Share

2

Auteur: Anoushka
last update Dernière mise à jour: 2025-10-28 17:38:01

Si Davian, ang lalaking kinatatakutan ng marami, ay nanatiling malamig tulad ng dati. Noon pa man, narinig na ni Avery na ang presidente ng Guzman Group ay isang taong walang puso at walang emosyon, at ngayong nakaharap na niya ito, malinaw na hindi biro ang reputasyong iyon.

Hindi rin naman niya inasahan na agad siyang tatanggapin ng pamilyang ito. Sa totoo lang, siya mismo ay hindi rin handang tanggapin ang mga bagong “kamag-anak” na tila mga estranghero. Sa mga naranasan niya noon, ang mga pagtataksil, ang sakit, ang kawalan ng halaga, natutunan niyang ang tanging mapagkakatiwalaan niya ay ang sarili niya.

Kaya kalmadong binago niya ang pananalita. “Mr. Guzman,” mahinahon niyang sabi.

Bahagyang kumunot ang noo ni Davian, pero walang sinabi. Tumalikod ito at tumuloy sa sala, kaya sumunod si Avery. Pagdating niya roon, marahan niyang binati ang matandang ginang.

“Magandang araw po, Mrs. Guzman.”

Halos pitumpung taong gulang na ang matanda, ngunit halatang inaalagaan ang sarili. Maliban sa puting buhok, maganda pa ang tindig at maaliwalas ang mukha. Nang makita si Avery, agad itong ngumiti nang may lambing.

“Aba, ikaw pala si Avery. Ang ganda-ganda mo, anak. Draven, tingnan mo nga, ang ganda ng kapatid mo, medyo payat lang. Pero iha, Lola na ang itawag mo sa akin.”

Nakahiga sa sofa si Draven, abala sa paglalaro sa cellphone. Hindi man lang tumingin, basta nagsalita nang walang pakialam. “Maganda nga, pero ano naman? Marami na kaming vase dito sa bahay.”

Napatingin ang matanda sa kanya at kumunot ang noo. “Ganito ka na ba ngayon makipag-usap? Nasaan na ang mga itinuro kong asal? Tumayo ka riyan at humingi ng tawad sa kapatid mo.”

Tinapik niya nang marahan ang braso ng apo, ngunit nagreklamo ito habang itinatabi ang cellphone. “Lola naman, ang gulo mo…”

Ngunit seryoso na ang mukha ni Donya Selena, at sa mahigpit na tono ay inutusan ito, “I said, apologize.”

Napabuntong-hininga si Draven, halatang walang gana, ngunit bago pa siya makapagsalita, ngumiti si Avery.

“Walang problema, Lola. Dati nga po, tinatawag akong damong ligaw, ngayon, kahit paano, may upgrade na. Vase na raw ako. I suppose that’s an improvement, right? Thank you, Kuya Draven, for the compliment.”

Saglit na natigilan si Davian na noon ay nagbubuhos ng tsaa. Bahagya siyang napalingon, at sa sandaling iyon, napansin niya ang tahimik ngunit matatag na ngiti ng dalaga. May kakaibang ningning sa mga mata nito, isang kombinasyon ng lakas at hinahon, na halos hindi niya namalayan.

Namilog ang mata ni Draven, tila hindi sanay na may sumasagot sa kanya nang gano’n. “Wow, makapal nga balat mo, ah,” iritado nitong sabi, pero halata sa boses ang hiya.

“Draven!” singhal ni Donya Selena, seryosong-seryoso na.

“Okay, okay, sorry na. Happy?” sagot ni Draven na may mahabang buntot ang tono, halatang sarkastiko.

Ngumiti lang si Avery, hindi na pinatulan. ‘Mas mabuti na ‘tong ganito kaysa sa mga kapatid kong puro plastik.’

Nang makita ni Donya Selena na hindi niya ito dinamdam, natuwa siya at hinila si Avery para umupo sa tabi niya.

“Huwag mo nang pansinin ‘yang pang-apat mong kapatid. Bata pa ‘yan, walang alam sa pakikitungo. Ngayon, dahil unang araw mo rito, hindi ko alam kung ano ang gusto mo, kaya heto.”

Kinuha ng matanda ang isang bank card mula sa tray na hawak ng kasambahay at iniabot sa kanya. “Nandiyan ang isang milyon. Bilhin mo ang anumang gusto mo. Kung kulang, sabihin mo lang kay Lola.”

