登入Sumalubong kay Astrid ang malamig na marmol. Sinubukan niyang tumayo, tinukod niya kaniyang mga kamay at binuhat paangat ang katawan. Parang ang bigat ng katawan niya.
“Walang bagay na gusto ko na hindi ko nakukuha.” Lumapit ang isang boses. Pinilit niyang makilala kung sino ito sa kabila ng nanlalabo niyang paningin. Siya… ang matandang lalaking muntik manalo sa kaniya sa auction! “Lumayo ka… L-Lumayo ka sa akin.” Gamit ang nalikom na lakas, sinanggi niya ang kamay nitong balak siyang haplusin. Inayos niya ang kaniyang tumabinging maskara. Samantalang wala na ang suot na maskara ng matanda kaya lantad ang nakakasora nitong mukha. Ngumiti siya ng kakaiba, halatang may masamang balak. “Hihiramin lang kita ng sandali, ibabalik din kita.” “Huwag mo akong hawakan!” Napataatras silang pareho dahil sa pagtulak ni Astrid. Namula sa galit ang matanda at hinila ang braso niya. Sinabunutan siya nito gamit ang kaliwang kamay at tinaas ang kanang kamay na may hawak na tungkod. Mariing pinikit ni Astrid ang mga mata. Ilang segundo ang lumipas, walang kahit anong dumampi sa kaniya, biglang naalis ang kapit sa kaniyang buhok, at narinig niya ang malutong na mura ng matanda kasabay ng tunog ng pagbagsak. “You dare to steal what’s mine?” That cold voice… “Ruex Villaflor! I knew it was you from earlier!” Pumutok ang labi ng matanda dahil sa sapak ni Ruex. Nanghihinang tinutok nito ang tungkod sa kaniya. Naduwag naman nang luamapit si Ruex at dakmain ang suot niyang coat. “Kung gusto mo pang mabuhay Gacula, ‘wag ka nang magpapakita ulit sa akin,” pagbabanta ni Ruex. Pabagsak niyang binitawan ang matanda saka binalingan si Astrid na nakasalampak na sa sahig. Pinakatitigan ni Astrid ang nagdodobleng imahe ng dumating na lalaki. Wala na rin itong suot na maskara. Gayunpaman, nakasisiguro siyang siya ang nakabili sa kaniya. Naramdaman niyang umangat siya sa ere. Binuhat siya ni Ruex at nilabas sa silid na ‘yon. Dumiretso sila sa tamang VIP room. Kahit nang iupo siya sa kama, nanatiling nakatitig si Astrid sa kaniya. Ang gwapo. Iyong tipong parang hindi makatarungan para sa ibang tao. O epekto lang ito ng kung anong nainom niya? Nakakainis ang madilim na kwarto at nag-iisang lamp na hindi mabigyang hustisya ang kagwapuhan niya. Matalim ang panga. Matangos ang ilong. At ang mga mata nito—pakiramdam niya ay lalo siyang nalasing matapos iyong tignan. “Wala akong balak gawin ang iniisip mo. Ako ang nanalo sa bid pero hindi iyon nangangahulugang may obligasyon ka sa akin.” Namuo ang mga tanong sa isip ni Astrid ngunit hindi niya magawang ibuka ang bibig. “Pwede kang magpahinga rito ngayon. May kabilang kwarto, doon ako. Bukas, aalis ka nang walang problema,” pagpapatuloy ni Ruex. Dapat ay nakahinga siya nang maluwag. Sa halip, naging malalim ang bawat hinga niya. Umeepekto na ang gamot na hinalo sa alak. Namumuo ang mga butil ng malamig na pawis sa noo niya kasabay ng pag-iinit ng katawan niya. Hindi siya mapakali kaya tinanggal niya ang robe na suot. Natigilan si Ruex. “Anong ginagawa mo? Sinabi ko naman sa ‘yo, you don’t have to do it.” Wala ring alam si Astrid sa ginagawa niya. Para bang may sariling utak ang katawan niya. Hindi niya alam kung saan niya hinigot ang lakas ng loob niya at kung paano siya tuluyang nakalapit kahit pa ilang hakbang umatras ang lalaki. Hindi niya alam kung kailan siya huminto sa harap nito. Ang alam lang niya, sa isang iglap, hinawakan niya ang kuwelyo ng lalaki at siya mismo ang unang humalik. Nanigas si Ruex. Para bang hindi nito inaasahan ang ginawa niya. Ngunit makalipas ang ilang segundo, bahagya rin itong tumugon. Parehong nakapikit ang mga mata nila at sinasabayan ang ritmo ng bawat isa. Nagpalit sila ng pwesto. Now, Ruex is the one leading the kiss. Napasandal si Astrid sa bedside table at napindot ang lamp nang tinukod niya ang kamay roon. Mas dumilim ang kwarto. That didn’t stop them. Now, only the moon and city light from the window serves as their guide. She’s still wearing her mask. Naging sagabal iyon. Hinawakan