LOGIN
“Puwede ba, umalis ka na!”
Hindi nagpatinag si Liza Mae sa sigaw na iyon. Kahit pa halos lumabas na ang ugat sa leeg ni Luther, hindi niya sinunod ang gusto nitong umalis siya. Hindi ang sigaw nito ang makakapigil sa gusto niya. Hindi porque sumigaw ito ay titigil na siya. Hindi porque gusto nitong umalis siya ay tapos na ang lahat. Hindi gano’n kadaling patigilin ang isang Liza Mae.
Madiin siyang pumikit at huminga nang malalim, lihim na bumulong ng isang panalangin.
Dios ko, bakit ba ganito? Mahina niyang bulong. Gusto lang naman niyang maging straight na lalaki itong kaharap niya pero bakit ang hirap? Gusto lang naman niyang makita nito ang nakikita niyang posibilidad na kaya pa nitong magbago. Gusto niyang ipamukha rito na hindi porque naging ganito ay katapusan na ng mundo. Muli siyang nagdilat at lihim na pinagalitan ang sarili. Bakit ba kasi pumasok siya sa ganito?
Dahan-dahan pa siyang lumapit sa puwesto ni Luther bitbit ang maliit na tupperware na may lamang ulam na niluto pa niya talaga. Lihim siyang napangiwi nang maalala ang ginawa niya kanina. Hindi niya maisip na nagluto pa talaga siya para sa lalaking ‘to.
Erase, bulong niya sa sarili. Hindi pala ito lalaki.
“Sabi ko, umalis ka na! Bingi ka ba?” muli na naman nitong sigaw at padabog na inilapag ang hawak nitong bote.
Bingi ba siya? Hindi siya bingi. Wala na siya sa matinong pag-iisip. Sino ba namang matino ang gagawa katulad nang ginawa niya kanina? Wala! Katangahan na siguro ‘to talaga.
Napayuko siya at nakita niya ang kamay niyang may bahid na sugat bunga sa ginawa niyang pagluto. Marami siyang naging sugat dahil sa kagustuhan niyang magluto para may madala siyang ulam sa baklang broken hearted ngayon. Palagi naman itong broken hearted kaya hindi na issue.
“Dinalhan kita ng—”
Tumingin ito sa kaniya na para bang siya pa ang inoobserbahan nito. “Bingi ka ba talaga? Bakit ayaw mong lumabas?”
“Dinalhan kita ng pagkain,” pagpatuloy niya sa naudlot na sasabihin niya dapat kanina. “Kasi feeling ko hindi ka—”
“Yes, feeling ko hindi talaga kita gusto kaya umalis ka na!” sigaw na naman nito at pinapamukha talaga nitong wala itong gusto sa kaniya.
Huminga siya nang malalim at inilapag ang dala niyang tupperware sa mesa kung saan nagkalat ang mga walang laman na bote ng beer. Ano na naman kaya ang problema nito at naisipan na namang maglasing? Kung hindi siya nagkakamali, halos araw-araw na lang itong umiinom ngayon pagkatapos ng eksena na ‘yon. Kahit siya siguro, hindi niya kayang tanggapin. Pero mali talaga ‘yon, eh. Mali ‘yon.
Bakit, Liza? Ano ba ang tama? Tanong ng utak niya at hinarap na naman ang binata pagkatapos niyang mailapag sa mesa ang tupperware na dala.
Kami, kami ang tama, bulong niyang sagot.
Ngumiti siya kahit kunot na kunot ang noo ng lalaki. Kahit pa ilang beses pa nitong ikunot ang noo nito ay wala siyang pakialam. Gustong-gusto pa nga niya tuwing kumukunot ang noo nito. Parang handa na itong patayin siya gamit lamang ang titig nitong parang pinapaligiran ng apoy. Wala naman sigurong dahilan para patayin siya nito, maliban sa hindi niya ito sinusunod na lumabas siya.
“Dinala ko lang itong ulam na niluto ni Mama, sabi niya kasi hindi ka pa raw kumakain,” aniya na nagawa pang magsinungaling. Siya naman talaga ang nagluto no’n kahit pa pagod ang mga kamay niya dahil maghapon siyang nagtahi. Hindi niya lang talaga kayang tiisin na hindi na naman ito kakain ngayon.
Hindi sumagot si Luther at tinitigan lang siya. Sanay na siya sa ganito pero mas sanay siyang inaayawan siya ng lalaki, kahit na seventy percent na feeling babae ito. Ewan din ba at bakit ganito siya, pakiramdam niya kaya lalaki pa rin ito kahit iba ang paraan nito ng pananalita.
