LOGINKasasabi lang na susubukan kalimutan ni Astrid ang nangyari, pero magagawa niya pa nga ba ngayong may munting alaalang nagsisimulang mabuhay sa sinapunan niya?
“Anong sabi? Sumagot na ba sa tawag?” Umiling si Astrid sa kaniyang kaibigan. “Aba! Bruha talaga ‘yang si Madam Beth! Sampung milyon, higit pa sa tripleng presyo ng bahay mo—ang lakas niyang itakas ang perang naging kapalit ng dignidad mo!” Kung kailan pa kailangang-kailangan ni Astrid ang pera para sa pagbubuntis niya. Nalaman nilang tinakbo ni Aling Beth lahat ng pera mula kay Ruex sa auction. Twenty percent lamang ang parte ni Aling Beth, pero dahil sa kaniya dumirekta lahat ng pera, kinamkam niya lahat. Ngayon haka-hakang nasa ibang bansa na raw ito, o kung saan mang parte ng mundo na hindi nila ma-contact. “Una pa lang, dapat naisip ko nang posibleng ganito ang gagawin niya. Lalo noong tumagak ang proseso ng pag-deposito niya sa akin,” napagtantong wika ni Astrid. “Ano nang gagawin natin? Hindi pwedeng wala tayong pera para sa baby mo,” problemadong ani Zee. Naisip ni Astrid si Marky. May pera siya kay Marky. Nagpasama siya kay Zee sa bahay ng ex-boyfriend. “Marky? Marky!” kanina pa siya tumatawag at kumakatok. Walang nagbubukas o maski ang sumagot. “Astrid?” may napadaang kapitbahay. Kilala na siya ng mga nandito sa barangay ni Marky dahil sa tagal nilang magkasintahan. “Opo. Si Marky po? Wala po ba siya?” “Ay oo, hija! Nakaraang linggo pa. Naghakot ng mga gamit si Marky, lumipat na.” “Talaga po?” kunot noo ni Astrid. “Bakit wala kang ideya? Kayo ba ay naghiwalay na?” Tumango na lang si Astrid. Marami pa sanang tanong ang ginang sa dahilan ng paghihiwalay nila. Nagawan niya ng paraan na malihis ang usapan hanggang sa malaman niya ang bagong tirahan ni Marky. “Mayaman pala ang ex mo girl?” Umiling si Astrid kay Zee. Kapwa sila nakatingin sa bagong bahay daw ni Marky. Winaldas na ba niya ang mga pera? “Hindi gaanong malaki ang kita niya bilang factory worker,” sagot ni Astrid. Naalala niya pang madalas nito iyong ireklamo. Sakto namang huminto ang magandang kotse sa harap ng gate. Lumabas ang lalaking hinahanap nila. Ngunit hindi siya nag-iisa. Pinagbuksan ni Marky ang isang babae palabas ng passenger seat. “Dito ka lang, Zee. Hintayin mo ‘ko.” Dumiretso si Astrid at tinapat si Marky. Nanlaki ang mga mata ni Marky. “Astrid, anong ginagawa mo rito?” “Para bawiin ang ninakaw mong pera. Ibalik mo ang pera ko.” “Babe, who is she?” taas kilay ng babae ni Marky. “Anong sinasabi niya?” Malamang siya ang ipinalit ni Marky kay Astrid. Mukha siyang mayaman at may pinag-aralan. Bakit itong kumag ang sinagot niya? “Wala babe, gan‘yan lang siya magsalita. Mainitin ang ulo. May utang lang akong pilit niyang sinisingil,” pang lalambing nito. Hinarap siya ng babae. “Magkano ang utang niya? I will pay.” “One hundred thousand.” “Lang?” pangmamaliit nito. Natatawa pa nang sabihin kay Marky, “Saan mo ginastos ang barya niya babe? You should have told me instead. I can lend you more.” Umakbay si Marky sa babae. “Ayos lang. ‘Wag ka mag-alala babe. Marami na akong na iambag sa kaniya noon. Wala pa ang pera niya, bayad niya lang sa akin ‘yon sa rami ng mga nagastos ko para sa kaniya.” Nakuha pa nilang maglampungan sa harap niya! Sigurado si Astrid na hindi afford ni Marky ang bahay at kotseng meron siya ngayon. Malamang itong bagong babae naman ang peperahan niya. “Mag-ingat ka sa lalaking ‘yan!” babala niya. “Pinagsabay niya tayo! Matagal na kami. Isa siyang manloloko at manggagamit!” “Gumagawa