Wala siyang imik hanggang sa maihatid siya ni Red sa bahay nila. Pinipigilan lang kasi niyang maiyak. Lalabas na sana siya ng kotse paghinto nito sa harap ng bahay nila nang pigilan siya ni Red. Hinawakan nito ang kamay niya.
" May problem ba?" tanong nito na pilit hinuhuli ang mga mata niya.
Malungkot na tumingin siya sa nobyo.
" I don't think na gusto ako ng kuya mo," hindi niya masabi rito ang sinabi ng kapatid nito sa kanya.
Ginagap nito ng dalawang kamay ang palad niya.
" Kuya will eventually like you. Kailangan lang niyang makita na isa kang espesyal na babae. Huwag ka nang malungkot, please," hinawakan nito ang baba niya at nginitian siya.
Ngumiti na rin siya rito. Matagal na niyang hinihintay na halikan siya ng lalaki. Kahit kailan kasi ay hindi pa niya naranasan iyon kahit sa klase ng trabaho niya. Ipinikit niya ang mga mata para hindi na ito magdalawang-isip na halikan siya. Hinalikan nga siya nito pero sa noo lang.
Nagtatakang napadilat siya.
" Good night, Nap. Hindi na ako papasok sa loob para makapagpahinga ka na," pinisil pa nito ang pisngi niya.
Ito na ang nagbukas ng lock ng pinto sa gilid niya. Atubiling bumaba na rin siya. Kumaway pa ito sa kanya bago ito umalis.
Maya-maya ay nakatanggap siya ng text galing kay Mr. MC.
I WANT YOU TOMORROW. SAME TIME AND PLACE.
Napakunot-noo siya dahil Linggo bukas at hindi naman siya pinapasayaw nito kapag Sabado't Linggo. Nag-reply na lang din siya rito na pupunta siya.
Kinabukasan ng gabi ay sinundo uli siya ng taxi. Ang gusto ni Mr. MC ay sumayaw siya suot ang bra at panty lang. Tumayo na siya sa stage na suot ang black na bra na hindi pa rin natatakpan ang buong dibdib niya. Itim din ang lace panty na suot niya. Para hindi siya masyadong mailang sa halos hubad na suot ay nagsuot din siya ng maskara sa mukha na katulad ng sinusuot ng kliyente nyang si Mr. MC.
Nakade-kwatro itong naupo habang nakatingin sa kanya. Sinimulan na nito ang tugtog. Nagsimula na ring gumalaw ang katawan niya kasabay ng musika. Naglalakbay ang mga kamay niya sa katawan habang sumasayaw.
Masuyong hinawakan niya ang malulusog na dibdib habang gumigiling ang beywang. Kagat-labing dinadama niya ang bumabakat niyang nipples.
Napatingin siya kay Mr. MC. Wala itong kakilos-kilos. Dumausdos pababa ang kamay niya sa tiyan niya. Hinihimas niya iyon at patuksong bumababa sa panty niya pero itinataas niya uli. Tumalikod siya at tumuwad konti. Hinahaplos niya ang dalawang binti at umaakyat ang haplos ng mga kamay niya sa hita kasabay ng pag-angat din ng katawan habang nakatuwad. Nang umabot na ang haplos niya sa may tiyan niya uli ay tumayo na siya nang maayos at dahan-dahang humarap.
Napasinghap pa siya nang sa pagharap niyang iyon ay nakatayo na sa harap niya ang lalaki. Never itong lumapit sa kanya sa loob ng limang buwan niyang pagsasayaw dito.
Natigilan siya kaya't hindi siya nakakilos. Ngayon lang niya ito napagmasdan nang malapitan. Matangos ang ilong ng lalaki at kahit natatakpan ang mukha nito ay alam niyang gwapo ito. Ang matang nakatitig sa kanya ngayon ay parang nanghihipnotismo. Inangat nito ang kamay para tanggalin ang maskarang suot niya. Nang matanggal iyon ay itinapon nito iyon sa tabi. Pinaglakbay nito ang isang daliri sa kabuuan ng mukha niya.
Maya-maya ay bumaba iyon hanggang sa leeg niya. Alam niyang nagsisimula nang uminit ang katawan niya sa klase ng mga haplos nito. Ayaw man niya ay parang nagi-guilty siya kay Red dahil sa traydor na reaksiyon ng katawan sa lalaki.
Umatras siya konti nang maramdaman ang kamay nito na nasa pagitan na ng mga dibdib niya.
" A-ahmm, pagsasayaw lang po ang usapan natin," sabi niya at hinawakan ang kamay ng lalaki para pigilan ito sa kung anupamang gagawin ng mga kamay nito.
"The deal is to make me feel hot with your dance. You're not doing your job properly tonight. You might need to show some more... skin," sagot nito na agad na pumunta sa likod niya ang mga kamay at mabilis na natanggal ang hook ng bra niya.
