بيت / Romance / Beneath His Protection / Chapter 2: The Homecoming

مشاركة

Chapter 2: The Homecoming

مؤلف: Lilianna Jade
last update تاريخ النشر: 2026-06-14 19:27:04

The next few hours passed in a blur. Adriana could barely remember how she managed to pack her belongings or book the earliest flight back to the Philippines.

Noong mga sandaling iyon ay iba ang pakiramdam ni Adriana. Pakiramdam niya ay para siyang nakakulong sa loob ng isang bangungot na kahit ano pang gawin niya ay hindi siya magising-gising.

“Mula nang malaman mo na wala na ang daddy mo ay hindi ka pa kumakain, señorita. Sa ginagawa mo ay baka ikaw naman ang magkasakit,” ani Yaya Jona.

Ang dalawa ay kasalukuyang nakaupo sa first-class cabin.

“Kung nandito lang sana ang daddy mo, tiyak na magagalit ‘yon sa ginagawa mo sa sarili mo. Hindi ‘yon matutuwa na ginugutom ng kaniyang unica hija ang sarili niya.”

Mula sa pagkakatulala sa bintana ng eroplano ay nilingon ni Adriana si Yaya Jona. Malalim siyang nagbuntong hininga bago ito tingnan ng matalim. “Are you thinking, yaya? Kung buhay si dad, wala tayo dito. Hindi tayo sasakay sa eroplanong ito para lang makita siya.”

Napakagat labi si Jona dahil sa naging reaksyon ng alaga niya. “Huwag kang sumigaw, señorita. Nakakahiya sa ibang mga pasahero. Tingnan mo oh! Pinagtitinginan na nila tayo.”

Isa-isang tinapunan ni Adriana ng tingin ang mga taong nasa paligid nila tsaka isa-isa itong sinikmak. “Oh ano’ng tinitingin-tingin niyo riyan? Ngayon lang ba kayo nakakita ng magandang nagsisisigaw sa first-class? Ang tatanda niyo na, mga chismoso at chismosa pa kayo.”

Labis na kahihiyan ang naramdaman ni Yaya Jona noong sandaling iyon kaya mahigpit niyang hinawakan ang braso ni Adriana at muli itong pinabalik sa upuan nito.

“Ano ba, yaya… bakit mo ako pinipigilan? Gusto mo bang sa iyo ko ibuhos ang init ng ulo ko sa mga taong ‘yan?” magkasalubong ang magkabilang kilay na tanong ni Adriana. Puwersahan pa niyang tinanggal ang braso niya mula sa mahigpit na kapit ni Jona. “Kung puwede lang… kanina ko pa pinagsasampal ang mga ‘yan! Masyadong mga chismoso at chismosa! Ano bang tinitingin-tingin nila? May show ba ako para tingnan nila ako?!”

Napakamot sa ulo si Jona. “Hayaan mo na lang sila. Maupo ka na lang diyan at huminga ng malalim. Huwag masyadong mainit ang ulo mo. Sige ka imbis na sa burol ng daddy mo tayo dumiretso, sa derma clinic na dahil maglalabasan ang wrinkles mo sa mukha. Hindi mo naman siguro gustong humarap ng pangit sa mga taong kakilala ng daddy mo!”

“Whatever!” inis na wika ni Adriana sabay ikot ng mga mata niya. “Sana hinintay ko na lang ang private jet ng Ferrer group. Eh ‘di sana hindi ako nai-stress sa mga taong ‘to. Mga buwisit.”

“Uminom ka na muna ng tubig para kumalma ka! Huwag mong ibuhos ang init ng ulo mo sa mga taong walang ginagawa sa ‘yo.”

“Huwag mo nga silang i-defend, yaya! Pamilya ko ang nagpapa-sweldo sa ‘yo kaya dapat sa akin ang loyalty mo!”

“Kilala mo ako, señorita! Hindi ako ganiyang klase ng tao kaya kapag mali ka, hindi ako para kampihan ka. Itatama kita kaya tama na, please! Ipahinga mo na muna ang isip mo. Gigisingin na lang kita kapag nag-take off na tayo.”

