“Mommy, love mo ba si daddy?”
Napangiti si Zylah Almendras sa tanong na iyon ng pitong taong gulang na anak—si Jaxon. Nakaupo sila sa sofa sa salas at katatapos lang nilang kumain ng hapunan. Kasalukuyang nakabukas ang TV dahil maaga pa naman, alas-otso pa lang ng gabi.
Sa isang dekadang pagsasama nila ni Bryce ay masaya sila lalo na at may isang anak silang bumubuo sa kanila. Kontento siya sa buhay bilang hands-on mom sa anak at mabuting may bahay sa asawa.
“Oo naman, s’yempre,” tugon ni Zylah sa tanong ni Jaxon at masuyong nginitian ito.
“Pero si daddy love ka rin ba?”
Muling ngumiti si Zylah dahil sa pangalawang tanong ni Jaxon. Hinaplos niya ang likod ng ulo ng anak na nakaupo sa tabi niya. “Oo naman. Love din s’yempre ni daddy si mommy.”
“Eh, bakit mas masaya si daddy kapag kasama si—” Tunog mula sa tablet ni Jaxon ang pumutol sa sasabihin pa sana nito. Binalewala na nito kasunod ang ina at nakangiti na sa kung anong tinitingnan sa tablet. “Mommy?” muling tawag nito kay Zylah.
“Hmm?”
"Kailan ba kayo maghihiwalay ni daddy?”
Natigilan si Zylah at napatitig kay Jaxon. "Ano ‘yon, Jax?" masuyong tanong pa rin ni Zylah. Iniisip na baka mali ang narinig mula sa anak. Baka naman nalito lang siya dahil may pinapanood na balita nang may itanong ito.
Tinitigan siya ni Jaxon, "Ayaw mo ako bigyan ng ice cream lagi, ‘di ba?"
Napangiti si Zylah sa narinig. Iyon pala ang dahilan. Napabuntong hininga na lang siyang tinitigan ang anak na nakatingin na naman sa tablet nito. Hindi naman sa ayaw niyang bigyan ng ice cream si Jaxon, nataon lang na may CSID ito.
Congenital Sucrase-Isomaltase Deficiency. Isang kondisyon kung saan nagkukulang ang katawan ni Jaxon sa pag-produce ng enzymes para sa pag-break down ng sugar na nako-consume nito. Kapag napasobra si Jaxon sa sugar ay pwede itong kabagan, maging bloated, at magka-diarrhea. At iyon ang dahilan kaya nililimatahan niya ang sugar intake ng anak. Mas mabuti na ang sigurado sa kalusugan ni Jaxon kaysa magpabalik-balik ito sa ospital.
“Hindi naman sa ayaw…” nakangiting wika ni Zylah. “Hindi lang pwedeng palagi kasi—”
“Antok na ako,” sabi ni Jaxon. Tumayo na ito at pumunta ng kuwarto.
Naguguluhang sinundan ng tingin ni Zylah ang anak at saka kinuha ang remote control ng TV para i-off iyon. Tumayo na rin siya para samahan si Jaxon sa kuwarto nito hanggang makatulog. Dala ni Jaxon ang tablet nito pero dahil hindi nila sinanay ang anak gumamit ng tablet kapag nasa higaan ay babasahan na lang niya ito ng kuwento.
Napadaan si Zylah sa kuwarto nilang mag-asawa at nakita niyang may kausap si Bryce sa phone. Nakaupo ito sa kama at kaharap ang laptop. Hindi na niya ito inistorbo at dumiretso na siya sa kuwarto ni Jaxon. Pagbukas niya ng pinto ng kwarto ni Jaxon, naabutan niyang tulog na ito.
Zylah sighed. Mukhang nakatulog na si Jaxon sa kakapanood sa tablet nito o kakalaro. Bukas ay kakausapin niya ang anak at ire-remind na bawal ito sa gadget kapag nasa higaan na. Nilapitan niya ang anak. Kinuha niya ang tablet at inayos ang comforter nito bago hinalikan sa noo. “I love you, baby ko…” malambing na bulong niya.