lang siya ng kwento babe. Don’t believe in her lies, okay?” “Ikaw ang nagsisinungaling, Marky! Miss, ngayon pa lang iwanan mo na ‘yan habang hindi pa kinakamkam ang buong kayaman mo katulad—” “Anong bang pinagsasasabi mo?!” inis na tinulak ni Marky si Astrid. Inalo niya ang bagong girlfriend papasok sa bahay. Walang pake kay Astrid na nasalampak sa semento. Si Zee, na nakita ang nangyari, agad tumakbo papalapit kay Astrid. “Loko ‘yon ah!” Akmang hahabulin niya ang dalawa pero pinigilan siya ng kaibigan. “Zee, ang baby ko...” daing ni Astrid. May pulang likido na dumaloy pababa sa kaniyang hita. Nataranta si Zee nang mawalan ng malay si Astrid. TAHIMIK ang kwarto, tunog ng electric fan at ilang aparato ang tanging maririnig. Mayamaya, pumasok ang doctor na may ari ng clinic. “Ligtas po ang baby at ang mommy. Sadyang maselan ang pagbubuntis niya kaya hangga’t maaari maging maingat, nagreseta na rin ako ng mga vitamins para sa buntis. Alagaan dapat si mommy, okay?” Nakahinga ng maluwag si Zee. “Opo, doc. Salamat po.” Nagising na si Astrid. Pinayagan na silang umuwi matapos muling tignan ang kalagayan niya. Si Zee ang gumastos ng lahat kaya nakaramdam ng hiya si Astrid. “Ano ka ba, maliit na bagay! Basta sa inaanak ko,” kindat niya. Natawa sila pareho. Siya na ang nagdesisyong ninong agad siya kahit wala pang sinasabi si Astrid. “Akala ni doc ako ang daddy ni inaanak,” nguso ni Zee. “Hayaan mo na ang ex mo ha. ‘Wag mo nang isipin ang pangit na ‘yon. Bawal kang ma-stress sabi ni doc. Isipin mo na lang si Ruex, mas pogi siya.” “Dapat ko bang sabihin sa kaniya? Kaya ko bang palakihin ang baby ko ng walang daddy?” Hinaplos ni Astrid ang tiyan niya. Hindi niya kilala sa personal ang CEO na si Ruex Villaflor. “Paano kapag ayaw niya pala sa anak namin...” “Ikaw ba, gusto mo bang ipaalam sa kaniya?” tanong pabalik ni Zee. “Natatakot ako,” pag-amin ni Astrid. “Baka itaboy niya lang kami.” “Then that’s your answer. Lumaki akong walang ama pero hindi nagkulang sa pagmamahal ng ina. Never pinaramdam sa akin ng mama ko na kulang ang pamilya namin. Ikaw pa ba. Alam kong kaya mong alagaanan ang magiging anak mo,” ani Zee. May tiwala talaga siya kay Astrid. Nanubig ang mga mata niya. “Salamat talaga...” “Of course. Anything for my bff!” Sa pagbubuntis ni Astrid, si Zee ang lagi niyang natatawagan. Gayunpaman, sinisikap ni Astrid na asikasuhin ang sarili at huwag laging umasa sa kaibigan niya. May sarili rin itong buhay at may trabaho. Ayaw niyang maging pabigat. Related to literature ang natapos niyang kurso sa kolehiyo. May interes siya sa pagbabasa at pagsusulat, na matagal na niyang binaon sa limot. Marami kasing nagbigay ng payo sa kaniyang maging praktikal dahil wala raw pera sa pagsusulat. Wala nang mawawala sa kaniya ngayon, wala na ang lahat. Imbis na tignan iyon bilang negatibo, mas pinili niyang maging positibo ang pananaw sa buhay. Sinubukan niya ulit. Hindi naman maaring magtrabaho siya ng nakakapagod, bawal sa kaniya. Ngayon, work from home siya. Nagsusulat ng mga articles at stories online. Astrid imagined reading her own books to her child. Lagi niyang kinakausap ang tiyan niya. “Anak, gusto mo ng mangga? Bibili si mama.” Minsan ay pumunta siya sa palengke para bumili ng cravings niya. Habang masayang naglalakad bitbit ang plastic ng nabiling mangga, naagaw ng pansin niya ang stall na puro baby items ang paninda. “Bagay sa ‘yo ang mga nandoon baby!” Ang cute ng mga damit lalo na ang isang pares na kulay brown. May mga laruan din. Tila bagay ‘yon