LOGINNAGSIMULA na ang event. Sunod-sunod ang pagdating ng mga bisita sakay ng magagarbo nilang sasakyan. Bukod sa mamahaling tuxedo at gown, nakasuot ng mask ang bawat isa. Nagmistulang ibang mundo ang loob ng grand ballroom. Kumikinang ang mga kristal na chandelier sa mataas a kisame habang dumadaloy ang mabagal na tugtugin sa paligid. Sa harap nila ay may stage kung saan gaganapin ang inaabangan auction.
Everything screams power and money. “Hindi ako makapaniwalang nandito ka,” ngisi ng isang lalaki suot ang red tuxedo at mask. “Invite only ang party na ‘to. Hirap na hirap akong makakuha ng invitation. Akala ko ‘di ka na makakapunta.” It was Ryan. Ang pinsan ni Ruex. Kasama nila sa mesa ang secretary na si Connor. Dumagdag sa madilim na aura ni Ruex ang all black niyang outfit, itim maski ang maskara niyang natatakpan ang kalati ng kaniyang mukha. Tahimik siyang sumimsim ng wine saka pinagmasdan ang paligid. “I’m just curious about this event. Plus I’m sure you will find a way to drag me here. Paniguradong hindi mo ako titigilan kapag hindi kita sinamahan.” “Alam mo ha,” tawa ni Ryan. “Kailangan ba kasama pa talaga ang secretary mo? We’re here to have fun, not for work.” Tumingin si Ruex sa loyal niyang secretary tapos sa pinsan naman niya. “Well, I trust him more than you.” “Magpinsan ba talaga tayo?” “Natanong ko na rin ‘yan sa sarili ko.” NAKAPAGDESISYON na si Astrid. Tutuloy siya. Labag sa moral niya ang gagawin at alam niyang hindi ito tama. Hindi ganito ang turo sa kaniya ng mga magulang niya. Pinalaki siyang mabuti at may dignidad na babae… subalit… bahala na! “Isang gabi lang, Astrid. Isang gabi lang,” pikit mata niyang bulong sa sarili. Lumabas si Astrid sa cubicle matapos magpalit. Napaatras siya nang isang lalaki ang bumungad sa kaniya. Babalik na sana siya sa loob nang matawa ito. “Girl, chill. Stylist ako.” Napatingin siya sa kanilang dressing room. Nandito na nga ang mga stylist at inaasikaso na ang mga babae. Mukhang ‘di rin naman sila bothered sa presensiya nitong kaharap niya. “Don’t worry. Hindi tayo talo,” dagdag nito. Talaga? Hindi halata. Gwapo siya. Manly manamit. Kung hindi nito sinabi, aakalain mong straight siyang lalaki. “I’m Zee. Ako ang nakatoka sa ‘yo.” Alanganin niyang tinanggap ang kamay ni Zee. “Astrid.” “Nice to meet you.” Nag-shake hands sila. Napangiwi si Zee at tinuro ang kabuuan niya. “What’s with the robe? Alisin mo na ‘yan para maayusan na kita.” Hindi siya sanay sa mga revealing na damit. Pero siya lang kasi ang may pamatong. Lahat ng mga kasama niya, confident na confident sa mga katawan nila. At pumayag na siya kay Aling Beth. Sumuko siya at hinubad ang robe na magiliw kinuha sa kaniya ng stylist. Syempre, nahihiya si Astrid. Naka kubaba siya at napahawak sa kaniyang batok. Napatango-tango si Zee nang makita ang one piece na suot ni Astrid sa ilalim ng robe. Nag-thumps up ito. “Approve! You don’t need to hide that body tea, girl. You look good.” Mabuti at mabait itong si Zee, madaling makapalagayan ng loob at masaya kausap. Gumaan kahit paano ang pakiramdam niya. Ito ang nag-ayos ng buhok niya at nagmake-up sa kaniya. Isa-isang sinalang sa labas ang mga babae. Hanggang siya na lang ang matira sa loob. “Ikaw na ang susunod.” Tinapik siya sa balikat ni Zee at tinulungan siyang isuot ang maskara niya. Nanlamig si Astrid. “Hindi ko ata kaya.” “Kaya mo ‘yan,” pampalakas loob ni Zee. Narinig niyang natapos na ang bid sa labas, pinapakilala na siya. Siya na ang lalabas. “Sa ‘yo ba ‘to? Pwede ko bang inumin ‘yan?” tinuro niya ang isang bote ng alak sa harap ng vanity mirror. Pagtango ni Zee, mabilis niyang kinuha ang baso at sunod-sunod na lumagok. “Hoy, ‘wag mo namang ubusin—” Hindi pa nakuntento si Astrid at tinungga na ang buong bote. Napakamot sa ulo si Zee. “Oo na, sige, sa ‘yo na.” Pinunasan ni Astrid ang bibig niya. Mas nagkaroon siya ng lakas ng loob. Nang sandaling tawagin na siya, hinanda niya ang sarili at nilunok ang lahat ng kaba. RAMDAM ni Ryan ang matalas na tingin ni Ruex sa kaniya. “Hindi ko alam na babae ang ina-auction nila rito, Ryan.” “Exciting, right? Choose one for you. Ang