تسجيل الدخول“Are you ready to see your dad? Kasi kung ready ka na, tara na!”
Hindi kaagad nakasagot si Adriana. Noong sandaling iyon ay pakiramdam niya ay bumigat ang kaniyang mga paa. Handa na nga ba siya? Paano ba maghahanda ang isang tao para makita ang ama niyang wala nang buhay? Mariing napalunok ang dalaga bago pilit na tumango. “Let's go.” Binuksan na ni Enzo ang pinto ng sasakyan para sa kaniya. Walang kaimik-imik na sumakay si Adriana sa passenger seat habang si Yaya Jona naman ay sumama sa sasakyan ng Trio. Hindi nagtagal ay umandar na rin ang Bugatti na minamaneho ni Enzo. Habang nasa biyahe ay katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan Tanging tunog lamang ng makina at ng mga sasakyang dumaraan ang maririnig. Noong sandaling iyon ay nakatanaw lamang si Adriana sa bintana. Pinapanood niya ang kanilang nadaraanan na bago sa kaniyang paningin. “May gusto ka bang sabihin sa akin?” wika ni Adriana habang nakasandal sa passenger’s seat ngunit ang tingin ay nakabaling pa rin sa may bintana. Sandali siyang nilingon ni Enzo bago nito muling itutok ang tingin sa daan. “Anong ibig mong sabihin, Miss Adriana? Wala naman akong maalala na kailangan kong sabihin sa ‘yo.” “¡No te hagas el tonto conmigo, Lorenzo! (Don’t play dumb with me, Lorenzo!) Noong nasa Madrid pa ako, may sinabi ka tungkol sa pagkawala ni daddy. Iyong sinasabi mong hindi aksidente ang pagkamatay niya. Ano bang ibig mong sabihin doon? Baka puwede mong sabihin sa akin dahil karapatan ko rin namang malaman ang totoong nangyari sa kaniya.” Nawala ang bahagyang ngiti sa labi ni Enzo. Naging seryoso ang ekspresyong mabilis na bumakas sa mukha nito. “Hindi pa ito ang tamang oras para pag-usapan iyon.” “Bakit hindi? Lorenzo, anak ako ng daddy ko. More than you, ako ang mas may karapatan sa kaniya kaya puwede ba… kung may nalalaman ka ay sabihin mo na sa akin.” Matalim ang tingin na nilingon ni Adriana si Enzo. Hinawakan niya ang braso nito ng napakahigpit. “Stop it, Miss Adriana! Baka maaksidente tayo sa ginagawa mo,” pag-aawat ni Enzo habang ang tingin ay diretso pa rin sa daan. “Hindi mo puwedeng idaan sa dahas ang lahat ng bagay. Kung sa daddy mo ay puwede ang ganiyan, ibahin mo sa akin. Hindi puwede sa akin ‘yan!” “¡No puedo creer esto! (I can’t believe this!)” iritableng tinanggal ni Adriana ang mga kamay niya mula sa pagkakapit sa braso ni Enzo saka muling naupo ng padabog. “Tengo derecho a saber la verdadera razón de su muerte, pero ¿por qué no quieren decirme la verdad? (May karapatan akong malaman ang totoong dahilan ng kanyang pagkamatay, pero bakit ayaw nilang sabihin sa akin ang katotohanan?)” “Minimal spanish word lang ang naiintindihan ko kaya puwedeng huwag kang magsalita ng ganiyan, Miss Adriana?! Baka mamaya ay minumura mo na pala ako hindi ko pa alam!” giit ni Enzo. Nag-ikot naman ng mata si Adriana dahil sa inis. “¡Te odio, Lorenzo! (I hate you, Lorenzo!) You sent me a message saying hindi aksidente ang pagkamatay ni dad. Tapos noong hiningian kita ng explanation tungkol sa sinabi mo, hindi ka naman makapagbigay. Niloloko mo ba ako? Or worst, ginag*go mo ba ako?” “It’s not what you think, Miss Adriana!” mabilis na tugon ni Enzo. “Ano bang tinatago mo sa akin? Ano bang alam mo na hindi mo kayang sabihin sa akin kasi hindi ko makuha ‘yong logic kung bakit hindi mo magawang magpaliwanag sa akin!” Hindi kaagad nakasagot si Enzo. Mahigpit lamang nitong hinawakan ang manibela. “Alam mo, Miss Adriana… may mga bagay na mas mabuting marinig mo sa tamang lugar.” “Saan ba ang tamang lugar na sinasabi mo? Dalawa lang naman tayo dito. Hindi pa ba ito tamang lugar para sa ‘yo?” nakataas ang isang kilay na tanong ni Adriana. Naka-krus pa nga ang magkabilang braso niya habang nakatingin kay Enzo. “Huwag kang mainip, Miss Adriana! Nakalatag ang lahat sa plano. Ang mahalaga at ang pinaka importante ngayon ay makita mo ang daddy mo. Tiyak na kung nasaan man siya ngayon, matutuwa ‘yon dahil sa wakas