sa malaking teddy bear na may hawak na puso. Hinaplos niya ang tiyan na medyo halata na ang umbok at inabot sa tindera ang dalawang nagustuhan. “350 at 150,” binalot ito ng tindera. “500 pesos lahat.” Napangiwi si Astrid. “Ang mahal naman ate. Wala bang bawas?” “Naku wala e, branded ‘yan. Hinango pa sa mall. Kukunin mo pa ba?” Ngumiti siya sa tiyan. “Okay lang baby. Isang beses lang naman akong bibili ng ganito.” Binili ni Astrid ang mga gamit kahit kapos siya. Dumating ang araw ng check-up niya. Mag-isa lang siya sa waiting area. Sa paligid niya, puro mag-asawa. May magka-holding hands, masayang nag-uusap at excited ang mga ama na maraming tanong habang malawak ang ngiti ng mga ina. Nag-iwas siya ng tingin. Masaya siya. Subalit may kaunting kirot sa puso niya na ‘di niya maitanggi. Nang ngumiti ang doctor sa kaniya at sabihing baby boy ang anak niya, mangha niyang pinagmasdan ang galaw nito mula sa screen. Umuwi siyang halo ang emosyon. Astrid can’t help but to cry quietly because she knows she might not be able to give a complete family and even a good life for her baby.Pinagsawalang bahala ni Ruex ang sinabi ni Rowan tungkol sa ‘mommy’ niya. Akala niya doon na matatapos ‘yon kaya lang…“Dad.”“Hm?”“Mommy Astrid is pretty,” tukoy niya sa babae noong isang araw.“Maybe. I haven’t seen her face yet. Ano naman ang gagawin ko?” si Ruex with matching kunot noo.“You should marry her.”“No.”“Okay.” Pout.The next hour. “Dad.”“What?”“If you marry Mommy Astrid I will be happy.”“...”Bumagsak ang mga balikat ni Rowan dahil hindi sumagot ang kaniyang ama. “You don’t want me to be happy?” paawa niyang wika.“Rowan…” may banta sa boses ni Ruex.Tumayo siya ng tindig at kumaway. “I’ll play with my toys. Bye.”Three hours later.“Dad.”Napahinga ng malalim si Ruex. “What now?” “Nag-sabi na ako sa kaniya. Sabi ko po sa kaniya bagay kayo. Single ka. And I think single siya, okay lang sa kaniya na tinawag ko siyang mommy e. Kaya pwede kayong maging mag-asawa!” bibong bungad ni Rowan. “I already told her that she is my mom and so you will need to marry her.”“Y
“ANO?!” Napatayo si Ruex dahil sa binalita sa kaniya ng kanilang driver. “What do you mean wala si Rowan sa school niya?”Nagsimulang kabahan ang driver. “O-Opo, sir. Maaga silang pinalabas ngayon. Wala po siya, nakauwi na raw po sabi ng mga teacher.”“Sa mansyon?”Umiling ang kausap. “Dumiretso agad kami sa mansyon pero wala pa po ang young master. Pumunta po ako rito para ipaalam sa inyo...”“Then who’s finding him?!” “Sinusubukan pa po ng mga tauhan—”Nag-init ang ulo ni Ruex. “Ikaw, ano pang ginagawa mo? Get out and look for him too! O lahat kayo matatanggal sa trabaho!”Nagmamadaling sumunod sa utos ang driver.Napaupo muli si Ruex sa kaniyang swivel chair at napasapo ng ulo. That kid! Sobra siyang nag-aalala. Maski kaunting galos nga lang, nandyan na agad ang mga best doctors sa bansa sa isang tawag niya lang. Hindi niya kayang nasasaktan si Rowan. Ganoon niya kamahal ang anak niya. Saan naman magtutungo ang batang ‘yon?Napatayo ulit si Ruex nang may maalala. Iisang lugar l
