Share

Chapter 3

"Tatiana, nagreview ka?" Vettinah asked as I entered the classroom.

"Sakto lang," I replied. Hindi ako masyadong nakapag-review dahil tinamad ako, kaya nag-sound trip lang ako at nakatulog din kalaunan.

Ibinaba ko ang mga gamit ko, inilabas ang journal, at tsaka umupo. I tried my best to focus and to review my notes.

"Ayan tayo sa mga ganiyang sagutan e. Sakto lang daw, pero mamaya siya nanaman 'yung highest."

Napa-angat ang tingin namin kay Ernisha, na kararating lang din. Hindi niya suot ang kanyang salamin, dahil ayaw 'to ng boyfriend niya. Sa totoo lang, ayaw namin sa kasintahan niya dahil pilit niyang binabago ang kaibigan namin. Maling mali 'yon, dahil kung talagang mahal mo ang isang tao dapat tanggap mo siya mula ulo hanggang paa.

"Ikaw Ernisha, nagreview ka ba?" I asked.

"Hindi." Saglit lang 'tong tumingin sa amin bago ibalik ang tingin sa cellphone. She was probably texting her boyfriend again.

Sa totoo lang, matalino si Ernisha. Hindi niya na kailangang mag-review, kaso tamad nga lang siya especially sa paggawa nang projects at requirements. Mas ginaganahan daw kasi siya kapag rush hour. At isa pa, bad influence sakanya ang boyfriend niya. Laging nag-aaway ang mga 'to, kaya madalas ay mas inuuna niya pa ang pagsuyo kesa sa paggawa nang school works.

"Sabagay, matalino ka naman. Pakopya ulit ha?" I jokingly replied, but she just shrugged.

"Huwag kang buraot. Hoy! Hati-hati tayo. Sa 'yo 'tong last part." Pilit niyang binibigay ang journal niya ngunit hindi ko 'yon tinanggap.

"Bakit pa mag-re-review, babagsak din naman." I replied and laughed because it was true.

Finding the derivatives of trigonometric functions is difficult, and somewhat complicated. Well, minsan hindi naman talaga mahirap. Sadyang nakakalito lang at nakakahilo.

But good thing na during Chemistry and Calculus class ay nasa Chem Lab kami. Bukod sa naka-paikot kami sa table ay medyo masikip dito, kaya madali lang kumopya. Pahabaan ng leeg, palakihan ng mata at pagalingan sa diskarte.

Napa-angat ang tingin ko nang hablutin ni Cassandra ang journal ko. Hinihingal ito at tila hinahabol ang kaniyang hininga. Muntik na naman siya maabutan ng closed gate. Malapit lang ang bahay nila, pero lagi siyang late.

"Journal pa ba 'to, Tatiana, o drawing book?"

Tumawa ito nang nakaka-insulto habang binubuklat ang aking journal. "Gago, dapat hindi ka nag-STEM. Dapat nag–Arts and Design ka na lang."  Hindi ko na siya pinansin at hinayaan ko na lang siyang asarin ang journal ko.

It has been a week since my rooftop encounter with him. Hindi na ulit kami nagkita o nagsalubong ng landas. Pabor naman sa 'kin 'yon dahil ayaw ko din naman siyang makasama o makita man lang. I can't bear him, and his attitude.

Masyado 'tong maloko at mapaglaro. I'm afraid that I might fall for his trap and repeat the same mistake that I did before.

Itinigil ni Vettinah ang pagbabasa. Nilapit niya ang upuan sa akin. "Totoo kaya 'yung chismis? Magiging kaklase daw natin si Leo!" she said with a hint of excitement.

"Leo, who?" Kunot-noo kong tanong sa kaniya.

She rolled her eyes before answering, "Duh! Si Leo, 'yung pogi at bagong member ng varsity!" I just shrugged. Basta talaga pogi, malakas ang radar niya.

Wearing a simple white button-down shirt paired with suit pants, Engineer Olvido entered the room. We greeted him good morning.

Madami siyang sinasabing paalala tungkol sa long quiz namin. Hindi ako nakikinig dahil naiirita ako sa boses niya. Nagpatuloy lang siya sa pagsasalita, but he suddenly caught my attention nang mabanggit niya si Leo, 'yung kinukuwento ni Vettinah kanina. Sana naman legit na guwapo, para ganahan naman ako kahit kaunti.

"Let's wait for Mr. Soriano. He'll be your classmate during my subject." Napuno ng bulung-bulungan ang klase.

"Excuse me, sir. Sorry, I'm late." I froze for a while. His voice is familiar! Hindi ako puwedeng magkamali.

I slowly lifted my gaze and saw him looking at me intently.

"Rogelio Soriano III," simple at maangas nitong pagpapakilala. Hindi niya inalis ang tingin niya sa akin kahit na kinakausap pa siya ni Engineer.

"So it's nice to see you again," he said. Dito siya umupo sa tabi ko. Nice-nice ka diyan. Hindi kaya nice, ikaw ba naman makatabi ng demonyo.

"Lord, sabi ko po gwapo, bakit naman po gago yung binigay niyo?" I whispered to myself, pero  nilakasan ko 'yon ng kaunti para ipinarinig sakanya.

