LOGINArabella's Pov
Huminga ako ng malalim, naglakad na patungo sa kusina kung saan ay naghihintay ang mga magulang ko. Nakangiti si mommy habang pinagmamasdan kami na magkadikit—tila ba mahal namin ang isa't-isa pero alam kong wala namang patutunguhan ang kung anumang nangyayari sa amin. Nasa gitna si daddy, si mommy naman ay nasa gilid niya at kami ni Giovanni ay nasa kabila at magkatabi. Pinaghila pa niya ako ng upuan, ngumiti naman ako upang makita ng pamilya ko na totoo ang kung anumang mayroon sa amin. Tahimik lang kaming nagsimulang kumain, minsan ay napapansin ko ang pagsulyap ni Giovanni sa akin pero hindi ako nagsalita. Nilagyan niya ng pagkain ang aking plato, hindi ko siya sinuway at hinayaan na lang dahil nakatingin si Daddy. "Sana ay mabigyan niyo agad kami ng apo, Bella." Naubo ako sa naging wika ni daddy, inabutan ako ni Giovanni ng inumin habang ang mga magulang ko ay nakatingin lang sa akin. Ininom ko agad iyon. "I'm serious, Bella." Patuloy ni daddy habang kumakain, "kung sana ay hindi naging matigas ang ulo mo ay hindi sana kita mamadiliin." May kung anong bumara sa aking lalamunan, "d-dad," pagtawag ko sa kanya pero umiling lamang siya. "I give you enough chances, Arabella." He said in authority and continued to eat. Wala akong nagawa kundi ang kumain na lamang kahit halos hindi ko malunok ang pagkain. Si Giovanni naman ay mukhang walang balak na magsalita tungkol doon. Nang matapos kami sa pagkain ay nagpaalam na rin kami kaya kami na lang dalawa sa kanyang kotse. Nakatutok lang ang aking mata sa daan, iniisip iyong sinabi ni daddy dahil alam kong hindi niya ako tatantanan. Ako lang ang nag-iisang anak ng mga magulang ko, dapat ay magmamana ako ng business namin pero hindi ko ginawa dahil gusto kong magbuhay prinsesa kaya gusto nilang mag-anak ako ng lalaki upang hahalili kay daddy. Pansamantala munang tutulong si Giovanni sa kanila bilang aking kabiyak dahil matanda na rin si daddy. "We can give them a grandson if that's what you're thinking of," sambit niya nang marinig ang malalim kong buntonghininga. Nilingon ko siya, tiningnan ng mabuti pero hindi niya ako nilingon. Sa daan lang ang tingin, nakatiim ang bagang, at seryoso ang kanyang mukha. "It's not easy, Giovanni." "What? We're married, we can do things like that and don't—" Matalim ko siyang tinitigan, pinagdigkit ang nagngingitngit na mga ngipin. "Shut up!" I roared. I am still a virgin when it comes to that. I planned to give it up to Ethan when we get married, but the world has another plan. Hindi na siya nagsalita kaya naman nakahinga rin ako ng maluwag dahil akala ko ay kukulitin niya ako katulad ng laging ginawa ni Ethan. Pero hindi, nirespeto niya kung anong naging desisyon ko. Sa mga sumunod na araw ay wala akong narinig na kahit ano sa kanya, uuwi siya galing trabaho sa gabi tapos sa umaga naman ay parang aalis siya sa trabaho. Para akong mag-isa lamang sa loob ng villa na tinutuluyan namin kaya madalas ay palagi akong umiiyak dahil naalala ko na naman ang pagtataksil na ginawa ni Ethan sa akin. Pinipiga ang puso ko sa tuwing naiisip kung saan ba ako nagkulang. Ginawa ko ang lahat upang maipakita ko sa kanya na kaya kong gawin ang lahat dahil mahal ko siya. Ipinilig ko ang aking ulo at itinulog na lamang iyon kasi baka iiyak na naman ako pagnagkataon. *** Kinabukasan ay bigla akong niyugyog ni Giovanni. Kinusot ko ang aking mga mata bago idinilat, napapikit muli ako nang magtagpo ang liwanag galing sa ilaw at ang aking mata. "I already turn it off," imporma niya sa akin kaya unti-unti kong dinilat ang aking mata. Nakasuot na siya