“Thank you, girl. Pakisabi sa Mama mo na malapit na akong maka-move on, kaunting push na lang talaga.” Mabilis nitong naabot ang bote at uminom na naman do’n.
Ang unfair talaga ng baklang ‘to! Kapag si Mama ang nagbigay biglang bumabait pero kapag ako, demonyo pa rin, aniya sa sarili at pinaikot ang mga mata.
Napailing na lang siya. Kung may picture lang talaga siya sa lalaking nagpaiyak sa crush niya, baka bumili na siya ng barbie doll at karayom, kukulamin na niya talaga ang lalaking ‘yon. Ang problema nga lang, hindi siya marunong mangkulam. Pero madali na lang naman siguro ‘yon. Kung may picture lang siya sa nagpaiyak dito, marami naman sigurong tutorial sa internet kung paano gawin ‘yon, eh.
Bago pa siya makaisip ng kung ano-ano ay kinuha na niya ang mga bote na walang laman para iligpit at ilagay sa basurahan. Itatago na rin niya ang mga may laman pa baka hindi makapasok sa trabaho ang lalaking ‘to dahil sa kalasingan. Pero bago pa siya matapos sa pagkuha sa mga bote ay nahawakan ni Luther ang braso niya.
“Anong ginagawa mo?” tanong nito sa kaniya na walang halong kabaklaan. Titig na titig ang maiitim nitong mata sa kaniya.
Napalunok siya ng dalawang beses. Ito na ba ‘yon? Ito na ba ang hinihintay niya? Hahalikan na ba siya nito gaya sa mga nakikita niyang pelikula? Ito na ba talaga ‘yon? Pero teka, hindi pa siya ready! Bakit naman binibigla siya nitong baklang ‘to!
“Nililigpit ang mga kalat mo. Umayos ka na nga, may pasok ka pa bukas.”
Gusto niyang palakpakan ang sarili dahil nakaya niyang makipagtitigan dito at sabihin ang linyang ‘yon na hindi nauutal. Ilang beses pa niyang pinractise ‘yon. Pinanood pa nga niya iyon nang ilang beses dahil pakiramdam niya ay bagay na bagay iyon sa pag-acting na gusto niya. Nababaliw na nga yata talaga siya.
Pero ngayon pa ba niya tatawaging baliw ang sarili? Matagal na siyang baliw. No’ng una pa lang na nagkagusto siya sa isang bakla.
Pinilit niyang makawala sa pagkakahawak nito pero hindi niya magawa. “Bitiwan mo ‘ko, para matapos ko na ‘to.”
“Totoo ba?”
“Totoo ang alin?”
“Totoo ba na may gusto ka sa’kin?”
Bigla siyang natigilan at kung totoo man ang linyang ‘gumuho ang mundo’ ay ganoon ang nararamdaman niya. Dios mio ! Ilang beses na siyang nagmukhang tanga para lang ipaalam dito na may gusto siya rito pero tatanungin siya nito ngayon na totoo bang may gusto niya rito?
Gusto niya tuloy tampalin ang noo niya ng ilang beses. So, hindi pala effective ang mga kagagahan niya noon? Halos isigaw na niya sa buong mundo na crush niya ang baklang ‘to pero baliwala lang pala iyon lahat!
Pilit niyang pinakalma ang sarili at bumalik sa huwesyo. Ano ba talaga itong pinasok niya? Hindi na niya maintindihan.
Nang bitiwan siya ng binata at umiling-iling ay lumunok siya. “Lasing lang ako,” mahina nitong saad at muli na namang umaksiyon na hahawak sa bote pero agad niya itong pinigilan.
Gulat itong tumingin sa kaniya na nangtatanong ang mga mata. Pero imbes na sumagot, sinakop niya ang labi nito. Hinawakan niya ito sa leeg para hindi kumawala. Habang ginagalaw niya ang kaniyang labi ay mas lalong humihigpit ang kaniyang mga kamay sa paghawak dito. Bawat galaw ay tantyado, baka isang pagkakamali niya lang ay magbago ang takbo.
Wala siyang nakuhang reaksyon sa lalaki. Hindi man lang ito nagpumiglas gaya nang inakala niya. Hindi siya nito tinulak, ni hindi rin siya nito sinampal. Wala itong reaksyon. Pero hindi rin nito sinagot ang kaniyang halik, hindi ito gumalaw.
Nang magmulat siya ng mga mata ay nakita niyang nakadilat si Luther. Wala pa rin siyang mabasa na reaksyon dito sa ginawa niya. Walang galit siyang nababasa sa mga mata nito. Pero titig na titig ito sa kaniya na para bang isa galaw lang niya ay kakainin siya nito ng buhay.
Ibang kain kasi ang gusto ko, hirit pa ng utak niya.
