Se connecter“Ang admission score ng Eldridge University ngayong taon ay 695 points,” mahinahong sagot ni Avery. “Kung regular na college entrance exam, kailangan mahigit 700 points para makapasok. At dahil hindi ako nakapag-high school, halos imposible para sa ’kin... maliban na lang kung isa akong genius, pero alam kong hindi ako gano’n.”
Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy. “Ayaw ko rin pahirapan ang pamilya ninyo na gastusan ako. Ang gusto ko lang ay makilala si Professor Kemp Butan. Kung mabigo man ako, tatanggapin ko.”
Napakunot ang noo ni Draven. “Professor Kemp Butan? Sino ’yon?”
Bahagyang tiningnan ni Davian si Avery, malamig ang tinig pero may bahid ng pagtataka. “Isa siyang eksperto sa larangan ng artificial intelligence. Kakauwi lang niya mula sa abroad at kinuha siyang mentor ng Eldridge University.”
Hindi niya na binanggit na nakikipag-ugnayan din ngayon ang Guzman Group kay Professor Butan upang maging technical director ng kumpanya. Ang alam lang ni Davian, hindi karaniwang tao si Avery, dahil kakaunti pa lang ang nakakaalam sa pagbabalik ng propesor sa bansa. Hindi niya alam, simula nang traydurin siya nang pauli-ulit ng pamilya, natutunan niyang alamin ang meron sa mga Guzman. At kahit si Professor Kemp na nakita niya lang sa website ay napansin niya ang isang litrato na naroon si Davian, nahagip lang ito sa camera.
“Interesado ka pala sa artificial intelligence, Avery?” masayang tanong ng matanda habang hinahaplos ang kamay ng dalaga.
Tumango si Avery. “Opo, Grandma. Baka puwedeng tulungan ako ni Kuyua Davian tungkol doon? I mean, ni Mr. Guzman…”
Agad namang lumingon ang matanda kay Davian. “Davian, ikaw na ang bahala. Maliit na pabor lang ’yan, hindi ba?”
Tahimik na tinitigan ni Davian ang dalaga, malamig pa rin ang anyo, bago nagsalita sa mababang boses. “Kung seryoso ka sa artificial intelligence, mas advanced pa rin ang research abroad. Mas mabuting mag-aral ka sa Singapore. Sasagutin ng pamilualahat ng gastos, tuition, tirahan, pati real estate kung gusto mong tumira roon pagkatapos mong magtapos. How does that sound?”
Para sa iba, napakagandang alok iyon. Sino ba naman ang tatanggi sa libreng pag-aaral sa abroad at bahay sa ibang bansa? Pero alam ni Avery kung ano ang totoo, gusto lang ni Davian na mailayo siya.
Sa isip niya, totoo namang malaking oportunidad iyon. Pero may mas malalim siyang dahilan. Gusto niyang manatili. Gusto niyang makita mismo kung ano ang mangyayari sa pamilyang ito, lalo na sa mga taong dati’y nagdulot ng sakit sa kanya.
‘Hindi lahat ng maganda ay dapat tanggapin agad,’ bulong ng isip niya.
Tumingin siya kay Davian at mahinahon ngunit may kumpiyansang sumagot. “Maganda po ang alok ninyo, pero sa tingin ko, hindi palaging mas mahusay ang mga banyaga sa larangan ng AI. Mas nauna lang silang maglatag ng mga konsepto, pero mabilis din humabol ang mga taga-rito. Marami tayong data resources, at mas malawak ang application ng mga tao rito. Sa tingin ko, hindi malayong abutan natin sila balang araw.”
Natahimik ang lahat. Maging si Draven ay hindi nakaimik. Si Davian, na hawak pa ang tasa ng tsaa, bahagyang huminto sa paggalaw ng daliri.
Manghang-mangha ang matanda. “Grabe, Avery! Napakabata mo pa pero ang lawak ng kaalaman mo. Kung tama ang sinasabi mo, baka nga mas higitan pa natin ang ibang bansa balang araw.”
Tumingin siya sa panganay niyang apo. “Davian, ikaw na ang bahala rito. No more excuses.”
Hindi na sumagot si Davian, pero nanatiling malamig ang tingin niya kay Avery. Sa isip niya, ‘this girl isn’t simple.’
Sa halip na tanggapin ang alok na napakaganda, pinili nitong manatili. Ibig sabihin, may sariling plano siya, at kailangang bantayan iyon.
***
Sa kusina ng mansyon, abala ang mga chef ng Guzman. Sa halip na agad magluto, nagpasya muna si Avery na magtanong tungkol sa mga paboritong pagkain ng bawat miyembro ng pamilya.
Ang head chef, isang lalaking nasa edad-kuwarenta, ay naging maayos ang pakikitungo sa kanya. Alam nitong anak siya ng 2nd wife ng Chairman, pero hindi nito ipinakita ang pagtingin sa estado niya. Marahil dahil marunong makibagay si Avery, naging bukas ito sa pakikipag-usap.
