공유

Bianca: The Kingpin's Dirty Little Secret
Bianca: The Kingpin's Dirty Little Secret
작가: inksigned

Simula: Bianca

작가: inksigned
last update 게시일: 2026-01-19 10:30:22

I groaned when a sudden headache hit me. Pero mas nagulat ako nang mag-ring ang cellphone ko. Lumingon ako sa side table pero wala ’yon doon, kaya hinayaan ko lang at bumalik sa pagtulog. Halos lumalim na ulit ang tulog ko nang biglang may sunud-sunod na katok sa pinto ng unit ko.

“Fuck…” mariing mura ko.

I dragged myself up as I struggled to put on my silk robe. Lulugo-lugo kong hinawi ang buhok ko saka walang ganang lumapit sa pintuan.

“Sinong—”

The door flew open when Dad and Mom suddenly barged in.

“What the hell are you doing here?” gulat na tanong ko.

Pero imbes na sagot ang ibigay sa ’kin ni Daddy ay isang malutong na sampal ang sumalubong sa pisngi ko.

“Rodrigo!” sigaw ni Mommy.

I touched my heated cheek and just grinned. “Good morning to you, too, Dad.” It came out very sarcastic.

Tinangka ulit akong sampalin ni Dad pero hindi ako natinag sa kinatatayuan. Sa halip, pilit siyang hinawakan ni Mommy sa braso.

“Let go of me, Leonor! Tuturuan ko ng leksyon ang walang hiya mong anak!”

“Please… tone down your voice, hon,” pakiusap ni Mommy. “Kausapin mo siya nang maayos.”

Dad just shrugged her off, then looked at me. “You will go back to Iloilo,” mariing utos niya.

Mas nangamba pa ako sa sinabi ‘yon ni Dad kaysa sa pagsampal niya. Tiningnan ko agad si Mommy, sinubukang humingi ng tulong, pero yumuko lang siya.

My jaw clenched. “Y-You can’t do that…”

“Bakit hindi? Sumosobra ka nang bata ka! Hinayaan ka naming dito sa Maynila kahit kung anu-anong eskandalo ang inihatatid mo sa pamilya. But this time… this will be the last. Santiago is filing a case against you! Umuwi ka ngayon doon at makipag-usap nang matino. You know Santiago is a big fish we couldn’t afford to have bad blood with. Pero anong ginawa mo? Isinangkot mo pa ’yung tao sa katarantaduhan mo!”

Hindi na ako nagulat sa reaksyon ng ama ko. Of course, he cared so much about reputation—about everything he could gain from connecting with influential people.

Kaya tinalikuran ko sila saka itinali ang buhok ko. “You want coffee?” alok ko.

Nasulyapan ko ang pamumula sa galit ni Rodrigo. “Bianca Ylondra!”

Pero imbes na makinig pa sa ama ko ay binalingan ko si Mommy. “Ikaw, ’My? Juice or tea? I have new hibiscus tea from your favorite brand,” pinasigla ko ang boses.

“Ylondra… please, makinig ka naman muna, anak,” she pleaded.

My hand stopped before I could reach the kettle. “’Edi magsampa siya ng kaso kung gusto niya. As if he was the only victim in that party. Biktima rin naman ako. Pero I won’t file a case because… well… I enjoyed him?”

Pareho silang napasinghap.

“Napaka-walang modo mo talagang bata ka!” singhal pa ni Daddy. “Look what Manila did to you!” Sinuri niya ako mula ulo hanggang paa.

But I just shrugged. Pati desisyon kong manatili sa Maynila ay ginawa na rin niyang issue. I stayed away because I wanted to live simply… away from them.

“Hindi mo na nirespeto ang dating nobyo ng kapatid mo!” sumbat pa ni Dad.

Natigil ang paglalagay ko ng tubig sa kettle. “Here we go again…”

“Rodrigo, please…” si Mommy.

“Bakit? Hindi ba’t totoo naman? She doesn’t honor her own sister!” Dad burst out.

Then, a loud thud of the kettle echoed in my entire unit. Huminga ako nang malalim saka pumikit. “Dad, please. Wala ako sa mood to even talk about this right now,” I dismissed.

“Ynes died because of you! And now, pati dating nobyo niya isinangkot mo pa dahil sa pagiging iresponsable mo. Hindi ka na nahiya kay Santiago! Your sister is dead, so the least you can do is respect her and Santi!” mariing saad ni Daddy.

