تسجيل الدخول
["I know you're living your best life in Spain, Miss Adriana, but you need to come back to the Philippines."]
Adriana Ferrer frowned as she pressed the phone against her ear. Noong sandaling matanggap nito ang naturang tawag ay katatapos lamang nitong mag-shower at kasalukuyan itong nakatayo sa harap ng bathroom mirror ng kaniyang luxury villa na matatagpuan sa Madrid. Bago tuluyang sumagot ay makailang beses pang tinitigan at pinag-isipan ni Adriana kung sasagutin ba niya iyon sapagkat mula naman ang tawag sa isang unknown caller. Isa sa pinaka-ayaw nito ay nai-invade ang peace niya lalo na kung alanganing oras na ngunit matapos niyang mapagtanto na tila hindi sumusuko ang naturang caller ay napilitan na siyang sumagot. "Who is this?" she asked impatiently. Sandaling binalot ng katahimikan ang magkabilang linya hanggang sa um-echo sa tainga ni Adriana ang isang pamilyar na boses. “Enzo?” tanong ni Adriana habang nakakunot ang magkabilang kilay. Pilit nitong kinilala ang boses ng lalaking nasa kabilang linya. May kung ano sa kaniyang nagkumpirmang pag-aari nga iyon ni Lorenzo Reyes, ang pinaka pinagkakatiwalaang lalaki ng kaniyang ama. [“Miss Adriana, I’m glad you remembered me. Kanina ko pa po kayo tinatawagan pero hindi po kayo sumasagot.”] “What do you expect? Do you have a watch? Do you know what time it is?” masungit na tanong ni Adriana. Of all people, Enzo was the last person she expected to call her. Especially at this hour. "What do you want?" Bakas sa boses nito ang pagkairita. Hindi nito gusto ang lalaki dahil unang-una, si Enzo ang paborito ng kaniyang ama kahit pa hindi naman ito tunay na anak ni Don Alejandro Ferrer. ["Miss Adriana..."] Napalunok si Adriana nang muling marinig ang boses ni Enzo sa kabilang linya. His voice sounded strange and heavy. Almost hesitant and for some reason, the sound immediately made her uneasy. "What happened?" tanong ni Adriana. Mariin niyang hinawakan ang cellphone niya nang katahimikan ang isinagot sa kaniya ni Enzo. “What the hell is wrong with you? You don’t want to answer… then fine! Stop messing with me. Magsama kayo ni dad…” Sa init ng ulo ay gusto nang ibaba ni Adriana ang tawag ngunit may kung ano sa kaniya na pumipigil na gawin iyon. Hanggang sa ilang sandali pa, nagsalita na si Enzo. ["You need to come home."] Inikot ni Adriana ang mga mata niya. "Seriously? Is that why you've been calling me nonstop?" ["Miss Adriana—"] "If this is another one of my father's attempts to drag me back into the company, tell him to stop." Naglakad ito palabas ng banyo at nagtungo sa kwarto. "I already told him I have no interest in running Ferrer Group." [“Hindi ang kumpanya niyo ang dahilan kaya ako napatawag, Miss Adriana. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa iyo ang masamang balita.” “What are you trying to say, Lorenzo? Anong masamang balita ang pinagsasabi mo?” “I’m sorry, Miss Adriana! Your father is dead, so whether you like it or not… you have to go back to the Philippines. Your father needs you.”] Noong sandaling iyon ay walang ibang marinig si Adriana kung hindi ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Pilit niyang inabot ang swivel chair at naupo doon. “No! Stop messing with me, Lorenzo. No es un buen chiste lo que estás diciendo (Hindi magandang biro ang sinasabi mo). Eres un mentiroso (Sinungaling ka)!” [“Totoo ang sinasabi ko. Bakit naman ako magsisinungaling?”] “Imposible ang sinasabi mo dahil kausap ko pa siya noong isang araw. Okay naman siya noong kausap ko siya. Pinapauwi pa nga niya ako ng Pilipinas at pinapagalitan na sinasayang ko ang buhay ko imbis na tumulong sa kumpanya. Ikinukumpara pa nga niya ako sa iyo, so no… hindi ako maniniwala sa ‘yo. Hindi pa siya patay. Nasa’n ba siya? Gusto ko siyang makausap.” [“Sorry, Miss Adriana, pero hindi ko na magagawa ‘yon. Hindi mo na makakausap si Don Alejandro dahil wala na