Home / Romance / Best Maid Ever / Chapter 6: Aftermath

Share

Chapter 6: Aftermath

last update publish date: 2026-06-14 16:15:32

Nagising si Astrid na masakit ang buong katawan. Nang idilat niya ang kaniyang mga mata, ang salaming bintana ang nasa harap niya, kung saan nakita niya papaangat pa lang ang araw. Unti-unti niyang naalala ang mga nangyari kagabi.

The unexpected job offer.

Masquerade party.

Auction.

A night with a stranger.

Saka niya lang naramdamang may brasong nakapulupot sa baywang niya, bigla ay pinigilan niya ang hininga. Nakatalikod siya sa lalaki, unan niya ang isang braso nito samantalang ang isa nakayakap sa kaniya.

Napatakip siya ng mukha. “Baliw ka na, Astrid! Anong pinasok mo?” bulong siya sa mga palad. ‘Ikaw pa ang nag initiate ng nangyari sa inyo! Grabe ka!’

Mabilis ngunit tahimik ang kaniyang naging kilos. Dahan-dahan niyang inalis ang pagkapulupot sa kaniya at saka naupo sa kama balot ang puting kumot. Sandali siyang tumitig sa gwapong lalaki na mahimbing na natutulog.

“Ruex Villaflor.” Siya nga. Ang kilalang billionaire sa bansa. “Sorry. At thank you sa pagligtas mo sa kin. Aalis na ako, pangako ‘di na ako magpapakita sa ‘yo. Hindi kita guguluhin.”

Pinulot niya ang mga damit at agarang nagbihis. Lumingon pa siya sa huling pagkakataon bago tuluyang lumabas ng pinto.

Hindi nagtagal, tuluyang sumikat ang araw.

Direktang tumatama ang sinag ng araw sa nakapikit na mata ni Ruex kaya siya nagising at bumangon. Una niyang hinanap ang babae mula kagabi, natigilan siya nang wala na ito. Ang tanging nakita niya ay ang magulong kwarto at kama, ebidensyang hindi panaginip at totoo ang nangyari kagabi.

“How could she leave just like that?” napahilot siya ng sintido. “Hindi ko man lang maalala ang mukha niya…” She was wearing a mask the whole time, and when they spent the passionate night together, it was too dark to even see her face.

Ang naaalala niya lang ay ang mga haplos niya, ang amoy niya, at ang nangyari sa pagitan nila… wala man lang personal na pagkakakilanlan.

Frustrated, he grabbed his phone and immediately called his secretary. “Find out who the woman from last night was. I want everything about her.”

ONE MONTH LATER.

“Talaga?! Iyon ang nangyari?!” gulat na bulalas ni Zee.

Rinding-rindi na ang mga tainga ni Astrid sa kaibigan pero napapangiti pa rin siya sa kakulitan nito. Naging magkaibigan na nga silang dalawa. Matapos ang gabing ‘yon, si Zee ang nakasalubong niya at tumulong sa kaniya na makaalis agad sa lugar. Halos magdadalawang buwan na ang nagdaan. Simula rin noon ay naging close na sila. Ngayon niya nga lang na kwento ang lahat ng nangyari.

“Anong masasabi mo?” may tuksong tanong niya.

“Anong anong masasabi ko?”

“Kay Mr. Ruex Villaflor! Mayaman at pogi, for sure masarap. Nag-enjoy ka naman ba?”

Naramdaman ni Astrid ang pamumula ng mga pisngi. “Ano bang sinasabi mo!”

“Sus, ‘wag mo nang ikaila,” tawa ni Zee.

Nakamot si Astrid sa ulo. Honestly, it was her first time and maybe the best too. “Pero wala naman ‘yon sa kaniya. Isa lang ako sa mga babae niya. Tiyak nakalimutan na niya agad ako.”

Biglang nagbago ang ihip ng hangin. Lumungkot ang itsura nila pareho.

“Don’t give me that face,” nag-aalalang sabi ni Zee. “Alam kong iniisip mo na naman ‘yung nangyari. ‘Wag mong sisihin ang sarili mo. Si Madam Beth ang nagdala sa ‘yo roon nang wala kang alam!”

Astrid sighed. “Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, Zee.”

Oo nga’t si Aling Beth ang puno’t dulo nito, pero siya ang pumayag. Siya ang gumusto. Hindi niya naman pinagsisihan, nangyari na ang nangyari, sadyang naguguluhan lang siya sa nararamdaman.