Putang ina…

It really didn’t matter what that asshole Santiago thinks about me. Pero nang banggitin muli ng ama ko ang namayapa kong kapatid, it felt like reopening an old wound that never fully healed.

Nanginig ang kamay ko. “I respect Ynes, Dad…” pilit kong pinakalma ang boses ko.

Rinding-rindi na ako sa ganitong klaseng usapan dahil alam kong hindi maganda ang kahahantungan nito. Kaya mas mabuting tapusin na lang.

“Then fix this—”

“I will,” putol ko. “Kakausapin ko si Santi. And I’ll make sure this won’t even make a dent in your reputable name, Dad,” mariin kong saad.

Tumikhim lang si Dad at wala nang nasabi pa.

Totoo naman. Kulang na lang ay halikan niya ang mga paa ng lalaking ’yon. The only reason he was so mad was because I was dragging Santi into this issue. Hindi ito tungkol sa ’kin—hindi sa eskandalong nangyari. At lalong hindi dahil sangkot ako na anak niya. Galit si Dad dahil hindi niya kayang mawala ang loob sa amin ni Santiago.

Losing Santiago meant losing almost the entire Iloilo region.

He was the Sugar Kingpin, after all.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Bianca: The Kingpin's Dirty Little Secret   Kabanata 28: Slip

    Sinunod ko ang sinabing daan ni Mang Tomas. Ang mahabang dirt road na napapaligiran ng mga puno ay unt-unting nagbago ang tanawin hanggang sa matanaw ko ang isang pamilyar na bahay. Agad akong dumiretso roon. It was Mang Carding's house. Bagaman tinawag itong maliit ni Mang Tomas, bakas sa modernong disenyo at matibay na semento niyon na hindi basta-basta ang pagkakagawa noon. ​The door opened even before I could knock. I was greeted by a teenage girl. ​Literal na natulala ang dalaga nang makita ako. Nanlaki ang kanyang mga mata at parang namalikmata pa habang nakatingin sa mukha ko, tila ba hindi makapaniwala. ​I smiled softly and greeted her, “Hi.” ​Bumuka ang bibig ng dalaga pero walang salitang lumabas. Mukhang na-estatwa na siya sa kinatatayuan niya kaya bago pa maging mas awkward ay nagtanong na ako. ​“Nandyan ba si Mang Carding?” ​Mabilis siyang tumango, sa wakas ay mukhang nakabawi at mabilis akong pinapasok sa loob ng bahay. I even took a glance at the girl's flushed fa

  • Bianca: The Kingpin's Dirty Little Secret   Kabanata 27: Safe Haven

    Pagkatapos ng tanghalian na halos ikalunod ng utak ko sa usaping kasal, hindi ko na kayang manatili sa loob ng mansyon. Pakiramdam ko ay dahan-dahang sumisikip ang mga pader niyon habang paulit-ulit sa pandinig ko ang bawat salitang binitawan ni Mrs. Vega. Habang si Santiago, parang walang pakialam na umalis para sa isang biglaang meeting niya.​“Nothing is out of bounds when it comes to keeping this lie alive, Bianca,” bulong ko sa sarili saka ipinikit nang mariin ang mga mata ko habang mabilis na naglalakad palabas sa likurang bahagi ng mansyon.​Naiinis ako sa epekto ng boses ni Santi sa akin. At kinasusuklaman ko na mukhang wala akong laban sa bawat salita niya. Pero imbes na isipin ko nang isipin iyon ay nagpasya akong lumabas.​Ngunit habang lumalayo ako sa sementadong bahagi ng mansyon, doon lang unti-unting rumehistro sa akin kung nasaan talaga ako. The first time I was here, we arrived at night so I couldn't properly check the whole property. Iniisip ko na ang malaking bakura

