“Good morning, Baby!” bati ni Wesley at Wilbert nang bumaba si Viviene mula sa hagdan.
“G-Good morning,” tipid na tugon ni Viviene.
Masama ang pakiramdam niya, masakit ang ulo niya at katawan. Dala siguro nang maulanan siya kagabi at nakatulog na lang na dahil sa sobrang bigat ng dinaramdam niya. Hanggang ngayon nga ay magulo pa rin ang isipan niya. Kahit pa lumayo siya kay Theo ay alam niyang hindi pa rin siya nito titigilan. At napamahal na rin sa kanya ang buong pamilya ni Theo kaya mabigat sa puso ni Viviene na layuan ang mga ito. Lalo pa’t naging mabait ang mga ito sa kanya. Ang kalinga na hinahanap niya sa isang pamilya ay natagpuan niya sa pamilya ni Theo, lalong lalo na sa ina’t Abuelo ni Theo.
Sinalubong ni Wesley si Viviene, dinikit nito ang palad nito sa noo ng kapatid niya.
“May sinat ka pa rin. Kaya mas mabuting magpahinga ka na muna–”
Umatras si Viviene, “Ayos lang ako, Kuya. Sinat lang ‘to–”
Sumeryoso ang mukha ni Wesley, “Hindi ‘yan binabaliwala lang Viviene. Kahit sinat pa ‘yan. Kaya kapag sinabi kong magpahinga ka magpahinga ka.”
Napalunok si Viviene. Minsan lang magalit ang kapatid niya o kaya ang pagtaasan siya ng boses. Kaya alam niyang seryoso ang kapatid niya sa sinabi nito. Napatango na lamang si Viviene.
Bumuntong hininga si Wesley, “Good. Kumain ka. Pinagpaluto kita ng Arroz Caldo kay Manang Ising. Iyon ang kainin mo, pinahanda ko na rin ang gamot na iinumin mo. Inumin mo yun after mong kumain. Nagkakaintindihan ba tayo, Viviene?”
“Yes, Kuya.”
Ngumiti si Wesley, “That’s good. Papasok na ako sa opisina ko. Si Xenon, pumasok sa escuela. Si Daddy, nagkaroon ng emergency flight. Si Wilbert lang ang kasama mo rito sa bahay at ang mga kasambahay. Kaya alam na alam ko kung kumakain ka ba o hindi.”
“Kakain naman ako kung gutom ako, Kuya. Ayos lang talaga ako, okay? Mag-trabaho ka na. Baka maghirap pa tayo.”
“Never mangyayari ‘yan. Kahit pa hindi ka na magtrabaho hanggang pagtanda mo. Kaya kang buhayin ng perang mayroon tayo. So stop running away, okay? Aba’t baka may sumulpot na namang babae si Daddy–”
“Wesley!” saway ni Wilbert.
Sumimangot naman si Viviene, “Okay na sana, eh. Humirit ka pa talaga.”
Ginulo ni Wesley ang buhok ni Viviene, “Kaya ‘wag ka nang umalis pa sa bahay.”
Hindi umimik si Viviene. Bumalik siya sa puder ng Daddy niya pero hindi ibig sabihin noon ay may balak siyang manatili. Natatakot siya na madismayang muli sa ama niya. At nais niya ring magpakalayo-layo. Iyong walang nakakakilala sa kanya. Nais niyang magsimula muli ng buhay. At hayaan ang sariling makalaya sa pag-ibig niyang nabigo.
Hinalikan ni Wesley ang noo ni Viviene, “Alam ko na nag-iisip ka na naman na lumayas, Viviene. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay pag-alis ang solusyon. Paano ka matututo at makakalaya kung paulit-ulit kang tumatakbo imbes na resolbahin ang lahat?”
Sumimangot si Viviene, “Tigilan mo ako, Kuya. Umalis ka na nga.”
Bumaling si Wesley kay Wilbert, “Samahan mo na lang si Viviene sa hospital. Mas mainap na maipa-check up siya. Lalo pa’t nangangayayat ang kapatid natin.”
“I will take her to the vet–”
“Anong vet ka d’yan. Ginawa mo pang asawa itong kapatid natin,” asik ni Wesley.
“Biro lang. Umalis ka na nga!” wika ni Wilbert. “Umagang-umaga ang ingay mo.”
“Wilbert,” seryosong wika ni Wesley.