Naunang bumaba si Zee kung saan gaganapin ang book launch. Siya ang humaharap sa madla para kay Astrid. Gaya ng dating gawi bilang walang mukhang author at CEO, makikinood lang sa si Astrid sa sariling event. Nakahalo sa mga tao. Nagpapanggap na simpleng customer.Ilang oras pa bago ang official start marami nang nasisidatingan. Mga kabataan, guro, taga hanga niya. Karamihan mga bata na kasama ang kanilang mga magulang.“Sir, hindi po kayo pwedeng pumasok kung wala kayong kasama.”Ang sir na tinutukoy ay hindi man lang abot ang tangkad sa kalahati ng lalaking humaharang.Isang batang lalaki ang nakatayo sa harap ng guard. Maayos ang suot niyang uniform, kalmado ang mukha, pero halatang hindi sanay na pinipigilan.“Bakit naman? Gusto ko lang bumili ng libro.”“Iyon po ang patakaran. Nasaan ang mga magulang mo? Naliligaw ka ba?”“Hindi. Gusto ko um-attend sa event. May dala naman akong pambili.”“Pero kailangang may kasama kapag bata.”Napabuga ng hangin si Rowan. Ang kulit ng guard na
“And they live happily ever after. The end.” Sinara ni Ruex ang librong binabasa. Nagtagpo ang mga mata nila ni Rowan, dilat na dilat pa. “Rowan, bakit hindi ka natutulog?” “Naghihintay ako.” “Ng?” “Hintaying mapansin mong malungkot ako.” Ngumuso si Rowan nang pagmasdan lang siya ng daddy niya. “Hindi gumana?” “That was the last story, no more tonight.” Tumayo si Ruex mula sa pagkakahiga, nilagay niya ang mga libro sa shelf at binalikan si Rowan. Umupo siya sa gilid ng kama. “Matulog ka na. Bukas na ulit kita babasahan.” Inayos niya ang starry night themed na kumot ng anak. “Kabisado mo na lahat ng stories, hindi ka pa ba nagsasawa?” “No. Never!” Napangiti si Ruex. Siya rin. Pareho nilang paborito ang naturang mga libro. Gabi-gabi nagbabasa ng stories si Ruex habang taimtim na nakikinig si Rowan. “Daddy.” “Hm?” “Nakita ko sa internet na may hard launch ang new book ng favorite nating author. Punta tayo bukas?” nagniningning ang mga mata ni Rowan. “Bukas? W
“Young master!” hinihingal na kakahabol ang yaya ni Rowan. Huminto siya sandali para huminga.Napalingon ang limang taong gulang na si Rowan. Hindi pa rin siya tinatantanan ng yaya niya. May tatlo pang ibang katulong ang nakasunod at dalawang bodyguard. Kaya pala parang masunurin si Rowan simula pa kanina. Noong lumabas sila sa pinto, doon nagsimulang magtatakbo ang young master sa kanilang malawak na bakuran.Ang bilis ng bubwit, ang layo na ng pagitan nila. “Young master! ‘Wag na po kayong tumakbo! Mahuhuli na kayo sa klase!” “Ayokong pumasok!”“Hindi po pwede, young master! Kailangan mong pumasok sa school!”“Ayoko nga—ouch…” Nabunggo si Rowan sa malaking bulto. Nang iangat niya ang tingin kung sino ito, nanlaki ang mga mata niya. “Daddy?!”Hinawakan ni Ruex ang likod na kwelyo ng uniform ni Rowan. Bahagya siyang umangat kaya kahit sinusubukan niyang tumakbo ulit, naggagagalaw lang sa hangin ang mga binti niya.“What’s happening here?” tanong ni Ruex sa mga tauhan.Isa-isang nags
“MANGANGANAK NA ATA AKO!”Napabaligwas ng bangon si Zee at saka kumaripas ng takbo sa katabing kwarto. Doon niya nakita ang pawisang si Astrid.“M-Manganganak na ako, Zee. Dalhin mo na ako sa ospital...” hingal ni Astrid.“Okay! O-Okay. Huwag kang matakot. Nandito ako,” mabilis na sabi ni Zee kahit siya mismo ay kinakabahan na rin.Mabuti at nang dumating ang kabuwanan ni Astrid, talagang naglaan si Zee ng leave para masahaman at maalagan si Astrid. Sa bahay pa nga siya ng kaibigan pansamantalag natutulog dahil mahirap kung mag-isa siya kapag ganitong manganganak na.Hindi nagtagal ay nasa ospital na sila.Ilang oras na pagle-labor ang lumipas bago tuluyang marinig ni Astrid ang pinakahihintay niyang tunog. Ang iyak ng kaniyang anak.Napawi ang lahat ng pagod niya. Napapikit siya habang bumuhos ang luha sa kaniyang mga mata.“Congratulations, Ma’am. Baby boy po.”Nang tuluyang makita ni Astrid ang maliit na sanggol na inilapit sa kanya, parang tumigil ang mundo niya.Napakaliit nito.