Agad niyang winaksi ang idea na ‘yon at baka magpakain nga siya. Delikado na. Wala pa ‘yan sa plano.
Humakbang si Luther at tinanggalan ng space ang pagitan nila. Muli na naman niyang naamoy ang alak sa hininga ni Luther. Pero bakit gano’n? Kahit amoy alak ito ay mabango pa rin para sa kaniya ang lalaki. Nababaliw na nga siguro talaga siya.
“Ganito ba ang gusto mo, Liza?” seryosong tanong nito sa kaniya. Muli na naman nitong hinakbang ang mga paa at inilapat ang mukha nito sa kaniyang leeg. Siya naman ngayon ang parang naparalisa, hindi niya magalaw ang kaniyang katawan para lumayo.
Warning! Warning! Sigaw ng kaniyang utak. Parang ito lang yata ang warning na hindi niya pakikinggan.
“Ito ba talaga ang gusto mo?” muli na naman nitong tanong. At bawat salitang binibigkas nito ay nagdulot ng kiliti sa kaniyang leeg.
Ito na ba ‘yon? Bakit naman ganito ang kiliti? Parang ‘di ko kayang magpigil.
Pumikit pa siya nang maramdaman na dumampi ang labi ni Luther sa kaniyang leeg at dinilaan. Mababaliw na yata siya!
“Ganito ba?” anito na parang iba na ang boses at mas lalong idiniin ang mga labi sa kaniyang leeg. Wala siyang ibang nagawa kun’di ang kagatin ang kaniyang pang-ibabang labi at pinilit na ‘wag umungol.
Dios mio, isang mali ko lang ay baka mawala ang pinaghirapan ko.
Nang handa na sana siyang sumagot ay saka niya naramdam ang basang likido sa kaniyang leeg na dumaloy pa hanggang sa kaniyang damit.
“Pucha! Luther! Bakit mo naman ako sinukahan!”
Hinampas-hampas ni Liza ang unan nang makapasok na siya sa kwarto niya. Hindi na nga niya kinausap ang Mama niya nang makarating siya sa bahay. Pakiramdam niya para bang pinagsakluban siya ng langit at lupa. Naiinis siya sa part na alam na nga ni Luther na ito ang crush niya pero nagawa pa nitong sabihin na huwag niya raw agawin ang boyfriend nito.“At bakit ko naman aagawin? Baliw ba ‘ko?” pagkausap niya sa sarili at humarap pa sa salamin. Tinuro niya ang sarili at tumaas ang kilay niya. “Ako? Baliw?” Mahina siyang natawa. “Baliw kay Luther, oo. Kaya hindi ang boyfriend ni Luther ang aagawin ko, kun’di si Luther mismo!”Kung kanina ay naiinis siya, iba na ang nararamdaman niya ngayon. Parang maganda yatang plano ang agawin si Luther sa boyfriend nito. Operation: Agawin si Luther!Nagpahid na siya ng luha at inayos na rin ang pagkakatali ng buhok niya. Walang patutunguhan kung iiyak lang siya nang iiyak. Hindi naman niya maaagaw si Luther kung iiyak lang siya sa kwarto niya diba? Mas
Hanggang sa matapos kunan ni Liza ng mga measurements ang pinsan niya ay hindi talaga lumabas ng kwarto ang hinayupak na Luther. Hindi naman siya isinilang kahapon para hindi malaman kung ano ang ginagawa ng dalawa sa loob.Hindi na niya alam kung tama pa ba ‘tong ginagawa niya. Mas iniisip niya kasi kung anong ginagawa ni Luther sa loob. Baka hindi nito gusto ang ginagawa nito. Pero napipilitan lang ito dahil gusto nitong lumayo siya.Hay nako! Delulu ka talaga, gurl. Galit na sigaw ng utak niya. “Are you okay? Is there something bothering you?” tanong ng pinsan niya nang mapansin na aligaga siya. Hindi rin naman talaga siya mapakali dahil gusto ng mga paa niya na lumapit do’n sa kwarto na pinasukan ni Luther.Kanina pa siya kating-kati na tanungin tong pinsan niya. Kung jowa ba talaga ni Luther ang kasama nito ngayon sa kwarto. Baka naman kasi diba kapatid lang or baka pinsan lang din. Napabuntong hininga na lang siya at nagkamot ng ulo.“Eh kasi, Kitty.” Panimula niya nang matapos
