LOGINNaging hudyat ang anunsyo para mag-angat ng tingin si Ruex. Doon niya lang napansin ang babae. ‘What’s wrong with her?’ Is the first thing he asked himself. Nakayuko si Astrid at halatang kinakabahan. She looks like a lost puppy in his eyes.
Mariing kinuyom ni Astrid ang mga kamao habang nakatayo sa gitna ng entablado. Bahagyang umiikot ang paningin niya dahil sa alak na nauna niyang nainom, pero sapat pa rin ang katinuan niya para maramdaman ang bawat matang nakatutok sa kanya. Sandaling katahimikan. Nabasag iyon sa pagtaas ni Ryan ng kamay. Ruex immediately looked at him. “What?” patay malisya si Ryan. “Thank you, sir! I have ten thousand. Do I hear eleven?” Muling nabuhayan ang hall. Everyone starts bidding to win this delicate lady. “Eleven thousand,” called a man near the front. “Eleven. Now twelve?” “Fifteen thousand!” hindi nagpatalo si Ryan. “Fifteen thousand with the gentleman in red. Sixteen? Sixteen, thank you. Seventeen anywhere? We have twenty thousand in the back. Twenty-five! Thirty! Fifty thousand.” Nasa harapang hanay ang lalaking halos mas matanda pa yata sa kaniyang ama. Paubos na ang buhok nito sa ulo, halos puro puti na lang ang natira. Bilugan ang tiyan niya at may hawak na tungkod. Kanina pa ito nagmamasid lang ngunit hindi maitago ng maskara ang paraan ng pagtingin nito kay Astrid. Nagtaas nito ng kamay para mag-bid na kinagulat ng lahat, “Five hundred thousand.” “Wow! Higher than five hundred?” “Kalahating milyon?” wika ni Ryan. “Five hundred ten!” Tumataas na nang tumataas ang halaga. Umabot sa milyon ang pera na ikinasimangot ni Ryan. “You’re giving up?” kunot noo ni Ruex. “Marami na akong nagastos sa mga nauna. Hindi ko na kayang dagdagan ng milyon. It’s too much. Look who’s bidding in the front. Si Tanda. Hayok ‘yan si Gacula. ‘Di ‘yan titigil.” Maraming lumalaban sa highest bid kahit hanggang ngayon. Kilala nila Ruex ang matandang ‘yon. Magkakumpetensya sila sa business. Of course, a guy like him will be here too. “Three million!” ngisi ng matanda. Natahimik ang hall. May mga namangha. Maraming napailing sa pagkadismaya. Ito ang pinakamataas na presyo simula nang simula ng auction. “Three million! Higher than three million? Going once...” Tuwang-tuwang ang matanda ngayong sumuko na ang iba. Hindi mapigilan ni Astrid na kilabutan sa takot. Ito ang worst case scenario sa isip niya. Sinong mag-aakalang sa ganitong paraan niya maisusuko ang kaniyang pagkababae? She’s been saving her purity for Marky. Siya ang unang nobyo niya, inakala niyang siya rin ang magiging huli. She wants the best gift for him on their wedding night. Iyon ang plano. Na malabo nang matupad. Ruex just stared at her and the old man. Napansin niya kung paano manginig ang babae. Kung siya ay isang walang muwang na tuta, ang isa naman ay asong ulol na handang manunggab. She doesn’t want to be here. That’s for sure. “Going twice…” “Five million.” Nanlaki ang mga mata ng matanda. Hindi lang siya. Si Astrid, si Ryan, si Connor, at halos lahat ay sabay-sabay na nagulat. Agad na nagbulungan ang mga tao. “What the heck?” literal na napanganga si Ryan. Si Ruex ang nag-bid! Napunta ang mga mata sa lamesa nila. Bagong boses kay Astrid ang narinig niya. Malamig ang boses ng lalaki. Hinanap niya iyon hanggang sa matanaw