Home / Romance / Beneath His Protection / Chapter 13: Marco's Mother

Share

Chapter 13: Marco's Mother

Author: Lilianna Jade
last update publish date: 2026-07-01 22:58:35

Makabasag pinggan na katahimikan ang bumabalot sa loob ng mamahaling sasakyang lulan ang dalawa. Makailang beses ng tinapunan ng saglit na tingin ni Enzo si Adriana ngunit ang tingin nito ay hindi naaalis sa mga establisyemento na dinadaanan nila.

“Are you okay, Miss Adriana?” tanong ni Enzo. Binasag niya ang halos isang oras na katahimikan sa loob ng kaniyang sasakyan.

Hindi sumagot si Adriana. Tila hindi nito narinig ang sinabi ng binata.

“Kanina ka pa tahimik. Na-offend ba kita sa sinabi k
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Beneath His Protection   Chapter 14: The First Encounter

    Tahimik na nakatayo si Adriana sa harap ng kabaong ng kaniyang ama. Hindi niya inaalis ang kaniyang tingin sa maputlang mukha ni Don Alejandro habang si Enzo ay tahimik lamang na nakatayo sa kaniyang tabi."Dad..." mahina niyang sambit.Unti-unti niyang inilapit ang kaniyang kamay sa gilid ng kabaong ng matandang Ferrer. "I hate you..."Kasabay noon ang pagpatak ng luha sa gilid ng kaniyang mata ngunit agad niya itong pinunasan."I hate you, but I still came home." Mariin siyang napakagat sa ibabang labi niya. "I'll find whoever did this to you. I promise."Tahimik siyang yumuko bago marahang pinunasan ang kaniyang mga luha. Maya-maya pa ay may babaeng lumapit sa kabaong. Rinig pa ng dalawa ang yabag nito mula sa kanilang likuran dahil sa suot nitong high-heels."Enzo?"Kapwa napalingon sina Enzo at Adriana matapos marinig ang boses ng isang babae mula sa kanilang likuran.“I thought she had already left!” mahinang sambit ni Adriana.“Ano’ng ginagawa mo dito, Enzo?! Akala ko ay nasa

  • Beneath His Protection   Chapter 13: Marco's Mother

    Makabasag pinggan na katahimikan ang bumabalot sa loob ng mamahaling sasakyang lulan ang dalawa. Makailang beses ng tinapunan ng saglit na tingin ni Enzo si Adriana ngunit ang tingin nito ay hindi naaalis sa mga establisyemento na dinadaanan nila. “Are you okay, Miss Adriana?” tanong ni Enzo. Binasag niya ang halos isang oras na katahimikan sa loob ng kaniyang sasakyan. Hindi sumagot si Adriana. Tila hindi nito narinig ang sinabi ng binata.“Kanina ka pa tahimik. Na-offend ba kita sa sinabi ko?” mas nilakasan pa ni Enzo ang boses niya para marinig iyon ni Adriana. “Galit ka ba?”“You can’t hurt me with your words, Lorenzo! Kahit gaano pa kasakit ‘yang sasabihin mo, basta patungkol ‘yan sa opinyon mo ukol sa akin, hindi ko iintindihin ‘yan. Alam ko namang sinabi mo lang ‘yon para patahimikin ako.”“Magaling ka palang bumasa ng tao…”“Wala ka ring pinagkaiba kay dad. Mahina rin ang tingin mo sa akin. Kaya siguro nilihim niya ang affair niya at ang bunga no’n kasi gano’n kababa ang tin

  • Beneath His Protection   Chapter 12: Unwanted Brother

    “Ano namang ginagawa mo dito?” magka-krus ang magkabilang braso na tanong ni Adriana sa nakababata niyang kapatid. Hindi ito sumagot kaagad. Bagkus ay humakbang ito patungo sa kinaroroonan ng dalaga at yumakap dito.Hindi nagustuhan ni Adriana ang ginawa ni Marco kaya agad niya itong tinulak palayo. “Don’t you ever try to do that again. Baka hindi lang ‘yan ang abutin mo sa akin.”Lumunok si Marco. Nanatili siyang kalmado sa kabila ng sungit na tinatamasa niya. “Huwag ka nang magalit sa akin. Nagpunta lang naman ako dito dahil nag-alala ako sa’yo. Tinawagan ko kasi iyang si Enzo kanina. Nabanggit niyang dinala ka niya dito kaya nagmadali akong pumunta.”“Hindi ka na sana nag-abala. Wala ka rin namang maitutulong!”“Grabe ka namang magsalita, Ate Adriana. Kapatid mo pa rin ako, of course nag-aalala ako sa’yo.”Ngumisi si Adriana. Makailang beses siyang umiling bago tumugon. “Hindi ko kailangan ng simpatya mo kaya puwede ba… umalis ka na!”Ramdam ni Yaya Jona ang bigat ng sitwasyon. Al