Nagbuntong-hininga si Adriana bago muling isinandal ang likod sa kaniyang upuan. Hindi na siya sumagot pa hindi dahil wala siyang sasabihin kung hindi dahil alam niyang tama si Yaya Jona. Alam niya na sa kabila ng kaniyang inis at galit, wala naman talagang kasalanan ang mga taong nakatingin sa kanila.

Itinutok na lamang ng dalaga ang kaniyang tingin sa bintana ng eroplano. Tahimik na ang paligid noong sandaling iyon habang ang natatanaw niya mula sa labas ay kadiliman at para bang kasingsikip ng dibdib niya ang kalangitan noong gabing iyon.

Makalipas ang ilang oras…

"Ladies and gentlemen, we are now preparing for takeoff. Please fasten your seatbelts and make sure your seats are in their upright position. Thank you."

Matapos marinig ang boses ng piloto mula sa intercom ay isa-isa ng nag-seatbelt ang mga pasahero. Ganoon din si Adriana at si Yaya Jona.

“Hay! Buti naman at nasa pilipinas na tayo. Sa haba ng biyahe ay sumakit na ang puwit at likod ko.”

Ang birong iyon ni Yaya Jona ay hindi pinansin ni Adriana. Bagkus, inuna niyang tingnan ang kaniyang sarili sa salamin upang makasigurong hindi siya haggard na bababa sa eroplano.

Makalipas ang halos labing-anim na oras ay lumapag na ang eroplano na sinasakyan nila sa Ninoy Aquino International Airport. Pagkabukas pa lamang ng pinto ay agad na bumungad sa kanila ang mainit na hangin ng Pilipinas.

"Welcome home, señorita," nakangiting bati ni Yaya Jona sa alaga niya.

Hindi umimik si Adriana. Tinarayan lamang niya ang kaniyang yaya.

Bitbit ang kaniyang mamahaling handbag, dahan-dahang bumaba ang dalaga sa hagdan ng eroplano habang kasunod naman ang kaniyang tagapag-alaga.

Pagbaba nila, agad na natigilan ang unica hija ng mga Ferrer matapos pumukaw sa kaniyang atensyon ang tatlong makisig na lalaking matalim at diretso ang tingin sa kanila. Napansin din iyon ni Yaya Jona kaya agad siyang nagtanong.

“Señorita, parang masama ang tingin sa iyo noong mga lalaki doon,” ani Yaya Jona. Itinuro pa nito ang kinaroroonan ng naturang tatlong lalaki. “Kilala mo ba sila?”

“I don’t know them! Let me call Lorenzo to clear things out. Baka mamaya, masasamang loob ang mga ‘yon kaya mas mabuting dito muna tayo at huwag masyadong lalayo just in case.”

Agad na tinawagan ni Adriana ang numero ng cellphone ni Enzo. Agad naman itong sumagot makatapos ang ilang ring.

[“I’m pretty sure na nasa Pilipinas ka na, Miss Adriana. I’ll be there in a minute. Huwag kayong aalis sa airport ha? Susunduin ko kayo.”]

“Bilisan mo! I think someone’s spying on us. Kanina ko pa nararamdaman na parang may gustong gumawa ng masama sa akin. Ito nga oh… nakikita ko sila mula sa direksyon kung nasaan ako at sa tingin ko, nakikita din nila ako.”

[“Don’t move! Wait for me…”]

Naputol na ang naturang tawag. Gaya ng utos ni Enzo, nanatili sa kanilang kinaroroonan sina Adriana at Yaya Jona. Hinintay nila si Enzo.

Makalipas ang ilang minuto, isang mamahaling sasakyan ang pumarada sa harap ng dalawa. Isa iyong bugatti chiron na tanging mayayamang tao lang ang may kakayahang makabili. Paghinto ng naturang sasakyan ay lumabas na rin ang nagmamaneho nito.

“Ang guwapo naman no’n!” bulalas ni Yaya Jona matapos mapatulala sa lalaking lumabas mula sa magarang sasakyan na nakaparada sa kanilang harapan. “Sino kaya ang susunduin niya dito sa airport!”

Mataray na inikot ni Adriana ang mga mata niya saka kinontra ang tinuran ni Jona. “Yuck, yaya! You’re too old para kiligin sa mga gwapong mas bata sa ‘yo. Mahiya ka nga. Ang edad yata niyan ay dapat doble bago maging kasing edad mo.”

