LOGIN"What do you mean murdered?"
Natigilan si Adriana matapos marinig ang tinuran ni Enzo. Hindi niya niya binalak pa na maglakad palayo. Bagkus ay unti-unti siyang lumingon kay Enzo. Nanatili namang mahigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang braso. "W-what did you just say?" tanong ni Adriana. Bakas sa mukha niya ang kuryosidad. Hindi kaagad sumagot si Enzo. Tumingin muna ito sa paligid na para bang sinisiguradong walang ibang tao na posibleng makarinig sa kanila. Matapos masiguradong walang ibang tao ay muli nitong ibinalik ang kaniyang tingin kay Adriana. "Your father didn't die from an accident,” malumanay ang boses na turan ni Enzo. Dahan-dahan nitong inalis ang kaniyang kamay mula sa mahigpit na pagkakapit sa braso ni Adriana bago muling nagpatuloy. “He’s perfectly fine the night before he found dead. Wala siyang sakit na iniinda. Weekly ang check-ups niya—hindi siya nagmimintis sa pagpunta sa mga doktor niya kaya imposibleng mamatay siya ng gano’n-gano’n lang.” “So, you mean may foul play sa pagkamatay ni dad?” Tumango bilang tugon si Enzo. “If I’m not mistaken, last week ay may binanggit siya sa akin. Parang may threat yata siyang natatanggap. Sa tingin ko ay threat ‘yon sa kumpanya niyo. Sa tingin ko ay may gustong umangkin sa kumpanya ng daddy mo kaya siya pinatahimik.” Bahagyang napaatras si Adriana dahil sa narinig. Napabuntong hininga siya dahil sa bigat ng kaniyang nalaman. “Hindi ko pa dapat ‘to sasabihin sa ‘yo dahil gusto kong makasama mo ang daddy mo sa mga huling sandali niya pero pinilit mo ako. Miss Adriana, you have to stay beside me no matter what. Kasi kung totoo ang hinala kong pinatay ang daddy mo para maagaw ang kumpanya niyo, delikado ka rin.” “Ikaw?!” sandaling huminto si Adriana at tinitigan nang mata sa mata si Enzo bago nagpatuloy. “Hindi ba dapat ay delikado ka rin? Ikaw ang most trusted person ni dad. Higit kanino man, ikaw ang may access sa lahat ng meron siya so technically speaking, you are more important than me. Ikaw ang mas dapat mag-ingat kaysa sa akin dahil apelyido lang ni dad ang bitbit ko habang ikaw, hawak mo ang lahat ng mayroon siya.” Dahil sa lalim ng tinuran ni Adriana ay napaisip si Enzo. Nakuha niya ang pinupunto nito at alam niyang totoo ang sinabi nito. “See?! Natahimik ka sa sinabi ko dahil alam mo na tama ako ‘di ba? Kung delikado ako ay mas delikado ka. Tandaan mong mas unang pinapatahimik ang mas maraming alam.” Lumunok si Enzo. Muli siyang tumingin sa paligid at walang ano-anong hinawakan ang braso ni Adriana. “Saan mo ako dadalhin?” aniya habang magkasalubong ang magkabilang kilay. Hindi sumagot si Enzo. Maingat lamang niyang hinila si Adriana patungo sa kaniyang sasakyan. “Saan ba tayo pupunta, Lorenzo?!” muling tanong ni Adriana. “Saan mo ako dadalhin?” “Sakay—” utos nito matapos pagbuksan ng pintuan ang dalaga. “Saan ba talaga tayo pupunta, Lorenzo? Kanina pa kita tinatanong pero hindi ka naman sumasagot. Ano ba?! Ang simple-simple lang naman ng tanong ko pero bakit parang hirap na hirap ka.” “Dito tayo mag-usap dahil hindi maganda ang pakiramdam ko sa labas. Pakiramdam ko ay may mga matang nakatingin sa atin at mga taingang lihim na nakikinig.” Sandaling binalot ng katahimikan ang loob ng sasakyan hanggang sa si Adriana na mismo ang bumasag no’n. “Ngayong sigurado na tayo na walang nakakarinig sa atin… baka naman puwedeng sabihin mo na sa akin ang tunay na nangyari kay dad. May mga pulis bang nag-iimbestiga sa pagkawala niya?” Noong mga oras na ‘yon ay malumanay pa ang boses ni Adriana. Nakasandal siya sa upuan habang nakatitig sa windshield. Hindi niya magawang tingnan si Enzo dahil natatakot siya sa isasagot nito. Huminga nang malalim si Enzo. Umayos siya ng upo bago sumagot. "Official report says he died after