  • Beneath His Protection   Chapter 11: Out of the Hospital

    “I want to go home…”Napakagat labi si Enzo dahil sa tinuran ni Adriana. “Wala pang sinasabi ang doktor na pwede ka ng lumabas kaya magahinga ka na muna diyan.”“Where’s Yaya Jona?” tanong ng dalaga. “Sabihin mo sa kaniya na ilabas na ako dito. Mas magkakasakit ako kapag nag-stay ako dito ng mas matagal.”“Wala siya. Pinauwi ko muna para kumuha ng ilang gamit mo.”Pilit na tumayo si Adriana. Pinaiiral na naman niya ang katigasan ng ulo niya.“I said I want to go home! Ano bang mahirap maintindihan do’n?” Hinawakan ni Adriana ang heplock na nakakabit sa kaniyang kamay. Tinakot niya si Enzo at sa kaba nito ay wala itong nagawa kung hindi ang sumunod. “Fine! Tatawag lang ako ng nurse o ng doktor para magtanong kung puwede ka ng lumabas. Diyan ka lang ha? Huwag kang gagawa ng kahit ano’ng kalokohang ikapapahamak mo.”Baka magtungo sa nurse’s station ay muling tinapunan ng tingin ni Enzo ang dalaga. Bakas pa rin sa mukha nito ang pagiging seryoso. “Excuse me… may I ask kung may result n

  • Beneath His Protection   Chapter 10: Lost Consciousness

    “Kumusta po siya, doc?”Halos sabay na napatayo sina Enzo at Yaya Jona nang lumabas ang doktor mula sa emergency room.Tinanggal ng doktor ang suot nitong face mask bago sumagot. “She's stable now.”Sabay na nakahinga nang maluwag sina Enzo at Yaya Jona.“Ano pong nangyari sa kaniya?” tanong ni Yaya Jona. “Bakit po siya nawalan ng malay?”“Severe exhaustion. Mataas ang stress level niya. M-may problema ba ang pasyente? Dahil bumigay ang katawan niya kaya siya nawalan ng malay.”Hindi nakaimik si Enzo. Parang may kung anong mabigat na bagay na dumagan sa dibdib niya.“Sa totoo lang po ay kamamatay lang po ng ama niya. Nagluluksa po siya sa pagkawala nito kaya po siguro siya nawalan ng malay.” Kinagat ni Yaya Jona ang ibabang bahagi ng labi niya. Sinusubukan niyang pakalmahin ang kaniyang sarili kahit pa alalang-alala na siya sa alaga niya. “Pwede na ba namin siyang makita?”Tumango ang doktor. “Maari pero isa-isa lang dahil kailangang magpahinga ng pasyente.”Matapos umalis ng doktor a

  • Beneath His Protection   Chapter 9: A daughter's regret

    Ilang hakbang pa ang layo ni Adriana mula sa kuwarto ng kaniyang ama ngunit hindi na niya maiangat ang kaniyang mga paa. Para na itong dumikit sa sahig. “Fúck, Adriana! Bakit ba apektadong-apektado ka sa pagkawala ng ama mo, samantalang hindi ka naman naging mabuting anak dito noong nabubuhay pa ito? Hindi ba’t mas pinili mo nga na magpakalayo at mamuhay mag-isa sa ibang bansa kaysa tulungan siya lalo na noong kailangan ka niya?” Halos iuntog na nito ang kaniyang ulo sa pader habang kausap ang kaniyang sarili. Noong sandaling iyon ay pinipilit pa rin niya na pasukin ang kuwarto ng kaniyang yumaong ama.Makalipas ang ilang minuto ay nahawakan na rin niya ang doorknob ng pintuan ng kuwarto ni Don Alejandro. Kung tutuosin ay mabilis niya lamang sana na mapapasok iyon ngunit hindi niya mawari kung bakit hirap na hirap siya.“I’m home, dad! Nakabalik na ako dito sa bahay at nandito ako sa kuwarto mo ngayon. Naaalala ko pa noong bata pa ako… palagi mo akong pinagbabawalan na pumasok dito.

  • Beneath His Protection   Chapter 5: Dangerous Truths

    "What do you mean murdered?"Natigilan si Adriana matapos marinig ang tinuran ni Enzo. Hindi niya niya binalak pa na maglakad palayo. Bagkus ay unti-unti siyang lumingon kay Enzo. Nanatili namang mahigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang braso."W-what did you just say?" tanong ni Adriana. Bakas s

  • Beneath His Protection   Chapter 4: The Other Son

    “Enzo, tama ba ang narinig ko? Tinawag niyang papa si dad,” pag-uulit ni Adriana. “Sino ang lalaking ‘yan? Kapatid ko ba ‘yan?” Nangibabaw ang katahimikan sa paligid matapos itanong iyon ni Adriana. Ang iilang tao sa loob ng memorial chapel ay nakatingin lamang sa kanila na animo’y naghihintay sa

  • Beneath His Protection   Chapter 3: The Funeral

    “Are you ready to see your dad? Kasi kung ready ka na, tara na!”Hindi kaagad nakasagot si Adriana. Noong sandaling iyon ay pakiramdam niya ay bumigat ang kaniyang mga paa. Handa na nga ba siya?Paano ba maghahanda ang isang tao para makita ang ama niyang wala nang buhay?Mariing napalunok ang dala

  • Beneath His Protection   Chapter 2: The Homecoming

    The next few hours passed in a blur. Adriana could barely remember how she managed to pack her belongings or book the earliest flight back to the Philippines.Noong mga sandaling iyon ay iba ang pakiramdam ni Adriana. Pakiramdam niya ay para siyang nakakulong sa loob ng isang bangungot na kahit ano

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status