ang kabilang bahagi ng ballroom, tahimik na nakaupo ang isang lalaki na nakasuot ng itim na maskara. Hindi ito ngumingiti. Hindi rin ito mukhang interesado sa nangyayari. Still, he bid for her. Nabuhayan siya ng loob. Kahit sino. Kahit sino huwag lang iyong matanda. “We continue at five million!” Kung tutuusin, simula pa lang ng auction ay wala namang balak sumali si Ruex. Iyon ay hanggang sa lumabas si Astrid. Nakuha nito ang atensyon niya. Lalo na nang makitang interesado ang matandang negosyante. Humigpit ang kapit ng matanda sa tungkod. “Six million.” “Seven million.” Mas nag-ingay ang buong ballroom. Halos malaglag ang panga ni Ryan—pati ni Connor na kapwa ‘di makapaniwala kay Ruex. Ngunit hindi pa rin umatras si Tanda. Ang lahat ay tense habang tumataas ang bid. Kung may isa mang pinaka-tense sa lahat, walang iba ‘yon kundi si Astrid. “Seven million!” “Ten million,” kalmadong wika ni Ruex. Parang wala lang sa kaniya ang perang binabanggit. Totoo naman. Mas mataas pa rito ang kaya niyang ibigay. At doon tuluyang nagdilim ang mukha ng matanda. Ilang segundo itong nanahimik bago tuluyang sumandal sa upuan. Sa isipan nito ay pinagmumura na si Ruex, hindi matanggap ang kaniyang pagkatalo. Sino ba namang gagastos ng ganito kalaking pera para sa isang gabi kasama ang kung sinong babae? And finally, “Ten million, going once, going twice... sold!” Masigabong palakpakan ang namutawi. Nangunguna si Ryan na proud na proud sa pinsan. Nakipalakpak na lang din si Connor kahit nagtataka sa ginawa ni Ruex. Ngunit wala ni isa sa mga iyon ang narinig ni Astrid. Dahil sa unang pagkakataon simula nang magsimula ang auction, nakahinga siya nang maluwag. Mas gugustuhin pa niyang magtiis sa malamig na tingin ng misteryosong lalaking iyon kaysa mapunta sa kamay ng matandang halos kainin siya sa pamamagitan pa lang ng tingin. Hindi niya alam kung sino siya. Pero alam niyang mas ligtas siya kasama ito. Sana. HINDI SIGURADO si Astrid kung saan siya nakakuha ng panibagong alak. Sa nagdaang waiter ata. Tinganggap niya ‘yon para muling matanggal ang kaba. Effective naman ang kanina. Ang ‘di niya mawari, bakit imbis kumalma, bumilis pa ang tibok ng puso niya? Mas lalo pang umikot ang paningin niya. Sa ‘di malamang dahilan, mas malakas ang naging tama sa kaniya ng huling basong alak na ininom niya kumpara sa unang naka-isang bote siya. Suot niya na muli ang isang robe. Nasa dulo pa ng pasilyo ang pribadong suite kung saan niya haharapin ang lalaking nanalo sa auction. Natapos na ang party pero nagsisimula pa lang ang tunay niyang trabaho. Susuray-suray siyang naglakad papunta sa diretsong direksyon. Ilang minuto ang lumipas, tuluyan na siyang napahinto at napahawak sa ulo. Hindi niya kinakaya ang pagkahilo. “A-Alak ba talaga… ang nainom ko?” Sumulpot sa kaniyang harapan ang parehong waiter, ang nag-abot sa kaniya ng inumin. “I-Ikaw!” “Pasensya na po, napag-utusan lang.” He actually drugged the alcohol. Sinadya niyang ibigay iyon kay Astrid gaya ng utos sa kaniya. Binuksan nito ang isang pinto at tinulak si Astrid papasok.Habol hininga si Erich na pumasok sa sasakyan niya. Sa padabog niyang pagsara ng pinto, agad napatingin sa salamin ang driver niya.“Babalik na po tayo sa mansyon ma’am?”Huminga ng malalim si Erich. “No. Drive me to my condo.”Tahimik na sumunod ang driver.Bakit nandoon ang babaeng ‘yon?! Nagtatrabaho pa siya sa mga Villaflor… Napasabunot si Erich sa sarili kasabay ng pagtili. Inis niyang dinampot ang paperbag na dinala niya at hinagis sa lapag ng kotse.Maayos na ang lahat. Pumayag na sa kasal si Ruex. Bakit ngayon pa sumulpot ang babaeng ‘yon? Bakit ba pilit siyang hinahabol at minumulto ng nakaraan! Paan