ng kanyang armani suit na bumagay talaga sa kanyang pigura—hapit na hapit iyon sa kanya dahil sa sobrang lapad ng kanyang katawan. "What do you want?" I asked in my bedroom voice. He froze for a moment, then cleared his throat. "I need you to attend an event today," diretso niyang sinabi, hindi na nagpaligoy-ligoy pa. "I'll message you the location, and I'll follow once I'm done with my work." Magsasalita na sana ako nang tumalikod na siya pero sandaling huminto at lumingon pabalik. "You need to be there at ten in the morning," he finally said before leaving me, mouth half open. "What the heck?" I murmured to myself. Ni hindi pa man ako maka get-over sa antok ko ay iyon na agad ang bubungad sa akin. Pinatunog ko ang aking dila sa loob ng aking pisngi, iniisip kung dapat ba akong pumunta o hindi. Pero dahil ilang araw na akong dito lang sa bahay ay nagpasya akong pagbigyan na lamang si Giovanni. Para na rin libangin ang sarili ko. *** I was dressed elegantly. Nakatayo ako sa harap ng full-length mirror, pinagmamasdan ang aking sarili. Suot ko ang maroon, long fitted gown—backless—may slit sa kaliwang hita na walang kahirap-hirap na inilantad ang makinis kong mga binti. Mabigat ngunit elegante ang bagsak ng tela sa katawan ko, para bang sinadya nitong yakapin ang bawat kurba ko. May ilang accessories na nakasabit sa aking katawan, malamig ang dampi ng metal sa balat ko habang mahigpit ang hawak ko sa purse bag. Pulang-pula ang lipstick ko, masyadong matingkad, masyadong buo—parang ako rin. Huminga ako nang marahan, pinatatag ang sarili. Para bang hindi ako pinagtaksilan sa sarili kong araw na dapat ikasal ako sa lalaking pinakamamahal ko. Na para bang hindi ako pumayag ikasal sa lalaking kinasusuklaman ko noon. Diretso ang tindig ko, taas-noo, walang bakas ng pagkabasag sa mukha. Kung may lamat man, itinago ko iyon nang maayos sa ilalim ng pulang labi at malamig na mga mata. Ito nga talaga si Arabella Selene Madrigal— ang spoiled Madrigal. Huminga ako ng malalim at nagsimula ng kumilos upang pumunta sa sinabing lokasyon ni Giovanni. Pagdating ko doon ay marami ng mga sasakyan ang nakapila, lahat sila ay mukhang nag-aabang sa kung sinuman. Ano bang klaseng event ito? Tatawagan ko na sana si Giovanni nang biglang may nagsalita sa likod ko. Pamilyar ang kanyang amoy, napahigpit ang kapit ko sa aking purse na dala. "Are you stalking me?" Tumigil ang mundo ko nang marinig ang kanyang boses, nanginginig ang aking mga kamay. Paglingon ko ay halos mapaatras ako pero pinilit kong maskarahan kung anumang emosyon ang lumalabas sa aking mukha. Is he here too? "Alyanna," tawag sa akin ni Ethan sa isang kaswal na boses. Kinagat ko ang aking panloob na pisngi. Ayokong maging emosyanal sa harap niya dahil baka bigla ko na lamang siyang masapak dahil sa galit na nararamdaman ko sa kanya. "Ethan," maligaya kong bati sa kanya. Nasa tabi niya si Criza na ngayon ko lang napansin dahil tumikhim ito, nakasabit ang kanyang kamay sa braso ng lalaki. "Why are you here?" Diretso niyang tanong, tila ayaw akong nandito. "My husband is invited in this event and I—" natawa siya ng malakas kaya bigla akong napahinto. Tinaas ko ang aking kilay, "You're married?" Tumango ako. "Bakit? Kailangan bang magmukmok ako sa kwarto pagkatapos ng ginawa ninyo?" pabalik kong tanong at diniinan ang dalawang huling salita. Biglang naglaho ang saya sa kanyang mukha at naging seryoso pero hindi parin ako nagpatinag. Hinigpitan ko ang pagkapit sa aking purse upang kumuha ng lakas ng loob. Gusto ko ng umalis! Gusto ko ng makalayo sa kanila dahil naalala ko na naman kung