Mag-log inArabella's Pov
Kinabukasan ay hindi umuwi si Giovanni sa villa niya pagkatapos ng mga sinabi niya. Hindi ko naman siya hinahanap pero kasi baka ay pumunta dito sina mommy at magtanong— Hindi pa man ako nakababa sa hagdan ay narinig ko na ang boses ni mommy sa kusina. Nagulantang ako nang makita si mommy sa kusina habang kinakausap ang cook namin. "Mom?!" Sigaw ko nang makita siya pero tinapunan lang niya ako ng tingin tapos ay binalik ang tingin sa aming cook. "Ayaw niyan ang carrots, bawal din siya sa mga chocolates, at higit sa lahat ay ayaw niyan ng maraming sugar kasi—" "Mom, ako na ang magsasabi niyan sa kanila." Suway ko sa kanya, mabilis siyang hinila patungo sa living area. Tambak ang mga regalo niya doon, napakunot ang noo ko at tinuro ang mga iyon. "Obviously, it's the gift for the two of you, Arabella." Isang mahabang buntonghininga ang pinakawalan ko, "anong ginagawa ninyo dito?" Seryoso kong tanong, ngumuso lang siya kaya tumaas ang kilay ko dahil alam kong labas sa ilong ang sasabihin niya. "I just passed by," simple niyang sagot habang may hinahanap siya. Pinanliitan ko siya ng mata pero parang hindi niya iyon nakita at nagpatuloy sa paglalakad. "Masyadong malaki ang bahay na ito para sa inyo, hija. Mukhang matagal niyo kaming mabibigyan ng apo." Wika ni mama na para bang ganoon lang kadaling gawin ang sinasabi niya. Namula ang aking pisngi, biglang naaalala ang nangyari kagabi pero agad ding napalitan ng inis dahil sa aking pagkabitin. Bumaling si mommy sa gawi ko nang hindi ako nagsalita. "Don't tell me your husband didn't sleep here?!" Her brows shot up, and she suddenly became more serious. Napalunok ako ng sariling laway, nangangapa ng kung anong sasabihin pero ngumiti lang ako upang takpan ang kung anumang nararamdaman ko. "Nasa trabaho siya mom, anong oras na diba?" Palusot ko. Pinanliitan niya ako ng mata pero napangiti lang ako, "fine! But you have to come with me sa bahay, your dad is waiting for your explanation." Patay! Nakalimutan kong may utang pa pala akong eksplenasyon sa kanila kasi biglaan lang ang nangyari. Ni halos ang nandoon sa kasal namin ay parang nagulat sa nangyari—it was a simple wedding knowing that the two of us came from a powerful family. I let out a heavy sigh and nodded. Wala rin naman kasi akong magawa at kailangan ko talagang magpaliwanag kay daddy after what happened. Hinawakan niya ang aking kamay, marahan niyang hinaplos iyon na para akong iniingagatan. "If daddy will going to be mad at you, just let him." Malambing niyang sinabi, nakangiti. "Alam mo naman na he misses his daughter so much, Bella kaya sana ay huwag kang magtanim ng galit sa kanya." Tumango lang ako, kasi may karapatan naman talaga si Daddy na magalit sa akin. Kasi after all, sinuway ko siya—umalis ako at sinabing hindi na babalik pero nandito at bumalik rin sa huli. "But I'm glad that you're back anak, hindi mo lang alam kung gaano kita gustong pabalikin sa penthouse pero ang papa mo kasi..." hindi niya tinuloy ang kanyang sasabihin pero ngumiti lang ako. "I'm back mom, for good." Mahina kong bulong, hinawakan niya ang mukha kaya bahagya akong napayuko upang maabot niya. "I'm glad anak," bulong niya na halos siya lang ang nakakarinig. Sinamahan niya akong kumain ng umagahan at hinintay na matapos upang pumunta sa penthouse kung nasaan si daddy. Nagblangko ang utak ko habang nakasakay sa jimny na kotse ni mommy patungo sa penthouse. Dad was a strict of all person—gusto niya rin na nasusunod ang gusto niya na namana ko naman. Kaya noong pinili kong umalis dahil ayokong sundin ang gusto nila ay akala ko talaga magtatagumpay ako. I was confident that Ethan was the right man for me. Na si Ethan ang papakasalan ko pero hindi ko akalain na iyong lalaking iniwan ko noon at tunurned down sa engagement party ay iyon lang rin pala ang maikakasal sa akin. Sadyang mapaglaro talaga ang tadhana. Pagdating namin sa bahay ay sabay kaming bumaba ni mommy, hinawakan niya ang aking kamay kaya bahagyang nawala ang kaba na aking nararamdaman pero kailangan kong harapin ito. Pagpasok ko sa bahay ay biglang bumalik ang ala-ala na gusto ko ng kalimutan, ang buhay na gusto kong takasan. Iginiya ni mommy sa akin ang living area, sandali akong napatigil nang makita si Daddy at si Giovanni na nag-uusap. Napatingin silang pareho sa pagdating namin. "Nandito ka pala Giovanni?" Tanong ni