Lumabas na si Zylah sa kuwarto ni Jaxon at papunta na sa kuwarto nilang mag-asawa nang tumunog dahil sa notification ang tablet na hawak niya. Nagtaka siya. Notification iyon ng isang app na hindi siya aware na mayroon ang tablet ng anak.
Curiously, tiningnan ni Zylah ang screen ng tablet. She frowned sa nakita sa screen. Tama siya na sa isang messaging app ang narinig niyang tunog. At kaya may notification ay dahil may nag-send sa group chat ng mga pictures. Napatitig si Zylah sa pangalan ng group chat. Napakunot ang noo sa nabasa.
Group Name: Happy Family ❤️
‘Happy family?’ nagtataka niyang tanong sa sarili at iniisip na baka GC iyon ng teacher ni Jaxon para sa mga estudyante nito. Kumibit-balikat na lang si Zylah at hinayaan na ang GC. Bukas ay ibibigay niya rin naman sa anak ang tablet bago ito pumasok sa school. Ipapatong na niya sa tokador ang tablet nang hindi sinasadya ma-click niya ang notification.
“Teka…” kunot-noong wika ni Zylah. Nagtaka siya sa mga nakitang picture na mula sa may nickname na Mama Jessa.
Curiosity won, inisa-isa na ni Zylah ang mga pictures na pinadala ng may nickname na Mama Jessa sa GC. Puro pictures ni Jaxon ang mga iyon kasama ang isang batang lalaki na kaedaran din ng anak niya. Kaklase siguro ni Jaxon at birthday ng batang lalaki na iyon dahil may cake na kasama sa kasunod na picture nito at naroon si Jaxon sa tabi. Hindi na siya napakali dahil may mali sa default profile ng GC, ngayon niya lang napansin na family picture pala iyon.
Tiningnan niya ang picture ng GC at apat na tao lang ang naroon, si Jaxon, ang batang lalaki, isang magandang babae at… at si Bryce!
Nanikip ang dibdib ni Zylah. Tiningnan niya ang mga kasama sa GC. And she was shocked to see na apat lang ang members ng GC. Hindi iyon GC ng isang classroom kung gano'n.
‘Happy Family nga, ‘di ba?’
Para matapos ang pagdududa niya ay tiningnan niya kung kaninong account ‘yong Mama Jessa sa GC. Jessa Moreno ang account name nito.
Jessa Moreno… Bakit pakiramdan niya ay iyon na rin si Jessica Anne, ang ex at first love ni Bryce?
“Ano na nga ang apelyido ni Jessica Anne?” pabulong na tanong ni Zylah sa sarili.
Gusto niyang isipin na mali siya sa hinala nang may panibagong pinadala si Jessa sa GC. A video. She clicked it to play at nanlaki ang mga mata niya sa nakikitang kasiyahan ng apat na tao na naroroon. Compilation ng video ng mga masasayang tagpo sa amusement parks, fast food resto, at pool and beach escapades.
Patuloy niyang pinanood ang video kahit naninikip na ang dibdib niya. Sa dulo ng video ay si Jaxon ang naroroon. Birthday ni Jaxon iyon at ngayon niya lang naunawaan kung bakit sabi Bryce nakaraan sa kaniya ay kailangan matuloy ang birthday ni Jaxon kahit hindi pa makauwi ang mag-ama niya mula sa Baguio at naiwan siya sa QC. May sakit siya noon kaya hindi siya nakasamang bumyahe ng mag-ama. Ang sabi ni Bryce ay gustong makasama ng mga magulang nito ang anak nila kaya isinama sa byahe. Hindi na nakabalik ang mga ito agad dahil sa kung anong okasyon pala na sinadyang hindi siya isama.