Paos na naman ang boses ng lalaki. Bago pa man humulagpos ang nakawalang mga dibdib ay agad na iyong natakpan ng mga braso niya.
Muli ay lumapat ang isang daliri nito sa leeg niya pababa sa pagitan ng mga dibdib niya.
" You're paid to give me a good show, Samantha," madiin ang pagkakasabi nito sa pangalan niya.
Nanlaki ang mga mata niya. Ang alam niya ay hindi alam ng kliyente ang totoong pangalan niya at kahit ano pang impormasyon tungkol sa kanya. Ang bank account na pinapadalhan nito ng pera ay pinagawa lang ni Diva at ibang pangalan ang nakalagay doon. Malaki ang tiwala niya kay Diva kaya't pumayag siya na ito ang magproseso ng lahat.
" Ano sa tingin mo ang mararamdaman ni Red kapag nalaman niyang ang sinasamba niyang girlfriend ay nagsasayaw na halos hubad sa harap ng Kuya niya?" tinanggal ng lalaki ang suot nitong maskara pagkatapos nitong sabihin iyon.
Napatda siya habang nakatitig sa mukha nito nang tuluyan nang maalis ang maskara. Nang-uuyam ang mga tingin at ngiti ng lalaki.
Kapatid ni Red si Mr. MC? Kaya pala ayaw na ayaw nito sa kanya para sa kapatid nito. Napaatras uli siya.
" Bakit di mo sabihin sa kapatid ko ang totoong trabaho mo? Natatakot ka bang hindi ka niya matanggap? Dapat lang na matakot ka. Now, kung ayaw mong malaman ito ni Red then putulin mo na ang relasyon mo sa kanya," nagtatagis na uli ang mga bagang nito nang sabihin iyon.
Tumulo na nang tuluyan ang luha sa mga mata niya.
" H-hindi naman po ako masamang babae," pagtatanggol niya sa sarili.
" Get dressed saka tayo mag-usap," utos ng lalaki saka umalis na sa harap niya at bumalik sa upuan nito.
Mabilis na tumalikod siya at tumakbo papuntang banyo. Habang nagbibihis ay panay pa rin ang iyak niya.
Hindi pa rin siya makapaniwala na ang mismong kapatid ni Red ang kliyente niya. Sa angkin nitong kagwapuhan bakit kailangan nitong magbayad ng babaeng sasayaw at aakitin ito when in fact madali lang naman itong makakahanap ng babae para gawin iyon nang hindi na kailangang magbayad?
Sigurado rin siyang pipila pa ang mga kababaihang iyon sa lalaki.
Alas sais na ng gabi pero nasa loob pa rin siya ng opisina at subsob sa trabaho. Araw-araw na niya iyong ginagawa. Wala rin naman siyang uuwian sa bahay kaya't minabuti niyang ibuhos ang mas maraming oras sa trabaho. Nakatulong naman iyon nang malaki sa negosyo nila dahil mas dumarami ang kliyente nila.Iniangat niya ang ulo saka minamasahe ang leeg habang nakapikit. Biglang may mahihinang katok siyang narinig sa pinto. Napakunot-noo siya dahil akala niya ay siya na lang ang naiwan sa opisina."Come in!"Agad na bumukas iyon at dumungaw ang nakangiting mukha ni Dwayne, ang kaibigan niyang kasosyo rin sa negosyong iyon."I knew it! Nandito pa rin ang dakila kong partner. Wala ka bang planong umuwi? Dito ka na lang kaya tumira." Napapalatak na sabi nito na tuluyang pumasok na sa loob.Natawa siya sa narinig."Spill it out. What do you need, bro?" Alam niyang may hihingin na naman ito na pabor kapag gano'n ang bungad nito."Whoa! It's not me who needs something from you. It's you who need
Nanatiling nakahiga siya habang nakadagan sa kanya ang isang babae. Hubo't hubad na siya pati ang babaeng nasa ibabaw niya. Panay ang ungol nito habang pinaliguan siya nito ng halik.Nasa loob sila ng condo na binili niya. Doon niya pinapunta ang babaeng kinontrata niya sa manager nito. Isang starlet ang babae pero open sa mga indecent proposals gaya nito. Tatlong buwan mula nang maganap ang aksidente. Ngayon lang niya sinubukan talaga uli ang bagay na iyon. Madilim ang kwarto nang pumasok ang babae. Ayaw niyang makita nito ang mukha niya. Kahit ang manager nito ay hindi siya kilala. Naramdaman niyang hinawakan na nito ang pagkalalaki niya. Hinahalikan at isinubo nito iyon. Maya-maya ay tumigil ito."B-bakit..." Parang nagtatakang tanong nito.Gusto niyang paalisin na lang agad ang babae dahil kahit kanina pa siya nito pinag-iinit ay talagang walang reaksiyon ang alaga niya. Naramdaman niya uli ang pakiramdam no'ng unang beses na kinumpirma ng doktor na impotent na siya. Kahit alam
"W-what?!" Hindi makapaniwalang tanong niya sa doktor.Ayaw paniwalaan ng sarili niya ang narinig pero alam niyang totoo iyan. Kumunsolta uli siya rito nang mapansing wala siyang nararamdamang kahit ano sa pagitan ng mga hita ilang linggo na ang nakakaraan mula nang makalabas ng ospital."I'm sorry to tell you that. Naipit kasi ang parteng iyan nang maaksidente ka. I'm going to prescribe some medicine and let's observe. Hindi ko rin masasabi agad kung temporary lang iyan o magiging permanent na," malungkot na sabi ng doktor.Impotent na siya! Gusto niyang magwala. Hindi na niya napansin ang pag-alis ng doktor sa kwarto niya. Ito kasi ang bumibisita sa bahay nila kapag schedule na ng check-up niya. Naka-wheelchair pa rin kasi siya dahil hindi pa rin siya makatayo.Ang sinisiguro naman nito sa kanya ay makakatayo pa rin naman siya once gumaling na nang tuluyan ang pamamaga ng mga paa niya.Nang mawala na ang doktor sa paningin ay itinapon niya ang lahat ng nasa mesa sa harap. "Arghhh!"