  • Bianca: The Kingpin's Dirty Little Secret   Kabanata 26: Traces

    “Sleep and take rest,” sabi ni Santiago saka tumayo mula sa kama.Agad akong napaiwas ng tingin dahil walang paki siyang lumakad palayo, dahilan para humulagpos ang kumot mula sa kanya.His firm butt was fucking exposed! Mariin kong ipinikit ang mga mata ko, saka lang muling nagmulat nang marinig ang mahinang tawa niya.“Ngayon ka pa nahiya. You’ve seen this and even explored with it,” panunukso niya. Wala talagang preno ang bibig ng lalaking ito!Binato ko siya ng unan na agad naman niyang nasalo gamit ang isang kamay. “Perv!”Isang malapad na ngisi lang ang isinukli niya sa akin bago siya tuluyang pumasok sa banyo. The moment the door clicked shut, doon lang ako nakahinga nang malalim. Napasandal ako sa headboard, hila-hila ang kumot para takpan ang hubad kong katawan.Tiningnan ko ang mga unan na nagkalat sa sahig at ang gulo-gulong kama—traces of what we just did under the morning light.What are we doing? Pumayag akong magpanggap kami, pero kasama pa ba ‘to sa usapan?Tulala akon

  • Bianca: The Kingpin's Dirty Little Secret   Kabanata 25: The Solution (SPG)

    “We’re going to solve this pregnancy problem we have,” saad niya habang mabilis na hinuhubad ang suot na polo.Inilapag niya iyon sa gilid ng kama at literal na napatigil ang paghinga ko. Dumagdag pa ang liwanag ng umaga para mas madepina ang malalapad niyang balikat at matigas na dibdib. I gazed down, only to immediately look up when I noticed his V-line. Damn this man. Pero mas nakakakaba ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Madilim iyon at walang bakas ng pagod sa nagdaang gabi.Bago pa ako makaisip umabante o umatras, lumundo ang kama nang gumapang siya sa ibabaw ko. He didn't go for my lips right away. Sa halip, dahan-dahang bumaba ang palad niya sa tiyan ko. He lightly caressed my flat stomach, tracing my non-existent pregnant belly na para bang talagang may laman na ang sinapupunan ko roon. Napatitig ako sa kanya dala ang lakas ng kabog sa dibdib ko.But his hand didn't stop there. Unti-unting gumapang ang mga daliri niya pababa, sliding past the end of the white polo I was wear

  • Bianca: The Kingpin's Dirty Little Secret   Kabanata 24: Fever

    I felt my soul leave my body the moment the word “pregnancy” left Mrs. Vega’s lips. Gusto kong lumingon kay Santiago, pero ang tanging nagawa ko lang ay mapanganga habang hila-hila pa rin ni Tita ang kamay ko patungo sa loob ng mansyon.“T-tita, sandali lang po…” nauutal kong simula. “It’s not… I mean, nilagnat lang po ako.”Mrs. Vega just laughed—a laugh that made you feel like whatever you said didn't matter because she already knew better. “Hija, ganyan din ako kay Santiago noon. I thought it was just the flu. But look at him now.”Naramdaman ko ang paglapit ni Santiago sa likod ko. The heat from his chest was the only thing keeping me upright as we entered the foyer.“Ma, she’s still tired. Let her rest first,” Santiago’s voice was a low rumble behind me.Mrs. Vega didn't seem to hear him. Hinaplos ng ginang ang buhok ko saka maingat na pinasadahan ng tingin ang mukha ko. “We have so much to prepare, hija. The nursery, the vitamins, the announcement—Santi, have you called the Alca

  • Bianca: The Kingpin's Dirty Little Secret   Kabanata 23: Uncovering

    Bumungad sa akin ang mukha ni Zsa-zsa nang magising ako kinabukasan.“I arranged all your things. Ako na rin ang nag-check out sa hotel para sa iyo,” paliwanag niya.I roamed my eyes around the room and noticed Santiago sitting on the corner sofa while sipping his coffee. He looked like he hadn't slept. His eyes were dark and fixed on me.Muli kong binalingan si Zsa-zsa. “Thank you. Pasensiya na,” paos kong bulong.“No. You’ve had enough. Sa tingin ko kailangan mo ‘to. You talaga need to rest," she insisted, giving me a knowing look before checking her watch. “I have to go. I informed the brands already na may sakit ka, so your schedule is clear for the next few days. Magpagaling ka muna.”Nang makalabas si Zsa-zsa, naiwan ang isang mabigat na katahimikan sa loob ng kwarto. I noticed a readied breakfast on the tray beside me… a warm congee and some fruits. Sinubukan kong umupo nang maayos, pero halos malaglag ang puso ko nang biglang nasa tabi ko na si Santiago.I thought he was just

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status