Kasalukuyang ginugupit na ni Liza ang mga tela na tatahiin ng Mama niya para sa araw na iyon. Siya na kasi ang nag-layout sa gown na ‘yon kaya pumayag na lang ang Mama niya na ito na ang magtahi basta daw puntahan na niya ang pinsan niya sa Butuan para makunan na ng sukat.Muli na namang na-open ng Mama niya ang tungkol sa pag-aasawa niya kanina. Hindi niya tuloy alam kung dapat ba siyang matuwa dahil ito na talaga ang naghahangad ng apo or dapat ba siyang ma-pressure dahil hindi niya alam kung makukuha ba niya talaga si Luther. Dahil tinaga na niya talaga sa bato na kung hindi niya mabibingwit si Luther ay hindi na talaga siya mag-aasawa. Ever! Period!Isa lang ang meaning no’n, hindi magkakaroon ng apo si Mama, bulong ng isip niya. Bakit ba kasi ayaw akong tulungan, eh. Edi tiba-tiba na sana kami.“Liza, tapos na ba ‘yan? May isa ka pang gugupitin dito bago ka lumakad.” Biglang tumaas ang kilay niya nang marinig ang sabi ng kaniyang Mama. Napatingin na lang siya sa isang nakatuping
Kanina pa nakasulyap si Liza Mae sa bintana ng kaniyang kwarto para masilip ang kaniyang crush na daig pa ang isang Koreana kung maglagay ng foundation. Kasalukuyang nakaharap sa salamin si Luther at kitang-kita niya kung paano ipinahid ng binata ang hawak nitong brush sa mukha nito.“Ay talaga naman, oo!” aniya sa sarili. “Kung makapahid ng brush ay akala mo talaga babae, eh. Pero sabagay, ako nga na babae hindi marunong mag-make up. Kung magpaturo na lang kaya ako sa kaniya para kunwari may reason ako para makalapit.” Napailing na lang siya sa naisip niya. Kung ano-ano na naman ang naiisip niya.Umayos na lang siya ng upo at nilakihan ang bukas ng kaniyang kurtina. Ang gwapo talaga ng crush niya, hindi halatang baliko. Ang sarap ngang hawakan ang muscle nito, panigurado na hindi malambot ang mga iyon.Isa rin sa dahilan kung bakit hindi siya naniniwala na bakla ito dahil sa katawan din nito. Ang laki ng katawan ni Luther. Alam mo ‘yong katawan na nakikita mo sa mga Rated SPG? Gano’n
Nakahinga na nang maluwag si Liza Mae nang sa wakas ay nakasakay na siya sa tricycle at eksaktong isang pasahero na lang ang kulang at puwede na silang umalis. Hindi nga rin niya maintindihan kung bakit nauwi siya sa ganito. Ang gusto lang naman sana niyang bilhin kanina ay ang bagong released na libro ng writer na iniidolo niya pero bakit nakita na lang niya ang sarili na pumasok sa tindahan ng mga gamit sa pagtatahi kung saan mayroon na siyang suki card. Kaya ngayon ang dami niya tuloy bitbit. Kung ano-ano pa kasi ang pinupuntahan, eh.“Finally, aalis na rin tayo,” ani ng katabi niya na umurong pa talaga palapit sa kaniya para magkaroon ng malaking puwesto. Mabilis na tumaas ang isang kilay niya habang hawak ang mga pinamili niya. Hirap na hirap na nga siyang hawakan iyon lahat pero mukhang hindi nakikita ng lalaking katabi niya. Hindi rin siya nagpatinag kahit pagod siya, mas lumapit pa siya sa katabi niya para magkaroon siya ng malaking puwesto. “Hoy, Miss! Grabe ka naman, naiip
Panay ngiti ang ginawa ni Liza Mae at pakanta-kanta pa nang makita niyang papasok na ang lalaking palaging laman ng kaniyang panaginip, walang iba kun'di ang lalaking nasa labas ng gate. Nakasuot pa ito ng uniform nito bilang guro at muli na naman nagkusang ngumiti ang mga labi niya.Ang pogi talaga ng crush ko, parang ang sarap ipasok sa puk- ay este sa pitaka ko! Kasyang-kasya ka talaga dito kasi wala ‘tong laman. Maraming space, natawa siya sa naisip pero agad din siyang napailing at tinampal ang sariling noo.“For goodness sake! Hindi pala siya straight na lalaki,” aniya sa sarili at muli na namang napailing. Tinitigan na lang niya si Luther na inaayos pa ang pants nito. “Ang lapit-lapit mo lang pero parang ang hirap mong abutin.”Ang hindi lang kasi niya maintindihan ay kung bakit sa isang baliko pa siya pinana ni Kupido? Puwede namang doon sa walang sabit, eh. Bakit doon pa sa lalaking hindi babae ang hanap? Sa dinami-dami ba namang lalaking matino, dito pa siya napana sa lalaki