Natigilan si Avery habang nakatingin sa card. Naalala niya noon, noong nakatira rito si Avina, puro reklamo ito. Sinabi pa nga nitong kuripot daw ang pamilya, at ni isang sentimo ay hindi siya binigyan ng “welcome gift.”

Ngayon, hawak niya mismo ang ebidensya na kabaligtaran ng lahat ng sinabi ng kapatid.

Isang milyon. Datai, ilang taon niyang pinaghirapan iyon para lang makaipon. Ngayon, nasa kamay na niya agad, parang panaginip.

Ngunit hindi siya nagdalawang-isip. Tinuruan na siya ng realidad na ang bawat pagkakataon, dapat sinasamantala. “Maraming salamat po, Mrs. Guzman.”

Napangiti ang matanda. “Aba, bakit Mrs. Guzman pa rin? Ngayon na kasal na ang mama mo sa anak ko, apo na kita. Ano’ng dapat mong itawag sa akin?”

Saglit na sumulyap si Avery kay Davian na tahimik na umiinom ng tsaa. Tapos, marahan niyang sinabi, “Salamat po… Grandma.

Tuwang-tuwa ang matanda. “Ay, ayan! That’s better!”

Ngunit tumingin si Davian sa hawak niyang card at malamig na nagsalita. “Sanay ka yatang tumanggap ng regalo.”

“Exactly,” sabat ni Draven, sabay ngisi. “Since grandma gave you a welcome gift, did you also prepare one for her?”

Bago pa makasagot si Avery, sumabat si Donya Selena, sabay turo sa mga apo. “Hoy kayong dalawa! Kayo itong dapat maghanda ng regalo para sa kapatid n’yo. Asan na? Ilabas n’yo!”

Agad na napahigpit ang panga ni Draven at napayuko, halatang wala siyang dala. Si Davian naman ay tahimik lang, pero halata rin na hindi siya handa.

Ngumiti si Avery nang bahagya, hindi para mang-insulto kundi para bigyan ng mahinahong tono ang sitwasyon. “Ang matatanda po ang nagbibigay, at ang mas bata ay marunong tumanggap. Ayokong tanggihan ang kabutihan ni Grandma, baka po magtampo siya.”

Bahagya siyang natawa. “Besides, masyado na pong marami ang regalo. Baka hindi ko na alam kung paano ako makakabawi. Wala pa po akong allowance, kaya wala rin akong maibibigay na espesyal. Pero kung papayag kayo, lulutuan ko na lang kayo mamaya ng hapunan. Will that be alright, Grandma?”

Napangiti si Donya Selena, at ang mga mata niya ay kumislap sa tuwa. “Of course, anak. Mas gugustuhin kong kumain ng niluto mo kaysa sa kahit anong mamahaling regalo.”

At sa unang pagkakataon, nakaramdam si Avery ng kakaibang init, isang kabutihang matagal na niyang nakalimutan kung ano ang pakiramdam.

Napangiti ang matanda sa tuwa. “Marunong kang magluto, Avery?” tanong matanda, halatang nagulat pero masaya.

Tumango si Avery. “Opo. Ako po ang madalas maghanda ng pagkain sa bahay noon. Hindi kasing galing ng chef sa hotel, pero kaya kong magluto ng mga simpleng ulam. Taga-saan po ba kayo, Grandma? Para alam ko kung anong lasa ang gusto ninyo.”

Lalong lumambot ang mukha ng matanda. Sa loob-loob niya, mas mainit pa sa araw ng tag-init ang pakiramdam ng pagkakaroon ng ganitong klaseng apo, magalang, marunong sa bahay, at marunong pang umalalay ng loob. Hindi gaya ng mga apo niyang puro trabaho at kalokohan lang ang iniintindi.

“Ang galing naman ng apo kong ito,” natatawang sabi ng matanda. “Hindi tulad ng dalawang ‘yon, isa puro trabaho, isa puro gastos. Ni isa walang alam sa kusina.”

Ilang minuto pa silang nagkuwentuhan bago biglang nagsalita si Davian matapos ibaba ang tasa ng tsaa. Malamig pero diretso ang tono. “Hindi ka nakapagtapos ng high school.”