Nakita ko namang parang naiinis siya sa sinabi kong pangit siya. Kailangan ko na yatang bigyan ng salamin 'yung mga babae niyang naguguwapuhan sa kaniya. Masyadong malabo mata nila e.

"Aminin mo na kasing gwapo ako," he confidently said. Sanay siguro siyang laging nasasabihan ng guwapo. Well, sorry siya't wala sa vocabulary ko ang pagsabi ng gwapo sa kaniya.

"Okay, gago."

"Ano 'yon, gwapo?" sabay ngisi sa akin.

"Pangit na nga, bingi pa."

"Are you telling something, Miss?"

"Wala, sabi ko ang gago mo."

"Gwapo?"

"Gago!"

Salita lang siya nang salita pero hindi ko na siya pinapansin. Bahala siya sa buhay niya. Lumipat ba siya rito para inisin ako? Well nagtagumpay siya kasi inis na inis na ako sa kaniya!

Todo takip ako sa papel ko nang magsimula ang quiz namin. Nasa kalahati pa lang ako nang maramdaman ko ang pagbagsak ng kaniyang friction pen. Napatingin ako sa answer sheet niya, dahil sa hirap ng given imposibleng matapos niya agad yon.

"Huwag mong kokopyahin last name ko, baka bigla kitang iharap sa altar ngayon."  I ignored him and tried to focus on my paper.

I bit my lower lip dahil hindi ako confident sa mga sagot ko. I caught Leo, grinning like an idiot.

"Okay, class. For the last item, who can go to the board to find the derivative? I need a girl and a boy representative," Engineer Olvido announced.

I confidently raised my right hand. I was a bit surprised when he also raised a hand.

"As expected," manghang pahayag ni Engineer.

I can smell victory. Pinapahiya niya lang ang sarili niya. Based on his looks and personality, alam kong mas matalino ako sa kaniya.

Tumayo na ako at gan'on din siya.

Nakangiti lang ako kasi confident akong masasagot ko 'to ng tama. Nagsolve ako at gan'on din siya. We need to find the derivative of a trigonometric function if y= sin(3x)sec(3x).

Parehas lang kami ng nakuhang sagot: 3sec(3x)^2, pero nauna akong natapos sa kaniya.

Naglakad na ako pabalik sa upuan ko; naramdaman ko rin ang pagsunod niya.

"Mr. Soriano got it correctly. Congratulations! The entire class cheered for him. I was about to complain dahil parehas kami ng sagot, pero nagulat ako nang makitang iba na ang sagot ko.

That bastard, binura niya yung 3 sa unahan!

"I'm sorry, Ms. Corsanes, but you forgot to differentiate the inner part of the equation."

Ang epal niya talaga kahit kailan. Baka nga kinopya niya lang ako e, tapos tsaka niya binura 'yung sagot ko. Badtrip!

"Did you like it? It's awesome, right?" He's grinning from ear to ear, na lalo kong ikinainis. Anong awesome d'on? Mas awesome pa yata kung sisipain ko nalang siya papuntang Pluto.

"Nye nye nye! Talk to my hand."

"Attitude ka girl?" he smirked at umiling-iling pa. He even mimicked how other people talk about him.

He must be enjoying this moment.

Hinayaan ko na lang siya. Hindi ko siya pinansin kahit salita siya nang salita. Parang wala lang akong naririnig.

Binatukan ako ni Vettinah ng matapos ang klase. Half-day kami ngayon pero kailangan namin mag-attend sa meeting ng organization.

"Aray! What was that for?" I asked.

"Gago, ang landi mo," sabi niya habang tumatawa.

I rolled my eyes because I know that she's referring to that bustard.

"Have you guys met before? It seems like you know each other." I just shrugged and ignored what she said.

"Alam niyo, tara na. Late na tayo o," pag-aaya ko sa kanila, trying to change the topic and divert their attention.

Mabilis natapos ang meeting namin sa organization. It's quite boring kaya hindi ako masyadong nakinig.

"Guys, may bagong bukas na cafe sa—"

"Pass," sabay-sabay naming sabi dahil dinedemonyo na naman kami ni Cassandra na gumastos. Sa barkada, siya ang laging late sa oras ng usapan, pero galante naman sa galaan.

"Huwag na kayong pabebe. Libre ko, okay?"

She rolled her eyes at hinila na kami palabas ng campus.

"Wow!" I said to myself as we arrived at Tsai Tea Station, the newly opened café near Gomez Street. Ang minimal ng design, talagang nakaka-akit sa mata. Maliit lang ang lugar, but fair enough para magkasya ang 10-15 na tao.

I ordered a Belgian waffle with Okinawa milk tea. I was actually craving for this, kaso tinatamad akong gumastos.

While waiting, I took a picture of the place and uploaded it to my Instagram story. Maganda yung aura ng lugar; ang fresh at relaxing sa mata. Nalaman ko na yung may-ari mismo ang nagpinta, at nagdesenyo ng lugar.

But, I suddenly raised my eyebrow because of what I saw.

rogeliosoriano started following you.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status