Hindi niya magawang kontakin muli si Faith nang ilang araw. Galit siya at hindi niya alam kung kanino niya ibubunton ang galit niyang iyon. Hindi niya naman masabi sa kapatid niyang si Red ang pinag-awayan nila ni Faith. Ayaw niyang isali pa ito sa problema niya lalo't nag-aaral pa ang kapatid niya.Hindi na rin naman tumawag or nag-text man lang si Faith sa kanya. Bigla ay tumayo siya sa kalagitnaan ng pagpipirma ng mga dokumento sa opisina. Nagulat pa nga si Mrs. Dominiguez sa ingay na nilika ng biglaang pagtayo niyang iyon."Please cancel all my appointments today, Mrs. Dominguez." Iyon lang ang sinabi niya sa may edad na ring sekretarya saka kinuha ang coat niya at isinuot.Wala nang ibang salita pa na lumabas siya ng opisina. Pupuntahan niya si Faith sa condo nito. Hindi na siya mapakali kaya't kailangang ayusin na nila ang tungkol sa kanilang dalawa. Kung ang paraan lang para maayos nila ang relasyon nila ay ipagpaliban muna ang kasal ay papayag na siya. Ayaw niyang mawala ang
Hindi siya makapaniwala sa narinig. Parang walang ano man ang ekspresyon sa mukha ni Faith nang sabihin nitong i-postpone muna ang kasal nila ng isang taon gayong handa na ang lahat. Mananatili raw muna kasi ito sa London ng isang taon dahil sa malaking opportunity na magkaroon ng sarili nitong brand ng cosmetics.Kailangan daw muna nitong aralin ang pasikot-sikot sa business na iyon kaya't sa London muna ito maglalagi dahil ando'n ang magiging business partner ng fiancee."You can do those things, Faith, kahit kasal na tayo. Why do we have to wait for another year?" Pinipigilan niya lang ang sarili na mainis.Ilang beses na niyang pinagbigyan ang nobya dahil nga suportado niya ang babae sa kahit ano mang bagay na makakapagpasaya rito. Hindi naman siya makakapayag na basta na lang uli magbabago ang isip nito kung kailan naipadala na nila ang invitation cards sa lahat.Isang malaking kasalan kasi ang magaganap dahil alam niyang gustong-gusto ni Faith ang gan'on. Kung siya lang ang masu
Naglalakad siya sa palengke habang kumakain ng manggang hilaw. Malaking-malaki na ang tiyan niya dahil kabuwanan na niya. Nagiging routine na niyang maglakad-lakad sa palengke tuwing hapon kapag hindi na mainit ang sikat ng araw.Natutuwa siyang tumingin-tingin sa paligid at sa mga busy na bumibili do'n pati na sa mga tindera't tindero. Mayroong pwesto silang mag-ina sa palengke. Katulong ng ina ang Tita niya sa pagtitinda ng gulay at karne do'n. Pumupunta naman siya kapag nababagot na sa bahay. Wala kasi siyang kasama lagi dahil ang nag-iisang anak ng Tita niya na nasa College na ay laging busy sa school.Pinapapak niya ang isang hilaw na mangga. Mahilig pa rin siya do'n kahit tapos na ang paglilihi period niya. Natigilan siya sa paglalakad. Nakatayo kasi sa di kalayuan sa kanya si Clayton. Hindi ito kumikilos sa gitna habang nakatingin sa kanya.Iniiwas niya ang mga mata. Hindi na bago sa kanya na laging nakikita kung saan-saan si Clayton. Alam niyang pinaglalaruan na naman siya ng i