“First of all,” he said, trying to lighten the mood, “I just want you to know na grabe, ang ganda mo that night. Ang daming nagkandarapa sa beauty mo. Like, kung ako may kiffy, baka nag-audition din ako sa auction.”

Napailing si Astrid habang napapangiti. At iyon ang gusto ni Zee. Kahit saglit lang, gusto niyang makita na hindi tuluyang nilalamon ng guilt ang kaibigan niya.

“Pero seryoso, for sure hindi naging madali para sa ‘yo ang nangyari.”

“Hindi ko naman talaga gusto na umabot sa gano’n.”

“I know, girl.” Zee squeezed her shoulder. “Proud na proud ako sa ‘yo! Isang bagay lang ang siguradong alam ko—hindi nabawasan ang worth mo dahil sa isang desisyon na ginawa mo sa panahong nahirapan ka. Tandaan mo ‘yan.”

“Hindi kita huhusgahan,” dagdag ni Zee. “Alam kong desperadong-desperado ka that time. Alam kong feeling mo wala ka nang choice. At least nabawi mo na ‘tong bahay mo. Saka hindi naman na ulit nagparamdam si Ruex Villaflor. Kalimutan mo na lang lahat.”

Nasa kusina sila ng bahay ni Astrid. Pagkatapos nga ng nangyari, binalik na sa kaniya ang titulo. Sawakas ay sa kaniya na ulit ang bahay.

“Ay, sige na, ‘wag nang pag-usapan ‘yan!” Binuksan ni Zee ang mga tupperware na dala. “Tikman na lang natin ‘tong mga luto ko. Hinanda ko talaga ‘to for you, nabanggit mo kasing favorite mo ang binagoongan.”

Humalo sa hangin ang masarap na amoy ng ulam. Nilanghap pa ni Zee ang nakakatakam na halimuyak. Nang si Astrid na ang nakaamoy, agad siyang napatakip ng ilong.

“Ang baho! Panis na ba ‘yan?”

Nagtaka si Zee. “Uy, hindi ah. Saka mabango kaya.”

Sinubukan ulit amuyin ni Astrid pero ‘di niya talaga nagustuhan. Parang bumabaliktad ang sikmura niya. Tumakbo siya sa lababo at sumuka.

“Hala, anong nangyayari sa ‘yo? Masama ba pakiramdam mo? Ayos ka lang?” hinagod ni Zee ang likod ni Astrid habang patuloy ito sa pagduwal.

Pinunasan ni Astrid ang bibig matapos mag mumog. Medyo gumaan na ang pakiramdam ng tiyan niya kaso ulo naman niya ang sumakit.

“Nahihilo ako. Wala akong sakit, maayos pa ako kanina ‘di ba. Ewan ko ba, biglang gusto kong magsuka. Dahil sa bagoong?”

“Hindi kita papakainin ng sira. Girl, I swear bagong luto iyon. Hindi mo pa pati natitikman. Kaya bakit ka naman nagsusuka d—”

Nanlaki ang mga mata ni Zee.

Nanlaki rin ang mga mata ni Astrid.

“Delay ka ba?”

Kinakabahang nag-isip si Astrid bago tumango.

“Oh, my.” Napatakip ng bibig si Zee. “Buntis ka?!”

Muntik mawalan ng balanse si Astrid sa gulat. Pinaupo agad siya ni Zee sa dining table, tinabi na ang mga dalang pagkain.

“Teka ‘wag muna tayo mag-panic. Alamin muna natin ang totoo, okay?”

Matapos ang tagpo, bumili agad siya ng pregnancy test para sa kaibigan. Nakailang katok na si Zee sa banyo. Daig niya pa ang ama ng batang dinadala ni Astrid kung sakali. Hindi siya mapakali sa kaba habang pabalik-balik na naglalakad.

Akmang kakatok ulit siya nang bumukas na ang pinto.

“Zee…”

“Ano? Kumusta?”

Naka-focus ang tingin ni Astrid sa pregnancy test.

Lumapit na si Zee, sinilip niya rin ang resulta.

Dalawang guhit. Positive.

YUMUKO sa harap ni Ruex ang kaniyang secretary na si Connor. Simula nang ipag-utos ni Ruex na hanapin ang babaeng nakasiping niya noon, wala man lang na i-report na maganda si Connor.

“I’m really sorry but I can’t find her.”

“Ilang linggo na ang nagdaan! Sigurado ka bang ginawa mo na ang lahat para mahanap siya?”

Tumango si Connor sa dismayodong si Ruex.