ay umuwi ka para sa kaniya!” Hindi na umimik pa si Adriana. Malalim siyang nagbuntong hininga tsaka sumandal at naupo ng maayos. Makalipas ang halos tatlumpung minuto ay tuluyan nang pumasok ang sasakyang minamaneho ni Enzo sa isang malawak na compound. Agad na nanlaki ang mga mata ni Adriana nang mag-park ang lalaki sa pagitan ng magkabilang gilid ng mga mamahaling sasakyan. “Nandito na tayo,” ani Enzo. Nang mamatay ang makina ng sasakyan ay bumaba na ito. Pinagbuksan rin niya ng pinto si Adriana at inalalayan pa itong bumaba. Pagbaba ng dalaga, mga armadong lalaking naka-suit ang sumalubong sa kanila. Ang mga ito ay sumasaludo sa kaniya na para bang mga bumabati sa kaniyang pagdating habang sa ‘di kalayuan ay may iilang mga reporters na hindi makalapit dahil hinaharangan ng mga security sa lugar. “Ang daming tao...” bulong niya. Mahina lamang ang pagkakasabi niya ngunit narinig pa rin iyon ni Enzo at sinagot. “Malaking tao ang daddy mo. Malawak ang scope niya kaya dapat ay expected mo nang maraming makikiramay sa kaniya. Isa pa, mabuti siyang tao. Mabuti siyang ama at alam mo ‘yan ‘di ba?! Sinuportahan ka nga niya kahit na pinili mong hindi siya tulungan kahit nagka-crisis ang kumpanya niyo noon.” “We both know na hindi na ako kinailangan ni dad dahil nandiyan ka naman. Ikaw ang pumunan sa pagkukulang na ako dapat ang gumagawa kaya nga itinuring ka niyang tunay na anak kaysa sa akin.” “Siguro nga anak ang turing niya sa akin pero ano’ng laban ko sa iyo? Tunay ka niyang kadugo habang ako ay ampon lamang pero hindi na ‘yon importante ngayon. Ang mahalaga ay pumasok na tayo sa loob. Masyado na tayong pinagpi-piyestahan ng mga press.” Walang ano-ano, hinawakan ni Enzo ang kamay ni Adriana. Nanlaki pa ang mga mata ng dalaga nang hilahin ito ng binata papasok sa malaking memorial chapel. “Required bang holding hands kapag pumasok sa memorial chapel?” seryosong tanong ni Adriana. Nilingon niya si Enzo at nakita niyang tumatawa ito. Matapos ang ilang hakbang ay narating na nila ang bungad ng memorial chapel. “Okay ka lang?” tanong ni Enzo nang makitang napahawak si Adriana sa kaniyang dibdib. “Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa isip ko na wala na si daddy. Hanggang ngayon ay kinukumbinsi ko pa rin ang sarili ko na isang panaginip lamang ang lahat. Na isang malaking prank lang ito. Mula sa kabaong na ‘yon ay babangon siya at hihingi ng paumanhin sa akin dahil kinailangan pa niyang mag-effort na palabasin na namatay siya para lang umuwi ako.”” Lumunok si Enzo. Binasa niya ang ibabang bahagi ng labi niya bago tumugon. “Tara! Silipin natin siya.” Tumango si Adriana saka nagsimulang maglakad patungo sa harap ng memorial chapel. Habang papalapit siya sa kabaong na nakapuwesto doon ay bumibigat ang mga paa niya hanggang sa hindi na niya kayang humakbang pa. Hinawakan lamang ni Enzo ang braso niya’t inalalayan siya hanggang sa tuluyan na siyang makalapit. “Magandang araw po, Don Alejandro. Nagawa ko na po ang pangako ko sa inyo. Narito na po si Adriana. Narito na po ang inyong anak,” wika ni Enzo. Humawak siya sa kabaong at tumingin sa bangkay na nakaratay doon bago lingonin si Adriana. “Naniniwala ka na bang wala na siya?” “Ang bigat ng dibdib ko! Para akong hihimatayin. Lorenzo, iupo mo muna ako! Hindi ko kayang tumayo ng matagal dito.” Agad na tumango si Enzo. Hinawakan niya ang magkabilang braso ni Adriana at inalalayan ito paupo sa pinakamalapit na upuan ngunit bago pa man sila makaupo ay isang lalaki ang lumapit at biglang nagsalita. “Sino naman ‘yan, Enzo?! Girlfriend mo ba ‘yan?” turan ng lalaki. “Memorial chapel ito at hindi park kaya kung gusto mong makipag-date ay huwag ka dito. Irespeto mo ang burol ni papa.” “Papa?” napasalubong ang magkabilang kilay ni Adriana dahil sa narinig. Tumingin rin siya kay Enzo nang may pagtataka. “Bakit niya tinawag na papa si dad? Sino siya? Anak rin ba siya ni dad? Kapatid ko ba siya?”