Pagkatapos ng deklarasyon ni Xayvier, mabilis na nagsimulang kumilos ang lahat. Hindi na kailangang ulitin pa ang mga plano—bawat isa ay alam na ang parte nila. Si Leandro ang unang tumayo, diretso sa may cabinet kung saan nakalagay ang ilang dokumento at mapa ng buong compound na kinaroroonan ng masyon at ang pasikot sikot sa mga building ng Juaquin's Corp. Binuksan niya iyon at inilatag sa mesa. "Dito natin ilalagay ang dummy trail," sabi niya habang tinuturo ang isang bahagi ng mapa—isang lumang warehouse na matagal nang hindi ginagamit pero nasa listahan pa rin ng mga ari-arian ng kumpanya ni Xayvier. "Ipalalabas natin na may meeting ako roon kasama ang isang potensyal na investor na may koneksyon sa stock shares ng kumpanya." Tumango si Raf, nakakunot ang noo habang iniisip kung paano gagawin ang pangingikil ng impormasyon. "Magse-set up ako ng dalawang burner phone. Isa para sa pekeng komunikasyon at isa para sa mga totoong galaw natin. Kapag may kumagat sa pekeng info, makik
Nagsimulang magpalitan ng tingin ang lahat, parang sabay- sabay na naglalaro sa utak nila ang ideya na baka nga may nakapasok nang tauhan ng mga Domingo sa mismong bahay na pinaglulugaran nila ngayon. Ang kwarto na dati ’y ligtas na espasyo ay tila biglang lumamig at nagmistulang hukay ng duda. Ang mabigat na presensya ng mga taong naroon ay mas nadagdagan pa. “Kung totoo ‘yan…” unti- unting wika ni Raf, habang pinipisil ang sentido, “…Ibig sabihin, kahit gumagalaw tayo dito, pwedeng may nagbabantay sa mga galaw natin. Pwedeng may nag- uulat.” “Hindi lang pwede, Raf,” singit ni Nate. “Sigurado. Matagal nang may tao ang mga Domingo dito sa loob ng mansyon. Tingin ko mula umpisa palang ay nagpasok na sila ng tao dito sa loob bago sila umatake. Para walang makakaalam at makakakilos sila ng malinis kung alam nila kung saan sila mag sisimulang titira.” Para sa isang aktor ay napakagaling nitong mag salaysay ng mga maaring mangyari. Siguro ay dahil dati rin itong police kaya ganon. Sum
Tahimik na nakayuko si Dom, pinaglalaruan ang ballpen sa pagitan ng mga daliri, siya kasi ang nag ta-take down ng mga napag- uusapan nila apra mamaya ay may marereview sila. Si Raf naman ay nakatingin pa rin sa nakapause na screen, para bang sinusuri ang bawat sulok ng frame, umaasang may makikita pang ibang clue na makakatulong sa kanila. Si Leandro, nakasandal sa upuan ngunit hindi mapakali— parang may naluluto na plano sa isip, mukhang unti- unti na nitong napagbubuklod- buklod nag mga pangyayari. May suspek na sila pero gusto muna nilang malaman ang tunay na mutibo ng mga Domingo. “Kung tama ang hinala natin,” basag ni Dominic sa katahimikan, “ibig sabihin, hindi lang basta selos ang dahilan ng lahat ng ‘to. May mas malalim na motibo. At yun yung tungkol sa sinabi mo(Leandro) tungkol sa kayamanan, posisyon, at koneksyon ng mga Juaquin.” “Exactly,” sagot ni Leandro, tumango at tumingin kay Dom. “Hindi lang si Katrina ang may interes dito. Malaki ang tiyansa na may mas mataas p
Tahimik ang buong silid, tanging mahina na tunog ng aircon ang maririnig sa pagitan ng mga taong naroon. Sa isang sulok, nakaupo si Leandro na seryoso ang ekspresyon, habang si Xayvier ay nakasandal sa sofa, nakapikit pero bakas sa mukha ang mabigat na iniisip. Hindi na bago sa kanila ang tensyon, pero ngayon, ibang klase— may halong galit, pagtataka, at lungkot sa nangyari at parepareho nilang hindi palalagpasin ang pangyayaring ito. Pagkatapos ng ilang segundo ng katahimikan, si Leandro ang unang nagsalita. "Simulan na natin ang imbestigasyon," aniya, diretso at walang paligoy. "Hindi tayo pwedeng maghintay pa. Kailangan nating malaman kung nasaan ang mga Domingo." Dumilat si Xayvier at dahan- dahang tumuwid ng upo. “Hindi lang basta paghahanap ‘to, Leandro,” malamig niyang wika. “Alam ko na kung bakit nila ginawa ‘to. At sigurado akong may kinalaman si Katrina at ang nanay niya.” Nagkatinginan ang iba pang naroon, halatang na- curious sa tinutukoy ni Xayvier. Si Leandro nam
Nagkatinginan ang grupo at natigilan matapos biglang tumayo ni Xayvier at ibalibag ang upuang kanina lang ay gamit nito, nanginginig ito sa galit ngunit agad namang nakabawi sa pag kagulat si Leandro at napigilan siya agad kasabay ng iba pa. “Huminahon ka muna Xayv. Hindi naman ibig sabihin niyon na siya agad ang salarin,” Saad ni Dominique habang hawak ang kamay ni Xayvier at pinipigilan ito sa pag wawala. Pinagtulungan nilang pakalmahin si Xayvier matapos ay ipinagpatuloy nila ang video. Sa isang bahagi, makikitang kinuha ni Yukisha ang maliit na pouch niya ang telepono saka pinindot iyon, mukhang may katext din ang dalaga. Matapos ang ilang minuto ay tumayo na ito at nag paalam sa mga kasama. Kasabay nito, tumingin muli ang kahina- hinalang katrabaho sa hawak nitong telepono, nag- type itong muli, at saka tumingin ng mabilis kay Yukisha bago bumaling sa iba. “Rewind mo tapos ipause mo,” utos ni Xayvier, mababa ang boses. Agad siyang sinunod ni Raf inulit nito saka in pause a
Tahimik ang silid. Sa gitna ng sofa nakaupo si Xayvier, bahagyang nakasandal ngunit ramdam ng lahat ang bigat sa kanyang balikat. Nakalapat ang mga siko niya sa tuhod, magkahugpong ang mga daliri, at nakayuko na para bang binibilang ang bawat pintig ng puso niya. Sa paligid, apat na pares ng mata ang nakatutok sa kanya— may halong pag- aalala, kaba, at inis. Huminga siya nang malalim at tumingin kay Leandro, na nakaupo sa kaliwa niya, saka siya na ang unang bumasag ng katahimikan. “Dro, kagabi nung tumawag ka… sigurado ka bang siya ‘yon? Na si Yukisha ang target nila?” Mabagal na tumango si Leandro, kinuha ang isang kopita ng alak na iniabot ng kasambahay kanina, at marahang iniikot ito. Narito sila ngayon sa isang pribadong silid sa loob ng mansion— lahat ng pinto at bintana nakasara, siniguradong walang ibang makakarinig. “Oo. At kung hindi ako dumating sa oras… baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Hindi ko inaakala ang narinig ko.” Napasinghap si Nate, ang artista sa g