Share

0033

Author: Eve Angeline
last update Huling Na-update: 2025-01-18 20:20:35

Nakailang doorbell na si Zylah ay wala pa rin nagbubukas ng pinto para sa kaniya. Ayaw niya man ay napilitan siyang mag-text kay Bryce para sabihin na may kailangan lang siyang kunin na mga gamit. Saktong pag-sent niya ng message ay bumukas na ang pinto at iniluwa si Bryce.

“May kukunin lang ako…” mahinang imporma ni Zylah. Wala siyang plano makipagtalo kaya gano’n na lang. Hindi na rin magtatagal at aalis siya ng Pilipinas kaya hindi na niya makikita pa itong sina Bryce maliban kung may hearing sila sa kasong isasampa niya. “Okay lang naman siguro, ‘di ba?” paninigurado niya.

Umatras si Bryce para papasukin siya. Nakita niya si Jessa na nakaupo sa sofa kasama ang dalawang bata. Gusto niyang batiin si Jaxon at tawagin, mayakap man lang sana kahit paano pero sa masamang tingin lang ang ibinibigay nito sa kaniya. Kahit ngiti ay hindi na niya itinuloy para sa anak, nawalan na siya ng gana.

Naisip niya si Raffy. Ibang-iba ang batang ‘yon kay Jaxon. Si Raffy ay kahit malayo pa ay masaya
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Lan Nielan Nie
ay tangan na yng aswa mo luka luka na yng ex nya nku pag imnzinlove yn ky austi wla kna blikn
goodnovel comment avatar
Mary Ann Dongaol
ahhaa galing talaga umarte kainis
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • No Longer His Submissive Wife   0148

    Naningkit ang mga mata ni Jessa sa inis sa narinig na kuwento ng driver. Pero nang maalala niya ang sinabi ni Bryce na dahilan kaya hindi raw makakarating si Austin Mulliez ay napangiti siya. Ang sabi ni Bryce na may meeting ang may-ari ng Hotel Tranquil na napaka-importante kaya ibig sabihin ay mali ang nasagap ng driver na dahilan kaya may pa-raffle ang account ng hotel ni Austin. Napakaimportante kaya sabi pa nga ni Bryce ay baka sa ibang bansa magaganap ang meeting kaya hindi makaka-attend sa imbitasyon nila si Austin. With that thought, kung totoo na may pakilalang magaganap sa asawa ng CEO mamaya ay baka naman mga tauhan lang ng hotel ang may pakulo para lang may abangan ang mga followers nila. “Scam ‘to!” nakangising sabi ni Jessa at ibinalik ang phone ng driver. “Hindi po ‘yan scam, ma’am.” Umiling ang driver. Nasa mga mata ang pangungumbinsi sa bride na inihatid na nagsasabi siya ng totoo. “Noong isang linggo nga po, ma’am, ay ganitong oras din nang may nanalo ng isang

  • No Longer His Submissive Wife   0147

    Bryce and Jessa’s wedding day…Masayang-masaya si Jessa dahil ang lahat ng gusto niya ay natupad para sa kasal niya kay Bryce. Sa isip ay sikat na naman siya sigurado sa mga social media at siguradong kahit sa TV news ay mababanggit ang pangalan niya. She’s an internet celebrity kaya normal iyon. At ano pa ba ang aasahan sa isang internet celebrity na may pakakasalang guwapo at mayamang CEO ng Almendras Pharma? Of course, siya na naman ang kaiinggitan ng mga netizens na walang magawa sa buhay kundi abangan ang mga ganap niya sa buhay. “Ang ganda mo, Mommy!” namimilog ang mga matang wika ni Brody sa ina. “Syempre,” tugon ni Jessa sabay ngiti ng ubod-tamis. “Kailangan si mommy talaga ang maganda kasi ako ang bride. Dapat pangalan ko ang maging trending sa lahat ng socmed ngayong araw. My wedding with your Daddy Bryce should be the envy of all women.” Sa daming trending sa internet nowadays ay kailangan ni Jessa ng magandang content para malipat sa kaniya ang atensyon ng marami. At an