Alam ni Avery na hindi iyon pag-aalala. Isang obserbasyon lang. Tahimik siyang sumagot. “Hindi po.”

Hindi siya nakapagtapos ng highschool, pero nagpapasalamat siya na palihim siyang nakapag-ipon para makabili ng kahit maliit na kotse na kaya niyang gamitin anumang oras. At ngayon, naiwan niya iyon sa bahay. 

‘Babalikan ko nalang.’ isip niya.

Naalala niya ang mga panahong halos pareho sila ng kapatid na babae niyang pumasok sa high school. Mas mataas pa nga noon ang grado niya. Pero siya ang kailangang huminto, dahil sa hirap ng buhay. Nagtrabaho siya sa tatlong part-time jobs araw-araw para lang matustusan ang pamilya.

Nang mapunta sa Guzman ang kapatid niya, agad itong nailipat sa isang private university. Siya naman, nag-aaral mag-isa public, pinipilit magsiksik ng kaalaman sa pagod at puyat. Kahit gano’n, madalas pa rin siyang pagsabihan ng ama at mga kapatid na mas mabuting magtrabaho na lang kaysa mag-aral, para raw makaipon sila at makakain ng mas masarap.

Ngayon, matapos pagdaanan ang lahat, gusto ni Avery na mabuhay nang normal. Gusto niyang mag-aral nang maayos, magkaroon ng sariling karera, at mabuhay para sa sarili niya, hindi para sa ibang tao. Isa iyon sa dahilan kung bakit pinili niyang sumama sa Guzman.

Habang iniisip niya iyon, biglang nagsalita si Draven, nakataas pa ang kilay. “Grabe, I envy you. Pagkatapos ng junior high, free ka na! Samantalang ako, kahit guaranteed na ako sa college, pinipilit pa ring mag-exam. Nakakainis.”

Napabuntong-hininga si Avery. ‘Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako rito,’ isip niya.

“Anong pinagsasabi mo?” saway ng lola sabay kurot sa apo. “Si Avery nga, kahit hanggang junior high lang, mas maasikaso at mas marunong pa sa ‘yo. Marunong magluto, marunong makisama, ikaw, puro laro.”

Napakamot ng ulo si Draven. “Okay, okay! Pero kung magaling siya sa kusina, siguradong makakahanap siya ng mayamang asawa balang araw. Pwede na siyang maging full-time wife, ‘di ba? No worries about money.”

Natahimik si Avery. ‘Ang sakit naman ng pangitain mo para sa akin.’ isip niya.

Saka naman nagsalita si Davian, kalmado pero matalim ang tinig. “Actually, may punto si Draven. You’re already eighteen. Marami kang pwedeng pagpilian dito. If you plan ahead, you can secure your future early.”

Umiling si Avery, matatag ang boses. “Hindi po. Plano kong kumuha ng entrance exam sa Eldridge University.”

Bahagyang nagtaas ng tingin si Davian, at sa ilang segundong nagtagpo ang kanilang mga mata, ramdam ni Avery ang bigat ng titig ng lalaki. Pero hindi siya umatras. May determinasyon sa mga mata niya, isang tapang na tila hindi nababagay sa edad niyang labing-walo.

“Ha?” gulat na sabi ni Draven. “Ikaw? Kakagraduate mo lang ng junior high! Alam mo ba kung gaano kataas ang cut-off ng Eldridge University? Don’t tell me you think money can get you in, newsflash, hindi gano’n doon.”

Tahimik lang si Avery, pero sa loob-loob niya ay alam niyang iyon nga ang gusto niya. Hindi ang madaling daan, kundi ang daang pinaghihirapan.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • Beneath His Shadow   4

    Biglang tumahimik ang buong kusina matapos ang sinabi ni Davian, parang kahit isang karayom na mahulog ay maririnig. Walang gustong gumalaw.Ang head chef ay halatang kinakabahan. Gusto niyang magsalita, pero pinili niyang manahimik. Alam niyang isang maling salita lang at baka mawalan siya ng trabaho.Huminga nang malalim si Avery, pinilit maging kalmado bago nagsalita. “Ang alam ko po, gusto mo ng steak na medium rare, kailangang hiwang-diyamante ang itsura, may kapal na isa hanggang isa’t kalahating sentimetro, at kailangang galing mismo sa imported cold-chain delivery sa parehong araw para siguradong sariwa. Sa tingin ko, para sa isang ordinaryong tao tulad ko, masasabi na medyo… mapili na po iyon.”Bahagyang nagdilim ang mukha ni Davian. Para sa kanya, normal lang naman ang mga ganoong detalye. “Sino ang nagsabi niyan sa’yo?” malamig niyang tanong.Napalingon ang head chef, pawis na pawis, halatang nag-aalala na baka siya ang mapagbintangan.Ngunit agad umiling si Avery. “Hindi p