mommy, tumango lamang si Giovanni habang prenteng nakaupo tapos ay nabaling ang tingin sa akin. Tumingin saglit kay mommy upang sumagot, "Yes po tita, tito called me to talk about something." Ramdam ko ang paggapang ng init sa aking batok nang makita ang paraan ng pagtingin niya sa akin. Mahigpit ang pagkahawak ko kay mommy habang nakipagtitigan sa lalaki na halos halungkatin na ang aking kaluluwa sa bawat tingin niya sa akin. Tila nais niyang magpaliwanag ako kung bakit ako nandito kahit pamamahay ko naman ito. Napatingin si mommy sa akin na may pagtataka pero hindi siya nagsalita. "Maupo na kayo," agad akong nag-iwas ng tingin nang marinig ang boses na iyon ni daddy. Si Giovanni ay nasa kabilang sofa, umupo si mommy sa tabi ni daddy at ganoon rin sana ang gagawin ko nang taasan ako ng kilay ni daddy. Kumunot ang noo ko, iminuwestra niya ang sofa sa harapan niya kung saan nandoon si Giovanni na prenteng nakaupo—parang sakop niya ang buong sofa. Tila ba siya ang hari na dapat sambahin. Wala akong nagawa kundi ang dahan-dahan na naglakad sa tabi ng lalaki. Umupo ako sa tabi niya, agad niyang pinalibot ang kanyang mainit na kamay sa aking bewang kaya bahagya akong napaigtad. "Now we are all here," Daddy announced, his eyes darting on my way. I smiled at him, but he remained serious. “I never forget what you said that you would never come back and never marry Giovanni." Panimula niya, naramdaman ko ang paghawak ni Giovanni sa aking kamay at ipinatong sa kanyang hita. Gumapang ang kaba sa aking dibdib pero minaskarahan ko na lamang ng ngiti. Ramdam ko ang magaspang at mainit niyang palad na nakahawak sa akin. Napakagat ako ng aking labi habang nakatitig doon. Gusto ko siyang singhalan pero dahil nandito sina daddy ay hinayaan ko na lamang. "That's on the past sir, I'm pretty sure your daughter regretted what she said." Ramdam ko ang titig niya sa akin pero hindi ako tumingin pabalik sa kanya. "And I'm glad you still accepted my daughter, Giovanni, after what she did to you." Bahagya akong nakaramdam ng hiya sa sinabing iyon ni daddy. Napangiwi na lang ako. "Because she meant to marry me, sir.” Seryoso niyang wika, parang may kung anong paru-paro ang lumilipad sa aking tiyan. I slowly turned to him, his gaze lingered on me—my heart beat crazy the way he stared at me. It was as if I were the only person around. Ang kisig niya talaga, hindi ko akalain na mas lalo siyang magiging gwapo sa malapitan. Ang ganda ng mata niya, ilong at labi niya—tila inukit siya ng panginoon ng perpekto kasi wala kang kapintasan makikita sa kanya maging sa utak at katawan niya. He has it all. Maliban lang sa ugali. Dad cleared his throat, I blinked, and my gaze darted to my father, but Giovanni remained calm. "Kumain na muna tayo at mamaya na kayo magtitigan dalawa." Utos ni daddy sa maawtoridad na boses, aangal na sana ako nang tumayo na siya at naglakad patungo sa kusina kaya wala na akong nagawa. Pero dahil mahigpit parin ang kapit ni Giovanni sa akin ay hindi agad ako nakasunod sa mga magulang ko. Nilingon ko siya, handa na sanang singhalan siya nang makita ko ang pamumungay ng kanyang mga mata. He licked his lips, his gaze dropping to my lips, which were slightly parted. Tinagilid niya ang kanyang ulo, tila pinag-aralan ang bawat anggulo ng mukha ko kaya ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi. Nag-iwas agad ako ng tingin. “Let’s go,” sambit niya sa malalim na boses, hinayaan ko siyang dalhin ako sa kung saan. This marriage wasn’t a cage. It was a slow closing door.Arabella's Pov And the next thing I know, he has already fired all the maids who served him for many years. And even Manang Cherry, too. "Anong ginawa mo, Giovanni?!" Sigaw ko habang pumasok sa kanyang kwarto nang hindi man lang nagpaalam o kumatok pa dahil sa nalaman ko. Hindi siya nagpatinag. Nakatingin lang siya sa kanyang laptop at tila hindi niya ako narinig. Mas lalo akong lumapit sa kanya, padabog na naglakad. “Giovanni! Tinatanong kita!” I shouted with all my strength. “Wife,” he sighed heavily. Mukhang pagod na pagod na ang kanyang mukha at mga mata, pero hindi nawala ang galit na nararamdaman ko. I was fuming mad, “What did you do?” My voice was shaking, but he just looked at me plainly. “Giovanni, answer me!” “They don’t like you, so I let them leave to make you comfortable, Selene.” Mahina niyang sinabi, kumuyom ang aking kamao.