tagal ka na kinukulit ni Tita Cynthia. Kahit ako, pinapahanap ng magiging girlfriend mo. This is the perfect place! Sakto. I heard virgin ang last item.” “Seriously?” banas na ani Ruex. “Hindi ako playboy katulad mo. Sa tingin mo matutuwa si mama kung mag-uuwi ako ng bayarang babae?” “Edi ‘wag mo iuwi. Tikman mo lang. Para magka-interes ka na sa mga babae. Are you a virgin, cous?” “Shut up or I will punch your mouth to shut up.” Naiipit sa gulo ng magpinsan ang nanahimik na si Connor. Nasa gitna ba naman siya ng dalawa. Nagbalik sa stage ang atensyon ng lahat. Ang spotlight ay tumutok sa isang babaeng pababa ng hagdan. Si Astrid. “Ooh,” interesadong sambit ni Ryan. Simipol siya at nagsalita nang ‘di inaalis ang paningin kay Astrid. “Hey, cous. You’re wearing the same color of mask and outfit as her.” “Black is a common color,” walang pakeng saad ni Ruex, ‘di man lang tinapunan ng tingin si Astrid. Nakapusod ang mahabang buhok ni Astrid kaya mas lantad ang kaniyang katawan suot ang black fitted one piece. Sleeve less iyon, nakadagdag sa kaniyang sexy at elegant look ang see through part sa upper chest pati sa waist. Nakapatong din sa kaniyang mukha ang isang black masquerade mask na may mga balahibo at dyamanteng disenyo. Sa bawat galaw niya, bagamat parang nag-aalangan, tila may kakaibang alindog na humihila sa atensyon ng sinumang mapatingin. “Good evening, ladies and gentlemen. We’ll open the bidding at ten thousand.”Habol hininga si Erich na pumasok sa sasakyan niya. Sa padabog niyang pagsara ng pinto, agad napatingin sa salamin ang driver niya.“Babalik na po tayo sa mansyon ma’am?”Huminga ng malalim si Erich. “No. Drive me to my condo.”Tahimik na sumunod ang driver.Bakit nandoon ang babaeng ‘yon?! Nagtatrabaho pa siya sa mga Villaflor… Napasabunot si Erich sa sarili kasabay ng pagtili. Inis niyang dinampot ang paperbag na dinala niya at hinagis sa lapag ng kotse.Maayos na ang lahat. Pumayag na sa kasal si Ruex. Bakit ngayon pa sumulpot ang babaeng ‘yon? Bakit ba pilit siyang hinahabol at minumulto ng nakaraan! Paan
“Ugh. Why do I even need to do these things for that kid?”Iritado si Erich habang naglalakad sa mall. “Ang dami kong pwedeng gawin. I could be pampering myself and doing my self care routine, I can visit a salon or go shopping for my own things. Yet here I am!”Napairap siya. “Pero nasabi ko na kay Rowan na bibigyan ko siya ng regalong gusto niya. Narinig pa ni Ruex.” Padagbog niyang tinulak ang glassdoor papasok sa isang book store. Agad siyang dumiretso sa best-seller section.Wala siyang alam sa mga libro. Alin ba rito ang dapat niyang bilhin?“Hello po, miss. Good morning po. Iyan po ang mga mabenta rito. Magagandang libro po ‘yan.”Hinarap niya ang lumapit na saleslady. “Is there anything here good for a kid? He’s around five years old.” “Ay, doon po sa kabilang shelf ang mga pambatang story.”Tinignan ni Erich ang section na tinuro nito. Mga kwentong pambata. For sure Rowan will not like those kinds of books. Masyadong mature mag-isip ang batang ‘yon. Kaya nga naiinis siya. A
“Dito na lang po sir, d’yan na lang po sa gilid mo ibaba.” Nakaramdam ng hiya si Astrid. Boss niya pa talaga ang pinagbuhat niya.“Magpapatulong na lang po ako kila kuya at manong doon sa iba,” aniya. Ang tinutukoy ay mga lalaking trabahador sa mansyon.Nilibot ng mag-ama ang paningin sa tinutuluyan ni Astrid, ngayon lang sila nagawi sa parte ng ito ng mansyon.“Ganda naman ng room mo nanny, ang linis. Gusto ko rito! Pwede pong tumabi ako sa ‘yo mamaya matulog?”Hindi nakasagot si Astrid sa anak. Tumingin agad siya kay Ruex na halatang hindi payag.“I thought we would be together in my room tonight, Rowan?” reklamo nito. Kapag walang pasok si Rowan, tabi natutulog ang mag-ama. Bonding time nila iyon. Kundi sa kwarto ng bata, kay Ruex sila.Tapos ngayon ipgpapalit pa siya ni Rowan para lang magkasama ang nanny niya? Unbelievable!“Ay, oo nga pala dad. Tabi ka na lang po sa amin ni nanny?”“No, thank you. Kung gusto mo rito hindi sa tabi ko, go on. I’ll sleep on my bed. ALONE. I will