“Pasmado talaga ang bibig mong bata ka! Pasalamat ka—” natigil sa pagsasalita si Yaya Jona nang ang guwapong lalaking pinag-uusapan nila ay tumindig sa harap ni Adriana. Kapwa sila nagkatitigan.

"Welcome back to the Philippines, Miss Adriana,” wika nito sabay lahad ng kamay sa babae.

“Señorita… m-magkakilala kayo? W-wait… iisa lang ang tumatawag sa ‘yo ng gano’n. Don’t t-tell me si Lorenzo ‘yan?!” ang tingin ni Yaya Jona ay binaling niya sa guwapong si Lorenzo. “I-ikaw nga si Lorenzo?!”

Nakangiting tumango si Enzo. “Enzo na lang po, Yaya Jona. Masyado naman po kasing formal ang Lorenzo.”

“Hindi kita nakilala. Ang guwapo mo na. Tsaka ang ganda ng kotse mo. Ang mahal siguro niyan ‘no!”

Ngumisi si Enzo bago tumugon. “Nako, hindi naman po. Regalo po ‘yan sa akin ni Don Alejandro. Balak ko lang sanang itambak ‘yan sa bahay pero ang sabi niya ay gamitin ko kaya ‘yan… ginamit ko pang-sundo sa anak niya.”

“Tama naman si Don Alejandro. Binili ‘yan para gamitin. Hindi para itambak,” nakangiting pagsang-ayon ni Jona.

“Ehem,”

Nang tumikhim si Adriana ay agad siyang nilingon ng dalawa. Nag-ikot naman siya ng mata dito.

“You’re talking as if I didn’t exist ‘no?! Baka naman puwedeng imbis magdaldalan kayo, puntahan na natin ang daddy ko. Gusto ko na siyang makita kaya puwede bang dalhin mo na ako sa kaniya, Lorenzo?” mataray na hiling ni Adriana. “Makakapaghintay naman siguro ‘yang chismisan niyo!”

“Sorry po, Miss Adriana! Anyways, Yaya Jona, sa kanila ka na sumabay.” Itinuro ni Enzo ang kinaroroonan ng tatlong weirdong lalaki na tinutukoy ni Adriana kanina. “Pang dalawahan lang kasi ang upuan ng kotse ko.”

Napatingin si Adriana sa tatlong lalaking tinutukoy ni Enzo.

"Who are they?" tanong ni Adriana habang nakataas ang isang kilay. “Sila ‘yong sinasabi kong parang sumusunod sa akin kanina.”

“Sila ba? Huwag kang matakot. They are your security detail."

"Security detail?" ulit niya.

Tumango si Enzo bago tumugon. "They'll be working directly under me."

Isa-isang lumapit at tumayo nang tuwid ang tatlong lalaki.

“Miss Adriana, I’d like you to meet the TRIO. Your father ordered them to protect you.”

“Trio? What kind of tag is that? It stinks,” ani Adriana habang nakakunot ang magkabilang kilay. “Anyways, seriously… Dad sent me four bodyguards?"

"Three bodyguards and one head of security," walang emosyon na sagot ni Enzo.

Napairap siya. "Whatever.”

“Are you ready to see your dad? KAsi kung ready ka na, tara na!”

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • Beneath His Protection   Chapter 4: The Other Son

    “Enzo, tama ba ang narinig ko? Tinawag niyang papa si dad,” pag-uulit ni Adriana. “Sino ang lalaking ‘yan? Kapatid ko ba ‘yan?” Nangibabaw ang katahimikan sa paligid matapos itanong iyon ni Adriana. Ang iilang tao sa loob ng memorial chapel ay nakatingin lamang sa kanila na animo’y naghihintay sa isang magandang palabas. Dahil sa katahimikan ay mas lalong umigting ang kutob ng dalaga. Pakiramdam niya ay lalong nanikip ang dibdib niya.“Lorenzo...” mariin niyang tawag. “Sumagot ka. Aminin mo sa akin ang totoo. Sino ang lalaking ‘yan at bakit niya tinawag na papa si dad?”Napabuntong-hininga si Enzo. Pagkatapos ay dahan-dahan itong tumango. “Oo… kapatid mo siya, Miss Adriana. Anak din siya ng daddy mo.”Dahil sa narinig ay napaupo na si Adriana. Nakatingin siya sa lalaki habang nakahawak sa kaniyang dibdib. “I didn’t know that I had a brother! No one dares to tell me that I have a f*cking brother!”“Kapatid mo siya, Miss Adriana. Baby brother mo siya,” ani Enzo habang kinakapa ang sit