falling down the grand staircase in Ferrer Mansion." Napakunot ang noo ni Adriana. "Falling down the stairs?" Tumango si Enzo. "That was the official conclusion." "Then what's wrong with that? Kung iyon ang sinabi ng mga pulis na cause of death niya, paano mo nasabi na may pumatay sa kaniya?” Hindi sumagot si Enzo. Sa halip ay may inilabas itong maliit na brown envelope mula sa compartment ng sasakyan nito at inabot niya iyon kay Adriana. "Ano 'to?" tanong ni Adriana sabay kuha sa naturang envelope. Dahan-dahan niya iyong binuksan at namutla siya sa kaniyang nakita. “I can’t believe my eyes! Totoo ba ang mga ‘to?!” Lumunok siya. Agad niya ring ibinalik sa loob ng envelope ang mga litratong naglalaman ng mga ebidensyang posible nilang magamit upang ilaban na hindi aksidente ang pagkamatay ng matandang Ferrer. “Nakita mo rin ‘yong mga itim na marka sa leeg ni Don Alejandro? Eh iyong mga pasa niya na imposibleng dulot ng pagkalaglag niya?” bago muling nagpatuloy ay sinulyapan muna ni Enzo si Adriana. Ngayon ay diretso na itong nakatingin sa kaniya. “His bruises don’t match a simple fall.” Hindi nakaimik si Adriana. Napahawak siya sa kaniyang dibdib dahil bigla itong nanikip. Agad naman siyang inabutan ng bottled water ni Enzo. “Nitong mga nakaraan na kasama mo si daddy, may napansin ka bang kakaiba sa kaniya?” Umiling si Enzo. “Okay naman siya. Ang saya pa nga niya habang kinukwento ‘yong bago niyang project na niluluto.” “Kung sino man ang may gawa nito kay daddy, pagbabayaran niya ‘to. Magpakasaya na siya ngayon dahil bilang na lang ang maliligayang araw niya. Hindi ako papayag na hindi siya managot.” “Bukod sa paghahanap sa killer ng daddy mo, may iba pang bagay na mas kailangan mong pagtuunan ng pansin.” “Sandali! Bago natin ‘yan pag-usapan, baka gusto mo naman munang ipaliwanag sa akin kung paano ako nagkaroon ng kapatid. For sure ay alam mo kung bakit dahil kanang kamay ka ni dad. Imposibleng hindi niya sinabi sa ‘yo ang dahilan niya kung bakit hindi niya ipinakilala sa akin ang anak niya sa labas.” “Wala ako sa posisyon para magsalita kaya hindi ko sinabi sa ‘yo.” “How about dad?! In his perspective? Bakit hindi niya sinabi sa akin ang tungkol sa anak niya sa labas? Ano bang pangalan no’n?! Ahh, Marco—bakit hindi niya ikinuwento ang tungkol sa Marco na ‘yon?” habang nagsasalita ay nagsimula nang mangilid ang mga luha ni Adriana. Matapang siyang babae pero hindi talaga niya lubos akalain na nagawa siyang paglihiman ng ama tungkol sa gano’ng bagay. “Hindi ba naisip ni dad ang mararamdaman ko kapag nalaman ko ang totoo? Akala ba niya gano’n ako katigas? Bato ba talaga ang tingin niya sa akin? Answer my fúcking question, Lorenzo! Sagutin mo ako dahil sa daming tanong na gumugulo sa isip ko, para na akong mababaliw.”Ilang hakbang pa ang layo ni Adriana mula sa kuwarto ng kaniyang ama ngunit hindi na niya maiangat ang kaniyang mga paa. Para na itong dumikit sa sahig. “Fúck, Adriana! Bakit ba apektadong-apektado ka sa pagkawala ng ama mo, samantalang hindi ka naman naging mabuting anak dito noong nabubuhay pa ito? Hindi ba’t mas pinili mo nga na magpakalayo at mamuhay mag-isa sa ibang bansa kaysa tulungan siya lalo na noong kailangan ka niya?” Halos iuntog na nito ang kaniyang ulo sa pader habang kausap ang kaniyang sarili. Noong sandaling iyon ay pinipilit pa rin niya na pasukin ang kuwarto ng kaniyang yumaong ama.Makalipas ang ilang minuto ay nahawakan na rin niya ang doorknob ng pintuan ng kuwarto ni Don Alejandro. Kung tutuosin ay mabilis niya lamang sana na mapapasok iyon ngunit hindi niya mawari kung bakit hirap na hirap siya.“I’m home, dad! Nakabalik na ako dito sa bahay at nandito ako sa kuwarto mo ngayon. Naaalala ko pa noong bata pa ako… palagi mo akong pinagbabawalan na pumasok dito.
