko at batid kong kaya niya rin gawin ito sa apo niya na anak ko.Sinaway ko siya at umalis na agad ako. Gusto ko ng iwasan ang kapatid ko. Mabilis akong lumabas ng kwarto at nagpunta sa parking lot. Hindi niya dapat nakikitang ganito ako sa kanya para tigilan na niya talaga ako at mamatay ang pag-asa niya na magiging kami, dahil malabong mangyari iyon. Ayokong saktan ang damdamin ng mga magulang ko na walang sawang minahal ako kahit na hindi naman nila ako kadugo pero, tinuring nila akong tunay nilang anak. Mabilis ang pagmamaneho ko kaya nakauwi agad ako ng Mansyon. Medyo maliwanag na rin at nagpark na ako sa garahe. Nang matapos akong makapag park ng kotse diretso ako sa exit door kung saan naroon ang kwarto ng anak ko na nasa itaas. Pagpasok ko sa loob diretso akong pumanhik sa hagdanan at naglakad papasok sa unang kwarto rito kung saan ang kwarto ni Drake. Aaminin ko medyo nabusy ako nitong araw dahil kapag galing sa kumpanya diretso naman ako sa hospital. Hindi ko kasi pwedeng hindi pasyalan si Terrence at hindi siya nakikinig sa mga nurses
Pumasok ako ng comfort room at nagbabad sa shower room area. Dama ko ang katamtamang init na bumabagsak sa balat ko. Hindi ko gustong maramdaman ito lalo na't sa kapatid ko na rin. Hindi man kami magkadugo ngunit sa batas ng tao ay legal kaming magkapatid at hindi magandang tingnan kung may makakakita na may ginagawa kaming kababalaghan lalo na si Manang. Hiyang hiya ako kanina kung sakaling naabutan niya kami sa aming ginagawa. Habang bumabagsak ang lagaslas ng tubig sa balat ko siya namang lalong lumukob ang init sa aking katawan. Hindi ko alam at bakit hindi kayang patayin ng shower ang init na iyon. Para na akong mababaliw sa sakit ng puson ko. Pinatay ko na ang shower. At kumuha ako ng towel na malinis sa cabinet. Mabuti na lang talaga nasa private room si Terrence naka confined. Nang marinig ko wala na si Manang lumabas ako na nakatowel lang at naiwan ko ang damit ko sa paper bag. Nawala ako sa sarili sa ginawa ni Terrence. Nakita ko namang nakapikit na ito at mukhang tulog na
Hinawakan ko agad ang kamay niya at baka totohanin niya ang banta niyang aalis. Ayoko naman na mag-isa sa ospital. "Sorry, hindi na ako mangungulit pa. Magbebehave na ako." pakiusap ko kay Celestina.. "Mabuti naman, hwag ka ng makulit okay. Teka lalabas lang ako at bibili ng makakain, nagugutom na rin ako. "Bumalik ka ha." lambing ko dito sabay hawak ng kanyang kamay. "Oo na, sige mauuna muna ako at darating naman si Manang para kahit wala ako may mag aasikaso sayo." aniya. Tumango tango na lang ako at wala naman rin akong magagawa pa. Kung gagalitin ko siya mas lalong magagalit ito sa akin. At ayoko naman mangyari iyon. Nang sumara ang pintuan wala na akong nagawa kundi matulog.. Nagising ako pasado alas dos na ng hapon at saktong nandito na si Manang kaso wala si Celestina. "Manang nasan si ate?" tanong ko. "Nasa kumpanya mamaya raw siya babalik at may urgent meeting. Iniwan niya lang ang pagkain mo, sige na kumain ka na sir." ani ni Manang. Bumangon ako at sin
Mag-isa na lang ako sa kwarto at masamang masama parin ang loob ko kay Celestina. Bakit ba kasi ginagawa niya akong laging bata. Hindi naman na ako bata pa. At isa pa hindi ko siya ate at hinding hindi ako papayag na maging ate ko siya. Ayoko! Hindi naman kami magkaano ano. Oo, legally adopted siya ng parents ko pero, hindi ibig sabihin non magkapatid na kaming dalawa. Ngayon pang dama ko na mahal niya rin ako kaya hindi ako titigil para ipaalala sa kan'ya na kami ang nararapat sa isa't-isa hindi ang lalaking 'yon. Nang bumukas ang pintuan may dala itong pagkain at nilapag lamang niya. Aalis na sana ito ng magsalita ako. "Stay with me, Celestina. Don't make things hard for me." pakiusap ko. "Hard? Sure ka ba dyan, Terrence sa mga pinagsasabi mo sa akin. Huh! Ako pa talaga ang nagpapahirap ng damdamin mo. Hindi ba ikaw na selfish at sarili mo lang ang iniisip mo. Yang letseng puso mo. Bakit ba kasi pinipilit mong hindi tayo magkapatid na hindi mo ako ate." bulyaw niya sa akin per
