تسجيل الدخول“Enzo, tama ba ang narinig ko? Tinawag niyang papa si dad,” pag-uulit ni Adriana. “Sino ang lalaking ‘yan? Kapatid ko ba ‘yan?”
Nangibabaw ang katahimikan sa paligid matapos itanong iyon ni Adriana. Ang iilang tao sa loob ng memorial chapel ay nakatingin lamang sa kanila na animo’y naghihintay sa isang magandang palabas. Dahil sa katahimikan ay mas lalong umigting ang kutob ng dalaga. Pakiramdam niya ay lalong nanikip ang dibdib niya. “Lorenzo...” mariin niyang tawag. “Sumagot ka. Aminin mo sa akin ang totoo. Sino ang lalaking ‘yan at bakit niya tinawag na papa si dad?” Napabuntong-hininga si Enzo. Pagkatapos ay dahan-dahan itong tumango. “Oo… kapatid mo siya, Miss Adriana. Anak din siya ng daddy mo.” Dahil sa narinig ay napaupo na si Adriana. Nakatingin siya sa lalaki habang nakahawak sa kaniyang dibdib. “I didn’t know that I had a brother! No one dares to tell me that I have a f*cking brother!” “Kapatid mo siya, Miss Adriana. Baby brother mo siya,” ani Enzo habang kinakapa ang sitwasyon. “Dad only had one child!” mahigpit na napakuyom ng kamao ni Adriana. “Ako lang ang anak niya kaya imposibleng mayroon akong kapatid dahil wala naman siyang sinabi sa akin na may kapatid ako.” Tahimik na nakatingin lamang sa kaniya ang lalaki. Nakatitig lamang ito na para bang nag-iisip ng sasabihin hanggang ilang sandali pa ay dahan-dahan itong ngumiti bago lumapit kay Adriana. “Sorry sa inasal ko kanina. Akala ko ay isa ka lang random girl na pinulot nitong si Enzo sa kung saan. Medyo playboy kasi itong kanang kamay ni papa kaya nasanay lang ako. Sorry ha?!” nakangiting turan ng lalaki. “Kilala kita pero hindi kita namukhaan. Tsaka mukhang hindi rin ako naipakilala ni daddy sa ‘yo.” “Hindi nga! Ni minsan ay hindi ka sumagi sa usapan namin. Sino ka ba? Paano ka naging anak ni dad kasi sa pagkaka-alala ko, isa lang ang naging babae niya at si mommy ‘yon.” “Hindi siya faithful gaya ng iniisip mo. Hindi perpekto ang tatay natin. Gaya ng ibang lalaki ay natukso rin siya kaya nga nandito ako dahil bunga ako ng pambababae niya!” “That’s impossible,” indenial pa ring wika ni Adriana. “Hindi ako naniniwala sa ‘yo. Hindi kayang lokohin ni dad si mom.” “I’m telling the truth, Adriana! Gusto mo bang patunayan ko sa iyo na kapatid mo ako? Gusto mo bang magpa-DNA test tayo para lang mapatunayan ko sa ‘yo na magkadugo talaga tayo at anak talaga ako ni papa? Ano’ng patunay ang gusto mo? Sige sabihin mo sa akin at gagawin ko.” Hindi nakaimik si Adriana. Umakyat na ang galit sa ulo niya. Feeling niya ay anumang oras ay sasabog na siya. “I forgot to say my name. Ako nga pala si Marco Ignacio Ferrer. Hmm… actually, hindi pa ako pinapayagan ni papa na gamitin ang apelyido niya pero dahil wala na siya, siguro naman ay puwede na dahil karapatan ko rin naman ‘yon dahil isa rin akong Ferrer.” “I still can’t figure out why all of you kept this to me! Ito ba ang purpose kaya pinauwi niyo ako? Para pagmukhain akong tanga?” kagat labi na nagbuntong hininga si Adriana bago nagpatuloy. “Even you, Lorenzo! You keep on disappointing me. I hate you to the core.” Tumayo na si Adriana mula sa kaniyang kinauupuan. Binangga niya ang braso ni Enzo tsaka padabog na lumabas ng memorial chapel. “Paano mo nagawa sa akin ‘to, dad? Bakit? Bakit mo ito nilihim sa akin? Ganito ba kababa ang tingin mo sa akin kaya tinago mo ang totoo? Tingin mo ba hindi