siya. Natagpuan siyang wala ng buhay kaninang umaga.”] Nagsimula ng manginig ang kamay ni Adriana kaya mas mahigpit niyang hinawakan ang cellphone niya. “No! You’re lying. Dad isn’t dead! He can’t be…” [I’m sorry—”] "Stop it. Stop playing with me!" ["Miss Adriana—"] "STOP IT!" Her voice cracked. For the first time in years, fear gripped her heart and that is a real fear and not the kind she felt when making bad decisions. Not the kind she felt before an exam. This was different. This felt like the ground beneath her feet had suddenly disappeared. Tears blurred her vision. "No..." she shook her head repeatedly. "No, no, no..." Maka-ilang beses iginiit ni Adriana sa kaniyang sarili ang masamang balita tungkol sa kaniyang ama ngunit kahit ilang beses niya pang itanggi iyon ay hindi na magbabago pa ang katotohanan na wala na ang kaniyang ama. Makalipas ang tatlong oras… “Uminom ka muna ng tubig, señorita. Baka ma-dehydrate ka na kasi kanina ka pa umiiyak diyan.” Dahan-dahang inilapag ni Yaya Jona ang isang baso ng tubig sa coffee table tsaka marahang naupo hindi kalayuan sa kaniyang alaga. Ang naturang kasambahay ang inatasan ni Don Alejandro na personal na tumutok at mag-alaga sa kaniyang anak. Si Jona rin lamang ang kaisa-isang nagtiyaga sa ugaling mayroon si Adriana. “¡Estoy bien, así que déjame en paz! (I’m fine, so leave me alone!)” “Hindi kita puwedeng iwan, señorita. Alam mo ‘yan dahil ibinilin ka sa akin ng daddy mo. Gusto niyang tutukan kita at alagaan ng mabuti kaya iyon ang ginagawa ko.” Lumunok si Yaya Jona bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. “Nakikiramay ako sa pagkawala ng daddy mo.” "I have no time to argue with you, yaya! So please, leave me alone!" "Alam kong masakit para sa 'yo ang pagkawala niya dahil kahit hindi kayo okay ay ama mo pa rin siya kaya naiintindihan ko kung saan ka nanggagaling. Iiyak mo lang 'yan." Hindi umimik si Adriana. Nakatitig lamang siya sa lumang litrato nilang mag-ama sa picture frame na nakapatong sa ibabaw ng antique cabinet na salamin ang pinto. Inaalala niya ang mga sandaling kasama niya ang ama kahit pa karamihan sa mga iyon ay hindi sila magkasundo." “Nakakalungkot ‘no?! Hindi mo man lang nakasama ang ama mo sa mga huling sandali niya,” patuloy ni Yaya Jona. "Sana binigyan man lang kayo ng pagkakataon na makapag-bonding para may magandang alaala siyang binaon noong nawala siya." Sinamaan siya ng tingin ni Adriana bago nito kunin ang cellphone niya sa ibabaw ng coffee table. “I still can’t believe that he’s gone!” malumanay na wika nito. Sinubukan ni Adriana na tawagan ang numero ng kaniyang ama. Nagri-ring pa iyon ngunit wala na talagang sumasagot. Iyon ang pinakamasakit. Para iyong kutsilyong sumasaksak sa dibdib ng dalaga. Makalipas ang ilan pang sandali, nag-vibrate ang cellphone niya. Isang mensahe mula kay Enzo ang lumabas sa screen at dali-dali niya itong binuksan. Habang binabasa ang mensahe, nagtaka siya dahil imbis na flight details o funeral arrangement ang kaniyang matanggap ay iba ito sa kaniyang inaasahan. “Ayos ka lang, señorita? S-sino ba ‘yang nag-message sa ‘yo at parang nasira ang mukha mo? Anong sabi? M-may problema ba? Sa Pilipinas ba ‘yan?” sunod-sunod na tanong ni Yaya Jona. “Sumagot ka naman kasi kinakabahan ako sa ‘yo.” “It’s from Enzo, Yaya Jona…” malumanay ang boses na sagot ni Adriana. Lumunok siya at malalim na nagbuntong hininga bago muling nagpatuloy. “According to him, there is something that my father should have told me years ago. I don’t know if it’s a secret that he kept from me.” “Ano kaya ‘yon ‘no?!” Tumingin sa kawalan si Adriana. Napapaisip na siya kung ano nga kaya iyong dapat niyang malaman nang biglang mag-message muli si Enzo at nanlaki ang mga mata niya nang mabasa iyon. [“Your father's death was not an accident...]