  • No Longer His Submissive Wife   0146

    Kung nag-enjoy si Raffy sa mga bagong kaibigan ay gayundin si Zylah. At marami pa silang napag-usapan nina Willow at Chloe. Dahil din kina Chloe at Willow ay naisip ni Zylah na mali pala ang akala niya noon na kapag sobrang yaman ay may ibang ugali ang mga tao. Willow and Chloe proved her wrong. Sadyang minalas lang siya sa mga mayayaman na nakilala dati. Mayayaman na wala naman sa level ng yaman ng mga taong kaharap niya pero sobrang mapang-api at akala mo mga kung sino. Hindi nagtagal ay dumating na rin sina Austin at Mathias kaya nagpaalam na si Zylah sa magpinsan. Ang sabi ni Chloe ay ipapadala na lang sa kaniya ang naisip nito para sa interior design kaya ibinigay niya ang personal email dito. Si Raffy ay nagpaalam na rin sa tatlong batang lalaki na kalaro niya. At habang nasa byahe pauwi ay nakatulog si Raffy sa pagod sa pakikipaglaro. “May problema ba?” mahinang tanong ni Zylah sa asawa. Alam niyang kanina pa may gumugulo rito at iyon ang gusto niyang malaman. Hinintay niya

  • No Longer His Submissive Wife   0145

    Umiling si Willow. Hindi niya kilala kung sino ang sinasabi ni Zylah kasi hindi naman siya naging close kina Austin at Rachel. Tanging kay Mathias niya lang nalaman ang mga bagay-bagay tungkol sa kaibigan nito at kung bakit umiwas si Austin noon sa kuya niya. “Kanino mo pala nalaman ang tungkol sa kapatid ni Rachel?” tanong ni Willow para malinawan tapos natawa ng mahina. “And weird kasi… bakit kailangan sabihin pa na kamukha ni Rachel?”Wala naman pakialam si Willow pero hindi niya maitago ang pagtataka lalo na at kanina lang itinanong ni Zylah kung hawig ba ito kay Rachel. Maganda si Rachel sa tanda ni Willow pero hindi rin naman papahuli si Zylah. In fact, kung siya ang pipili kung sino ang mas maganda ay si Zylah ang pipiliin niya.“Kay Paulina,” kiming tugon ni Zylah. “Hindi ko alam kung kilala mo si Paulina Vergara pero siya ang nagsabi sa akin. Ang alam ko ay college friend din nina Mathias at Austin ang uncle ni Paulina. Si Harrison Vergara.” Hanggang doon lang ang kayang sab

  • No Longer His Submissive Wife   0144

    “Uwi na tayo?” malambing na tanong ni Zylah kay Raffy. Lumapit ang anak sa kaniya at humingi ng maiinom na tubig. Kanina pa ito masayang nakikipaglaro sa mga pamangkin ni Willow habang siya ay nakikipag-usap kay Chloe tungkol sa interior design na naiisip nito para sa lobby ng mall ni Willow. “Can we stay for another hour?” nakangiting tanong ni Raffy pagtapos nitong uminom. “And can you tell daddy to bring Baby Raegan here?” malambing nitong dagdag. “You’re worrying about her, right?” Bahagyang natawa si Zylah. “Not that. Mas okay na nasa bahay si Raegan. Hindi ko rin siya kayang asikasuhin kung isinama ko siya kasi work-related ang ipinunta natin dito,” paliwanag niya sa anak. “I just asked you kung gusto mo na bang umuwi kasi baka naiinip ka na maghintay kay mommy matapos sa meeting with Tita Willow and Tita Chloe..” Mabilis na umiling si Raffy. “It’s okay, Mommy. Masaya naman kalaro ang mga bata rito kaya hindi ako naiinip.” Nang tawagin si Raffy ng mga kalaro nito ay iniwa

  • No Longer His Submissive Wife   0143

    “Here,” abot ni Mathias kay Austin ng flashdrive kung saan naroon ang file ng CCTV footage na ipinakiusap nito sa kaniya. “Who’s your receptionist?” natawang tanong niya kasunod sabay punta sa single couch at doon naupo. “Why?” balik tanong ni Austin sa kaibigan. “Hindi ko alam kung sino ang nasa frontdesk ngayon pero it’s either Rochelle Reyes, Realyn Garcia or Lily Santos. Silang tatlo ang regular na front desk officer.” “Mukhang wala sa tatlong nabanggit mo.” Dinampot ni Mathias ang isang fashion magazine at napakunot-noo nang makita ang babaeng model na nasa cover dahil kilala niya. “Bago lang ‘yon sa tingin ko. Baka under probationary period pa.” “Ano bang kasalanan sa ‘yo?” natatawang tanong ni Austin kasunod. Kumibit-balikat si Mathias. “Wala naman. Makulit lang masyado at hiningi pa ang ID ko para tingnan ang pangalan ko. Akala ko hindi pa ako papaakyatin kasi ang tagal pa akong tinitigan. Mabuti dumating si Daniel at nakita ako agad.” Napakunot-noo si Austin. Paanong hi

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status