“Oo, na. Dadalhin ko nga sa ospital si Viviene, okay? Just chill.”
Naiwan si Vivienne at Wilbert. Gaya ni Wesley ay malambing rin si Wilbert sa kanya, pero mas lamang lang talaga si Wesley. Tahimik lang si Viviene na kumakain, bawat galaw niya ay pinagmamasdan ni Wilbert.
Sinigurado rin nito na uminom siya ng gamot. Daig niya pa tuloy ang isang priso, bantay sarado siya ni Wilbert.
“Magbibihis lang ako, Kuya. Tas punta na tayo sa hospital,” pagsuko ni Viviene.
Kailangan niya rin yata talagang magpa-check up. Mabilis na bumagsak ang timbang niya, nangingitim rin ang ilalim ng mga mata niya. Baka sa susunod na linggo ay buto’t balat na siya dahil sa mabilis na pagbagsak ng timbang niya.
“Okay, hintayin kita rito sa baba. Bilisan mo na rin. Baka abutan pa tayo ng traffic sa daan,” wika pa ni Wilbert.
Tumango lang si Viviene at mabilis na umakyat patungo sa silid niya.
***
“Bakit ka ba nandito?” Tanong ni Kristine sa pinsan niyang si Silas.
“Nothing, binibisita ko lang ang pinaka maganda kong pinsan. May mali ba roon?” nakangising wika ni Silas.
Umirap si Kristine, “Oo, dahil marami akong pasyente ngayong araw. Kaya tigilan mo ako, Silas.”
“I need you to prescribe me stronger sleeping pills–”
“Hindi pwede!” agap agad ni Kristine. “Hindi pwedeng masanay ka sa sleeping pills, Silas. Ilang sleeping pills na ang binigay ko sa ‘yo. Pang tatlong brand na sa buwan na ‘to–”
“But I can’t fucking sleep, Kristine. What do you want me to do?” Silas frustratedly said.
“I told you to try meditating–”
“Do you think hindi ko yan ginawa? I did everything you told me Kristine. Pero pahirap nang pahirap, Kristine. I can’t fucking focus on my job, mainit ang ulo ko sa lahat ng tao–”
“I can see that,” pasaring na wika ni Kristine.
Umungot si Silas, “Oh, please, Kristine! I need you to help me sleep.”
“I am not a psychologist or a psychiatrist, Silas! Iyan ang kailangan mo. Hindi ako, okay?”
“Sa tingin mo hindi ko yan naisip? Ginawa ko na ‘yan Kristine. But no one helped me improve!” galit na wika ni Silas.
“‘Wag kang magtaas ng boses mo. Nasa opisina kita. At ilang sandali pa ay tatanggap na ako ng consultation para sa mga pasyente. So you better go home and do some fucking yoga.”
Napahilamos sa mukha si Silas. Lahat ng suhestyon ni Kristine ay nagawa na niya. Ngunit ni isa sa mga iyon ay hindi siya natulungan. Ilang raw na siyang hindi makapagtrabaho ng maayos dahil roon. Sa loob ng isang linggo, tatlong beses lang siyang nakatulog. Ang mas malala pa roon ay isa o dalawang oras lang ang naging tulog niya.
Sinubukan niyang maglasing, baka sakaling makatulog siya at bumagsak dahil sa kalasingan pero hindi iyon ang nangyari. Nahuli niya ang kakilala niya na nangangaliwa. Muntik pa siyang bugbugin, mabuti na lang at naroon ang mga body guards niya.
Tumunog ang cellphone ni Kristine kaya natahimik si Silas at hinayaan ito na sagutin ang tawag nito. Ilang saglit pa ay pinatay nito ang tawag.
“Lalabas muna ako. Kaya umuwi ka na. May appointment ako mayamaya. Kaya lumayas ka na kung ayaw mong isumbong kita kay Abuela!”
“Whatever, Kristine!”
Umalis si Kristine at naiwan si Silas sa opisina ng pinsan niya. Humiga siya sa hospital bed na naroon, nahaharangan iyon ng kurtina kaya hindi makikita na nakahiga si Silas roon. Nagbabakasakaling makatulog siya. Ngunit ilang minuto pa ang nakalipas ay nakatulala lang si Silas. Halos maduling na siya kakatitig sa puting kisame pero hindi pa rin siya nakaramdam ng antok. Sumasakit na rin ang ulo niya.
