LOGINHindi ako kailanman naging pasyente ng ina ni Gazelle kaya malaking katanungan na makita ko ang pangalan ko doon. Nang buksan ko ang folder, natulala ako sa nilalaman nito… mga liham, napakarami, at lahat ay mula sa aking ina.Bakit nasa posesyon ni Gazelle ang mga ito?Bakit hindi ito kailanman ibinigay sa akin ni Dr. Sinclair, ang ina ni Gazelle?O... baka naman nagtangka sila?Agad kong tinawagan si Dr. Castillo, na nakatrabaho ni Dr. Sinclair sa madilim na panahon na iyon ng aking buhay. Sinabi ko ang concern ko sa ama ni Dante, nagulat din ito na naroon kay Gazelle ang mga liham.“Ibinigay nga iyon sa iyo ni Dr. Sinclair, Max,” malumanay niyang sabi, na ang tinutukoy ay ang aking biyenang babae. “Pero dahil sa trauma na mayroon ka, at sobrang bata mo pa noon, pinili niyang hawakan muna ang mga iyon hanggang sa handa ka nang harapin ito.”Mabagal akong bumuntong-hininga, habang pinipilit na unawain ang lahat. “Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin ang alinman dito, Uncle?”“Inisi
Siguradong may rason si Dante para sabihin sa akin ang kanyang hinala. Kuryosidad akong tumingin ako sa direksiyon niya, habang nag-uumpisang pumukaw ang kuryosidad sa aking dibdib.“What do you mean by that? Hindi ba’t ang assistant mo dito sa ospital ang nagbigay sa ‘yo ng balitang namatay si Kyros?” tanong ko.“Oo. Si Dr. Smith mula sa departamento ni Gazelle ang nagbigay din sa kanila ng parehong impormasyon noong araw na dinala si Kyros sa ospital. Pero ang problema...”Nag-atubili siya, habang nakasalubong ang mga kilay sa pagkalito.“Noong dinala ni Tessa Matthews ang kapatid mo, may mga pasa sa mukha si Kyros; hindi siya makilala ng emergency staff. Masyado silang nakatutok sa pagliligtas ng buhay nito. Ipinaliwanag ni Tessa Matthews na naaksidente sila, saka niya ipinaalam sa mga staff at kinumpirma ang pagkakakilanlan nito bilang si Kyros...”Nag-isip ako nang mabuti. Hindi ko pwedeng ipagsawalang bahala ang narinig ko. “Mapapansin ng madrasta ko kung hindi si Kyros ang taon
Completely hopeless, paralyzed, I’m unable to do anything to find the woman so desperately needed.Dalawampu't apat na oras na ang lumipas mula nang mawala si Gazelle. Sa iilang beses nang naganap na para bang gusto akong kainin ng dilim.Sinusundan ako ng aking ina tulad ng isang multo, hindi kailanman lumalayo, palaging nakaantabay sa sulok ng aking isipan. Her voice shifted tones, accusing me of becoming just like my father.Nawawalan ako ng paningin sa lahat ng bagay nang paulit-ulit, maliban sa melodiya ng lullaby ng aking ina na tumatakbo sa aking pandinig. Ngunit tuwing susubukan niya akong hilahin papasok sa kanyang baluktot na mundo, nakikita ko ang mukha ni Gazelle, kasama ang aming hindi pa naisisilang na anak. Gusto kong maging maayos ang isipan ko para kung sakaling bumalik si Gazelle, ibibigay ko sa kanya ang lahat ng nararapat para sa kanya. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong naroon ako kapag isinilang na ang aming anak.Ngunit iniwan ko ang aking asawa noong pinakak
MaximusPain…Iyon ang unang bagay na naramdaman ko pagkadilat ng mga mata. Dahan-dahang luminaw ang mga tingin ko sa napakaputing kisame. Pagkatapos, isang matalim na kirot, manhid at sakit ang kumalat sa buong binti ko.Nakahiga si Ivan sa tabi ko, nakapikit ang mga mata, at mababaw ang pagtaas at pagbaba ng kanyang dibdib sa bawat paghinga. Patuloy ang pag-beep ng aparato sa gilid na nagmomonitor sa lagay namin. Damn it!Nanumbalik sa akin ang ala-ala kung saan kapwa kami tumakbo ni Ivan mula sa loob ng bodega ilang segundo bago ito sumabog. Naalala ko ang nakabibinging ungol, ang init, at ang matinding sakit nang may malaking tipa ng debris ang bumagsak sa binti ko.May malaking benda, posibleng simento ang nakabalot sa isa kong binti habang manipis na gauze lang sa kabila. Saka ko naalala si Emma. Hinihila niya si Gazelle patungo sa kabilang exit ng gusali. Hindi ko na maalala kung tuluyan sila na nakalabas dahil binalot ng usok ang gusali mula sa nagsipagbagsakan na mga bato.
Napaigtag sina Lucas at ang kanyang grupo sa ingay ng sunod-sunod na pagsabog na galing sa itaas ng burol.Nangangati na ang kanyang paa na sundan ang mga kaibigan, ngunit ibinigay sa kanya ni Maximus ang trabaho na abangan ang sasakyan ng kahit na sinuman dahil sigurado na may back-up si Victor para makatakas.They had already sealed off the roads heading both north and south.Pero nang lumabas ang sasakyan ni Emma, doon gumawa ang babae ng isang napakalaking pagkakamali.Ganap na hindi nakapaghanda si Lucas at ang team niya.“Putang ina!” sigaw ni Lucas, nakakuyom ang mga kamao habang pinapanood ang sasakyang lumubog sa bangin at nawala sa nag-aalimpuyong tubig.Malinaw niyang nakita ang mga pasahero, sina Emma at Gazelle, nagpupumiglas habang gumugulong ang kotse pababa sa matarik na bangin.Biglang huminto ang mga motorsiklo at isang kotse sa kalsada. Mabilis na bumaba ang mga sakay nito at napatingin sa kaguluhang nasa harap nila. “Anong nangyari kina Maximus at Ivan?” tanong ni
Sa sandaling iyon, habang pinapanood ang pagsabog na sumisira sa lahat ng aming naiwan, ang tanging naiisip ko lang ay ang makatakas sa pagdukot ni Emma. Kailangan ko lang makalayo. Umagos ang mga luha sa aking pisngi habang binabalot ng takot.Kapag may nangyaring masama kay Maximus, hindi ko ito makakayanan. Gusto kong sumigaw. Kailangan ko ng mga sagot. Kailangan kong maintindihan kung bakit nangyayari ito.Bago pa man ako makapag-isip nang maayos, isang kotse at motorsiklo ang lumitaw sa aming likuran, posibleng mga tauhan ni Ivan.Sinubukan nilang paulanan ng bala ang sasakyan na minamaneho ni Emma. Kaya naman nag-swerve kami para makaiwas. Mabilis na nakahabol ang motorsiklo, halos nasa unahan na namin.I was terrified; for my baby, for everything!Ang makipot na daan sa kabundukan ay kumakawag sa gilid ng mga bangin, na walang iba kung hindi mga matutulis na bato at ang malalim na asul na dagat sa ibaba.Ito ang uri ng daan kung