“Ugh. Why do I even need to do these things for that kid?”Iritado si Erich habang naglalakad sa mall. “Ang dami kong pwedeng gawin. I could be pampering myself and doing my self care routine, I can visit a salon or go shopping for my own things. Yet here I am!”Napairap siya. “Pero nasabi ko na kay Rowan na bibigyan ko siya ng regalong gusto niya. Narinig pa ni Ruex.” Padagbog niyang tinulak ang glassdoor papasok sa isang book store. Agad siyang dumiretso sa best-seller section.Wala siyang alam sa mga libro. Alin ba rito ang dapat niyang bilhin?“Hello po, miss. Good morning po. Iyan po ang mga mabenta rito. Magagandang libro po ‘yan.”Hinarap niya ang lumapit na saleslady. “Is there anything here good for a kid? He’s around five years old.” “Ay, doon po sa kabilang shelf ang mga pambatang story.”Tinignan ni Erich ang section na tinuro nito. Mga kwentong pambata. For sure Rowan will not like those kinds of books. Masyadong mature mag-isip ang batang ‘yon. Kaya nga naiinis siya. A
“Dito na lang po sir, d’yan na lang po sa gilid mo ibaba.” Nakaramdam ng hiya si Astrid. Boss niya pa talaga ang pinagbuhat niya.“Magpapatulong na lang po ako kila kuya at manong doon sa iba,” aniya. Ang tinutukoy ay mga lalaking trabahador sa mansyon.Nilibot ng mag-ama ang paningin sa tinutuluyan ni Astrid, ngayon lang sila nagawi sa parte ng ito ng mansyon.“Ganda naman ng room mo nanny, ang linis. Gusto ko rito! Pwede pong tumabi ako sa ‘yo mamaya matulog?”Hindi nakasagot si Astrid sa anak. Tumingin agad siya kay Ruex na halatang hindi payag.“I thought we would be together in my room tonight, Rowan?” reklamo nito. Kapag walang pasok si Rowan, tabi natutulog ang mag-ama. Bonding time nila iyon. Kundi sa kwarto ng bata, kay Ruex sila.Tapos ngayon ipgpapalit pa siya ni Rowan para lang magkasama ang nanny niya? Unbelievable!“Ay, oo nga pala dad. Tabi ka na lang po sa amin ni nanny?”“No, thank you. Kung gusto mo rito hindi sa tabi ko, go on. I’ll sleep on my bed. ALONE. I will
Ramdam ni Astrid ang pag-iiba ng hangin sa loob ng mansyon. Nadatnan niya na parehong nakabusangot ang mag-ama sa sofa, nakakrus ang mga braso.Dahan-dahan siyang lumapit sa harap nila. “Sir Ruex, Rowan, may maipaglilingkod po ba ako sa inyo?”“Wala po. We’re not as important as naman po as your boyfriend. Hintayin mo na lang ang text ng boyfriend mo.”Nagtatakang tumaas ang isang kilay ni Astrid sa naging tugon ni Rowan. Hindi malabing katulad ng nakasanayan niya, masungit ang bata ngayon.“Nakikipag-date sa oras ng trabaho? Sinama mo pa talaga si Rowan.”Tumaas na ang isa pa niyang kilay dahil naman kay Ruex. Strikto as usual, pero mas lalong naging seryoso ngayon.Anong problema ng mag-amang ‘to?“Sige po, kung wala na, akyat na po ako sa maid’s quarter…”“Tss!” sabay siyang tinalikuran ni Ruex at ni Rowan. Nauna pang tumayo ang dalawa at umakyat sa hagdan kaysa sa kaniya.Astrid stood there for few seconds, speechless na nakatingin sa mag-amang sabay na nagmamaktol, malakas ag gal