Nakarinig si Silas ng tunog, inaakalang si Kristine iyon. Hahawiin niya sana ang kurtina nang makarinig siya ng boses.
“Stay here, Vivi. Babalik ako, okay? May aasikasuhin lang ako saglit sa restaurant. Ang sabi ng doktor, babalik siya rito after thiry minutes kaya maghintay ka rito, okay?”
“Oo, na kuya. Umalis ka na. Kaya ko ang sarili ko. Itetext na lang kita kapag tapos na check up, papasundo na lang ako sa mga driver–”
“No, babalikan kita rito. Kaya maghintay ka. ‘Wag na ‘wag kang aalis nang walang paalam, Vivi. So, please makinig ka sa pakiusap ko.”
“Yeah, I know. Sige na, umalis ka na kuya.”
Tumunog ang ang pinto. Hudyat na may umalis sa opsina. Tahimik lang si Silas, pinapakiramdaman ang babae. Inaakala ni Silas na pupunta ito sa direksyon niya pero hindi. Sa palagay ni Silas ay umupo lang ito sa sofa.
Ilang saglit pa ay nakarinig si Silas ng hikbi. At sa bawat hikbi na naririnig niya ay pakiramdam niya ay nararamdaman niya ang sakit na nararamdaman ng babae. Nais niyang hawiin ang kurtina at aluin ito. Pero pinigilan niya ang sarili at nanatili sa puwesto niya.“Ikaw nga! Ikaw ang babaeng matagal ko nang hinahanap!” Napalingon si Viviene nang marinig ang boses na yun. Kumunot ang noo niya nang hindi niya maaninag kung sino iyon. Kinabahana agad si Viviene, napahawak siya sa basong nasa harapan niya at handa iyong ibato. “Sino ka?” Nangingnig sa takot na wika ni Viviene. “I am not a bad guy!” muling wika ni Silas.“Ganyan naman lahat sinasabi. Pero yun pala serial killer!” giit ni Viviene. “Do I look like a killer to you?” inis na wika ni Silas.Nainis siya bigla sa paratang ng babae sa kanya. He is Silas Montemayor-Averde, mula siya sa isang prominenting pamilya. At isa ang pamilya nila sa pinaka mayaman sa bansa. And to think mapagkakamalan siyang killer? Mukha lang siyang bangangdahil hindi sapat ang tulog niya. But his face card? Mula sa mga ninuno niya hanggang sa kanya at sa pinsang niyang si Kristine? Hindi man sila pumasok sa mundo ng entertainment but they had been scouted a thousand times. Even internationally, maraming guston
“Ano bang gusto mong gawin ko, Silas?” Inis na tanong ni Kristine kay Silas na nakaupo sa mahabang sofa sa opisina niya, “I don’t know, Kristine. I can’t think straight, okay? Palala nang palala ang sitwasyon ko. I haven’t slept for days, Kristine. Pakiramdam ko sasabog na ang utak ko!” naiinis na wika ni Silas.“I told you, seek for a professional help, Silas. Hindi pwedeng porque hindi ka agad komportable sa doktor ay hindi ka na rin sisipot sa susunod pang session mo. You have to endure it to get better—”“No,” seryosong wika ni Silas. Sumeryoso ang mukha ni Kristine, “Then, I can’t help you. That’s the only thing I could tell you, Silas. Bukod r’yan ay wala na. Or do you want me to tell Abuela about this, Silas. Mamili ka.” “You can’t do that, Kristine. I know you won’t,” wika pa ni Silas. “Trust me, Silas. I can, lalo na kung kapakanan mo ang nakasalalay rito. You can’t go on with your life like that. Maapektuhan lahat nuyan, Silas. Kaya mas mabuti pang malaman ni Abuela par