Nang imulat ni Terrence ang mga mata napansin niyang puno ng aparatus ang buong katawan niya. Masakit rin ang ulo niya at nahihirapan siyang maka galaw. Umuungol siya para mapansin siya ng mga tao pero, tanging siya lang ang nasa loob ng kwarto. Maya maya pumasok ang doctor at nang nakitang may malay na siya agad nitong cheneck up ang kalagayan niya hanggang sa nagsalita ito sa may intercom at nagpasukan ang mga nurse sa loob. Samantalang nakaupo naman si Celestina habang naghihintay ng balita tungkol sa kan'yang kapatid. Katatapos niya lang maka usap ang parents niya at hindi niya na muna ibinalita dito ang nangyari sa kan'yang kapatid at gusto niyang itago ito para sa ikakabuti ng kalagayan ng kan'yang daddy. Nagulat pa siya ng nagtatakbuhan sa emergency room ang mga nurses tila kinabog ang dibdib niya at nahihirapan siyang huminga. "Hwag naman sanang may mangyaring masama kay Terrence." usal niya habang nanalangin. Tanging sa Diyos lang siya kakapit para sa kaligtasan ng kan'
Matapos kong makausap si Auntie medyo naliwanagan na ako. Legally adopted nga nila si Celestina. Pero, hindi ibig sabihin nun ay susuko na ako. Hindi kami magkapatid kaya may pag-asa pa kaming dalawa. Kahit itago niya pa ramdam ko na mahal niya ako kaya lahat gagawin ko para lang tanggapin niya ako sa buhay niya. Nagpaalam na ako dito at sumakay na ako ng sasakyan at pinasibat na ito papalayo sa bahay ni Auntie. Nagdadrive na ako nang hindi ko namalayan ang pasalubong na SUV at sumalpok ako sa harapan nito hanggang sa mawala ng unti-unting ang paningin ko at hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko. *** At St. Adelaine Hospital Kanina pa pabalik balik ng lakad si Celestina sa labas ng ER (Emergency Room) Tinawagan kasi siya kanina ng police officer para ibalitang naaksidente si Terrence at siya ang huling tinawagan nito ayon sa call registered number. Hindi siya makapaniwalang naaksidente ito. Naghihintay siya ng balita mula sa loob, medyo malaki ang pinsalang nangyari sa aks
Maagang umalis si Terrence ng Mansyon para makipag kita sa isa sa kamag anakan nila. Gusto niyang malaman kong sino ang abugado ng Mommy Helen niya at may gusto rin siyang malaman bukod sa pag ampon nito kay Celestina. Habang nagda drive siya naalala niya na naman ang nangyari sa kan'ya pitong taon na ang nakakalipas. Ang babaeng nagpabaliw sa kan'ya at hindi niya man lang ito naabutan kinabukasan, dahil nilayasan lang naman siya ng babae sa loob ng kotse niya at pahiyang pahiya siya sa nangyari. Hinding hindi niya malilimutan ang mukha ng babae at sa oras na magkita silang muli marami siyang gustong itanong dito. Isa na dito kong bakit siya nito basta na lang nilayasan habang natutulog siya. Nang makarating siya sa bahay ng Auntie Marivelle niya na taga Pangasinan naghanap muna siya ng mapaparking-an, dahil hindi naman mayaman ang Auntie niya at ayon sa Mommy niya sumuway daw kasi ito sa abuelo niya na at nahulog sa kanilang driver at nagtanan, kaya hanggang pumanaw ang kan'yang ab
Nang marinig niya ang boses nito nagmamadali siyang kumilos habang kausap ang lalaki sa phone. "Sige, papunta na ako." sagot niya bago mawala sa kabilang linya ang kausap na lalaki. Sinuot niya ang blazer niya para takpan ang pantulog niyang nighties. Wala na siyang oras para mag-ayos pa at baka makaistorbo na ito doon kaya nagmamadali na siyang nagdrive palayo ng Mansyon. At kahit badtrip siya sa lalaki hindi niya pa rin magawang tiisin ito sa oras ng kailangan siya nito. Medyo malayo pa siya at hindi niya alam kong aabot ba siya. Nakakahiya sa owner ng bar, talagang doon pa siya natulog. Twenty Minutes Later nakarating siya sa bar at nagpark muna saglit. Inayos niya ang pagkakapark at baka may sumita sa kan'ya kong bara bara park lamang siya. Lumabas siya ng sasakyan at sinarang maigi ang pintuan nito. Sobrang late na kaya hindi na pwedeng magtiwala basta basta. Naglakad siya papasok ng bar at nakita niya nga doon si Terrence na nakasubsob ang mukha. Nilapitan niya ito para gisingin
Naglakad ako patungo sa pintuan. At bumungad sa harapan ko ang secretary ko."Ma'am, Celestina new documents po." sagot nito."Sige, pasok ka. Paki lagay na lang sa ibabaw ng desk ko may pupuntahan lang ako." sagot ko."Okay, ma'am.." sagot nito. TIinitigan ko si Terrence at senenyasan na sumunod sa akin. Agad naman itong tumalima at naglakad pasunod sa akin. Habang nasa corridor kaming dalawa..Hindi ko siya iniimik at baka mapansin ng mga staff ang ibang kilos naming dalawa. Panay ngiti ko lang sa mga bumabati sa akin. Parang wala lang naganap sa amin sa loob ng office kanina. Normal act at maging si Terrence ay ngumingiti rin sa bawat taong nakikita niya.Nang makarating kami sa elevator, pina una niya ako bago siya sumunod at saktong kasasara lang ng pintuan ng elevator ng corner-ina niya ako sa gilid. "A...Anong gagawin mo, Ter--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang sakupin labi niya ang labi ko. Hindi ako maka tulak sa kan'ya, tila nagugustuhan ko ang ginagawa ng labi ni