“Enzo, tama ba ang narinig ko? Tinawag niyang papa si dad,” pag-uulit ni Adriana. “Sino ang lalaking ‘yan? Kapatid ko ba ‘yan?” Nangibabaw ang katahimikan sa paligid matapos itanong iyon ni Adriana. Ang iilang tao sa loob ng memorial chapel ay nakatingin lamang sa kanila na animo’y naghihintay sa isang magandang palabas. Dahil sa katahimikan ay mas lalong umigting ang kutob ng dalaga. Pakiramdam niya ay lalong nanikip ang dibdib niya.“Lorenzo...” mariin niyang tawag. “Sumagot ka. Aminin mo sa akin ang totoo. Sino ang lalaking ‘yan at bakit niya tinawag na papa si dad?”Napabuntong-hininga si Enzo. Pagkatapos ay dahan-dahan itong tumango. “Oo… kapatid mo siya, Miss Adriana. Anak din siya ng daddy mo.”Dahil sa narinig ay napaupo na si Adriana. Nakatingin siya sa lalaki habang nakahawak sa kaniyang dibdib. “I didn’t know that I had a brother! No one dares to tell me that I have a f*cking brother!”“Kapatid mo siya, Miss Adriana. Baby brother mo siya,” ani Enzo habang kinakapa ang sit
“Are you ready to see your dad? Kasi kung ready ka na, tara na!”Hindi kaagad nakasagot si Adriana. Noong sandaling iyon ay pakiramdam niya ay bumigat ang kaniyang mga paa. Handa na nga ba siya?Paano ba maghahanda ang isang tao para makita ang ama niyang wala nang buhay?Mariing napalunok ang dalaga bago pilit na tumango. “Let's go.”Binuksan na ni Enzo ang pinto ng sasakyan para sa kaniya. Walang kaimik-imik na sumakay si Adriana sa passenger seat habang si Yaya Jona naman ay sumama sa sasakyan ng Trio. Hindi nagtagal ay umandar na rin ang Bugatti na minamaneho ni Enzo.Habang nasa biyahe ay katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan Tanging tunog lamang ng makina at ng mga sasakyang dumaraan ang maririnig.Noong sandaling iyon ay nakatanaw lamang si Adriana sa bintana. Pinapanood niya ang kanilang nadaraanan na bago sa kaniyang paningin. “May gusto ka bang sabihin sa akin?” wika ni Adriana habang nakasandal sa passenger’s seat ngunit ang tingin ay nakabaling pa rin sa may bintana
The next few hours passed in a blur. Adriana could barely remember how she managed to pack her belongings or book the earliest flight back to the Philippines.Noong mga sandaling iyon ay iba ang pakiramdam ni Adriana. Pakiramdam niya ay para siyang nakakulong sa loob ng isang bangungot na kahit ano pang gawin niya ay hindi siya magising-gising.“Mula nang malaman mo na wala na ang daddy mo ay hindi ka pa kumakain, señorita. Sa ginagawa mo ay baka ikaw naman ang magkasakit,” ani Yaya Jona. Ang dalawa ay kasalukuyang nakaupo sa first-class cabin. “Kung nandito lang sana ang daddy mo, tiyak na magagalit ‘yon sa ginagawa mo sa sarili mo. Hindi ‘yon matutuwa na ginugutom ng kaniyang unica hija ang sarili niya.”Mula sa pagkakatulala sa bintana ng eroplano ay nilingon ni Adriana si Yaya Jona. Malalim siyang nagbuntong hininga bago ito tingnan ng matalim. “Are you thinking, yaya? Kung buhay si dad, wala tayo dito. Hindi tayo sasakay sa eroplanong ito para lang makita siya.”Napakagat labi
["I know you're living your best life in Spain, Miss Adriana, but you need to come back to the Philippines."] Adriana Ferrer frowned as she pressed the phone against her ear. Noong sandaling matanggap nito ang naturang tawag ay katatapos lamang nitong mag-shower at kasalukuyan itong nakatayo sa harap ng bathroom mirror ng kaniyang luxury villa na matatagpuan sa Madrid. Bago tuluyang sumagot ay makailang beses pang tinitigan at pinag-isipan ni Adriana kung sasagutin ba niya iyon sapagkat mula naman ang tawag sa isang unknown caller. Isa sa pinaka-ayaw nito ay nai-invade ang peace niya lalo na kung alanganing oras na ngunit matapos niyang mapagtanto na tila hindi sumusuko ang naturang caller ay napilitan na siyang sumagot. "Who is this?" she asked impatiently. Sandaling binalot ng katahimikan ang magkabilang linya hanggang sa um-echo sa tainga ni Adriana ang isang pamilyar na boses. “Enzo?” tanong ni Adriana habang nakakunot ang magkabilang kilay. Pilit nitong kinilala