  • Beneath His Shadow   3

    “Ang admission score ng Eldridge University ngayong taon ay 695 points,” mahinahong sagot ni Avery. “Kung regular na college entrance exam, kailangan mahigit 700 points para makapasok. At dahil hindi ako nakapag-high school, halos imposible para sa ’kin... maliban na lang kung isa akong genius, pero alam kong hindi ako gano’n.”Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy. “Ayaw ko rin pahirapan ang pamilya ninyo na gastusan ako. Ang gusto ko lang ay makilala si Professor Kemp Butan. Kung mabigo man ako, tatanggapin ko.”Napakunot ang noo ni Draven. “Professor Kemp Butan? Sino ’yon?”Bahagyang tiningnan ni Davian si Avery, malamig ang tinig pero may bahid ng pagtataka. “Isa siyang eksperto sa larangan ng artificial intelligence. Kakauwi lang niya mula sa abroad at kinuha siyang mentor ng Eldridge University.”Hindi niya na binanggit na nakikipag-ugnayan din ngayon ang Guzman Group kay Professor Butan upang maging technical director ng kumpanya. Ang alam lang ni Davian, hindi karaniwang t

  • Beneath His Shadow   2

    Si Davian, ang lalaking kinatatakutan ng marami, ay nanatiling malamig tulad ng dati. Noon pa man, narinig na ni Avery na ang presidente ng Guzman Group ay isang taong walang puso at walang emosyon, at ngayong nakaharap na niya ito, malinaw na hindi biro ang reputasyong iyon.Hindi rin naman niya inasahan na agad siyang tatanggapin ng pamilyang ito. Sa totoo lang, siya mismo ay hindi rin handang tanggapin ang mga bagong “kamag-anak” na tila mga estranghero. Sa mga naranasan niya noon, ang mga pagtataksil, ang sakit, ang kawalan ng halaga, natutunan niyang ang tanging mapagkakatiwalaan niya ay ang sarili niya.Kaya kalmadong binago niya ang pananalita. “Mr. Guzman,” mahinahon niyang sabi.Bahagyang kumunot ang noo ni Davian, pero walang sinabi. Tumalikod ito at tumuloy sa sala, kaya sumunod si Avery. Pagdating niya roon, marahan niyang binati ang matandang ginang.“Magandang araw po, Mrs. Guzman.”Halos pitumpung taong gulang na ang matanda, ngunit halatang inaalagaan ang sarili. Malib

  • Beneath His Shadow   1

    Nagising si Avery sa ingay ng boses mula sa cellphone na naiwan sa loob ng sasakyan. Mahina pa siya, pero nang dumilat, nanlaki ang mga mata niya, nakagapos siya sa loob ng sariling kotse.Mabilis na bumalik sa isip niya ang huling alaala bago siya mawalan ng malay, ang ama niyang si Arnold, nakangiti habang iniaabot sa kanya ang isang baso ng alak. “Let’s celebrate tonight, my daughter.” Pagkatapos no’n, dumilim ang lahat.Ngayon, habang iniikot niya ang paningin, napagtanto niyang nasa gilid siya ng bangin. Siya lang ang nasa loob ng kotse, habang nasa labas ang pamilya niya, ang ama, tatlong kapatid na lalaki, at ang kakambal niyang si Avina. Lahat sila ay nakatingin sa kanya nang malamig, walang bakas ng awa.“Papa… Kuya… ano’ng ginagawa n’yo?” garalgal niyang tanong habang pilit kumakalas sa tali. “Bakit n’yo ako dinala rito?”Nasa tabi ni Arnold si Avina, maputla, payat, at nakasuot ng eksaktong kaparehong damit at make-up ni Avery. Mula sa kulay ng lipstick hanggang sa ayos ng

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status