Nanatiling tahimik si Adriana matapos marinig ang sinabi ni Enzo. Hindi na siya sumagot pa.Sa unang pagkakataon mula nang dumating siya sa Pilipinas, pakiramdam niya ay wala siyang sapat na salita para ilarawan ang bigat na nararamdaman niya. Galit siya. Nasasaktan siya. At higit sa lahat ay nalilito siya. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya noong sandaling iyon."Kung buhay pa si dad..." mahinang sambit niya habang nakatingin sa kawalan. "Siguro sinigawan ko na siya."Bahagyang ngumiti si Enzo. "Sigurado akong sasagutin ka rin niya.""At sigurado rin akong hindi ko siya papatahimikin hangga't hindi niya ipinapaliwanag ang lahat."“Hindi na natin maibabalik ang panahon,” napabuntong hininga si Enzo tsaka itinuon ang tingin kay Adriana. “Kaso wala na siya. Siguro mas kailangan siya ng langit kaya siya kinuha kahit kailangan pa natin siya.”Ngumisi si Adriana. Pinitik niya ang noo ni Enzo bago tumugon. “Stúpid! Ano’ng kinuha ng langit ang pinagsasabi mo?! ‘Di ba sa ‘yo na mismo n
“Did you fúcking hear me, Lorenzo?! Ano’ng klaseng tao ang Marco na ‘yon? Dapat ba siyang pagkatiwalaan o hindi?”“Kung ako ang tatanungin ay oo. Dapat—dahil kapatid mo siya. Tsaka pinagkakatiwalaan din naman siya ng daddy mo. Binigyan pa nga siya ng mataas na posisyon sa kumpanya ‘di ba?! Kaya bakit hindi…” Enzo bit his lower lips. “Kayong dalawa na lang ang naiwan ng daddy niyo. Dapat siguro ay simulan mo nang kilalanin ang kapatid mo para mapadali ang buhay mo. Siya lang ang makakatulong sa ‘yo lalo na’t malaking responsibilidad ang gagampanan mo.”“Malaking responsibilidad? Ano’ng ibig mong sabihin?” Bumwelo si Enzo. Tumikhim siya bago sumagot. “Nakalagay sa last will and testament ng daddy mo na ikaw ang magmamana ng lahat ng ari-arian niya. Kasama doon ang posisyon niya bilang presidente.”Sa gulat ay umawang ang bibig ni Adriana. Napaliyad siya mula sa kaniyang kinauupuan. “Seryoso ka ba diyan, Lorenzo?! Masyadong mabigat ‘yang sinasabi mo. Alam mong bata pa lang ay buhay prin
Nanatiling tahimik si Adriana habang nakatitig lamang sa lalaki. Nakatikom ang labi niya at bakas sa kaniyang mukha ang galit at sakit.“Answer me, Lorenzo! Huwag kang umasta na parang wala kang alam!” Napabuntong-hininga si Enzo bago isinandal ang likod sa driver's seat. “Hindi ko alam ang buong dahilan ng daddy mo, Miss Adriana. Pero may ilang bagay akong nalaman sa tagal kong kasama siya.”“I want a full explanation, Lorenzo. Hindi kalahati… hindi pahapyaw kung hindi BUO. Kung gusto mong makuha ang tiwala ko, huwag mo akong paglihiman. Sabihin mo sa akin ang lahat ng nalalaman mo. Lahat-lahat. Ikuwento mo sa akin ang lahat ng tungkol sa Marco na ‘yon.”“The truth isn't always pleasant,” malamig na tugon ni Enzo. Sinamaan siya ng tingin ni Adriana. “Neither is being lied to for so many years.”Natahimik si Enzo. Wala siyang maisagot doon dahil tama naman si Adriana. Masyadong mabigat ang katotohanang ipinagkait sa kaniya.“Marco's mother worked for your father many years ago,” pan