“What's your wish, Jaxon?” tanong ni Jessa mula doon sa video. Katatapos i-blow ni Jaxon ang candles ng birthday cake nito.
“Ang wish ko… ikaw na ang maging mommy ko.”
“Pero paaano kapag nagalit pa rin sa akin si daddy, mommy?” inosenteng tanong ni Brody. Masyado itong namamanipula ng ina kaya sunod-sunuran. “Kaya nga dapat siguraduhin mo na hindi mangyari kasi kapag nagalit sa ‘yo ang daddy niyo ay papalayasin ka niya sa bahay na ito. Mahihiwalay ka sa akin, Brody! Mawawalan ka ng mommy!” pananakot ni Jessa sa sariling anak. Iyon ang paraan niya para sumunod ito Tanda pa ni Jessa nang dati ay sinabi ni Brody na bad ang ginagawa niya kay Jaxon. Sinabi pa na bawal magsinungaling kaya bakit iyon ang itinuturo niya rito.“Gusto mo bang mahiwalay sa akin?” tanong ni Jessa sa anak nang mabasa niya ang kalituhan sa mga mata nito. “No, mommy…” Mabilis ang pag-iling ni Brody. “Ayaw ko mahiwalay sa ‘yo…”Napangisi si Jessa. “Kaya nga makinig ka, Brody…” malambing niyang wika sa anak. “Sasabihin mo na bad talaga si Jaxon sa daddy mo kapag sinabi ni Jaxon na ikaw ang naunang nanulak. At sasabihin mo rin na laging gumagawa ng gulo si Jaxon kahit sa school
“Jaxon!” tawag ni Brody sa isa na hindi siya pinansin at dire-diretso lang sa paglalakad galing sa pool area papunta sa kuwarto nito. Si Jaxon ay sadyang hindi pinansin si Brody kasi mula pa noong inaapi siya ni Jessa ay alam niyang kasabwat ito. Ni minsan ay hindi ito naging mabait sa kaniya at lagi pang nagsisinungaling gaya ng mommy nito“Tinatawag kita, Jaxon!” habol ni Brody sabay tulak sa isa na patuloy lang naglalakad kaya na-out balance at nauntog sa hamba ng pinto. Si Jaxon na nasaktan ay kinapa ang bukol sa noo at nang tumayo siya ng diretso ay hinarap si Brody na nakangisi pa sa kaniya. Parang tuwang-tuwa pa na nabukulan siya.“Papansin ka!” galit na sabi ni Jaxon sabay tulak din kay Brody.“Brody!” malakas na sigaw ni Jessa. Saktong nasa baba na ng hagdan siya nang makita na itinulak ni Jaxon ang anak. Mabilis na nilapitan niya ang anak para tulungan tumayo. “What’s your problem, Jaxon?” tungayaw niya sa stepson. “Bakit mo itinulak si Brody?”Hindi sumagot si Jaxon. Alam
Raffy’s birthday…Napangiti si Zylah habang nakatingin kay Raffy na masayang-masaya na sinalubong ang sinasabi nitong best friend. Ang batang si Nathan ay may katabaan at kasama ang lola nito. “Hello po,” magalang na bati ni Zylah sa matandang babae na kiming ngumiti. Namiss niya tuloy ang nanay niya dahil sigurado siyang nagkakalapit ang edad nito sa mama niya. “Samahan ko na po kayo sa table,” aya niya sa matanda at kay Nathan. She invited her parents pero hindi makapunta dahil hinahapo ang papa niya. Nangako na alanhgh sila ni Austin na sila ang papasyal sa mga ito. Hindi naman nagpaiwan si Raffy at sumama rin sa kanila hanggang sa table kung saan niya dinala ang mag-lola. “Happy birthday, Raffy!” masayang bati ni Nathan sa kaibigan nito sabay abot ng regalo na siya mismo ang pumili para rito. “Thank you, Nathan!” masayang turan ni Raffy at kasunod ay niyaya na nito ang kaibigan na maglaro sa pinasadyang play area para sa mga bata. Gusto nila ni Austin na pagbigyan ang gusto ni