ko maiintindihan? Tingin mo ba gano’n kahina ang utak ko?” Sunod-sunod na tanong ang namutawi sa labi ni Adriana noong sandaling iyon. Napakaraming tanong ang gumugulo sa isip niya na hindi niya mahalukay ang sagot. Habang nakatayo si Adriana sa labas ng memorial chapel ay biglang nag-ring ang cellphone niya. Tiningnan muna niya ito bago sagutin. [“Señorita, narito ako sa mansyon ng daddy mo. Dinala ko muna dito ang mga gamit natin bago dumiretso diyan. May gusto ka bang ipadala para isasabay ko na. Paalis na rin kami eh.”] “Sabihin mo sa trio na sunduin na ako dito sa memorial chapel. I don’t want to be here anymore!” [“Pero b-bakit? Ayaw mo bang makasama ang daddy mo? Ilang araw lang siyang ibuburol. Dapat ay samahan mo siya hanggang sa mailibing siya.”] “If you want to be with him, hindi kita pipigilan. Basta sabihin mo sa trio na sunduin ako dito or else… ako mismo ang gagawa ng paraan para makaalis at hinding-hindi ko sasabihin sa inyo kung nasaan ako. Magpasensyahan na lang tayo!” Matapos niyang sabihin iyon ay binaba na niya ang tawag. Pinasok na niya ang cellphone niya sa kaniyang shoulder bag. ‘I hate you, dad! Paano mo nagawang maglihim sa akin?’ wika ni Adriana sa kaniyang isip. Muli niyang nilingon ang litrato ng kaniyang ama na nakapuwesto sa labas ng memorial chapel. “Sorry, dad! I missed you, pero hindi ko kayang mag-stay ng matagal dito dahil sa nalaman ko. Masyadong masakit ang ginawa mo.” Adriana was about to walk away when someone stopped him. Nang lingonin niya ito, it was Enzo. Mahigpit itong nakahawak sa braso niya. “Let go of me!” utos ni Adriana. Pilit niyang tinatanggal ang kamay ni Enzo mula sa pagkakakapit sa kaniya ngunit masyado iyong mahigpit. “Bitawan mo sabi ako, ano ba!” “You’re not going anywhere, Miss Adriana. Whether you like it or not, hindi ka puwedeng humiwalay sa akin.” “Bakit? Ano’ng dahilan at bakit hindi puwede? Bakit kailangang mag-stay lang ako sa tabi mo? Dahil ba hiling ni dad?” ipinagkrus ni Adriana ang magkabilang braso niya. Tumindig rin siya sa harap ni Enzo bago muling nagpatuloy. “Hindi mo na kailangan sumunod sa utos niya. Hindi mo na kailangan magpakitang gilas dahil wala na siya. Wala ng pupuri sa ‘yo so puwede ba… hayaan mo na akong gawin ang gusto ko.” “Sana puwede kong gawin ‘yon! Sana puwede kitang hayaan na lang kaso hindi eh. Miss Adriana, you are my responsibility. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari rin sa ‘yo.” “I’m okay! Walang mangyayaring masama sa akin kaya hayaan mo na ako.” Tumalikod na si Adriana. Maglalakad na sana siya palayo nang muli siyang hawakan ni Enzo at mas mahigpit na iyon kaysa una. “You’re father got murdered, at hindi ko hahayaang pati ikaw ay map*tay rin at sapitin mo ang nangyari sa kaniya.”“Enzo, tama ba ang narinig ko? Tinawag niyang papa si dad,” pag-uulit ni Adriana. “Sino ang lalaking ‘yan? Kapatid ko ba ‘yan?” Nangibabaw ang katahimikan sa paligid matapos itanong iyon ni Adriana. Ang iilang tao sa loob ng memorial chapel ay nakatingin lamang sa kanila na animo’y naghihintay sa isang magandang palabas. Dahil sa katahimikan ay mas lalong umigting ang kutob ng dalaga. Pakiramdam niya ay lalong nanikip ang dibdib niya.“Lorenzo...” mariin niyang tawag. “Sumagot ka. Aminin mo sa akin ang totoo. Sino ang lalaking ‘yan at bakit niya tinawag na papa si dad?”Napabuntong-hininga si Enzo. Pagkatapos ay dahan-dahan itong tumango. “Oo… kapatid mo siya, Miss Adriana. Anak din siya ng daddy mo.”Dahil sa narinig ay napaupo na si Adriana. Nakatingin siya sa lalaki habang nakahawak sa kaniyang dibdib. “I didn’t know that I had a brother! No one dares to tell me that I have a f*cking brother!”“Kapatid mo siya, Miss Adriana. Baby brother mo siya,” ani Enzo habang kinakapa ang sit