Ramdam ni Astrid ang pag-iiba ng hangin sa loob ng mansyon. Nadatnan niya na parehong nakabusangot ang mag-ama sa sofa, nakakrus ang mga braso.Dahan-dahan siyang lumapit sa harap nila. “Sir Ruex, Rowan, may maipaglilingkod po ba ako sa inyo?”“Wala po. We’re not as important as naman po as your boyfriend. Hintayin mo na lang ang text ng boyfriend mo.”Nagtatakang tumaas ang isang kilay ni Astrid sa naging tugon ni Rowan. Hindi malabing katulad ng nakasanayan niya, masungit ang bata ngayon.“Nakikipag-date sa oras ng trabaho? Sinama mo pa talaga si Rowan.”Tumaas na ang isa pa niyang kilay dahil naman kay Ruex. Strikto as usual, pero mas lalong naging seryoso ngayon.Anong problema ng mag-amang ‘to?“Sige po, kung wala na, akyat na po ako sa maid’s quarter…”“Tss!” sabay siyang tinalikuran ni Ruex at ni Rowan. Nauna pang tumayo ang dalawa at umakyat sa hagdan kaysa sa kaniya.Astrid stood there for few seconds, speechless na nakatingin sa mag-amang sabay na nagmamaktol, malakas ag gal
“Sobra kitang na miss, girl. Ikaw ha, napunta ka lang sa puder ng mag-ama mo, blooming na blooming ka na.”“Na miss din kita.”Nagyakap ang magkaibigan. Napangiti si Astrid, tinignan niya ang kabuuan ni Zee. “Ikaw nga ‘tong mas lalong gumagwapo. May boyfriend ka na ‘no?”“Yucks.” Umasim ang mukha ni Zee. “Not in my plan.”Napataas tuloy ang kilay ni Astrid. Tinulak niya papalayo sa kaniya ang kaibigan niya. “Bakla ka ba talaga? Baka nagpapanggap ka lang ha!”“Ayaw lang mag-boyfriend peke na?” umirap kunwari ang lalaki. “Mataas lang ang standard ko! At nag-eenjoy ako sa pagiging single.”Lumapit ulit si Astrid at natatawang sinabit ang kamay sa braso ni Zee. “Joke lang, alam ko naman. Pero sigurado akong maraming babae ang nagkakandarapa sa ‘yo. Kapag nagka-boyfriend ka, magluluksa silang lahat panigurado.”Nagkibit-balikat lang si Zee. Nandito silang dalawa ngayon sa playground sa village ng mansyon ng mga Villaflor. May inasikaso si Zee sa Manila branch ng Starlight Press kaya sina
Sa loob ng sasakyan, tahimik si Rowan. Napapagitnaan siya ni Ruex na katulad niya ay tahimik at ni Erich na pilit naghahanap ng mapag-uusapan.“What things do you like?” nakangiti siya habang panay ang tanong sa bata.“I like reading po.”“Really? Wow. I should buy you some books next time.”“Thank you po.” Isang tanong, isang sagot.Panay lang ang sagot ni Rowan pero sa loob-loob niya hinihiling niyang manahimik na ang babae.“Did you enjoy your class today?”“Sakto lang po.”End of the conversation. Halata namang ayaw ni Rowan kay Erich. Hindi dahil bastos siyang bata. It’s just that… Rowan can feel that something is off in this woman. Kahit limang taong gulang pa lang siya ngayon, alam niya ang mga nangyayari.Erich is someone who tried to be close to Rowan, she keeps saying she’ll be his future mommy and she will treat him well. She is kind. Maalaga naman si Erich. Yet Rowan can’t seem to find her sincerity. She brought gifts, even attended some of his school events, asked polit
Kasasabi lang na susubukan kalimutan ni Astrid ang nangyari, pero magagawa niya pa nga ba ngayong may munting alaalang nagsisimulang mabuhay sa sinapunan niya?“Anong sabi? Sumagot na ba sa tawag?”Umiling si Astrid sa kaniyang kaibigan.“Aba! Bruha talaga ‘yang si Madam Beth! Sampung milyon, higit
Nagising si Astrid na masakit ang buong katawan. Nang idilat niya ang kaniyang mga mata, ang salaming bintana ang nasa harap niya, kung saan nakita niya papaangat pa lang ang araw. Unti-unti niyang naalala ang mga nangyari kagabi. The unexpected job offer.Masquerade party.Auction.A night with a
Sumalubong kay Astrid ang malamig na marmol. Sinubukan niyang tumayo, tinukod niya kaniyang mga kamay at binuhat paangat ang katawan. Parang ang bigat ng katawan niya. “Walang bagay na gusto ko na hindi ko nakukuha.” Lumapit ang isang boses. Pinilit niyang makilala kung sino ito sa kabila ng nanl
Naging hudyat ang anunsyo para mag-angat ng tingin si Ruex. Doon niya lang napansin ang babae. ‘What’s wrong with her?’ Is the first thing he asked himself. Nakayuko si Astrid at halatang kinakabahan. She looks like a lost puppy in his eyes.Mariing kinuyom ni Astrid ang mga kamao habang nakatayo s