“Ma’am, saan ka po pupunta?” Natatarantang tanong ni Cherry nang makitang pababa sa hagdan si Viviene. “Aalis ako, Cherry. Kayo na ang bahala dito sa bahay. Sa susunod, kapag sumulpot naman ang babaeng ‘yun tawagan niyo agad ako,” sambit ni Viviene. “Maghihiwalay na talaga kayo ni Sir, Ma’am? Hindi na talaga mapipigilan yan? Wala po ba kayong balak na awayin ang babae ni Sir?” sunod-sunod na tanong ni Cherry. Huminto si Viviene sa harap ni Cherry, “Hindi ko alam, Cherry.” “Pero kayo po ang legal na asawa, Ma’am. Kailangan niyong lumaban! Kahit pa siya ang mahal, kayo ang legal wife. Sa mga teleserye nga hindi nagpapaapi ang asawa sa kerida. Dapat ganun ka rin Ma’am!” Naiiling si Viviene, “Hindi ganun kadali, Cherry. Masyadong komplikado ang sitwasyon namin ni Theo. At higit sa lahat, ayaw ko nang ipilit ang ayaw pa…” “Ma’am hanggang sa ikaw at ikaw pa rin ang legal wife. May laban ka! Dapat gayahin mo yung sa teleserye, sinabunutan niya ang babae ng asawa niya. Pinagsasampal niy
“Theo!” galit na wika ni Camilla nang hindi umimik si Theo nang makaalis ang asawa nito. Hindi pa rin sumagot si Theo. Nagpupuyos na sa galit si Camilla, ilang araw niyang hindi nakita ang kasintahan. Panay tawag siya at text ngunit madalang lang ito kung sumagot. Kaya nagpasya na siyang puntahan ang bahay nito. Kinailangan niya pang magtanong kung saan nakatira si Theo dahil hindi niya kung saan ito nakatira. Maliban na lamang sa mansyon mismo ng mga Saldivar, kung saan isang beses siyang nakapunta roon.Bumuntong hininga si Theo, pagod siya at walang ganang makipag-away. Hinawakan niya ang kamay ni Camilla. “Iuuwi na muna kita,” wika pa nito. Napantig ang tenga ni Camilla sa narinig, “Anong ibig mong sabihin?” Imbes na nagpapahinga siya ngayong gabi ay pinili niyang magmaneho papunta rito dahil sa nais niyang makita si Theo. Ilang gabi na siyang hindi makatulog ng maayos dahil miss na miss na niya ang kasintahan. Alam ni Camilla ang lahat, na isang marriage for convenience ang
“Sakay,” mariing utos ni Theo kay Viviene. “Hindi ako sasama sa ‘yo,” sagot ni Viviene sa asawa. Matapos ang usapan patungkol sa kaibigan ni Theo na si Jake, ay pinauwi na si Viviene at Theo. Nakaiwas si Theo sa maaaring kapahamakan niya, kamuntikan na sanang mabuko ang relasyon nilang dalawa ni Camilla. “Tigilan mo ako sa kaartehan mo, Viviene. Sasakay ka o kakaladkarin kita?” “Hindi ako uuwi kasama mo. Uuwi ako sa sarili kong bahay. Don’t worry. Hindi ako magsusumbong o kung ano kay Mama at Papa. Lalong lalo na kay Abuelo. At bukas na bukas rin ay pupunta ako rito. Kaya wala kang dapat ikabahala. All you need to do is stay away from me, Theo.” Biglang hinablot ni Theo ang braso ni Viviene. “Aray!” reklamo ni Viviene nang diinan ni Theo ang pagkakahawak sa braso niya. “Bitiwan mo nga ako! Ano ba. Nasasaktan ako, Theo!” Nagpupumiglas si Viviene, ngunit tila ba walang narinig si Theo at bigla na lamang siyang kinaladkad patungo sa passengear seat. Binuksan ni Theo ang pinto a
“Abuelo!” bulaslas ni Vivienne nang makita si Julio Saldivar na nagmulat ng mata. Agad na dinaluhan ni Viviene ang matanda. Luminga-linga si Don Julio, nalilito ang matanda kung ano ang nangyayari. Ang huling natatandaan niya ay may kinausap siya. Bukod doon ay wala na siyang maalala pa. “Nasaan ako?” paos at nanghihina na tanong ng matanda. “Call the doctor!” utos ni Joseph kay Theo. Mabilis namang tumalima si Theo sa utos ng ama. Naiwan ang mag-asawang Saldivar at si Viviene. Hinawakan ni Vivienne ang kamay ng matanda. “Abuelo, kumusta ang pakiramdam mo?” puno ng pag-aalalang tanong ni Viviene sa matanda.Hindi sumagot ang matanda. Tila wala pa rin ito sa sarili. Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto, kung saan pumasok si Theo. Kasunod nito ang isang doktor at nurse. Ang nurse na may dala-dalang basket, habang ang doktor naman ay dala-dala ang chart ni Julio Saldivar. Agad na chi-neck ng doktor at nurse si Julio Saldivar. Mataman lang na nagmamasid ang buong pamilya nito. Isa