"What do you mean murdered?"Natigilan si Adriana matapos marinig ang tinuran ni Enzo. Hindi niya niya binalak pa na maglakad palayo. Bagkus ay unti-unti siyang lumingon kay Enzo. Nanatili namang mahigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang braso."W-what did you just say?" tanong ni Adriana. Bakas sa mukha niya ang kuryosidad.Hindi kaagad sumagot si Enzo. Tumingin muna ito sa paligid na para bang sinisiguradong walang ibang tao na posibleng makarinig sa kanila. Matapos masiguradong walang ibang tao ay muli nitong ibinalik ang kaniyang tingin kay Adriana."Your father didn't die from an accident,” malumanay ang boses na turan ni Enzo. Dahan-dahan nitong inalis ang kaniyang kamay mula sa mahigpit na pagkakapit sa braso ni Adriana bago muling nagpatuloy. “He’s perfectly fine the night before he found dead. Wala siyang sakit na iniinda. Weekly ang check-ups niya—hindi siya nagmimintis sa pagpunta sa mga doktor niya kaya imposibleng mamatay siya ng gano’n-gano’n lang.”“So, you mean may fo
“Enzo, tama ba ang narinig ko? Tinawag niyang papa si dad,” pag-uulit ni Adriana. “Sino ang lalaking ‘yan? Kapatid ko ba ‘yan?” Nangibabaw ang katahimikan sa paligid matapos itanong iyon ni Adriana. Ang iilang tao sa loob ng memorial chapel ay nakatingin lamang sa kanila na animo’y naghihintay sa isang magandang palabas. Dahil sa katahimikan ay mas lalong umigting ang kutob ng dalaga. Pakiramdam niya ay lalong nanikip ang dibdib niya.“Lorenzo...” mariin niyang tawag. “Sumagot ka. Aminin mo sa akin ang totoo. Sino ang lalaking ‘yan at bakit niya tinawag na papa si dad?”Napabuntong-hininga si Enzo. Pagkatapos ay dahan-dahan itong tumango. “Oo… kapatid mo siya, Miss Adriana. Anak din siya ng daddy mo.”Dahil sa narinig ay napaupo na si Adriana. Nakatingin siya sa lalaki habang nakahawak sa kaniyang dibdib. “I didn’t know that I had a brother! No one dares to tell me that I have a f*cking brother!”“Kapatid mo siya, Miss Adriana. Baby brother mo siya,” ani Enzo habang kinakapa ang sit
["I know you're living your best life in Spain, Miss Adriana, but you need to come back to the Philippines."] Adriana Ferrer frowned as she pressed the phone against her ear. Noong sandaling matanggap nito ang naturang tawag ay katatapos lamang nitong mag-shower at kasalukuyan itong nakatayo sa
“Are you ready to see your dad? Kasi kung ready ka na, tara na!”Hindi kaagad nakasagot si Adriana. Noong sandaling iyon ay pakiramdam niya ay bumigat ang kaniyang mga paa. Handa na nga ba siya?Paano ba maghahanda ang isang tao para makita ang ama niyang wala nang buhay?Mariing napalunok ang dala
The next few hours passed in a blur. Adriana could barely remember how she managed to pack her belongings or book the earliest flight back to the Philippines.Noong mga sandaling iyon ay iba ang pakiramdam ni Adriana. Pakiramdam niya ay para siyang nakakulong sa loob ng isang bangungot na kahit ano