“Mahigpit ang securities ng event, protektado nila ang identity ng mga babae noong gabing ‘yon.”

Tawa ni Ryan ang sumingit sa usapan nila. “Ano, cous? I told you. Women are the best delicacies in the world. Ngayon, hinahanap hanap mo pa siya. ‘Wag ka na mag-aksaya ng oras. Marami pang babae sa mundo! Ipapakilala kita sa mga—”

“Manahimik ka d’yan. Bakit ka ba nasa opisina ‘ko?”

Nagkibit balikat si Ryan. Nandito lang naman siya para mang-asar.

Bumuntong hininga si Ruex. “Connor.”

Tumango agad ang secretary niya. “Yes, I understand. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para hanapin siya.”

“Para saan ang milyones mo? Gamitin mo para maghanap ng bago,” mungkahi ni Ryan na nakatanggap lang ng masamang tingin mula kay Ruex.

“No. I’d rather use my money to find her. Hindi ko gusto ang iba. I want her. Only her.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Best Maid Ever   Chapter 13: The Start

    Pinagsawalang bahala ni Ruex ang sinabi ni Rowan tungkol sa ‘mommy’ niya. Akala niya doon na matatapos ‘yon kaya lang…“Dad.”“Hm?”“Mommy Astrid is pretty,” tukoy niya sa babae noong isang araw.“Maybe. I haven’t seen her face yet. Ano naman ang gagawin ko?” si Ruex with matching kunot noo.“You should marry her.”“No.”“Okay.” Pout.The next hour. “Dad.”“What?”“If you marry Mommy Astrid I will be happy.”“...”Bumagsak ang mga balikat ni Rowan dahil hindi sumagot ang kaniyang ama. “You don’t want me to be happy?” paawa niyang wika.“Rowan…” may banta sa boses ni Ruex.Tumayo siya ng tindig at kumaway. “I’ll play with my toys. Bye.”Three hours later.“Dad.”Napahinga ng malalim si Ruex. “What now?” “Nag-sabi na ako sa kaniya. Sabi ko po sa kaniya bagay kayo. Single ka. And I think single siya, okay lang sa kaniya na tinawag ko siyang mommy e. Kaya pwede kayong maging mag-asawa!” bibong bungad ni Rowan. “I already told her that she is my mom and so you will need to marry her.”“Y

  • Best Maid Ever   Chapter 12: Complete Family

    “ANO?!” Napatayo si Ruex dahil sa binalita sa kaniya ng kanilang driver. “What do you mean wala si Rowan sa school niya?”Nagsimulang kabahan ang driver. “O-Opo, sir. Maaga silang pinalabas ngayon. Wala po siya, nakauwi na raw po sabi ng mga teacher.”“Sa mansyon?”Umiling ang kausap. “Dumiretso agad kami sa mansyon pero wala pa po ang young master. Pumunta po ako rito para ipaalam sa inyo...”“Then who’s finding him?!” “Sinusubukan pa po ng mga tauhan—”Nag-init ang ulo ni Ruex. “Ikaw, ano pang ginagawa mo? Get out and look for him too! O lahat kayo matatanggal sa trabaho!”Nagmamadaling sumunod sa utos ang driver.Napaupo muli si Ruex sa kaniyang swivel chair at napasapo ng ulo. That kid! Sobra siyang nag-aalala. Maski kaunting galos nga lang, nandyan na agad ang mga best doctors sa bansa sa isang tawag niya lang. Hindi niya kayang nasasaktan si Rowan. Ganoon niya kamahal ang anak niya. Saan naman magtutungo ang batang ‘yon?Napatayo ulit si Ruex nang may maalala. Iisang lugar l

  • Best Maid Ever   Chapter 11: Mommy!

    Naunang bumaba si Zee kung saan gaganapin ang book launch. Siya ang humaharap sa madla para kay Astrid. Gaya ng dating gawi bilang walang mukhang author at CEO, makikinood lang sa si Astrid sa sariling event. Nakahalo sa mga tao. Nagpapanggap na simpleng customer.Ilang oras pa bago ang official start marami nang nasisidatingan. Mga kabataan, guro, taga hanga niya. Karamihan mga bata na kasama ang kanilang mga magulang.“Sir, hindi po kayo pwedeng pumasok kung wala kayong kasama.”Ang sir na tinutukoy ay hindi man lang abot ang tangkad sa kalahati ng lalaking humaharang.Isang batang lalaki ang nakatayo sa harap ng guard. Maayos ang suot niyang uniform, kalmado ang mukha, pero halatang hindi sanay na pinipigilan.“Bakit naman? Gusto ko lang bumili ng libro.”“Iyon po ang patakaran. Nasaan ang mga magulang mo? Naliligaw ka ba?”“Hindi. Gusto ko um-attend sa event. May dala naman akong pambili.”“Pero kailangang may kasama kapag bata.”Napabuga ng hangin si Rowan. Ang kulit ng guard na