anong ginawa nila sa akin. Sumisikip ang dibdib ko tuwing naalala ang kanilang mga pagtataksil. "That's impossible," he laughed idiotically. "You're crazy over me!" He declared. Huminga ako ng malalim at binigyan siya ng matamis na ngiti, hindi magpapaapekto kahit sa totoo lang ay gusto ko ng magwala. "You always choose me over anything, ni hindi mo kayang mabuhay kung wala ako!" My nails dug into my palm; it tightened deeply that anytime soon, this would land on his arrogant face. Hindi na siya ang lalaking nakikilala at minahal ko ng buong puso. Siguro nga ay tama sila...na kayang baguhin ng pera ang isang tao. Hindi ko na sana siya papakinggan dahil nais ko na lang umalis nang bigla niyang hilahin ang aking pulsuhan. “Huwag mo akong tatalikuran dahil nagsasalita pa ako!” He hissed while I tried to remove his hands from me. “Let me go!” Singhal ko habang tumitingin sa paligid dahil umiingay na ang paligid. Baka makita ako ni Daddy, o di kaya ng pamilya ni Giovanni. Siguro akong katapusan ko na! I gritted my teeth and forced myself to pull his hand from me, “I said, " Let me go.” But he was too strong. “Let go of her,” isang nakakatakot na boses ang bigla na lang nagsalita sa likuran ko.Arabella's Pov Nakatingin lamang ako sa kanya, ganoon rin siya. Parang may kung anong gumagalaw sa aking tiyan, gustuhin kong mang mag-iwas ng tingin sa kanya ay hindi ko ginawa. Kaya walang nag-iwas ng tingin sa aming dalawa. "So yeah, your father better pay me for it." Basag niya sa namumuong tensyon sa aming dalawa. Ang panget talaga ng ugali niya. Inirapan ko siya at pinagpatuloy na lang ang pagbubukas ng mga pinamili ko. Bigla tuloy akong nawala sa mood sa kanyang sinabi. Kainis! Ang sarap ibato sa pagmumukha niya iyong mga sandal na pinamili ko. Padabot akong nag-unbox, wala na iyong excitement na naramdaman ko kanina. Si Giovanni naman ay nasa gilid lamang, pinagmamasdan ang ginagawa ko. “Your father told me you’re good in marketing.” Panimula niya, hindi ako nagsalita at nagpatuloy lang sa aking ginagawa. Kausapin mo ang sarili mo, Giovanni Leonid Russo. Manigas ka diyan! “I am asking you, Arabella Selene.” Patuloy parin ako sa pagbingibingihan gaya ng madalas niyang
Arabella's PovIlang araw na naman na hindi umuwi si Giovanni kaya mag-isa na naman ako sa villa niya. Sanay naman na akong mag-isa kaya hindi ko siya kinulit, beside wala naman akong kontak sa kanya. "Mom," tawag ko kay mommy sa telepono. Napangiwi ako dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa pagkakataong ito, tumawag lang ako kasi bored ako. Hindi nagsalita si mommy kaya cue ko na iyon upang magsalita ulit pero nanatili akong tahimik. Hindi ko alam, hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko. "Did your husband do something that upset you?" "No mom," agap ko. "Of course not, Giovanni's a good husband, Mom." Hindi ako makapaniwala na sa parehong pagkakataon ay nagawa ko paring magsinungaling sa mga magulang ko tungkol sa isang lalaki. "I have ears and eyes, Arabella. Kaya kahit magsinungaling ka ay alam ko ang totoo." May banta sa tono ng kanyang boses pero tumawa lang ako. "Mom, I don't have a reason to lie to you." Mahinahon kong paliwanag, ayokong ipakita sa kanila na