“Ang apat na magkakapatid po, madalas dito kumain kapag bakasyon,” paliwanag ng chef. “Si Donya Selena, bihira nang lumabas, kaya tatlong beses sa isang araw, laging on time ang pagkain. Pero si Sir Davian, bihira pong kumain dito, tuwing ikaw 15th day lang ng buwan.”
Tumango si Avery, sabay sulat ng mga detalye sa maliit na notebook. Isa iyon sa mga nakasanayan niya noong sabay-sabay siyang nagta-trabaho at nag-aaral noon, ang maayos na pagplano ng oras at gawain.
“Mahilig po sa mga matamis at maanghang ang matanda,” dagdag ng chef. “Paborito niya ’yong sweet and sour tenderloin, pork ribs, at squirrel fish. Sa dessert naman, gusto niya ng mga Chinese-style, lalo na ’yong mga Cantonese sugar water. Nahiligan niya noon dahil isang Chinese ang unang napangasawa niya.”
Tumango ulit si Avery, patuloy sa pagsusulat.
“Si Sir Draven naman,” patuloy ng chef, “mahilig sa mga bagong putahe. Kahit anong luto, fried, grilled, sweet, salty, lahat gusto niya. Pero pinipigilan siya ng panganay, bawal daw masyadong oily o unhealthy, kaya kailangan kontrolado ang dami.”
Matapos isulat ang lahat, ngumiti si Avery. “Sige po. Salamat sa tulong ninyo. Para sa hapunan mamaya, ako na po ang bahala sa anim na putahe. Pakitingnan niyo po kung okay.”
Tiningnan siya ng chef, bahagyang namangha. Sanay siya sa mga batang walang alam sa kusina, pero iba si Avery. Tahimik, maayos, at halatang may plano sa bawat kilos.
At habang inaayos niya ang mga sangkap, may kakaibang liwanag sa mga mata ng dalaga, isang liwanag ng taong hindi lang marunong magluto, kundi marunong ding magplano kung paano isusulat muli ang sarili niyang kapalaran.
Iniabot ni Avery ang maliit na notebook na may nakasulat na menu sa head chef. Tahimik itong tumango matapos basahin ang laman, saka ibinalik iyon sa kanya. Ngunit bago pa siya umalis, nagtanong ito, halatang nagtataka.
“Miss Avery, hindi niyo ba itatanong kung ano ang paboritong pagkain ni Sir Davian?”
Bahagyang tinaas ni Avery ang tingin. “Hindi ba’t kumakain lang siya dito sa old house tuwing ika-15h day po?”
Ngayon lang naman siya magluluto bilang pasasalamat sa pagtanggap sa kanya, at ayaw niyang isipin ng iba na obligasyon niyang magluto sa mansyon. Isa lang ang natutunan niya sa mga pinagdaanan noon, kapag sinimulan mong tiisin ang hindi mo naman dapat pasanin, tuloy-tuloy na iyon hanggang mawalan ka ng lakas.
Akala ng head chef ay gagamitin ni Avery ang galing niya sa pagluluto para mapalapit sa pamilya, lalo na kay Davian na kilalang mahirap suyuin. Kaya nang marinig niya ang sagot ni Avery, medyo naguluhan siya. Binuka niya ang bibig para magsalita, pero naputol ang sasabihin nang biglang lumitaw si Davian sa pintuan ng kusina.
“S-sir Favian…” pautal na bati ng chef, sabay bahagyang yumuko.
Hindi agad napansin ni Avery na nasa likod na pala niya si Davian. Akala niya’y itutuloy pa rin ng chef ang tungkol sa panlasa ng binata, kaya ngumiti siya nang bahagya at nagbiro, hindi alam ang sitwasyon.
“Ang panlasa ng panganay na anak… mapili. Baka hindi kayanin ng mga simpleng luto ko. Kung sakali mang magluto ako sa bahay, iiwasan ko na lang ‘yong mga araw na nandito siya.”
Nanlaki ang mga mata ng head chef, at halos manginig ang daliri habang itinuro ang likuran ni Avery.
Unti-unting lumingon si Avery, at doon niya nakita ang lalaking nakatayo sa pintuan, suot ang itim na long-sleeved shirt na nakatuck in, sinturon lang ang nagbigay-diin sa kanyang matangkad na pangangatawan. Ang mga mata niya ay malamig, at sa bawat hakbang niya papasok, tila lumiliit ang espasyo sa paligid.
“Hindi ko alam,” malamig na sabi ni Davian, mababa ngunit mariin, “kung saan mo nakuha ang ideya na mapili ako sa pagkain.”
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Sa unang araw pa lang niya sa mansyon, na-offend na agad niya ang panganay. Napalunok siya, mabilis na isinara ang notebook at mahigpit na hinawakan iyon, saka pinilit ngumiti kahit mabilis ang tibok ng puso.
“Ah… Mr. Guzman…bakit kayo nandito sa kusina? May kailangan po ba kayo sa akin?”
Lumapit si Davian, mabagal ngunit may bigat ang bawat hakbang. Nang makalapit, tumigil siya sa harap ni Avery, bahagyang yumuko para magtama ang kanilang mga mata. Ang boses niya ay tila kalmado, pero ang laman ng salita ay malamig na malamig.