  • Beneath His Protection   Chapter 3: The Funeral

    “Are you ready to see your dad? Kasi kung ready ka na, tara na!”Hindi kaagad nakasagot si Adriana. Noong sandaling iyon ay pakiramdam niya ay bumigat ang kaniyang mga paa. Handa na nga ba siya?Paano ba maghahanda ang isang tao para makita ang ama niyang wala nang buhay?Mariing napalunok ang dalaga bago pilit na tumango. “Let's go.”Binuksan na ni Enzo ang pinto ng sasakyan para sa kaniya. Walang kaimik-imik na sumakay si Adriana sa passenger seat habang si Yaya Jona naman ay sumama sa sasakyan ng Trio. Hindi nagtagal ay umandar na rin ang Bugatti na minamaneho ni Enzo.Habang nasa biyahe ay katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan Tanging tunog lamang ng makina at ng mga sasakyang dumaraan ang maririnig.Noong sandaling iyon ay nakatanaw lamang si Adriana sa bintana. Pinapanood niya ang kanilang nadaraanan na bago sa kaniyang paningin. “May gusto ka bang sabihin sa akin?” wika ni Adriana habang nakasandal sa passenger’s seat ngunit ang tingin ay nakabaling pa rin sa may bintana

  • Beneath His Protection   Chapter 2: The Homecoming

    The next few hours passed in a blur. Adriana could barely remember how she managed to pack her belongings or book the earliest flight back to the Philippines.Noong mga sandaling iyon ay iba ang pakiramdam ni Adriana. Pakiramdam niya ay para siyang nakakulong sa loob ng isang bangungot na kahit ano pang gawin niya ay hindi siya magising-gising.“Mula nang malaman mo na wala na ang daddy mo ay hindi ka pa kumakain, señorita. Sa ginagawa mo ay baka ikaw naman ang magkasakit,” ani Yaya Jona. Ang dalawa ay kasalukuyang nakaupo sa first-class cabin. “Kung nandito lang sana ang daddy mo, tiyak na magagalit ‘yon sa ginagawa mo sa sarili mo. Hindi ‘yon matutuwa na ginugutom ng kaniyang unica hija ang sarili niya.”Mula sa pagkakatulala sa bintana ng eroplano ay nilingon ni Adriana si Yaya Jona. Malalim siyang nagbuntong hininga bago ito tingnan ng matalim. “Are you thinking, yaya? Kung buhay si dad, wala tayo dito. Hindi tayo sasakay sa eroplanong ito para lang makita siya.”Napakagat labi

  • Beneath His Protection   Chapter 1: The Phone Call

    ["I know you're living your best life in Spain, Miss Adriana, but you need to come back to the Philippines."] Adriana Ferrer frowned as she pressed the phone against her ear. Noong sandaling matanggap nito ang naturang tawag ay katatapos lamang nitong mag-shower at kasalukuyan itong nakatayo sa harap ng bathroom mirror ng kaniyang luxury villa na matatagpuan sa Madrid. Bago tuluyang sumagot ay makailang beses pang tinitigan at pinag-isipan ni Adriana kung sasagutin ba niya iyon sapagkat mula naman ang tawag sa isang unknown caller. Isa sa pinaka-ayaw nito ay nai-invade ang peace niya lalo na kung alanganing oras na ngunit matapos niyang mapagtanto na tila hindi sumusuko ang naturang caller ay napilitan na siyang sumagot. "Who is this?" she asked impatiently. Sandaling binalot ng katahimikan ang magkabilang linya hanggang sa um-echo sa tainga ni Adriana ang isang pamilyar na boses. “Enzo?” tanong ni Adriana habang nakakunot ang magkabilang kilay. Pilit nitong kinilala

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status