“Enzo, tama ba ang narinig ko? Tinawag niyang papa si dad,” pag-uulit ni Adriana. “Sino ang lalaking ‘yan? Kapatid ko ba ‘yan?” Nangibabaw ang katahimikan sa paligid matapos itanong iyon ni Adriana. Ang iilang tao sa loob ng memorial chapel ay nakatingin lamang sa kanila na animo’y naghihintay sa isang magandang palabas. Dahil sa katahimikan ay mas lalong umigting ang kutob ng dalaga. Pakiramdam niya ay lalong nanikip ang dibdib niya.“Lorenzo...” mariin niyang tawag. “Sumagot ka. Aminin mo sa akin ang totoo. Sino ang lalaking ‘yan at bakit niya tinawag na papa si dad?”Napabuntong-hininga si Enzo. Pagkatapos ay dahan-dahan itong tumango. “Oo… kapatid mo siya, Miss Adriana. Anak din siya ng daddy mo.”Dahil sa narinig ay napaupo na si Adriana. Nakatingin siya sa lalaki habang nakahawak sa kaniyang dibdib. “I didn’t know that I had a brother! No one dares to tell me that I have a f*cking brother!”“Kapatid mo siya, Miss Adriana. Baby brother mo siya,” ani Enzo habang kinakapa ang sit
“Are you ready to see your dad? Kasi kung ready ka na, tara na!”Hindi kaagad nakasagot si Adriana. Noong sandaling iyon ay pakiramdam niya ay bumigat ang kaniyang mga paa. Handa na nga ba siya?Paano ba maghahanda ang isang tao para makita ang ama niyang wala nang buhay?Mariing napalunok ang dalaga bago pilit na tumango. “Let's go.”Binuksan na ni Enzo ang pinto ng sasakyan para sa kaniya. Walang kaimik-imik na sumakay si Adriana sa passenger seat habang si Yaya Jona naman ay sumama sa sasakyan ng Trio. Hindi nagtagal ay umandar na rin ang Bugatti na minamaneho ni Enzo.Habang nasa biyahe ay katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan Tanging tunog lamang ng makina at ng mga sasakyang dumaraan ang maririnig.Noong sandaling iyon ay nakatanaw lamang si Adriana sa bintana. Pinapanood niya ang kanilang nadaraanan na bago sa kaniyang paningin. “May gusto ka bang sabihin sa akin?” wika ni Adriana habang nakasandal sa passenger’s seat ngunit ang tingin ay nakabaling pa rin sa may bintana
The next few hours passed in a blur. Adriana could barely remember how she managed to pack her belongings or book the earliest flight back to the Philippines.Noong mga sandaling iyon ay iba ang pakiramdam ni Adriana. Pakiramdam niya ay para siyang nakakulong sa loob ng isang bangungot na kahit ano pang gawin niya ay hindi siya magising-gising.“Mula nang malaman mo na wala na ang daddy mo ay hindi ka pa kumakain, señorita. Sa ginagawa mo ay baka ikaw naman ang magkasakit,” ani Yaya Jona. Ang dalawa ay kasalukuyang nakaupo sa first-class cabin. “Kung nandito lang sana ang daddy mo, tiyak na magagalit ‘yon sa ginagawa mo sa sarili mo. Hindi ‘yon matutuwa na ginugutom ng kaniyang unica hija ang sarili niya.”Mula sa pagkakatulala sa bintana ng eroplano ay nilingon ni Adriana si Yaya Jona. Malalim siyang nagbuntong hininga bago ito tingnan ng matalim. “Are you thinking, yaya? Kung buhay si dad, wala tayo dito. Hindi tayo sasakay sa eroplanong ito para lang makita siya.”Napakagat labi
["I know you're living your best life in Spain, Miss Adriana, but you need to come back to the Philippines."] Adriana Ferrer frowned as she pressed the phone against her ear. Noong sandaling matanggap nito ang naturang tawag ay katatapos lamang nitong mag-shower at kasalukuyan itong nakatayo sa harap ng bathroom mirror ng kaniyang luxury villa na matatagpuan sa Madrid. Bago tuluyang sumagot ay makailang beses pang tinitigan at pinag-isipan ni Adriana kung sasagutin ba niya iyon sapagkat mula naman ang tawag sa isang unknown caller. Isa sa pinaka-ayaw nito ay nai-invade ang peace niya lalo na kung alanganing oras na ngunit matapos niyang mapagtanto na tila hindi sumusuko ang naturang caller ay napilitan na siyang sumagot. "Who is this?" she asked impatiently. Sandaling binalot ng katahimikan ang magkabilang linya hanggang sa um-echo sa tainga ni Adriana ang isang pamilyar na boses. “Enzo?” tanong ni Adriana habang nakakunot ang magkabilang kilay. Pilit nitong kinilala







