LOGINArabella's Pov Nakatingin lamang ako sa kanya, ganoon rin siya. Parang may kung anong gumagalaw sa aking tiyan, gustuhin kong mang mag-iwas ng tingin sa kanya ay hindi ko ginawa. Kaya walang nag-iwas ng tingin sa aming dalawa. "So yeah, your father better pay me for it." Basag niya sa namumuong tensyon sa aming dalawa. Ang panget talaga ng ugali niya. Inirapan ko siya at pinagpatuloy na lang ang pagbubukas ng mga pinamili ko. Bigla tuloy akong nawala sa mood sa kanyang sinabi. Kainis! Ang sarap ibato sa pagmumukha niya iyong mga sandal na pinamili ko. Padabot akong nag-unbox, wala na iyong excitement na naramdaman ko kanina. Si Giovanni naman ay nasa gilid lamang, pinagmamasdan ang ginagawa ko. “Your father told me you’re good in marketing.” Panimula niya, hindi ako nagsalita at nagpatuloy lang sa aking ginagawa. Kausapin mo ang sarili mo, Giovanni Leonid Russo. Manigas ka diyan! “I am asking you, Arabella Selene.” Patuloy parin ako sa pagbingibingihan gaya ng madalas niyang
Arabella's PovIlang araw na naman na hindi umuwi si Giovanni kaya mag-isa na naman ako sa villa niya. Sanay naman na akong mag-isa kaya hindi ko siya kinulit, beside wala naman akong kontak sa kanya. "Mom," tawag ko kay mommy sa telepono. Napangiwi ako dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa pagkakataong ito, tumawag lang ako kasi bored ako. Hindi nagsalita si mommy kaya cue ko na iyon upang magsalita ulit pero nanatili akong tahimik. Hindi ko alam, hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko. "Did your husband do something that upset you?" "No mom," agap ko. "Of course not, Giovanni's a good husband, Mom." Hindi ako makapaniwala na sa parehong pagkakataon ay nagawa ko paring magsinungaling sa mga magulang ko tungkol sa isang lalaki. "I have ears and eyes, Arabella. Kaya kahit magsinungaling ka ay alam ko ang totoo." May banta sa tono ng kanyang boses pero tumawa lang ako. "Mom, I don't have a reason to lie to you." Mahinahon kong paliwanag, ayokong ipakita sa kanila na
Arabella's PovInalis ni Giovanni ang kamay ni Ethan sa pulsuhan ko saka ako hinila patungo sa kanya. Umigting ang kanyang panga ngunit hindi siya nagsalita—seryoso lamang na nakatingin sa unahan. Napalunok ako ng sariling laway, gustuhin mang magsalita at magpaliwanag pero parang may kung anong bumara sa aking lalamunan."Who are you?" Si Ethan ang nagtanong, napapikit na lang ako sa inis dahil gumagawa lang siya ng eskandalo. Ethan was fond of Giovanni Russo, as I said, but Giovanni never showed his face to the magazines or news, so Ethan didn't know that he was Giovanni Leonid Russo. Ang lalaking tinitingila niya. Tiningnan ako ni Giovanni, tila may hinahanap na sagot sa akin pero hindi ko magawang magsalita. Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Nilingon niya si Ethan sa isang malamig na titig, tumiim ang kanyang kanyang bagang bago magsalita. "I'm her husband," nalaglag ang aking panga sa kanyang sinabi. Pero hindi na ako nakabawi dahil bigla na lamang niya ako dinala pap
Arabella's PovHuminga ako ng malalim, naglakad na patungo sa kusina kung saan ay naghihintay ang mga magulang ko. Nakangiti si mommy habang pinagmamasdan kami na magkadikit—tila ba mahal namin ang isa't-isa pero alam kong wala namang patutunguhan ang kung anumang nangyayari sa amin. Nasa gitna si daddy, si mommy naman ay nasa gilid niya at kami ni Giovanni ay nasa kabila at magkatabi. Pinaghila pa niya ako ng upuan, ngumiti naman ako upang makita ng pamilya ko na totoo ang kung anumang mayroon sa amin. Tahimik lang kaming nagsimulang kumain, minsan ay napapansin ko ang pagsulyap ni Giovanni sa akin pero hindi ako nagsalita. Nilagyan niya ng pagkain ang aking plato, hindi ko siya sinuway at hinayaan na lang dahil nakatingin si Daddy. "Sana ay mabigyan niyo agad kami ng apo, Bella." Naubo ako sa naging wika ni daddy, inabutan ako ni Giovanni ng inumin habang ang mga magulang ko ay nakatingin lang sa akin. Ininom ko agad iyon. "I'm serious, Bella." Patuloy ni daddy habang kumakain,
Arabella's Pov Kinabukasan ay hindi umuwi si Giovanni sa villa niya pagkatapos ng mga sinabi niya. Hindi ko naman siya hinahanap pero kasi baka ay pumunta dito sina mommy at magtanong— Hindi pa man ako nakababa sa hagdan ay narinig ko na ang boses ni mommy sa kusina. Nagulantang ako nang makita si mommy sa kusina habang kinakausap ang cook namin. "Mom?!" Sigaw ko nang makita siya pero tinapunan lang niya ako ng tingin tapos ay binalik ang tingin sa aming cook. "Ayaw niyan ang carrots, bawal din siya sa mga chocolates, at higit sa lahat ay ayaw niyan ng maraming sugar kasi—" "Mom, ako na ang magsasabi niyan sa kanila." Suway ko sa kanya, mabilis siyang hinila patungo sa living area. Tambak ang mga regalo niya doon, napakunot ang noo ko at tinuro ang mga iyon. "Obviously, it's the gift for the two of you, Arabella." Isang mahabang buntonghininga ang pinakawalan ko, "anong ginagawa ninyo dito?" Seryoso kong tanong, ngumuso lang siya kaya tumaas ang kilay ko dahi
Arabella's Pov "Get her in," utos niya sa malalim na boses. Mahina na ang katawan ko upang makipagtalo pa sa kanya kaya sa huli ay hinayaan ko sila na dalhin ako kung saan. Huminto ang sasakyan sa isang malaking hotel at agad kaming ginuide sa luxury suite. Basang-basa ang gown ko, kumakapit sa balat kaya nanginginig ako. Inalis ni Giovanni ang Armani jacket na suot niya at isinuot sa balikat ko. Dumampi ang kamay niya sa akin—mainit. Sobra. Parang isang segundo ay biglang nabuhay ang puso ko. Pero ang mukha niya? Walang emosyon. Parang bato. "You're going to marry me today," sabi niya, diretsong parang utos. Napakurap ako. "Hindi mo ba alam na iniwan lang ako at binastos ng fiancé ko?" singhal ko, pilit pinatatatag ang boses kahit nanginginig ang labi ko. Hindi ko alam kung sa lamig ba o dahil nandito siya sa harap ko. It's been a year since I last saw him. And he is completely different now—he's buff and more charismatic. He was so disgustingly handsome. How can