“Are you ready to see your dad? Kasi kung ready ka na, tara na!”Hindi kaagad nakasagot si Adriana. Noong sandaling iyon ay pakiramdam niya ay bumigat ang kaniyang mga paa. Handa na nga ba siya?Paano ba maghahanda ang isang tao para makita ang ama niyang wala nang buhay?Mariing napalunok ang dalaga bago pilit na tumango. “Let's go.”Binuksan na ni Enzo ang pinto ng sasakyan para sa kaniya. Walang kaimik-imik na sumakay si Adriana sa passenger seat habang si Yaya Jona naman ay sumama sa sasakyan ng Trio. Hindi nagtagal ay umandar na rin ang Bugatti na minamaneho ni Enzo.Habang nasa biyahe ay katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan Tanging tunog lamang ng makina at ng mga sasakyang dumaraan ang maririnig.Noong sandaling iyon ay nakatanaw lamang si Adriana sa bintana. Pinapanood niya ang kanilang nadaraanan na bago sa kaniyang paningin. “May gusto ka bang sabihin sa akin?” wika ni Adriana habang nakasandal sa passenger’s seat ngunit ang tingin ay nakabaling pa rin sa may bintana
The next few hours passed in a blur. Adriana could barely remember how she managed to pack her belongings or book the earliest flight back to the Philippines.Noong mga sandaling iyon ay iba ang pakiramdam ni Adriana. Pakiramdam niya ay para siyang nakakulong sa loob ng isang bangungot na kahit ano pang gawin niya ay hindi siya magising-gising.“Mula nang malaman mo na wala na ang daddy mo ay hindi ka pa kumakain, señorita. Sa ginagawa mo ay baka ikaw naman ang magkasakit,” ani Yaya Jona. Ang dalawa ay kasalukuyang nakaupo sa first-class cabin. “Kung nandito lang sana ang daddy mo, tiyak na magagalit ‘yon sa ginagawa mo sa sarili mo. Hindi ‘yon matutuwa na ginugutom ng kaniyang unica hija ang sarili niya.”Mula sa pagkakatulala sa bintana ng eroplano ay nilingon ni Adriana si Yaya Jona. Malalim siyang nagbuntong hininga bago ito tingnan ng matalim. “Are you thinking, yaya? Kung buhay si dad, wala tayo dito. Hindi tayo sasakay sa eroplanong ito para lang makita siya.”Napakagat labi
["I know you're living your best life in Spain, Miss Adriana, but you need to come back to the Philippines."] Adriana Ferrer frowned as she pressed the phone against her ear. Noong sandaling matanggap nito ang naturang tawag ay katatapos lamang nitong mag-shower at kasalukuyan itong nakatayo sa harap ng bathroom mirror ng kaniyang luxury villa na matatagpuan sa Madrid. Bago tuluyang sumagot ay makailang beses pang tinitigan at pinag-isipan ni Adriana kung sasagutin ba niya iyon sapagkat mula naman ang tawag sa isang unknown caller. Isa sa pinaka-ayaw nito ay nai-invade ang peace niya lalo na kung alanganing oras na ngunit matapos niyang mapagtanto na tila hindi sumusuko ang naturang caller ay napilitan na siyang sumagot. "Who is this?" she asked impatiently. Sandaling binalot ng katahimikan ang magkabilang linya hanggang sa um-echo sa tainga ni Adriana ang isang pamilyar na boses. “Enzo?” tanong ni Adriana habang nakakunot ang magkabilang kilay. Pilit nitong kinilala