ni Ruex ang dulo nang maskara habang patuloy ang paggalaw ng magkalapat nilang mga labi. Nang akmang aalisin niya na ito, bigla siyang natauhan. Mariing napamura si Ruex sa ilalim ng hininga. Pagkatapos ay agad niyang inilayo ang babae. “You're drunk,” sambit niya, mababa at paos ang boses. Parang nagising din ang diwa ni Astrid. Ginawa niya ‘yon?! Sa loob-loob niya gusto na niyang sapakin ang sarili… dahil nagustuhan niya rin. At gusto pa niya. May disappointment siyang nadama. “Hindi mo alam ang ginagawa mo. Lasing ka lang,” paliwanag ni Ruex. Sa totoo lang, sinasabi niya ba ang mga iyon para pa sa babae o sa kaniya? “Alam ko ang ginagawa ko,” desididong sagot ni Astrid kahit pa baka pagsisihan niya ito kalaunan. Walang ideya si Astrid sa epekto kay Ruex ng binitawan niyang mga salita. She stared at his eyes while telling that she was giving permission despite being drunk. Hindi gumalaw si Ruex. Tahimik ito. Nanatili lang siyang nakatingin kay Astrid, hindi nagsasalita. Tila tinitimbang ang sitwasyon. At nang makita nitong wala man lang bahid ng biro ang mukha niya—napapikit ito. Parang ubos na ubos ang natitirang pagpipigil. “Fuck,” ang tangi niyang nasabi bago lumapit kay Astrid at muli itong siniil ng halik.Habol hininga si Erich na pumasok sa sasakyan niya. Sa padabog niyang pagsara ng pinto, agad napatingin sa salamin ang driver niya.“Babalik na po tayo sa mansyon ma’am?”Huminga ng malalim si Erich. “No. Drive me to my condo.”Tahimik na sumunod ang driver.Bakit nandoon ang babaeng ‘yon?! Nagtatrabaho pa siya sa mga Villaflor… Napasabunot si Erich sa sarili kasabay ng pagtili. Inis niyang dinampot ang paperbag na dinala niya at hinagis sa lapag ng kotse.Maayos na ang lahat. Pumayag na sa kasal si Ruex. Bakit ngayon pa sumulpot ang babaeng ‘yon? Bakit ba pilit siyang hinahabol at minumulto ng nakaraan! Paan
“Ugh. Why do I even need to do these things for that kid?”Iritado si Erich habang naglalakad sa mall. “Ang dami kong pwedeng gawin. I could be pampering myself and doing my self care routine, I can visit a salon or go shopping for my own things. Yet here I am!”Napairap siya. “Pero nasabi ko na kay Rowan na bibigyan ko siya ng regalong gusto niya. Narinig pa ni Ruex.” Padagbog niyang tinulak ang glassdoor papasok sa isang book store. Agad siyang dumiretso sa best-seller section.Wala siyang alam sa mga libro. Alin ba rito ang dapat niyang bilhin?“Hello po, miss. Good morning po. Iyan po ang mga mabenta rito. Magagandang libro po ‘yan.”Hinarap niya ang lumapit na saleslady. “Is there anything here good for a kid? He’s around five years old.” “Ay, doon po sa kabilang shelf ang mga pambatang story.”Tinignan ni Erich ang section na tinuro nito. Mga kwentong pambata. For sure Rowan will not like those kinds of books. Masyadong mature mag-isip ang batang ‘yon. Kaya nga naiinis siya. A
“Dito na lang po sir, d’yan na lang po sa gilid mo ibaba.” Nakaramdam ng hiya si Astrid. Boss niya pa talaga ang pinagbuhat niya.“Magpapatulong na lang po ako kila kuya at manong doon sa iba,” aniya. Ang tinutukoy ay mga lalaking trabahador sa mansyon.Nilibot ng mag-ama ang paningin sa tinutuluyan ni Astrid, ngayon lang sila nagawi sa parte ng ito ng mansyon.“Ganda naman ng room mo nanny, ang linis. Gusto ko rito! Pwede pong tumabi ako sa ‘yo mamaya matulog?”Hindi nakasagot si Astrid sa anak. Tumingin agad siya kay Ruex na halatang hindi payag.“I thought we would be together in my room tonight, Rowan?” reklamo nito. Kapag walang pasok si Rowan, tabi natutulog ang mag-ama. Bonding time nila iyon. Kundi sa kwarto ng bata, kay Ruex sila.Tapos ngayon ipgpapalit pa siya ni Rowan para lang magkasama ang nanny niya? Unbelievable!“Ay, oo nga pala dad. Tabi ka na lang po sa amin ni nanny?”“No, thank you. Kung gusto mo rito hindi sa tabi ko, go on. I’ll sleep on my bed. ALONE. I will