Arabella’s Pov “Hi,” bati sa akin ng dalawang kapatid ni Giovanni na sina Elaine at Tiara sa Skype. Nasa may balcony ako ng aking kwarto, hindi pa kasi ako nakakaramdam ng antok kaya minabuti kong manatili muna dito sandali. “Hindi namin alam na nagpunta kayo sa Switzerland.” Nakapout na sambit ni Tiara. Kumunot ang aking noo, “didn’t Giovanni tell you? Sinabi ko sa kanya na pupuntahan namin kayo, pero sabi niya ay busy raw kayo.” Nagkatinginan silang dalawa tapos tumingin sa gawi ko, sabay na tumango. Weird. “Oo nga pala, nagpunta kasi kami sa L.A dahil may inaasikaso kaming mga papel doon,” pagrarason ni Elaine na akala mo ay hindi nagtatampo na hindi namin pinuntahan. Ano ba talaga? “Ahh, okay.” Sagot ko dahil wala naman na akong masabi. Isa pa ay sobrang sakit ng katawan ko sa biyahe. “By the way, luluwas ka ba ulit kayo ng bansa?” “Hindi ko kasi sigurado dahil si Giovanni naman ang gagastos ng lahat.” Elain shook her head, “Dapat paminsan-minsan ay
Giovani’s Pov I made everything special for her. Gusto kong hindi niya makalimutan ang pagpunta niya sa Maldives. Gusto na sa tuwing iniisip niya ang mga araw na magkasama kaming dalawa ay masaya lang at walang kahit anong problema ang iniisip niya. I want everything to be special for her. That everything was her dream, that came true. Kaya mula sa Maldives, papunta sa New York at Uganda. I made everything perfect just like her. I know what I should do and when things will happen perfectly. But yeah…not everything is meant to be what I am, even though I’m trying really hard to do it perfectly. Nasa may isang maliit na café lang kami. Hindi siya masyadong dinadayo ng mga turista dahil hindi naman siya nakikita masyado ng mga nandoon, pero maganda ang lugar, maaliwalas at presko ang hangin. It came from an aesthetic vibe, and the view from up here? Masyadong maganda upang palampasin namin. I stared at it for a second and felt the moment before I turned to my wife, who
Arabella’s Pov Sa dami ng nagawa naming activities ay agad akong dinalaw ng antok pagkatapos kong maligo sa kanyang banyo. Paano at hanggang ngayon ay hindi pa rin nila matakpan ang malaking butas ‘kuno’ sa aking kwarto. Talagang sa lahat ng kwarto ay iyong sa akin pa talaga! Nakatulog ako, pero bago ako tuluyang mawalan ng ulirat ay naramdaman ko pa ang pag-uga ng kama, na ibig sabihin ay humiga na rin siya sa kama. “Good night, wife.” I heard him whisper in my ear and kiss my forehead. I wasn't sure if it was real or just my imagination dahil hindi ko na alam kung alin ba ang totoo at hindi, basta ay gusto ko na talagang matulog. Nagising ako kinabukasan dahil sa sinag ng araw na lumagpas sa kusina, kaya nirub ko ang aking mata bago bumangon. Pagtingin ko sa kabilang banda ay wala nang tao doon. M
Arabella’s Pov Pangatlong araw na ngayon namin dito sa Maldives, pero hindi pa rin kami nakakapag-activities dahil sa dalaw ko, kaya napagpasyahan naming mag-scuba diving, snorkeling, at kung anu-ano pang activities ang gagawin namin. Dalawang araw lang kasi ang period ko. Kapag natapos na iyon, wala na, pero sobrang sakit nga lang sa puson. “Ano? Saan tayo?” tanong ko sa kanya na nasa likuran ko. “Island hopping raw ang una, doon na rin tayo mag-snorkeling at scuba diving,” sambit niya habang naglalakad patungo sa akin. I watched how charismatic he was, even in a beach shirt and black sandals, showing off how good his muscles are. May time pa ba siyang mag-gym sa dami ng ginagawa niya sa kanilang kumpanya? Tinalikuran ko na siya at mabilis na naglakad para sumakay sa maliit na bangka. Siya lang kasi ang nakiki
Arabella’s Pov Nagising akong may nakadagan sa aking hita sa aking maliit na baywang. Nanlaki ang aking mga mata nang na-realize ko kung sino ang kasama ko. Babangon na sana ako, pero sobrang higpit ng pagkayakap niya sa akin na halos ayaw na niya akong pakawalan. He even pulled me closer to him, his nose sniffing my neck, so I held my breath for a second—ang mainit niyang hininga ay dumampi sa aking balat dahilan upang makiliti ako. Tila nagsitayuan ang aking mga balahibo sa kanyang ginawa. No, this isn't fvcking true. Para na akong mababaliw sa mga ginagawa niya at hindi ko alam kung ano ang puwede kong gawin. “You smell good,” he whispered in his bedroom voice, and my heart almost wanted to explode at how he said