“Miss Avery,” aniya, “huwag mong iwasan ang tanong ko. Sabihin mo sa akin, saan banda ako mapili?”
Sa ilalim ng titig niya, ramdam ni Avery ang kaba. Alam niyang isang maling salita pa, at baka tuluyan na siyang mawalan ng tiwala ng pinakamaselang tao sa bahay na ito.
Biglang tumahimik ang buong kusina matapos ang sinabi ni Davian, parang kahit isang karayom na mahulog ay maririnig. Walang gustong gumalaw.Ang head chef ay halatang kinakabahan. Gusto niyang magsalita, pero pinili niyang manahimik. Alam niyang isang maling salita lang at baka mawalan siya ng trabaho.Huminga nang malalim si Avery, pinilit maging kalmado bago nagsalita. “Ang alam ko po, gusto mo ng steak na medium rare, kailangang hiwang-diyamante ang itsura, may kapal na isa hanggang isa’t kalahating sentimetro, at kailangang galing mismo sa imported cold-chain delivery sa parehong araw para siguradong sariwa. Sa tingin ko, para sa isang ordinaryong tao tulad ko, masasabi na medyo… mapili na po iyon.”Bahagyang nagdilim ang mukha ni Davian. Para sa kanya, normal lang naman ang mga ganoong detalye. “Sino ang nagsabi niyan sa’yo?” malamig niyang tanong.Napalingon ang head chef, pawis na pawis, halatang nag-aalala na baka siya ang mapagbintangan.Ngunit agad umiling si Avery. “Hindi p
“Ang admission score ng Eldridge University ngayong taon ay 695 points,” mahinahong sagot ni Avery. “Kung regular na college entrance exam, kailangan mahigit 700 points para makapasok. At dahil hindi ako nakapag-high school, halos imposible para sa ’kin... maliban na lang kung isa akong genius, pero alam kong hindi ako gano’n.”Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy. “Ayaw ko rin pahirapan ang pamilya ninyo na gastusan ako. Ang gusto ko lang ay makilala si Professor Kemp Butan. Kung mabigo man ako, tatanggapin ko.”Napakunot ang noo ni Draven. “Professor Kemp Butan? Sino ’yon?”Bahagyang tiningnan ni Davian si Avery, malamig ang tinig pero may bahid ng pagtataka. “Isa siyang eksperto sa larangan ng artificial intelligence. Kakauwi lang niya mula sa abroad at kinuha siyang mentor ng Eldridge University.”Hindi niya na binanggit na nakikipag-ugnayan din ngayon ang Guzman Group kay Professor Butan upang maging technical director ng kumpanya. Ang alam lang ni Davian, hindi karaniwang t
Si Davian, ang lalaking kinatatakutan ng marami, ay nanatiling malamig tulad ng dati. Noon pa man, narinig na ni Avery na ang presidente ng Guzman Group ay isang taong walang puso at walang emosyon, at ngayong nakaharap na niya ito, malinaw na hindi biro ang reputasyong iyon.Hindi rin naman niya inasahan na agad siyang tatanggapin ng pamilyang ito. Sa totoo lang, siya mismo ay hindi rin handang tanggapin ang mga bagong “kamag-anak” na tila mga estranghero. Sa mga naranasan niya noon, ang mga pagtataksil, ang sakit, ang kawalan ng halaga, natutunan niyang ang tanging mapagkakatiwalaan niya ay ang sarili niya.Kaya kalmadong binago niya ang pananalita. “Mr. Guzman,” mahinahon niyang sabi.Bahagyang kumunot ang noo ni Davian, pero walang sinabi. Tumalikod ito at tumuloy sa sala, kaya sumunod si Avery. Pagdating niya roon, marahan niyang binati ang matandang ginang.“Magandang araw po, Mrs. Guzman.”Halos pitumpung taong gulang na ang matanda, ngunit halatang inaalagaan ang sarili. Malib
Nagising si Avery sa ingay ng boses mula sa cellphone na naiwan sa loob ng sasakyan. Mahina pa siya, pero nang dumilat, nanlaki ang mga mata niya, nakagapos siya sa loob ng sariling kotse.Mabilis na bumalik sa isip niya ang huling alaala bago siya mawalan ng malay, ang ama niyang si Arnold, nakangiti habang iniaabot sa kanya ang isang baso ng alak. “Let’s celebrate tonight, my daughter.” Pagkatapos no’n, dumilim ang lahat.Ngayon, habang iniikot niya ang paningin, napagtanto niyang nasa gilid siya ng bangin. Siya lang ang nasa loob ng kotse, habang nasa labas ang pamilya niya, ang ama, tatlong kapatid na lalaki, at ang kakambal niyang si Avina. Lahat sila ay nakatingin sa kanya nang malamig, walang bakas ng awa.“Papa… Kuya… ano’ng ginagawa n’yo?” garalgal niyang tanong habang pilit kumakalas sa tali. “Bakit n’yo ako dinala rito?”Nasa tabi ni Arnold si Avina, maputla, payat, at nakasuot ng eksaktong kaparehong damit at make-up ni Avery. Mula sa kulay ng lipstick hanggang sa ayos ng



![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