Ramdam ni Astrid ang pag-iiba ng hangin sa loob ng mansyon. Nadatnan niya na parehong nakabusangot ang mag-ama sa sofa, nakakrus ang mga braso.Dahan-dahan siyang lumapit sa harap nila. “Sir Ruex, Rowan, may maipaglilingkod po ba ako sa inyo?”“Wala po. We’re not as important as naman po as your boyfriend. Hintayin mo na lang ang text ng boyfriend mo.”Nagtatakang tumaas ang isang kilay ni Astrid sa naging tugon ni Rowan. Hindi malabing katulad ng nakasanayan niya, masungit ang bata ngayon.“Nakikipag-date sa oras ng trabaho? Sinama mo pa talaga si Rowan.”Tumaas na ang isa pa niyang kilay dahil naman kay Ruex. Strikto as usual, pero mas lalong naging seryoso ngayon.Anong problema ng mag-amang ‘to?“Sige po, kung wala na, akyat na po ako sa maid’s quarter…”“Tss!” sabay siyang tinalikuran ni Ruex at ni Rowan. Nauna pang tumayo ang dalawa at umakyat sa hagdan kaysa sa kaniya.Astrid stood there for few seconds, speechless na nakatingin sa mag-amang sabay na nagmamaktol, malakas ag gal
“Sobra kitang na miss, girl. Ikaw ha, napunta ka lang sa puder ng mag-ama mo, blooming na blooming ka na.”“Na miss din kita.”Nagyakap ang magkaibigan. Napangiti si Astrid, tinignan niya ang kabuuan ni Zee. “Ikaw nga ‘tong mas lalong gumagwapo. May boyfriend ka na ‘no?”“Yucks.” Umasim ang mukha ni Zee. “Not in my plan.”Napataas tuloy ang kilay ni Astrid. Tinulak niya papalayo sa kaniya ang kaibigan niya. “Bakla ka ba talaga? Baka nagpapanggap ka lang ha!”“Ayaw lang mag-boyfriend peke na?” umirap kunwari ang lalaki. “Mataas lang ang standard ko! At nag-eenjoy ako sa pagiging single.”Lumapit ulit si Astrid at natatawang sinabit ang kamay sa braso ni Zee. “Joke lang, alam ko naman. Pero sigurado akong maraming babae ang nagkakandarapa sa ‘yo. Kapag nagka-boyfriend ka, magluluksa silang lahat panigurado.”Nagkibit-balikat lang si Zee. Nandito silang dalawa ngayon sa playground sa village ng mansyon ng mga Villaflor. May inasikaso si Zee sa Manila branch ng Starlight Press kaya sina
Sa loob ng sasakyan, tahimik si Rowan. Napapagitnaan siya ni Ruex na katulad niya ay tahimik at ni Erich na pilit naghahanap ng mapag-uusapan.“What things do you like?” nakangiti siya habang panay ang tanong sa bata.“I like reading po.”“Really? Wow. I should buy you some books next time.”“Thank you po.” Isang tanong, isang sagot.Panay lang ang sagot ni Rowan pero sa loob-loob niya hinihiling niyang manahimik na ang babae.“Did you enjoy your class today?”“Sakto lang po.”End of the conversation. Halata namang ayaw ni Rowan kay Erich. Hindi dahil bastos siyang bata. It’s just that… Rowan can feel that something is off in this woman. Kahit limang taong gulang pa lang siya ngayon, alam niya ang mga nangyayari.Erich is someone who tried to be close to Rowan, she keeps saying she’ll be his future mommy and she will treat him well. She is kind. Maalaga naman si Erich. Yet Rowan can’t seem to find her sincerity. She brought gifts, even attended some of his school events, asked polit
Kasasabi lang na susubukan kalimutan ni Astrid ang nangyari, pero magagawa niya pa nga ba ngayong may munting alaalang nagsisimulang mabuhay sa sinapunan niya?“Anong sabi? Sumagot na ba sa tawag?”Umiling si Astrid sa kaniyang kaibigan.“Aba! Bruha talaga ‘yang si Madam Beth! Sampung milyon, higit
Nagising si Astrid na masakit ang buong katawan. Nang idilat niya ang kaniyang mga mata, ang salaming bintana ang nasa harap niya, kung saan nakita niya papaangat pa lang ang araw. Unti-unti niyang naalala ang mga nangyari kagabi. The unexpected job offer.Masquerade party.Auction.A night with a
“Dito na po ‘yon?” Sinilip ni Astrid mula sa bintana ng taxi ang gusali sa tapat nila. Mukhang ito na nga ang lugar.“Sige po d’yan na lang sa tabi.”Nag-taxi na siya papunta. Mahal at masakit sa bulsa pero worth it naman siguro dahil trabaho ang pupuntahan niya.Hindi niya mapigilang mamangha sa n
Hindi na magkandaugaga ang mga tao sa loob ng maliit na karinderya. Palibhasa’y oras ng tanghalian. Marami ang nakapila. Halos puno na lahat ng mga lamesa.Sumilip ang isang serbadora sa loob ng kusina. “Astrid, pahatid naman ng order!” Lumabas si Astrid at tinuyo ang basang kamay sa suot niyang a