“You are so impossible, Bryce! I always admire you kaya nga magkasama na ulit tayo pero sa nakikita ko ngayon na takot mo kay Zylah dahil asawa na siya ni Austin ay parang hindi ko makita na ang lalaking minahal ko ng sobra-sobra at hinangaan. Handa mo nga ako ipaglaban noon kay Harry pero si Jaxon hindi mo kayang gawan ng paraan para makasama man lang ang totoong mother niya?”“Enough, Jes!” matigas ang tonong pagpapatigil ni Bryce sa kakasalita ng asawa. Naiba na ang topic nila pero bumalik na naman ito sa ideya na lapitan niya si Austin para kausapin tungkol kay Zylah. “What’s wrong with you?”At napipikon na siya sa asawa. Kanina nang sabihin nito ang totoong nangyari noon kaya nakunan si Zylah ay talagang nagulat siya at nadismaya rito. Paano naman kasi ay killa niya itong mabuting tao kaya hindi niya maisip na nagawa nitiong pagtakpan ang nagawa ni Jaxon dahil lang sa naawa ito sa anak niya. “Anong what’s wrong with me na ‘yan?” kunot-noong tanong ni Jessa. ”Bakit parang ako pa
Napaling na lang si Bryce sa tono ni Jessa. Bagaman inaamin niyang may katotohanan ang mga sinabi ni Jessa na siguradong pinagtatawanan lang siya nagyon ni Zylah pero hindi iyon ang mas nasa isip niya kundi ang nasa asta ng asawa habang nakikipag-usap sa kaniya. Nag-iba na talaga ito. Hindi niya gustong bigyan ng pansin noong una dahil baka naman dala lang ng pagdadalang-tao nito pero habang tumatagal ay lumalala na rin ang pagbabago ng asawa simula nang makasal sila. Kahit ang mommy niya na kasundo nito noon ay hindi na rin ito gusto dahil sa pagpapabaya diumano kay Jaxon at sa sobrang gala at luho. Mas marami pa raw itong oras sa pagsa-shopping at paggawa ng content, sabi ng mommy niya, kaysa pag-aasikaso sa kanila ng mga bata.“What?” mataray na tanong ni Jessa. “What are you staring at? Kailangan ba na ako ang mag-isip ng tamang gagawin mo para makipag-usap ka kina Austin at Zylah? Jut think of Jaxon at makakaisip ka na ng reason para lumapit kay Austin Mulliez!”“No…” Umiling si
“Mommy!” Napatayo si Raffy at binitiwan ang phone na hawak nang makita si Zylah na pumasok ng pinto. Umiiyak talaga siya kanina nang tawagan ito pero ayaw niyang malaman ng mommy at daddy niya kaya hindi niya aaminin. At kaya siya umiyak kanina ay dahil nakita niya ang mga isinulat ni Jaxon sa isa sa notebooks niya. Hindi naman niya maisumbong si Jaxon sa mommy at daddy niya kasi ayaw niyang magalit ang mga ito. At natatakot siya na maging totoo ang sinabi ni Jaxon na kapag gusto na nitong bawiin ang mommy niya ay iiwan siya nito.“Hindi pa tapos ang meeting ni daddy?” nakangiting tanong ni Zylah sabay pasimpleng obserbahan ang anak kung tama ba ang hinala niya. “At nasaan si yaya?” tanong niya kasunod sabay ikot ng tingin sa office room ni Austin. “May inutos si daddy kay yaya kaya pumunta sa driver,” mahina ang boses na sagot ni Raffy. “Gusto mo ba mag-Jollibee muna habang hinihintay natin si daddy?” tanong ni Zylah sa bata na agad ang pagningning ng mga mata. Paborito kasi niton