“Sobra kitang na miss, girl. Ikaw ha, napunta ka lang sa puder ng mag-ama mo, blooming na blooming ka na.”“Na miss din kita.”Nagyakap ang magkaibigan. Napangiti si Astrid, tinignan niya ang kabuuan ni Zee. “Ikaw nga ‘tong mas lalong gumagwapo. May boyfriend ka na ‘no?”“Yucks.” Umasim ang mukha ni Zee. “Not in my plan.”Napataas tuloy ang kilay ni Astrid. Tinulak niya papalayo sa kaniya ang kaibigan niya. “Bakla ka ba talaga? Baka nagpapanggap ka lang ha!”“Ayaw lang mag-boyfriend peke na?” umirap kunwari ang lalaki. “Mataas lang ang standard ko! At nag-eenjoy ako sa pagiging single.”Lumapit ulit si Astrid at natatawang sinabit ang kamay sa braso ni Zee. “Joke lang, alam ko naman. Pero sigurado akong maraming babae ang nagkakandarapa sa ‘yo. Kapag nagka-boyfriend ka, magluluksa silang lahat panigurado.”Nagkibit-balikat lang si Zee. Nandito silang dalawa ngayon sa playground sa village ng mansyon ng mga Villaflor. May inasikaso si Zee sa Manila branch ng Starlight Press kaya sina
Sa loob ng sasakyan, tahimik si Rowan. Napapagitnaan siya ni Ruex na katulad niya ay tahimik at ni Erich na pilit naghahanap ng mapag-uusapan.“What things do you like?” nakangiti siya habang panay ang tanong sa bata.“I like reading po.”“Really? Wow. I should buy you some books next time.”“Thank you po.” Isang tanong, isang sagot.Panay lang ang sagot ni Rowan pero sa loob-loob niya hinihiling niyang manahimik na ang babae.“Did you enjoy your class today?”“Sakto lang po.”End of the conversation. Halata namang ayaw ni Rowan kay Erich. Hindi dahil bastos siyang bata. It’s just that… Rowan can feel that something is off in this woman. Kahit limang taong gulang pa lang siya ngayon, alam niya ang mga nangyayari.Erich is someone who tried to be close to Rowan, she keeps saying she’ll be his future mommy and she will treat him well. She is kind. Maalaga naman si Erich. Yet Rowan can’t seem to find her sincerity. She brought gifts, even attended some of his school events, asked polit
“Dito na po ‘yon?” Sinilip ni Astrid mula sa bintana ng taxi ang gusali sa tapat nila. Mukhang ito na nga ang lugar.“Sige po d’yan na lang sa tabi.”Nag-taxi na siya papunta. Mahal at masakit sa bulsa pero worth it naman siguro dahil trabaho ang pupuntahan niya.Hindi niya mapigilang mamangha sa n
Hindi na magkandaugaga ang mga tao sa loob ng maliit na karinderya. Palibhasa’y oras ng tanghalian. Marami ang nakapila. Halos puno na lahat ng mga lamesa.Sumilip ang isang serbadora sa loob ng kusina. “Astrid, pahatid naman ng order!” Lumabas si Astrid at tinuyo ang basang kamay sa suot niyang a
Kasasabi lang na susubukan kalimutan ni Astrid ang nangyari, pero magagawa niya pa nga ba ngayong may munting alaalang nagsisimulang mabuhay sa sinapunan niya?“Anong sabi? Sumagot na ba sa tawag?”Umiling si Astrid sa kaniyang kaibigan.“Aba! Bruha talaga ‘yang si Madam Beth! Sampung milyon, higit
Nagising si Astrid na masakit ang buong katawan. Nang idilat niya ang kaniyang mga mata, ang salaming bintana ang nasa harap niya, kung saan nakita niya papaangat pa lang ang araw. Unti-unti niyang naalala ang mga nangyari kagabi. The unexpected job offer.Masquerade party.Auction.A night with a