Arabella's PovInalis ni Giovanni ang kamay ni Ethan sa pulsuhan ko saka ako hinila patungo sa kanya. Umigting ang kanyang panga ngunit hindi siya nagsalita—seryoso lamang na nakatingin sa unahan. Napalunok ako ng sariling laway, gustuhin mang magsalita at magpaliwanag pero parang may kung anong bumara sa aking lalamunan."Who are you?" Si Ethan ang nagtanong, napapikit na lang ako sa inis dahil gumagawa lang siya ng eskandalo. Ethan was fond of Giovanni Russo, as I said, but Giovanni never showed his face to the magazines or news, so Ethan didn't know that he was Giovanni Leonid Russo. Ang lalaking tinitingila niya. Tiningnan ako ni Giovanni, tila may hinahanap na sagot sa akin pero hindi ko magawang magsalita. Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Nilingon niya si Ethan sa isang malamig na titig, tumiim ang kanyang kanyang bagang bago magsalita. "I'm her husband," nalaglag ang aking panga sa kanyang sinabi. Pero hindi na ako nakabawi dahil bigla na lamang niya ako dinala pap
Arabella's PovHuminga ako ng malalim, naglakad na patungo sa kusina kung saan ay naghihintay ang mga magulang ko. Nakangiti si mommy habang pinagmamasdan kami na magkadikit—tila ba mahal namin ang isa't-isa pero alam kong wala namang patutunguhan ang kung anumang nangyayari sa amin. Nasa gitna si daddy, si mommy naman ay nasa gilid niya at kami ni Giovanni ay nasa kabila at magkatabi. Pinaghila pa niya ako ng upuan, ngumiti naman ako upang makita ng pamilya ko na totoo ang kung anumang mayroon sa amin. Tahimik lang kaming nagsimulang kumain, minsan ay napapansin ko ang pagsulyap ni Giovanni sa akin pero hindi ako nagsalita. Nilagyan niya ng pagkain ang aking plato, hindi ko siya sinuway at hinayaan na lang dahil nakatingin si Daddy. "Sana ay mabigyan niyo agad kami ng apo, Bella." Naubo ako sa naging wika ni daddy, inabutan ako ni Giovanni ng inumin habang ang mga magulang ko ay nakatingin lang sa akin. Ininom ko agad iyon. "I'm serious, Bella." Patuloy ni daddy habang kumakain,
Arabella's Pov Kinabukasan ay hindi umuwi si Giovanni sa villa niya pagkatapos ng mga sinabi niya. Hindi ko naman siya hinahanap pero kasi baka ay pumunta dito sina mommy at magtanong— Hindi pa man ako nakababa sa hagdan ay narinig ko na ang boses ni mommy sa kusina. Nagulantang ako nang makita si mommy sa kusina habang kinakausap ang cook namin. "Mom?!" Sigaw ko nang makita siya pero tinapunan lang niya ako ng tingin tapos ay binalik ang tingin sa aming cook. "Ayaw niyan ang carrots, bawal din siya sa mga chocolates, at higit sa lahat ay ayaw niyan ng maraming sugar kasi—" "Mom, ako na ang magsasabi niyan sa kanila." Suway ko sa kanya, mabilis siyang hinila patungo sa living area. Tambak ang mga regalo niya doon, napakunot ang noo ko at tinuro ang mga iyon. "Obviously, it's the gift for the two of you, Arabella." Isang mahabang buntonghininga ang pinakawalan ko, "anong ginagawa ninyo dito?" Seryoso kong tanong, ngumuso lang siya kaya tumaas ang kilay ko dahi
Arabella's Pov "Get her in," utos niya sa malalim na boses. Mahina na ang katawan ko upang makipagtalo pa sa kanya kaya sa huli ay hinayaan ko sila na dalhin ako kung saan. Huminto ang sasakyan sa isang malaking hotel at agad kaming ginuide sa luxury suite. Basang-basa ang gown ko, kumakapit sa balat kaya nanginginig ako. Inalis ni Giovanni ang Armani jacket na suot niya at isinuot sa balikat ko. Dumampi ang kamay niya sa akin—mainit. Sobra. Parang isang segundo ay biglang nabuhay ang puso ko. Pero ang mukha niya? Walang emosyon. Parang bato. "You're going to marry me today," sabi niya, diretsong parang utos. Napakurap ako. "Hindi mo ba alam na iniwan lang ako at binastos ng fiancé ko?" singhal ko, pilit pinatatatag ang boses kahit nanginginig ang labi ko. Hindi ko alam kung sa lamig ba o dahil nandito siya sa harap ko. It's been a year since I last saw him. And he is completely different now—he's buff and more charismatic. He was so disgustingly handsome. How can