  • Best Maid Ever   Chapter 10: Mysterious Author

    “And they live happily ever after. The end.” Sinara ni Ruex ang librong binabasa. Nagtagpo ang mga mata nila ni Rowan, dilat na dilat pa. “Rowan, bakit hindi ka natutulog?” “Naghihintay ako.” “Ng?” “Hintaying mapansin mong malungkot ako.” Ngumuso si Rowan nang pagmasdan lang siya ng daddy niya. “Hindi gumana?” “That was the last story, no more tonight.” Tumayo si Ruex mula sa pagkakahiga, nilagay niya ang mga libro sa shelf at binalikan si Rowan. Umupo siya sa gilid ng kama. “Matulog ka na. Bukas na ulit kita babasahan.” Inayos niya ang starry night themed na kumot ng anak. “Kabisado mo na lahat ng stories, hindi ka pa ba nagsasawa?” “No. Never!” Napangiti si Ruex. Siya rin. Pareho nilang paborito ang naturang mga libro. Gabi-gabi nagbabasa ng stories si Ruex habang taimtim na nakikinig si Rowan. “Daddy.” “Hm?” “Nakita ko sa internet na may hard launch ang new book ng favorite nating author. Punta tayo bukas?” nagniningning ang mga mata ni Rowan. “Bukas? W

  • Best Maid Ever   Chapter 9: Five Years Later

    “Young master!” hinihingal na kakahabol ang yaya ni Rowan. Huminto siya sandali para huminga.Napalingon ang limang taong gulang na si Rowan. Hindi pa rin siya tinatantanan ng yaya niya. May tatlo pang ibang katulong ang nakasunod at dalawang bodyguard. Kaya pala parang masunurin si Rowan simula pa kanina. Noong lumabas sila sa pinto, doon nagsimulang magtatakbo ang young master sa kanilang malawak na bakuran.Ang bilis ng bubwit, ang layo na ng pagitan nila. “Young master! ‘Wag na po kayong tumakbo! Mahuhuli na kayo sa klase!” “Ayokong pumasok!”“Hindi po pwede, young master! Kailangan mong pumasok sa school!”“Ayoko nga—ouch…” Nabunggo si Rowan sa malaking bulto. Nang iangat niya ang tingin kung sino ito, nanlaki ang mga mata niya. “Daddy?!”Hinawakan ni Ruex ang likod na kwelyo ng uniform ni Rowan. Bahagya siyang umangat kaya kahit sinusubukan niyang tumakbo ulit, naggagagalaw lang sa hangin ang mga binti niya.“What’s happening here?” tanong ni Ruex sa mga tauhan.Isa-isang nags

  • Best Maid Ever   Chapter 8: Not A Goodbye

    “MANGANGANAK NA ATA AKO!”Napabaligwas ng bangon si Zee at saka kumaripas ng takbo sa katabing kwarto. Doon niya nakita ang pawisang si Astrid.“M-Manganganak na ako, Zee. Dalhin mo na ako sa ospital...” hingal ni Astrid.“Okay! O-Okay. Huwag kang matakot. Nandito ako,” mabilis na sabi ni Zee kahit siya mismo ay kinakabahan na rin.Mabuti at nang dumating ang kabuwanan ni Astrid, talagang naglaan si Zee ng leave para masahaman at maalagan si Astrid. Sa bahay pa nga siya ng kaibigan pansamantalag natutulog dahil mahirap kung mag-isa siya kapag ganitong manganganak na.Hindi nagtagal ay nasa ospital na sila.Ilang oras na pagle-labor ang lumipas bago tuluyang marinig ni Astrid ang pinakahihintay niyang tunog. Ang iyak ng kaniyang anak.Napawi ang lahat ng pagod niya. Napapikit siya habang bumuhos ang luha sa kaniyang mga mata.“Congratulations, Ma’am. Baby boy po.”Nang tuluyang makita ni Astrid ang maliit na sanggol na inilapit sa kanya, parang tumigil ang mundo niya.Napakaliit nito.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status